Share

Kabanata 190

Author: Georgina Lee
last update Huling Na-update: 2025-05-02 20:47:11

Mabilis namang tumango si Akira habang may matamis na ngiti sa labi. Lihim na napailing si Graciella. Mukhang inlove na inlove si Akira kay Master Levine ah. Pero sabagay, age doesn't matter naman pagdating sa pag-ibig diba?

Humugot ng hangin si Graciella bago tumango. "Okay, sige, tutulungan kita "

Lumapit na si Graciella sa mga rack na nasa harapan nila. Baby face si Akira kung titingnan at napakaenergetic pa kagaya ng mga styles ng damit nito na nasa rack. Maganda naman ang mga damit pero napaisip siya na parang hindi iyon katanggap-tanggap sa mga taong medyo may edad na. Kung gusto mong magpaimpress, dapat ay medyo formal na damit ang susuotin nito.

Sa isipan ni Graciella, isang medyo may edad ng lalaki si Master Levine. Hindi din naman niya kasi ito nakita kahit isang beses lang kaya hindi niya alam kung ano ang itsura nito.

Habang namimili ng damit, hindi niya maiwasang mapanguso. May edad na si Master Levine pero ang hilig din pala nito sa mga babaeng batang-bata pa.

Tsk!

Paran
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
tumutilong lng cya KC Kapatid cya n Graciela.. sna manalo cya
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 272

    Mabilis na nakalapit si Auntie Salome kay Garett. "Garett! Huminahon ka! Hindi na ito magandang biro, hijo."Kung kanina nakukuha pa ni Cherry na makipag-angasan kay Garett, ngayon labis na takot na ang nararamdaman niya. Ito palang ang unang beses na nakita niya si Garett na parang baliw. Mukha itong sinaniban ng masamang espiritu!Agad na lumuhod si Cherry sa harapan ni Garett. Wala na siyang pakialam pa sa dignidad niya. "A—alam kong mali ako Garett. W—wag kang mag-alala, hindi na ako manggugulo pa. Wala narin akong hihingin pa sayo na kahit ano. Palayain mo lang ako..." Pagsusumamo niya at nagsimula ng umiyak.Kahit na nakita ni Garett ang pagluhod ni Cherry, walang nagbago sa ekspresyon niya. Noon madalas siya nitong pagalitan. Hindi niya inaakalang kaya pala nitong magpakumbaba.Nakakatawa lang kung isipin!Sinamantala naman ni Auntie Sarah ang pagkakataon at agad na inilayo si Cherry mula kay Garett para paghiwalayin ang dalawa at humupa ang tensyon."Garett, wala kang ibang da

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 271

    Marahas na tumayo mula sa sofa si Cherry at pinamewangan si Garett. "Dugo't laman ko si Gavin kaya dapat lang na sa akin siya! Kung magmamatigas ka parin, susunugin ko nalang itong pamamahay natin para mamamatay nalang tayong lahat! Kung hindi mapupunta sakin ang anak ko, pwes walang mabubuhay satin!"Madalas ay ganito ang ginagawa niya kay Garett noon. Tinatakot niya at pinagtataasan ng boses. Sumusunod naman ito sa kanya na parang isang mabait na aso at hindi na nakikipagtalo pa!Subalit imbes na sumang-ayon, tumayo din si Garett at sinalubong ng nag-aapoy nitong tingin ang kanyang mga mata. "Balak mong dalhin ang anak ko kasama ang kàbit mo! Sinasabi ko sayo, hinding-hindi mangyayari ang gusto mo—""At bakit hindi? Ako ang nanay. Kahit saang batas pa tayo umabot, ako ang mas may karapatan sa kanya! Wala kang pakialam kung sino ang magiging kasama ko pagkatapos nating maghiwalay at sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Gavin nang walang pahintulot mula sakin!"Nagpunta sa kusin

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 270

    Kaya maaga siyang umaalis ng bahay ay para magsikap at bigyan ng magandang buhay ang mag-ina niya. Hindi man ganun kalaki ang kinikita niya sa shop, pero kung tutuusin, sobra-sobra na iyon sa regular na estado. Tiniis niya ang lahat ng hirap basta wag lang mamroblema si Cherry. Subalit ngayong nagtaksil sa kanya ang babae, siya pa ang sinisi nito sa lahat!Bigla namang kinabahan si Cherry sa pananahimik ni Garett. Natatakot siyang may gagawing masama si Garett sa kanya. Ilang beses siyang napalunok. Napasulyap pa siya sa madumi nitong damit. Pakiramdam niya nasa isang pelikula sila. At kadalasan pa namang sinasabi ng iba na nakakagawa ng hindi magandang bagay ang isang lalaki kapag sobrang galit. Kung sakali man na may gagawing masama si Garett sa kanya, siguradong hindi siya makakatakas dahil alam niyang malakas ito gawa ng batak sa trabaho.Palihim na inilibot ni Cherry ang mga mata niya sa paligid habang naghahanap ng bagay maaari niyang gamitin para unahan si Garett.Humugot ng m

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 269

    Halos magdilim ang paningin ni Garett sa nasaksihan niya. Kahit na inaasahan na niyang may kaulayaw nga ang asawa niya, iba parin ang pakiramdam na nakita mismo ng dalawang mata niya ang mukha ng lalaki. "Mga walang hiya!" Nagngingitngit sa galit na asik ni Garett.Hindi kayang ilarawan ng kahit na anumang salita ang galit na nararamdaman ni Garett ng mga oras na iyon. Agad niyang hinila ang buhok ng lalaki at kinaladkad ito palabas ng closet. Nang makita niyang tatakas ang lalaki ay umigkas ang kanyang kamao. At dahil banat ang buto niya sa araw-araw na pagtatrabaho, malakas ang bawat suntok na binitawan niya.Namutla si Cherry sa sitwasyon sa harapan niya. Agad siyang lumapit kay Garett at pinigilan ang sunod na suntok na bibitawan sana nito sa mukha ni Felip."Bitiwan mo siya Garett!" Sigaw niya.Iwinaksi ni Garett ang kanyang kamay na naging dahilan kung bakit tumilapon siya sa sahig. Umusbong narin ang labis na galit sa puso niya."Pútangina mo Garett! Kapag sinaktan mo pa si Fe

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 268

    Nataranta si Cherry sa loob. Nagpatuloy naman sa pagpukpok sa pintuan si Garett sa labas."Bubuksan mo ba itong pinto o sisrain ko 'to!" Pagbabanta pa ng lalaki."Ano bang ginagawa mo, Garett! Kagagaling ko lang sa shower at nagbibihis pa ako!" Sigaw ni Cherry.Ilang sandali pa'y bumukas ang pintuan at bumungad kay Cherry ang galit na galit na mukha ni Garett. Iyon ang unang beses na nakita niyang ganun ang ekspresyon ng lalaki. Humugot siya ng lakas ng loob bago nagsalita."Bakit ba sigaw ka ng sigaw?! Nataranta tuloy ako kung ano ng nangyayari sayo!" Pagtataray pa niya.Napatingin naman si Garett sa magulong itsura ni Cherry. "Hindi ka ba magpapaliwanag sakin kung anong nangyayari dito?" Malamig niyang turan.Napalunok si Cherry. Dumako naman ang mga mata ni Garett sa mga damit na nagkalat sa sahig. Agad na nagkukumahog sa pagpulot sa mga iyon si Cherry at sinubukan pang linlangin ang asawa."Ano bang paliwanag ang pinagsasabi mo? Nakalimutan mo na bang gamit mo ang mga ito? Naglili

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 267

    "Papaanong naging eight thousand pesos nalang ang presyo ng bracelet?" Hindi makapaniwalang tanong ni Garett.Tipid namang ngumiti si Kimmy. "Madalas na bumibili ang kapatid ko sa jewelry shop na ito kaya naman humingi ako ng VVIP discount sa kanila," paliwanag pa ng babae.Katunayan ay nagsisinungaling lang naman talaga si Kimmy. Ang jewelry shop ay pag-aari ng pamilya nila. Kung tutuusin, kaya niyang ibigay kay Garett ang bracelet ng libre. Pero alam din niyang kagaya ni Graciella, ayaw ni Garett na nananamantala ng sitwasyon para makalamang sa kapwa kaya nag-isip siya ng mainam na paraan para maipakita ang pasasalamat niya sa lalaki.At ang saleslady naman na nangmaliit sa kanilang dalawa ni Garett, syempre, tinanggal na niya ito!Tumango din ang manager bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kimmy. "Tama po ang sinabi ni Miss Inoue, Sir. Nagbibigay po kami ng distinguished discount sa mga VVIP customers."Eighteen thousand talaga ang halaga ng bracelet kanina kaya laking tuwa ni Garett n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status