Apat lang muna dahil may gagawin pa po akong iba. Happy Reading
Kailangan na kumilos ni Graciella sa mas lalong madaling panahon. Isang driver lang ang asawa niya at ang lolo at lola nito ay ordinaryong residente lang sa lugar na kinaroroonan nila. Kailangan niyang maiwasang madamay si Drake at ang pamilya nito sa gulo.Sinadya niya rin talaga na hiramin ang mga bodyguards ni Kimmy hindi para protektahan siya kundi para sa isang importanteng bagay…Pagkatapos ng agahan, dumating na ang sasakyan ni Kimmy hindi kalayuan sa bahay ng lola ni Drake. Nagpaalam na si Graciella kay Drake at maging sa lolo at lola nito bago bumaba. At para hindi mag-alala ang mag-asawa, hindi niya binanggit ang eksaktong lokasyon kung saan siya pupunta.Pero ang hindi niya alam, mas lalo lang nag-alala ang dalawa sa kalagayan niya."Ano ka ba naman, Levine! Hindi ka ba nag-aalala sa asawa mo?! Hahayaan mo lang talaga siyang umalis na mag-isa?!" Naghihisterikal na sambit ni Celestina."Grandma, hindi mahinang klase ng babae si Graciella. Plano niyang ayusin ang problemang i
Maagang nagising si Drake kinabukasan. Nang tingnan niya si Graciella ay mahimbing parin itong nakapikit. Agad na siyang bumangon sa kama at baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan niya!Mahirap na!Pagkabukas palang niya ng pintuan, nahuli niya sa akto ang dalawang matanda na nakadikit ang mga tenga sa pinto at nagbubulungan pa. Kulang nalang ay silipin sila nito mula sa labas ng pinto.Hindi na nakatiis pa si Drake. Ayos lang naman ang pagiging tsismosa ng Grandma Celestina niya pero mukhang nahawa na yata ang Grandpa Daichi niya."Sa pagkakaalala ko, ikaw ang former president ng Dynamic kung saan may hawak kang libo-libong empleyado. Sino bang mag-aakala na sa kabila ng lahat hobby mo pala ang pagiging tsismoso," sarkastiko niyang turan.Pero tila hindi naman natinag ang matanda sa sinabi niya. "Curious lang ako dahil may asawa na ang apo ko. Ano bang masama dun?" Kibit balikat nitong sagot.Napatingala sa kisame si Drake kasabay ng paghilot niya sa kanyang batok. Hindi na niy
"Walang kwenta ang mga yan kaya hindi mo sila dapat pagtuuan ng pansin," ani Drake sa malamig na boses.Mapait siyang napangiti. "Naloko lang din naman sila sa palabas ng mga kamag-anak ko."Pero tama naman ang ginawa ni Drake na ini-off ang kanyang cellphone. Baka maistorbo pa niya ang lalaki at maging ang mag-asawa sa labas."Wag mo ng masyadong dibdibin ang mga sinabi nila. There are still people out there who think the opposite," malumanay na bigkas ni Drake.Bahagyang nalungkot si Graciella pero nang marinig niya ang boses ni Drake, hindi niya mapigilan ang sarili na mapangiti. "Bakit parang inaalo mo ako?"Umangat ang sulok ng labi ng lalaki bagama't hindi ito nagsalita.Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Wag kang mag-alala. Okay lang ako. Wala naman akong ginagawang masama kaya wala rin akong dapat na ipag-aalala."Nagpakawala din ng isang malalim na buntong hininga si Drake. "Yeah right."Kahit na sa maikling panahon na nagkakilala sila ni Drake, hindi maipaliwana
"Sigurado ba talaga kayo na magtatagumpay tayo dito?" Tanong ni Thelma kay Celia.Kasalukuyan silang nasa labas ng operating room kasama ang iba pa nilang kaanak. Kinunan naman ng stolen shot ng isa sa mga kasama nila ang operating room kung saan may isang taong nakaratay sa loob. Kung titingnang maigi, parang totoo talaga ang lahat."Wag ka ng mag-alala pa diyan Thelma. Nakita mo naman ang resulta ng ginawa namin kanina, hindi ba?" Nakangising tugon ni Celia.Tama. Hindi siya ang nasa operating room kundi ang asawa niyang si Ramon. Malala na ang kondisyon ng mga binti nito at kailangan na talagang sumailalim sa surgery. At tungkol naman sa pagkakasaksak niya kanina, wala siyang ni isang sugat gaya ng nasa video. At kasalukuyang naghihintay sa resulta ng operasyon ng asawa niya.Lumingon naman si Cecil sa kanyang kapatid na si Celia na kasama din nila sa ospital. "Ang galing ng acting mo kanina, Ate. Dalang-dala sila sayo. Akala nga namin mahahalata ang blood bag na nakatago sa ilalim
Bukod sa pag-aakusa, sandamakmak na mura ang natanggap ni Garett mula kay Cherry. Napasimangot naman si Garett. Sandali palang silang nagkaayos at lagi pang nag-aalala si Gavin na baka mag-away silang muli.Pinigil ni Garett ang sarili na sumabog at mahinahon na nagsalita. "Kaibigan ni Graciella si Kimmy at hindi isang prostitute, Cherry."Bahagya namang kumalma ang ekspresyon ni Cherry. Naalala niyang may kaibigan nga pala si Graciella na Kimmy ang pangalan at mukhang magkasama ang mga ito sa trabaho. Pero gayunpaman, hindi parin napigilan ni Cherry ang sarili na mapaismid."Pero kahit na. Masyadong malandi ang datingan niya. Tsaka parang peke yang mga suot niya. Or kung totoo mang branded ang mga yan, sigurado akong nakipaghook up yan sa mga matatanda at mayayamang lalaki para makabili ng luho niya."Hindi naman kalakihan ang sweldo sa Dynamic Wheels. Kagaya lang naman iyon ng kinikita ni Graciella. Paano niya naafford na bumili ng LV bag? Mukha pang bago at parang mas maganda kaysa
Akala niya ay namali lang siya ng pagkakadinig pero nang muling magsalita ang babae sa kabilang linya, napagtanto niyang si Kimmy nga ang kasama ng kapatid niya."Hindi mo na kailangan pang patayin ang tawag. Kasama ko ngayon si Kimmy. Nabalitaan na din niya ang isyu tungkol sayo at dahil hindi ka niya macontact kanina, nagpunta siya doon sa fruit shop ko para magtanong. Nandito na nga kami sa labas ng apartment complex na tinitirhan mo. Ibibigay ko muna sa kanya ang cellphone ko," ani Garett at ilang sandali pa'y boses na ni Kimmy ang narinig niya.Marami pa sanang balak sabihin si Kimmy kaso nag-aalangan siya na baka hindi maging kumportable si Graciella lalo na sa sitwasyon nito ngayon. "Sabihin mo lang sakin kung ano ang maitutulong ko, Graciella. Kailangan maturuan ng leksyon yang mga walang hiya mong kamag-anak!" Gigil niyang bigkas.Pang-ilan na si Kimmy na nagsabi sa kanya ng mga katang iyon. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti. Ngayon napagtanto niyang kahit na talikuran man
Matapos matuyo ang buhok ni Graciella, humiga na siya sa kama bitbit ang kanyang cellphone. Sandali siyang nakatitig sa kanyang telepono bago iyon binuksan. Nang makatanggap siya ng napakaraming hate comments kanina, napagpasyahin niyang i-off iyon at baka tuluyan na siyang madala sa emosyon niya.Pagkabukas ng kanyang cellphone, sandamakmak na mensahe ang natanggap niya at halos lahat ay galing sa kanyang nakakatandang kapatid at sa kaibigan niyang si Kimmy.Akmang tatawagan niya ang kanyang Kuya Garett subalit naunahan siya ng lalaki na mabilis naman niyang sinagot."Kuya..."Kanina pa tumatawag si Garett kay Graciella subalit hindi niya macontact ang kapatid na labis niyang ipinag-aalala. "Nasaan ka ngayon Graciella? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Sunod-sunod niyang tanong."Wag kang mag-alala, Kuya. Nasa maayos akong kalagayan ngayon."Nakahinga ng maluwag si Garett sa narinig niya mula sa kapatid. "Mabuti naman kung ganun. Nakita ko ang balita tungkol sayo, Graciella. Ka
Lihim na napangiti si Celestina sa nakikita niya. Kahit na hindi aminin ni Levine, kitang-kita niyang gusto nito si Graciella. Siguro hindi paman ganun kalalim ang nararamdaman nito, sapat na sa ngayon kung paano nito tratuhin si Graciella kumpara sa kahit na sinong babae.Naalala niya si Akira Inoue kanina kung saan pumunta na naman ito sa opisina ng apo niya para magpapansin. Kung iisiping mabuti, masaya siya na si Graciella ang naging asawa ni Levine at hindi ibang babae.Pero hindi niya lubos maintindihan kung bakit kailangan pang itago ni Levine kung sino sila. Kumplikado man ang sitwasyon ng pamilya ni Graciella at madali lang sa mga ito ang magpalaki ng isang gold digger na siyang mag-aahon sa kanila sa kahirapan, sigurado naman siyang hindi ganung klaseng babae ang granddaughter in-law niya. Sa nangyari palang na iniligtas ni Graciella ang buhay niya nang walang hinihinging kapalit, isa na iyong napakalaking patunay.Napanguso naman si Drake. May punto naman ang lola niya. Mat
"Levine, sigurado ka bang hindi tayo makikialam sa nangyayari ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Celestina.Huminga ng malalim si Drake bago tumango. "Yes. Makikinig tayo kay Graciella, Grandma."Kilala na niya ang asawa niya. Kahit na mahinhin at masiyahin si Graciella, alam niya kung gaano katigas ang ulo nito. At dahil nakapagdesisyon na itong haharapin ang laban nitong mag-isa, nirerespeto niya ang desisyon nito. Kung may aberya man na makakasalubong si Graciella, nasa likuran lang naman siya ng babae para tulungan ito.Isa pa, alam niyang hindi mahinang klase ang asawa niya na basta-basta nalang magpapaapi."Grandma, naalala mo ba noong araw na sapilitan kitang pinababa sa sasakyan ko habang nasa gitna tayo ng daan?"Napakurap-kurap naman si Celestina bago marahang tumango. Naalala niyang iyon ang araw na kinulit niya si Drake na mag-asawa na habang nakasakay siya sa kotse nito. Hindi nga siya nakakain ng hapunan ng gabing yun dahil sa labis na inis.But come to think about it. Noon