Hello, napansin ko lang na ilang beses na akong nakatanggap ng message sa blue app page ko na nahahanap ng soft copies. Kung nandito kaman ngayon, please dito kalang magbasa. May kontrata akong pinirmahan at bawal po yung hinahanap ninyo. Sana magkaintindihan po tayo. Maraming salamat
"Nitong nakaraan lang diba bumili ka ng bagong bahay sa isang subdivision? Binayaran mo na ng down payment na three hundred thousand. Balita ko isang three-bedroom house ang kinuha mo. Hindi lang iyon, nagbayad ka pa ng interior decorators para sa bahay sa halagang higit one hundred thousand? Noong nakaraang taon din bumili ka rin ng mink cloth sa halagang one hundred thirty thousand.""Nirespeto kita bilang nanay ko. Kaya nga ibinigay ko sayo ang lahat sa abot ng makakaya ko diba? Kahit na kakasimula ko palang na magtrabaho ikaw na ang naging priority ko. Pero ngayon napagtanto ko kung gaano ako katanga. Dahil kahit na ibigay ko pa sayo ang lahat, hinding-hindi ka makukuntento. At ngayon umabot ka pa sa pagpapahiya sakin sa internet para lang ipagpatuloy ko ang pagbibigay ng pera sayo."Huminga ng malalim si Graciella bago sinuyod ng tingin ang kabuuan ni Thelma. "Simpleng-simple nga ang dating mo ngayon. Pero baka nakakalimutan mong nag-iiwan ng bakas ang mga jewelry na madalas mong
'Mas masahol pa sa hayop ang pag-uugali ng nanay ni Graciella!''Mabuti nalang at may mga ebidensya si Graciella dahil kung hindi, baka habambuhay siyang mahuhusgahan ng lahat sa kadahilanang hindi naman pala totoo.''Mahigpit na yakap para sayo Graciella.''Isa ako sa may masasamang sinabi kay Graciella kahapon. Ngayon palang humihingi na ako ng tawad. Mali pala ang pinaniniwalaan ko.'Hindi pinansin ni Graciella ang matalim na titig ni Thelma at ibinaling ang atensyon sa mga bagay na pinagtulungan nilang ipunin ng kapatid niya."Matapos nating pag-usapan ang pera na naibigay mo sa akin, panahon naman para talakayin natin ang perang naibalik ko sayo," mahinahon na sambit ni Graciella.Isa-isang binuklat ni Graciella ang mga statement of transfer of money na hawak niya. "Ito ang mga patunay kung ilang halaga na ang naibigay ko sa iyo mula ng magtrabaho ako. Siguro kung pagsasamahin lahat ang mga ito, lampas isang milyon na..."Sa kabila ng gulat ng madla, hindi nakaligtas sa kanilang
Natigilan si Mina sa mga sinabi ni Graciella at hindi na nakabawi pa. Maging ang lahat ng mga tao sa studio ay agad na natahimik. "Wag mong baliktarin ang sitwasyon Graciella. Bakit mo ba ako pinagmumukhang masama sa harap ng madla. Nanay mo ako. Ano bang nangyayari sayo?" Ani Thelma nang mahimasmasan siya.Isang matalim na titig ang ipinukol ni Graciella kay Thelma bago nag-angat ng panibagong resibo. "Itong two hundred fifty pesos, naalala mo ba 'to?""Malamang hindi! Pero sigurado akong tungkol yan uniform mo sa eskwelahan mo o di kaya ay mga notebook mo."Mahinang natawa si Graciella. "Kahit na walang tuition ang pag-aaral ko sa elementary, compulsory naman ang uniforms. Wala akong perang pambili. Noong sinabihan kita ayaw mo naman akong bigyan at sinabihan mo lang ako na suotin ang lumang uniform ng Kuya ko.""Magkaiba kami ng kasarian kaya normal lang na magkaiba din ang uniporme naming dalawa pero dahil wala akong mapagpipilian, sinuot ko parin ang ibinigay mo. Kaya ang result
"Alam ko naman na magiging hindi kapani-paniwala ang sasabihin ko," ani Graciella at dinampot ang isang resibo bago muling nagsalita. "Ang three hundred pesos na resibong ito ay noong limang taong gulang palang ako. Naalala mo pa ba kung ano ang pinaggastusan mo ng perang ito?"Wala sa sarili namang napailing si Thelma. Mapait na napangiti si Graciella. "Of course, hindi mo talaga maaalala. Magmula pa noong bata pa ako, sa bodega na ako ng bahay natin natutulog. Kapag pinapatay na ninyo ang ilaw tuwing gabi, halos wala na akong makita. Dinig na dinig ko ang ingay ng mga daga sa paligid ko. Ang mga damit na ginagamit ko ay ang mga pinaglumaan na ng kapatid kong lalaki at mga pinsan ko.""Normal lang naman ang narasanan mo, Graciella. Nasa probinsya tayo at wala tayong maraming pambili," argumento ni Thelma."Tama ka, wala tayong pambili dahil hindi naman tayo sagana sa pera. Pero bakit walang kahit na sapin para sa higaan ko sa bodega? Sako ng bigas ang nagsisilibing higaan ko sa loob
"Tumahimik ka!" Natatarantang asik ni Thelma. Nang mapansin niya ang kakaibang tingin ng mga tao sa newsroom sa kanya, muli na naman siyang umiyak. "Alam mo naman kung gaano kahirap ang buhay natin sa probinsya, hindi ba? Tinuruan lang naman kita kung paano makipagtulungan para matuto ka sa hinaharap.""Minahal kita Graciella. Alam kong alam mo yan. Hindi ko inaakalang may tinatago ka pang galit sa puso mo para sa akin. Siguro yan ang rason kung bakit mo ako inabandona. Hindi kita ginawan ng masama kahit paman napansin ko na noon ang kakaiba mong ugali. Hindi ko alam na magsusulat ka sa diary mo at gagamitin mo yan para sirain ako at isumbat sa akin ang lahat."'Normal lang naman na mapag-utusan ng magulang eh! Ako nga noon ganyan din. Pero kahit na inuutusan tayo, mahal parin tayo ng mga magulang natin. Bakit ako maganda parin ang relasyon ko sa mga magulang ko? Masyado kalang sensitive Graciella. Maliit na bagay pinapalaki mo!''Hindi naman siguro tama na talikuran mo ang magulang
"A—ano?" Gulat na sambit ni Manny.Sinadya nilang ihiwalay ang magkabilang panig at inilagay sa magkaibang silid para maiwasan na magkagulo. Hindi nila inaasahan na hihilingin nito na magkaharap-harap sila ngayon ng personal sa studio!Hindi ba talaga ito natatakot o di kaya ay nahihiya sa ginawa nito sa sarili nitong mga magulang?Kahit na nakaramdam ng pag-aalangan si Manny, matapang siyang sumang-ayon sa suhestyon ni Graciella. Anuman ang mangyayaring, sigurado naman siya na ang babae ang mananagot sa madla."Binibining Mina at Mrs.Santiago, ayos lang po ba sa inyo na makaharap sa personal si Miss Graciella Santiago?" Tanong ni Manny.Walang pag-aalinlangan na lumabas ng silid na kinaroroonan nila si Thelma. Agad namang sumunod sa ginang sina Ramon at Mina. Nang makarating sila sa gitna ng newsroom, naabutan ni Thelma si Graciella na prenteng nakaupo sa sofa. Malamig ang mga tingin nito na may halong pagka-arogante.Mabilis na umusbong ang galit ni Thelma nang makita niya si Gracie
Hindi nila inaasahan na lilitaw si Graciella sa media pagkatapos ng nangyari. Mabilis na kumalat ang balita at ang ibang hindi pa nakatambay sa Central Times newsroom ay agad na napasugod.'Wow! Ang kapal ng mukha! Talagang may gana pang siyang magpakita live!''Dapat sa babaeng yan bigyan ng persona non-grata para hindi na yan magpakita pa dito!''Familiar yung account na gamit niya!' Iilan sa mga diskusyon sa comments ng live broadcast ng Central Times.Mas lalo pang na-excite si Mina na makaharap si Graciella online. Umayos siya ng upo at inihanda na ang sarili niya sa susunod na mga kaganapan.Hindi naman inaasahan mi Graciella na sobrang daming manonood ng live broadcast ngayon. Kung hindi siya nagkakamali, pumapaldo na sa isang million ang viewers ng Central Times.Tumikhim ng isang beses si Graciella bago nagsalita. "Hello everyone. Nandito po ako ngayon matapos kong makatanggap ang maraming fierce abuse at cyber violence. Sa tingin ko po, kailangan kong magsalita sa bagay na i
Mabilis na lumapit sa kanya ang mga kasamahan niya sa loob ng silid."Saan? Patingin nga?!"Tiningnan nila ang account at nakitang isang page iyon para sa live reading na may marami-rami naring followers."Sa kanya kaya talaga itong account?" Paninigurado ng isa sa mga kasama niya.Hindi nagmatch kay Graciella ang kasarian at birthday ng admin sa page na nagmessage sa kanila dahilan para magkaroon ng duda si Manny. Dahil trending ang isyu ngayon, baka may nakisakay lang para magpasikat din. Subalit ilang sandali pa'y nakatanggap na naman sila ng panibagong mensahe mula sa account."Gustong makipag-usap ni Graciella sa atin," anunsyo ng operator.Tinanguan ni Manny ang huli. Mukhang totoo ngang Graciella ang kumontak sa kanila. Kapag nagkataon na sa kanilang newsroom makikipagcooperate si Graciella, tiyak na dudumugin sila ng manonood at malaking pera ang kikitain nila!Nang makumpirma nilang si Graciella nga ang nasa likod ng account, halos mapatalon sa tuwa si Manny. Maging ang mga k
"Oh, hindi pala kayo nag-away? Baka naman problema sa opisina kaya mukha siyang galit. Lagi din naman kasing busy ang batang yan. Ang mga department na under sa kanya—"Natigil sa pagsasalita si Celestina nang ilang beses na umubo ang asawa niya. Akmang sisitahin niya ito nang mapagtanto niya kung bakit iyon ginawa ni Daichi. "I mean yung mga department managers na mas angat ang posisyon sa kanya ay lagi siyang ginugulo sa mga trabahong hindi naman dapat niya sakop."Napatango-tango naman si Graciella. Akala niya ay pagiging driver lang ni Mr.Ortega ang trabaho ng asawa niya, yun pala may iba pa pala itong pinagkakaabalahan. Kaya pala maya't-maya ang pagtunog ng cellphone nito kapag magkasama sila."Maiba tayo Graciella, anong plano mo ngayon? Gusto mo bang sumama sakin pumunta ng mall?" Tipid na ngumiti si Graciella bago umiling. "Pasensya na po kayo Grandma pero may importanteng lakad lang po kasi ako ngayon," magalang niyang tanggi.Kagabi palang bago siya natulog, naisip na niya