LOGINPadabog na hinila ni Dianne ang kanyang dalawang mabibigat na maleta palabas ng silid. Umaalingawngaw ang ingay ng mga gulong sa kahoy na sahig ng hallway, kasabay ng mabibigat at galit niyang mga hakbang.Namumula pa rin ang kanyang mga mata mula sa pait at galit, ngunit pilit niyang itinataas ang kanyang baba upang panatilihin ang natitirang dignidad.Pagbaba niya sa malawak na bulwagan, napansin niyang nakatayo sa gilid ang ilang kasambahay—kabilang si Ningning at ang iba pang mga tauhan. Tahimik silang nakamasid sa kanya. Walang nagsasalita, ngunit bakas sa kanilang mga mata ang halong awa at pagkadismaya.Nangatal ang mga labi ni Dianne sa matinding inis."Anong tinitingin-tingin niyo?!" asik ni Dianne sa kanila habang nanlilisik ang mga mata. "Magsiusog nga kayo sa daan!"Mabilis na nag-iwas ng tingin ang mga kasambahay at dahan-dahang yumuko upang umatras. Walang nag-abalang tumulong sa kanya sa pagbubuhat ng mga gamit—isang malinaw na mensahe na tuluyan na siyang nawalan ng lu
Mabigat ang bawat hakbang ni Marco patungo sa pinto ng kuwarto ni Dianne. Bagaman nangingibabaw pa rin ang matinding galit at pagkadismaya sa kanyang dibdib, sinusubukan niyang panatilihing malamig at kontrolado ang kanyang sarili—tupad sa ipinangako niya kay Chantal.Ilang beses siyang kumatok nang mariin.Ilang segundo ang lumipas bago dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumingon si Dianne, at nang makita kung sino ang nakatayo sa labas, agad na pumasok ang iba't ibang emosyon sa kanyang mukha—gulat, pait, at muling pag-imbulog ng pag-asa na baka sakaling nagbago ang isip ng lalaki."Marco..." mahinang sambit ni Dianne, pilit na pinapalambot ang kanyang mukha. "Nandito ka na pala—""Pack your things, Dianne," malamig at direktang putol ni Marco. Hindi man lang siya pumasok sa loob ng kuwarto at nanatiling nakatayo sa may pintuan, nakahalukipkip at walang bakas ng emosyon sa kanyang mga mata.Napatigil si Dianne. Mabilis na napalitan ng pait ang kanyang mukha. "Ganyan ka na ba talaga kat
Dahan-dahang humigpit ang yakap ni Marco kay Chantal, tila binabawi ang lahat ng takot at pait na naramdaman niya sa buong biyahe pauwi mula sa opisina. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga at tinitigan ang mukha nito, sinusuri ang bawat emosyong dumadaan sa mga mata ni Chantal."Anong nangyari?" mahinang tanong ni Marco, puno ng pag-aalala ang boses habang dahan-dahang hinahaplos ang pisngi ng asawa. "Anong sinabi nila sa'yo?"Pumikit nang bahagya si Chantal at inilagay ang sariling kamay sa ibabaw ng kamay ni Marco. Iniiwasan niyang sabihin ang lahat ng pambabastos, panghihimasok, at masasakit na akusasyon ni Erick tungkol sa kanilang dalawa—ayaw na niyang madagdagan pa ang galit at gulo sa pagitan ng mga ito."Wala naman, Marco," malumanay na sagot ni Chantal habang pinipilit ang isang payapang ngiti. "Sinabi lang nila na gusto nila akong isama pabalik sa lungsod. Sinusubukan lang nila akong kumbinsihin na bumalik na sa Maynila."Napatitig si Marco sa kanya, may bahagya
Nang makapasok si Chantal sa loob ng kanyang silid, dahan-dahan niyang isinara ang pinto at isinandal ang kanyang likod dito. Pagkabitaw ng kanyang kamay sa doorknob, tila doon lamang dahan-dahang nawala ang matatag at malamig na aura na ipinapakita niya sa labas.Huminga siya nang malalim habang marahang nagtungo sa gilid ng kama at dahan-dahang umupo. Dumapo ang matinding lungkot sa kanyang mukha. Naisip niya ang naging mainit na pagtatalo nila ni Erick kanina sa hardin. Hindi talaga pumasok sa isip ni Chantal na aabot sa ganoong punto ang pagkikita nila. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang matinding galit, poot, at pagdududa ni Erick kay Marco—na para bang nakatatak na sa isip nito na masamang tao ang asawa niya kahit wala naman itong sapat na patunay.Ngunit sa kabila ng sakit at panghihinayang sa naging sigalot nila ng kanyang mga kaibigan, pinalakas ni Chantal ang kanyang loob. Umiling siya nang bahagya. Wala siyang pinagsisihan sa bawat salitang binitawan ni
Nang tuluyang makalabas sina Erick at Lyka sa main door ng mansyon, halos manginig si Dianne sa matinding galit. Napakuyom ang kanyang mga kamay, nanggagalaiti habang nakatitig sa sumarang pinto. Hindi siya makapaniwalang bukod sa hindi napasama ng dalawa si Chantal, napahiya pa siya nang ganoon ni Erick sa mismong pamamahay ni Marco.Napapadyak siya sa inis. Bakit ba palagi na lang pumapalpak ang lahat ng mga plano niya? Pinag-iisipan naman niya nang mabuti ang lahat, and yet, it never really worked! Ano bang meron sa Chantal na 'yan at napakaswerte niya?"Mga walang kwenta!" galit niyang bulong sa sarili habang mabilis na pabalagbag na tumalikod upang umakyat sa kanyang silid.Ngunit bago pa man siya makapasok sa kwartong tinutuluyan niya, nadatnan niya si Chantal na nakatayo sa tapat ng pinto, nakahalukipkip at malamig ang titig sa kanya.Huminga siya nang malalim bago tiningnan ang babae mula ulo hanggang paa. "What do you want? Another argument?" mataray niyang asik."No, Dianne.
Natahimik si Chantal sa narinig, ngunit sa halip na mawalan ng kumpiyansa, lalo lamang naging malamig at matatag ang kanyang titig kay Erick."Sobra ka na, Erick," malumanay ngunit mariing panimula ni Chantal. "Marco was the one who helped me. Mula sa simula, noong gulong-gulo ang buhay ko at pakiramdam ko ay wala na akong kakampi, siya ang gumawa ng paraan para matulungan ako at malinis ang pangalan ko. Siya ang tumayo para sa akin."Napatawa nang mapait si Erick, umiling-iling habang puno ng pait at panunuya ang mukha niya."Of course he'll help you, Chantal! Siyempre tutulungan ka niya!" asik ni Erick, mabilis na itinuturo ang kanyang daliri sa hangin. "Napakadaling magpanggap na tagapagligtas lalo na kung siya rin naman pala ang gumawa ng gulo! It's the easiest way to earn your trust and make you depend on him! Hindi mo ba talaga naiisip na baka pinalabas niya lang ang lahat ng 'to para magmukha siyang bayani sa mga mata mo?!""Erick, tumigil ka na!" pigil muli ni Lyka, ngunit til







