Share

Kabanata 2

Author: Georgina Lee
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-22 20:42:16

"Where are you right now, Marco?"

Napasulyap si Marco sa kanyang cellphone bago diretsong tumingin sa daan. "Nasa Manila ako, Grandma. May inaasikaso akong papeles," sagot niya sa kanyang lola na si Doña Greta.

"Kailan ka ba uuwi?" Muling tanong ng matandang babae.

Malakas siyang bumuntong hininga. With those questions, he already knew the next statement. "Hindi ako sigurado, Grandma," tamad niyang sagot.

"Umuwi ka bukas, Marco. May sinet-up na akong blind date para sayo. Alalahanin mong thirty five years old ka na. Oras na lumampas ka sa edad mong yan, hindi mo makukuha ang hacienda na pamana ng Grandpa mo. So you better get your ass back here at wag mo akong ipahiya sa babaeng gusto ko para sayo," mataray nitong asik at pinatayan na siya ng tawag.

Napasandal nalang siya sa upuan habang nagmamaneho. He was so sick and tired with these endless blind dates just so he could marry. Of all the clauses, bakit ba yun pa ang napili ng Lolo niya na isulat sa last will nito bago pumanaw?

Itinuon nalang niya ang kanyang atensyon sa daan nang may matanaw siyang babae na umakyat sa barrier ng tulay sa unahan. Nangunot ang kanyang noo. Is she going to commit suicide?

Napailing siya at pilit na iwinaksi sa kanyang isipan ang kanyang nakita subalit kakalampas palang niya sa babae nang tapakan niya ang brake ng kanyang sasakyan. Padabog siyang bumaba ng kotse at mabilis na nilapitan ang babae. Agad niyang ipinulupot ang isang braso sa bewang nito at inalis ito sa barrier ng tulay.

Napasalampak naman sa sahig ang babae pero nang mag-angat ito ng tingin, sumalubong sa kanyang ang nakamamatay nitong titig.

"Bakit mo pa ako iniligtas?!" Sumbat nito sa kanya.

Napakurap-kurap naman siya. So he did the wrong thing of saving her?

"Sana hindi ka nalang nakialam!" Dagdag pa nito.

Sarkastiko naman siyang natawa bago nagsalita. "Look Miss, kung gusto mong magpakamatay, do it inside your house para walang makakita sa'yo! Tatapusin mo na nga lang ang buhay mo, magpapakonsensya ka pa sa iba!"

Subalit imbes na sagutin siya, nagsimula na itong humagulhol ng iyak. Inilinga niya ang tingin sa paligid. Walang ibang tao doon bukod sa kanila. At may iilan ding sasakyan na dumadaan dahil nasa highway nga sila.

Is this some kind of scam? Kahit naman minsan lang siyang lumuluwas ng siyudad dahil abala siya sa hacienda, hindi pa naman siya naloko kahit kailan.

At dahil nagpatuloy lang sa pag-iyak ang babae. Napagpasyahan niyang bumalik na sa kanyang sasakyan subalit kakabukas palang niya ng pinto nang magsimula ng pumatak ang ulan.

"Shít!" He hissed.

Dali-dali siyang sumampa sa driver's seat at pinaandar na ang makina. Lumingon siya sa babaeng iniligtas niya pero nanatili lang itong nakasalampak sa sahig at nagpatuloy sa pag-iyak. Napasimangot siya. Is she an actress filming an emotional scene?

Sandali pa niya itong pinanood pero lumakas nalang ang buhos ng ulan, hindi parin ito gumalaw sa kinaroroonan. Mariin siyang napapikit. He may not be a nice person but he can't watch something like this.

Naiinis siyang bumaba ng sasakyan at padarag na hinila ang babae patayo saka kinaladkad papasok sa kanyang kotse. Nang maikabit niya ang seatbelt nilang dalawa ay agad na niyang pinausad ang sasakyan paalis ng tulay.

Huminto siya sa isang abandonadong gasoline station may kalayuan na sa kinaroroonan nila kanina. Tanging mahihinang hikbi lang ng babae at patak ng ulan ang maririnig sa buong lugar. Tahimik lang din si Marco habang nakasandal sa driver's seat at hinihintay na tumila ang ulan.

Makalipas ang halos kalahating oras, kusa naring tumigil ang ulan. Saka palang lumingon si Marco sa babae na nasa tabi niya. Basa ang hoodie na suot nito at maging ang pajama. Medyo nagulo ang buhok at namumugto na ang mga mata.

"Saan ka ba nakatira para maihatid kita?" Naiinip niyang tanong.

Masyado siyang abala para pag-aksayahan ng oras itong babaeng hindi naman niya kilala. Ni hindi niya nga alam kung bakit pa niya ito isinakay sa kotse niya.

"D—dito nalang ako bababa," anito sa mahinang boses.

Iginala niya ang mga mata niya sa paligid. Wala siyang nakikitang bahay doon. Akmang magsasalita sana siya nang mapadako ang kanyang mga mata sa led screen na nasa kabilang kalsada.

BREAKING NEWS: TOP ACTRESS CHANTAL RIVERA, INVOLVED IN A LEAKED EXPLICIT VIDEO; DISQUALIFIED FROM BOX OFFICE AWARDS.

Napailing nalang siya sa balitang nakita niya subalit maya-maya pa'y natigilan siya at dahan-dahan na napatingin sa babaeng nasa passenger's seat ng kanyang kotse. Mukhang napansin din naman nito ang kanyang ginawa dahil napalingon ito sa kanya mula sa led screen sa labas.

Oh. So this woman is the scandalous actress on the TV huh? Tsk.

"H—hindi ako yung nasa video," anito sa mahinang boses pero puno ng pagsusumamong paniwalaan niya.

Umangat ang sulok ng kanyang labi bago nag-iwas ng tingin. "I don't care if it was you or not. It has nothing to do with me," malamig niyang turan.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila nang magring ulit ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang screen, numero na naman iyon ng kanyang lola.

Pinili niyang patayin ang screen. Wala siyang balak na sagutin iyon dahil kukulitin lang naman siya ng matandang babae tungkol sa blind date na sinasabi nito.

Muli siyang napasulyap sa babae actress. Nakayuko na ito habang magkasalikop ang dalawang palad. He was about to kick her out when a bold idea came into his mind.

"Do you mind marrying me?" Bigla niyang tanong.

Marahas itong nag-angat ng tingin. Bakas sa mga mata ng babae ang pagkaalarma sa sinabi niya. Umangat ang sulok ng kanyang labi bago ito tiningan mula ulo hanggang paa.

"Don't worry, I don't have any interest in you," walang emosyon niyang wika.

Nakita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon nito kaya nagpatuloy na siya. "I need to secure my inheritance from my grandfather by a marriage. Patapon narin naman ang buhay mo, hindi ba? You're even planning to kill yourself. So why not help me just for once. Consider it as a repayment for saving your life even if you don't want to be save."

"I can pay you a huge amount of cash if you want. Then kapag tapos na ang kontrata natin, you can do whatever you want to do with your life. Even if you want to die, I won't interfere with it..."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Epilogue

    Tahimik at payapa ang umaga sa Santa Catalina. Malayo sa maingay at magulong sibilisasyon ng siyudad, ang maliit ngunit matandang chapel ng bayan ay tila nagbago ng anyo ngayong araw na ito.Parehong pinili ni Chantal at Marco ang pribadong seremonya at tanging ang mga taong pinakamalapit lamang sa kanilang puso ang naroroon—si Lyka, si Knoxx, si Doña Greta, ang kanyang ama ang ilang malalapit na kaibigan ang inimbitahan nila.Ang buong pinto at mga haligi ng simpleng chapel ay natatakpan ng libu-libong imported na puting rosas, cascading orchids, at mga luntiang dahon na tila nagdala ng isang engrandeng hardin sa gitna ng probinsya.Ang daanan patungo sa altar ay sementadong nilatagan ng malinis na salamin kung saan sumasalamin ang mga nakasabit na kristal na chandelier sa kisame. Ang bawat sulok ay may banayad na amoy ng sariwang bulaklak at pinong pabango, habang ang melodiyang tumutugtog mula sa violin ay banayad na pumupuno sa buong paligid.Sa harap ng altar, nakatayo si Marco.

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 335

    “Wait, forget about Chantal's comeback for a second—sino ang lalaking katabi niya?! Ang gwapo at ang lakas maka-CEO sa AI drama ang aura! Lalo na noong sinabi niyang walang siyang pakialam kahit mawalan siya ng negosyo basta kasama si Chantal. Lord, baka naman may kapatid pa si Mr. Barcelona?” Sunod namang reaksyon na nabasa niya: “OMG! The way he looked at her during the presscon? My ovaries are crying! Ang swerte mo, Chantal! Kung pakakawalan mo lang ang lalaking 'yan, i-mine ko na sa'yo ha!” “Si Mr. Barcelona na ba ang bagong pambansang asawa? Grabe ang ganda ng ngiti niyan pagkatapos magsalita ni Chantal! Sana all may personal bilyonaryong tagapagtanggol!” "Chantal ready to fight kami para maagaw si Mr.Barcelona mula sayo!" Nanlaki ang mga mata ni Chantal. Para bang biglang uminit ang kanyang tainga habang binabasa ang sunud-sunod na "simping" comments ng mga netizen—pati na ng kanyang sariling mga tagahanga—para kay Marco. "Aba, aba..." mahinang bulong ni Chantal sa sarili h

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 334

    "May isang tanong pa po kami, Miss Chantal, pwede niyo po bang ilarawan si Mr.Barcelona kung ano siya sa buhay ninyo?" Tanong ng isang babaeng reporter.Napasulyap si Chantal kay Marco at masuyong ngumiti bago ibinalik ang atensyon sa reporter. "Marco Barcelona is my other half. He's my biggest supporter. Kung hindi dahil sa kanya, baka wala ako sa harapan ninyo ngayon. But I didn't love him because of gratitude. I love him because he showed me and made me realized that there is also another side of the world I haven't explored yet. He's a crayon that colored my entire life into a new beginning.""Oh, ang sweet naman. Ngayong naianunsyo na ninyo sa publiko na kasal na kayo, kailan naman po namin makikita ang wedding pictures and videos sa kasal ninyo?" Sabat naman ng isa.Bahgayang natigilan si Chantal. Paano naman niya magpapakita ang larawan at videos gayong isang transactional marriage lang ang pinasok niya? Literal na pirma and then boom, mag-asawa na sila.Naramdaman niya ang pag

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 333

    Isang malakas na bulung-bulungan ang muling umalingawngaw sa buong silid pagkatapos bitawan ni Chantal ang mga salitang iyon. Ang mga camera ay parang nag-aagawang kunan ang bawat detalye ng kanilang mukha—ang nagniningning na ngiti ni Chantal at ang mapagmataas at protektibong ekspresyon ni Marco sa kanyang tabi.Hindi na nag-aksaya pa ng sandali ang mga reporter. Sabay-sabay silang nagtaas ng mga kamay, halos magtulakan ang ilan sa pag-unahan sa mikropono."Ms. Chantal! Isang malaking sorpresang balita po ito para sa showbiz at business world! Pwede ba naming malaman kung paano kayo nagkakilala ni Mr. Barcelona at kung kailan o saan kayo nagpakasal?" Tanong ng isang kilalang entertainment reporter mula sa unahan, suot ang mukhang hindi makapaniwala sa balitang natanggap nila.Habang naroon sila kanina, inaasahan na nila na itatanggi ni Chantal Rivera ang tungkol sa pagkakalink nito kay Mr.Barcelona dahil gawain naman iyon ng karamihang artista. Isa pa ay pabalik palang sa industriya

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 332

    "Sigurado ka bang sasama ka?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Chantal kay Marco habang nasa loob pa sila ng dressing room at naghahanda para sa presscon na gaganapin.Isang linggo na magmula ng makalabas siya ng ospital. Hinintay muna nila na makapagpahinga siya ng sapat bago nila napagpasyahan na magpainterview.Hinawakan ni Marco ang kanyang kamay bago dinala sa mga labi nito at pinatakan ng isang masuyong halik. "I won't let you go there alone, wife."Napanguso siya para pigilan ang ngiti sa kanyang labi. "Fine. Bahala ka. But you have to promise me one thing. Oras na hindi ka na kumportable sa harap ng media, sabihin mo agad sakin.""Oh, my wife will be in charge now?" Mapanukso nitong bigkas.Taas noo naman siyang ngumiti. "Of course. Sa Santa Catalina, ikaw ang bahala sa'kin. Ngayong nandito tayo sa siyudad kung saan sanay ako, ako naman ang bahala sayo."Tumayo si Marco mula sa silya na nakaharap sa salamin at agad na ipinalibot ang braso nito sa kanyang katawan."This is why I

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 331

    Dahan-dahang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Marco. Ang ngiting kanina lamang ay nagbigay-katiyakan kay Chantal ay unti-unting napalitan ng pag-aalinlangan. Oo masaya siya sa naging desisyon ni Chantal. Pero alam niyang sa gagawin ng babae ay may kaakibat iyong kapalit."Wife, wait," seryosong awat ni Marco, sandaling pinigilan ang dalaga. "Let's think about this carefully. Hindi ito basta-basta desisyon na pwede nating pagpasyahan."Nakatitig lamang si Chantal sa kanya, naguguluhan sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin. "Bakit, Marco? Ayaw mo bang malalam nila na mag-asawa tayo?"Huminga nang malalim si Marco bago muling humarap kay Chantal. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata—isang uri ng pangambang hindi para sa sarili kundi para sa babaeng pinakamamahal niya."Pabalik ka pa lang sa industriya, Chantal," marahas na turan ni Marco, tila pinipili ang bawat salita. "Bago palang nalinis ang pangalan mo mula sa eskandalo. Kung aamin tayo ngayon na kasal na tayo habang mainit p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status