共有

Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)
Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)
作者: Georgina Lee

Kabanata 1

作者: Georgina Lee
last update 公開日: 2026-06-22 20:39:57

"...repeating our top entertainment story tonight. Isang nakagigimbal na balita ang gumugulat ngayon sa lokal na industriya matapos kumalat ang isa umano'ng leaked video ng top actress na si Chantal Rivera kasama ang dalawang hindi pa nakikilalang mga lalaki nitong nakaraang oras lang. Ang explicit material na ito, na kasalukuyang kumakalat na parang wildfire sa lahat ng social media platforms, ay nagpapakita sa isang babaeng kamukhang-kamukha ni Rivera—"

"No..." Nanginginig ang boses ni Chantal habang titig na titig sa screen ng television.

Dahil sa labis na gulat na nararamdaman niya, nabitawan pa niya ang remote at bumagsak iyon sa sahig. They were actually showing censored, blurry screenshots ng video. Ang babae sa footage ay kapareho niya ng mukha. It was a flawless, terrifyingly realistic fabrication, pero sa mata ng publiko, walang dudang siya iyon!

Maya-maya pa'y sunod-sunod na ipinakita ng reporter ang reaksyon ng kanyang mga fans na mas lalong nagpaiyak sa kanya.

User 101: 'Yucks! kadireng babae! Napakalandi!'

User 306: 'Hindi dapat tularan ng mga kabataan yan! Dapat diyan blacklisted na sa lahat ng networks!'

User 721: "She should be disqualified from her upcoming award! Hindi niya deserve!'

User 025: 'You're right! Who knows she's also using her body to get a lead role!'

Dali-daling pinatay ni Chantal ang television at dinampot ang kanyang cellphone na sa ngayon, walang tigil sa pagvibrate. Agad niyang hinanap ang numero ng kanyang manager na si Lyka at tinawagan ang babae.

"Lyka... What's going on? Hindi ako yung nasa video. Oh God knows hindi talaga ako yun," natataranta niyang sambit.

"I know. I believe you Chantal," sagot naman ng babae.

"Please, Lyka. Tulungan mo ako. Kailangan malinis ang pangalan ko. Please... Please... Ayokong masira ang career ko," puno ng pagsusumamo niyang wika.

"Don't worry, Chantal. Gagawa ako ng paraan. Just stay inside your condo, okay? Wag na wag kang lalabas ng bahay. A lot of reporters, fans and paparazzi are gathered on the front of the building," mahigpit nitong bilin sa kanya.

Nang mamatay ang tawag ay naupo siya sa sofa. But as time passes by, she grew restless. Bukas ng gabi ay tatanggap siya ng pinakamataas na award bilang isang magaling na actress. But seeing she's involved in a scandal that she didn't even know that happened, nanganganib ang parangal niya.

Makalipas ang halos dalawang oras, bumukas ang pintuan ng kanyang condo. Agad na pumasok si Lyka kasama ang kanyang bestfriend na si Erick. Mabilis naman siyang tumayo at sinugod ang dalawa.

"How was it? Is my name cleared already? Naniniwala na ba sila na hindi ako ang nasa video?" Sunod-sunod niyang tanong.

Humugot ng hangin si Lyka at hinawakan ang kanyang mga kamay saka marahan na pinisil. "I'm sorry, Chantal. But the brand deals are pulling the endorsement as of the moment. Maging ang mga maliliit na products ay ganun din. The committee... the committee immediately discussed about your award and they have decided to disqualify you," malungkot nitong anunsyo.

Parang nabingi siya sa kanyang narinig. Muffled voices could still be heard in her background pero wala na siyang naintindihan sa mga sinasabi ni Lyka at Erick. Nawalan siya ng lakas kasabay ng panginginig ng kanyang mga binti dahilan para mapaluhod siya sa sahig.

"P—pero hindi talaga ako ang nasa video..." mahina niyang sambit. "Lyka, Erick... alam niyo kung paano ko iningatan ang sarili ko. Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend..."

"Alam ko," sagot ni Erick. "Alam namin ni Lyka. Naniniwala kami sa'yo. Magkababata tayo. Kilala kita. Alam namin na hindi mo magagawa yun pero kasi... humingi na ako ng tulong sa headquarters ng NBI para ipadechiper ang video. Kaya lang..."

"Kaya lang ano?" May diin niyang bigkas.

Erick is her childhood best friend. Nagtatrabaho din ang lalaki sa National Bureau of Investigation.

"Sabi nila hindi daw edited ang video. I argued with them pero sabi ng digital forensics, flawless ang coding. Walang manipulation lines."

Tuluyan na siyang napasalampak sa sahig. Daig pa niya ang nalagutan ng hininga sa kaalamang iyon.

"But don't worry. Hindi kami titigil ni Lyka para malinis ang pangalan mo. I'm sure it's just one of your haters o hindi kaya yung karibal mo sa awarding," ani Erick.

Natigilan siya. Kung sakali man na karibal niya nga sa awarding ang may gawa, iisang babae lang naman ang naiisip niya kung saan naging gitgitan ang laban nila. Si Dianne Montello na isa ring sikat actress na gaya niya.

Tinulungan siya nina Lyka at Erick na makatayo at pinahiga sa kanyang kama. Subalit kahit anong pikit niya, hindi parin siya makatulog dahil sa nangyari sa kanya.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakahiga. Basta nalang siyang bumangon at nagbihis ng isang hoodie jacket, facemask at sumbrero. Kahit mahigpit na bilin ni Lyka na bawal siyang lumabas, pasikreto parin niya iyong ginawa. She just wanted to breathe. She felt so suffocated inside.

Sumakay siya ng taxi kahit wala siyang direksyon. Habang nasa daan siya, natanaw niya ang ilang mga kalalakihan na tinatanggal na ang kanyang mga banner sa billboard. Muling namasa ang kanyang mga mata. With just a blink of an eye, a once shining actress had turned into a disgraced star.

"Dito nalang po ako, Manong," aniya sa driver.

Matapos makapagbayad, napagpasyahan niyang maglakad-lakad nalang muna sa gilid ng daan. Sa kalsada, nakita pa niya ang mga tarpoline niya sa iniindorso niyang produkto kung saan sinulatan na iyon ng mga malalaswa at bastos ng salita. May mga photo cards din siyang nagkalat sa kalsada. Ang iba ay inapak-apakan na at pinapiraso pa.

Nagpatuloy siya sa paglalakad ng walang direksyon hanggang sa makarating siya sa modern concrete bridge ng siyudad. Mahangin sa parteng iyon dahilan para matangay ang suot niyang sumbrero.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng concrete barrier kung saan natatanaw niya ang malawak at itim na tubig sa ibaba. Muling nanumbalik sa kanyang alaala ang lahat ng nangyari sa kanya sa loob lang ng maikling oras.

Hindi niya kaya...

The pain and the shame she felt was too unbearable...

Ang gusto niya ay matapos na ang lahat. Tama. Kapag wala na siya, she won't suffer this kind of humiliation again. At sa kaisipang iyon, agad siyang umakyat sa barrier ng tulay para wakasan ang buhay niya…

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 203

    Parang nais nang matawa ni Chantal. She couldn't believe she cried over a simple misunderstanding na puwede naman sana nilang mapag-usapan nang maayos kung sinabi lang nito kung ano ang problema.But Marco didn't do it. Instead, he immediately made an assumption and threw unnecessary hurtful words towards her."Kung inaakala mong ganoon lang kadali na kalimutan ang mga sinabi mo, puwes, nagkakamali ka, Marco. Hindi porket humingi ka ng tawad ngayon at inaamin mong nagkamali ka ay babalik na tayo sa dati na parang walang nangyari. That's not how it works.""No, that's not what I'm saying—"Humarap siya nang tuluyan sa lalaki, at sa kabila ng liit ng kanyang pigura kumpara sa matangkad na pangangatawan ni Marco, nangingibabaw ang matatag niyang aura. "Hindi dahil sinabi mong 'sorry' ay kailangan ko na agad tanggapin at patawarin ka. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga salitang ibinanggit mo sa akin noong gabing 'yon.""We were okay the day before, and you suddenly acted that way. K

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 202

    Napaatras naman si Marco dahil sa talim ng tingin ni Chantal sa kanya habang magkaharap sila."I...""I what? Kanina ka pa sa hapag-kainan nakatitig sa akin na parang kakainin mo ako nang buhay!" patuloy ni Chantal sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili na duruin ang lalaki."Tapos ngayon, saan man ako pumunta—sa library, sa kusina, at kahit dito sa balkonahe—nakabuntot ka! Ano 'to, Marco? Ano ba talagang gusto mo, ha? Iniiinis mo ba ako? Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang trip mo ngayon?"Bahagyang namula ang mga tainga ni Marco sa pagkahuli sa kanya. Sa kabila ng matangkad at nakakatakot niyang tindig bilang isang Barcelona, sa pagkakataong ito ay mukha siyang batang nahuling nagnanakaw ng kendi. Pinilit niyang ituwid ang kanyang postura at isinuksok nang mas malalim ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon para piliting magmukhang kalmado."I'm not following you," kaswal at malamig niyang palusot, bagaman halatang bahagyang nabilaukan sa sariling la

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 201

    Bagsak ang mga balikat na tinahak ni Marco ang daan pabalik sa loob ng mansyon. Bawat hakbang niya ay parang may nakataling mabigat na kadena sa kanyang mga paa.Gusto niyang tumakbo diretso sa silid ni Chantal, lumuhod, at ipagtapat na nagkamali siya—na pinalaki lang ng tanga at walang kwenta niyang selos ang lahat. Ngunit nang makarating siya sa ikalawang palapag at matitigan ang nakasarang pinto ng kanyang kwarto, kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang babae, ay napatigil siya.Anong sasabihin niya kapag binuksan nito ang pinto? Should he apologize? Of course he should. But the question is, how is he going to start?‘Pasensya na, nagalit ako kasi akala ko naglalandian kayo ng kapatid ko noong nahulog ka sa bench’? Ganun ba dapat?Mabilis na napapikit si Marco sa matinding hiya at inis sa sarili. Damn it. Tunog pa lang sa utak niya, mukha na siyang gago. At mas lalong masakit para sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya nang sobra ang babaeng pilit lang namang nagpapakatotoo sa mg

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 200

    Nanatiling nakatayo si Marco sa gitna ng garahe, tila napako ang mga paa sa semento. Bahagyang nakabukas ang kanyang panga, habang ang matalas at galit na titig sa kanyang mga mata kanina ay unti-unting napalitan ng kawalan ng paniniwala at matinding pagkahiya.Nahulog? Nasalo lang?Fuck!What the heck!Did he just get mad for the wrong reasons?Ang eksenang paulit-ulit na nagpapasakit sa dibdib niya sa nakalipas na mga araw—ang eksenang naging dahilan para saktan niya si Chantal gamit ang malalamig at malulupit niyang mga salita—ay isang simpleng aksidente lang pala."Y-You're lying..." pabulong at halos walang boses na wika ni Marco, pilit na humahawak sa huling natitirang hibla ng kanyang pride."Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"Bumuntong-hininga si Knoxx at marahang tinapik ang balikat ng kapatid, sa pagkakataong ito ay wala nang halong pang-aasar. "Natapilok ang asawa mo noong nakaraan. I just caught her. Alangan naman hayaan ko siyang mapasubsob sa lupa? That's very unge

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 199

    Pinagmasdan ni Knoxx ang kapatid habang dahan-dahan nitong isinisuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang aura ni Marco ay parang bagyong nagbabadya, nangingibabaw ang matinding panlalamig at galit.Hindi natagpuan ni Knoxx ang dating pambubwisit sa kanyang mukha. Sa halip, pinalitan iyon ng isang seryosong ekspresyon habang nakasandal sa pinto ng kanyang sasakyan."Anong pag-uusapan natin, Marco?" kaswal ngunit seryosong tanong ni Knoxx. "Kung tungkol 'to sa buko pie, huwag ka nang mag-alala, hindi ko inubos. Nag-iwan ako sa kusina para sa'yo," biro pa niya para kahit papaano ay maibsan ang tensyon sa pagitan nila.Marco, on the other hand, didn't buy it as his reaction remained cold. "I told you to stop messing around with my wife, Knoxx," pabalang at malamig na putol ni Marco, dahan-dahan niyang itinataas ang tingin sa kapatid.Huminga nang malalim si Knoxx bago matapang na sinalubong ang malamig na titig ni Marco. "I am not messing around with her. And I don't se

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 198

    Habang papunta sa kusina, nakasunod pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Knoxx. Nang marating nila ang malawak na dining area at kitchen, agad na kumuha si Chantal ng dalawang plato at tinidor. Naupo si Knoxx sa tapat ng island counter habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na inihahanda ang buko pie."Chantal," tawag ni Knoxx sa kalmadong boses habang pinaglaruan ang baso ng tubig. "Anong ginawa ni Marco sa'yo?"Napatigil ang kamay ni Chantal sa pagputol ng pie. Humarap siya kay Knoxx nang may blangkong mukha at tipid na ngumiti. "Wala naman, Knoxx. Bakit mo natanong?""Come on. Aside from being your brother-in-law, I am also your friend now. You can tell me what happened," kaswal na wika ng lalaki at isinandal ang likuran sa silya. "Pagpasok ko pa lang dito kanina, parang gusto na akong kainin nang buhay ni Marco eh. At ikaw naman, mukha kang nakikipag-deal sa hindi mo kakilala. May nangyari ba na hindi maganda?" curious niyang tanong.Huminga si Chantal nang malalim at dahan

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status