From time to time, Gunner checks Kristel's body temperature. After checking her temperature, pupunasan naman niya ang katawan nito ng basang bimpo. He doesn't know if he's doing it right. Ginaya lang niya ang ginagawa sa kanya ni Yaya Meding kapag nagkakasakit siya noong bata pa siya . He can't sleep knowing Kris' condition.
Maya maya'y narinig niya ang mahinang ungol mula rito at bahagyang pangangaligkig ng katawan. Mukhang nagdedeliryo ang dalaga.
"Hugh.. Please.. d-don't do this to me." humihikbi pa ang dalaga habang sinasambit ang mga kataga.
'Holy crap!' Nilalagnat na lang, si Hugh pa rin ang nasa isip at bukambibig nito. She's so madly deeply in love with her on-screen partner. For the first time, parang gusto niyang pagsisihan ang pagpayag na ipareha si Kris kay Hugh na nagsimula sa isang event kung saan kinakitaan ng chemistry ang dalawa. He noted to himself na never na niyang bibigyan ng projects together ang dalawa. Kesahodang magalit ang mga fans ng mga ito.
Inayos niya ang comforter ng dalaga hanggang sa may balikat upang mabawasan ang pagkaginaw nito ngunit hindi ito tumigil sa pangangaligkig.
Marahas siyang napabuntunghininga. 'What am I going to do with you Kris?'
It took him a while bago siya nag decide na humiga sa tabi ng dalaga at yakapin ito ng mahigpit to keep her warm. That's what she needs.
Tahimik na pinagmasdan ni Gunner ang natutulog na dalaga. Alam niyang maganda ito, of course. She has the face of an angel na ginusto at kinahuhumalingan ng maraming fans. He can't help but stare at her. Marami siyang napansin dito na hindi niya napansin noon. She must have a strong personality pero deep inside she needs someone to stand by her. Right now, she's weak cause she's broken. A fragile glass that needs to be fixed.
On her face, bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Kris. Damn! Those pinkish lips. He wanted to curse Hugh for those kisses on series and big screen. Hinding hindi na talaga niya pahihintulutan na magkatrabaho ang dalawa. Natigilan si Gunner sa naisip. What was wrong with him? Kahit kailan hindi siya nag - isip ng ganoon sa mga talents nila. Bakit ang lakas - lakas ng tibok ng puso niya? Bakit bumibilis at ito? Naguguluhan siya sa nararamdaman.
Umalis siya sa kanyang pagkakayakap dito. Bahagyang umungol naman at muling nangaligkig ang dalaga kaya bumalik at mahigpit itong niyakap.
***************************
Mabigat pa rin ang ulo at masama ang pakiramdam ni Kristel. Ngunit naramdaman niya ang pag - ibo sa tabi ng kanyang kama. When she opened her eyes, she met Gunner's twinkling eyes. Mukhang kanina pa ito gising at hinihintay siyang magising.
"Wake up, sweetie! You need to eat and take your medicine. Kailangan mo nang gumaling." nag - aalalang sabi ni Big Boss.
Napakunot ang kanyang noo. Nakayakap pala siya sa baywang, nakaunan sa braso at nakadantay ang mga binti sa katawan nito. Agad siyang kumalas mula rito. Hindi niya magawang bumangon dala ng sama ng pakiramdam. "B-bakit? Para mas madali mo na akong maisama pabalik sa Pinas?"
"No. Kailangan mo nang gumaling agad para mas maexplore mo pa ang mga lugar dito Paris. The city of love and romance."
Hindi siya makapaniwalang tumingin siya sa binata. 'Really? Parang kahapon lang dinaig pa nila ang mga batang nagpapatintero sa kagustuhan nito na maisama siya pauwi ng Pilipinas. And now this?'
Tumango si Gunner. Mukhang nababasa ang tumatakbo sa kanyang isip. "Yeah. I know.. mahirap paniwalaan but I changed my mind. I realized that you need a break."
Matagal namayani sa kanila ang katahimikan. Hindi na niya kailangang sabihin sapagkat open naman dito ang issues nila ni Hugh. Walang hindi nalalaman ang CEO/Big Boss ng istasyon sa lahat ng contract artists nito.
Gunner was looking at her straight in the eyes. "I'm sorry for being so insensitive yesterday. It's so mean of me to force you on things you don't want to do. Maybe because na overlook ko ang mga bagay bagay and wanted to show you the real meaning of professionalism. But then na realized ko more than anything you need to love yourself."
She was lost for words and couldn't say anything. It was like putting salts on her wound.
*************************
Tahimik na nakaupo sa kama si Kris habang nakatingin kay Gunner. Busy ito sa pag aalis ng balat ng orange na ilan lamang sa pinamili nito. Lumabas ito saglit kaninang umaga upang bumili ng kanyang gamot at pagkain. Buong araw siyang inasikaso at inalagaan nito. Sa pagkakatitig dito, there is only one word to describe him: perfect. He had dark brown hair, thick eyebrows, and deep-set of eyes. His lips were red and sexy. Hindi nga ba at ilan sa mga contract artists nito ang nagpaparamdam dito. Even actresses and models are not of his age bracket. Well, siya lang naman ang multi-millionaire at young CEO, the sought-after bachelor. But a few months from now, come December alam niya na ikakasal na ito sa girlfriend nito na si Nina Ellize Smith, former Beauty Queen. Her heart pounded hard when their eyes met.
"Are you done checking me out?"nakangising sabi ng binata.
She can't help but roll her eyes. "GGSS ka talaga ano boss? Why would I check you out?"
Napakunot noo naman si Gunner. "Anong GGSS?"
"GGSS.." napatigil siya sa pagsasalita nang simulan siyang subuan nito ng pagkain. "Guwapong - guwapo sa sarili."
Umangat ang kilay ni Gunner. Muli siyang sinubuan nito ng pagkain. "Really? Hindi ba ma justify ng aking physical appearance ang pagiging GGSS ko?"
Natameme naman siya sa winika ng binata. Nagkibit balikat na lang siya rather than answer his question. Baka lomobo pa ang ego nito.
Parang balewala naman kay Gunner na muli siyang sinubuan ng pagkain hanggang sa maubos niya ang pagkain sa pinggan. Pagkatabi sa side table ng pinagkainan niya ay sinubuan naman siya ng cut and peeled fruits na pinagsama sama nito sa isang lalagyan.
One thing na nadiscover niya sa binata, aside from being perfect physically, he also possesses a golden heart. Iba sa pagkakakilala niya bilang Gunner Montenegro, the CEO.
***********************
NINONG NANIE AND NINANG RHEA HERNANDEZ, Thank you for your love despite the distance. Miss you and love you po. God bless po. NINANG WENA AZUCENA Thanks for showing me the real meaning of kindness. Love you po. NINANG EDNA ILAGAN Missing you Ninang Edz. Thanks for your care and concern. Love you po. NINANG OYIE ILAGAN Thanks for your trust. Nakakakilig po. Love you po. NINANG NANIE ILAO, Thanks for your care and concern. Love you po. God bless po. SIR DENNIS SALVANERA Thanks for believing in me during your term. Hindi ko po iyon nakakalimutan. God bless po. MAM PRECY M. BELARMINO Thanks for coming into my life. Thanks for listening. God bless po. MAM ALLEN M. CUSI Thanks for your warm messages. You know we love you po. God bless po. MAM AGNES C. SILANG My dear English Teacher since 2nd year to 4th Year H.S. Missing you po. God bless po MAM REMEDIOS RAMIREZ, Thanks po sa support. God bless po.
"Baliw ka na, baliw!" hindi naiwasang magalit ni Kristel nang makita ang nakahandusay na katawan ni Nina. Walang karapatan si Geneva na saktan si Nina. Geneva's eyes grew sharper. Agad nitong iniumang ang baril sa ulo ni Kristel. Napaatras si Kristel nang makita ang ginawa ni Geneva. Napalingon siya sa likuran niya. Oh - oh, malapit na siyang mahulog sa baba. Ngunit may naisip siyang ideya. Bahala na. Tatalon siya upang makatakas kay Geneva. Right before maiputok ni Geneva ang baril ay nakatalon na siya. Ipinulupot niya ang kanyang bisig sa kanyang tiyan upang maprotektahan ang kanyang dinadala. Bang! Bang! Bang! Tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Bang! At isa pa. &nb
Pudpod na yata ang swelas ng suot niyang leather shoes sa kakaparoon - parito niya. Halos kadarating lang niya mula sa Italy at kasalukuyan siyang nasa opisina ng Royal Film. Kanina pa siya tumawag sa Villa ng mga Almabis ngunit wala pa daw sa bahay si Kristel. Hindi niya kasi talaga maiwasang hindi mag - alala sa asawa. Hindi nito ugaling iwan nang matagal ang anak. Kaya nga kahit maraming nagsusuggest dito na magbalik showbiz ay hindi nito ginawa. Dapat nasa bahay na yun kanina pa. Nagpm ito sa kanya kanina noong papunta pa lang ito sa SDGH. 'Damn! Pick up the phone Kris!' Napu frustrate na siya kanina pa. Kung bakit naman kanina pa niya ito tinatawagan pero ring lang ng ring ang cellphone. Maya - maya'y out of coverage area na. Bumangon agad ang kaba at takot sa kanyang dibdib. Agad na hinanap niya sa kany
I miss your love since you've been goneI find it hard to go onThe summer sky don't mean a thingI thought I'd always be strongI got a feeling insideand it's making my heart cry, causeI'm missing youand it's making me blue, yeahI'm missing youbut what can I doA thousand miles away, from you Humihimig na awit ni Kristel sa paborito niyang kanta ni Meja na 'I'm Missing You' habang iniimpake ang mga damit at gamit ni Gunner na pupunta sa Italy ng ilang araw para sa isang shoot ng Movie sa Italy. Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang pagyakap ni Gunner mula sa likuran. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba sa sa kanyang balikat. Nang lingunin niya ito ay kakaiba ang kislap sa mga mata nito. Bukod sa pagkaaliw ay may matinding paghanga sa mga iyon. Mabilis niyang izinippe
Nagising si Kristel nang madaling - araw nang makaramdam ng paghalukay sa kanyang sikmura. Marahan siyang bumangon upang hindi magising ang katabing si Allaire na mahimbing na mahimbing ang tulog. Mukhang napagod sa pakikipagkulitan at pakikipaglaro sa kanyang ama. Dahan dahan niyang tinawid ang distansiya ng kama sa banyo. Pagpasok na pagpasok niya roon ay agad na bumaliktad ang kanyang sikmura. Nagduduwal siya bagaman wala naman siyang mailabas na kinain. Nang makatapos at mahimasmasan, saglit muna siyang tumigil at pinakiramdaman ang sarili. Tinahak niya ang daan patungo sa side table at mula sa loob ng bag ay kinuha roon ang kabibili pa lamang niyang pregnancy test kit. Bagaman may palagay siyang buntis na siya, mas ninanais pa rin niyang makasigurado sa kanyang kondisyon. Gusto na niyang kumpirmahin ang hinala. Mabilis niyang isi
Since Kristels' mom prepared dishes earlier, niyaya sila nitong kumain. Hindi man sinasadya, napapagitnaan nila ni Ronan si Kristel. Napatingin ang dalaga kay Ronan. Nakangiti ito sa dalaga at bakas ang kasiyahan nito sa mukha. Nag - init tuloy ang kanyang ulo. Naiinis siya sa aktuwasyon ni Ronan. Parang gustong gusto niyang ipagsigawan na in months time ay magiging Mrs Montenegro na ang dalagang katabi nito at iwasiwas sa mukha ng maputlang Amerikanong ito ang infinity ring sa kamay ni Kristel. Bahagya niyang sinagi ang binti ni Kristel sa ilalim ng mesa. Matiim itong tumitig sa kanya. Nag - iwas siya ng tingin. 'Oo na, new member na siya ng Andres Club.' Not because takot siya sa dalaga ngunit dahil ayaw niyang mawala pang muli sa kanya ang dalaga at ang kanilang anak. Five years is enough. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga naging paghihirap nila. &