Share

Kabanata 14

Author: Callyrose
last update Huling Na-update: 2026-01-09 16:44:16

Makalipas ang ilang oras na biyahe ay nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Nakatulog pala ako sa biyahe. Nang iminulat ko ang aking mga mata ay sinalubong ko ang seryosong dalawang pares na mga mata ni Ares.

"We're here," aniya.

Dahan-dahang inayos ko ang sarili, I unbuckle my seat belt. Saka lang nag-sink-in sa aking utak na hindi na pala ako estudyante kundi isang babaeng may asawa at anak.

Tinanggal ko ang earphone na nasa aking tenga at umibis mula sa kotse.

"Mommy!" Sumalubong sa akin ang taginting na tinig ni Adam. Nakaramdam ako ng kakaibang tuwa mula sa aking puso. Yes, napalapit na talaga si Adam sa akin. Lumapad ang ngiti sa aking mga labi nang makita si Adam.

"Adam..." Isang mahigpit na yakap mula kay Adam ang pumawi sa pagod kong katawan at isip. "You missed me?"

"Yeah, I miss you."

"Pasensiya ka na kung walang dalang pasalubong si Mommy. Medyo napagod lang at nakatulog ako sa biyahe."

"Really, kailan ka pa ba nagbigay ng pasalubong sa anak niyo gayong puro k
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 24

    Nakatitig lang si Adam sa aking mga mata. Mapapansin ang mga katanungan na nais niyang malaman at hindi ko siya bibiguin na mabigyan ng kasagutan."Siya si Tito Phillip mo, siya ang long-time boyfriend ko," sagot ko."FYI, ex-boyfriend, Cally. Humihingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagkatok, I just want to give this to you," ani Phillip habang hawak ang isang pumpon ng paborito kong red roses at isang paper bag na sa tingin ko'y regalo niya para sa akin.Nasaktan ako ng labis sa sinabi niyang ex-boyfriend. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may ilang libong karayom na tumutusok sa aking puso? Pansin ko ang paghugot ng isang malalim na buntong-hininga ni Phillip. Kung alam lang sana niya kung gaano natutuwa ang aking puso nang makita siyang muli. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero bakit ramdam kong tila may pader na nakapagitan sa amin? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niyang bulaklak at regalo. "Salamat," sagot ko na may halong matinding kalungkutan. Hin

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 23

    "Micah?" "Yes, it's me. By the way, happy birthday to you!" Masiglang bati niya sa akin. "Ibig sabihin same birthday kayo ni Lavinia, isa lang ang ibig sabihin, magkapatid nga kayo.""Are you sure? Kailangan nating alamin kung talaga nga bang magkapatid kami. Ano kaya ang dapat nating gawin?""DNA test, kuha tayo ng sample kay Adam."Biglang nagliwanag ang aking utak sa suhestiyon ni Micah. Tama, kailangan mag-conduct ng DNA test para alamin ang lahat. Bakit nga ba kaytagal kung naalala ang paraan na 'yon? "Sige, sa tingin mo kaya ano'ng resulta?" "Kung ikaw ang magpapa-test, at hindi alam ng lab na identical twin ka ng mama ni Adam, lalabas sa papel na ikaw ang biological mother.""Posible pala ng may ganoong insidente?" Hindi makapaniwalang sabi ko."Yes, dahil may kaibigan akong doktor at talagang sa tingin ko ay gano'n talaga ang mangyayari."Kung gano'n, ibig sabihin isa lang ang pwedeng gawin ko para patunayan kay Ares na hindi ako si Lavinia. Sa pamamagitan ng medical record

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 22

    "Ares!" Ang nakangiting mukha ni Mrs. Walton ay nakatitig sa gwapong mukha ni Ares. "Pasalamat ka Lavinia at mahal na mahal ka ng anak ko. Dahil kung hindi ay sinisiguro kong sa putik ka pupulutin." Mahina lamang pero may diing turan ni Mrs. Walton. Hindi ko na siya pinatulan pa.Kinalma ko ang sarili dahil totoong na mesmerized na naman ako sa charm ng lalaking ngayon ay tumabi sa akin. Nagulat ako nang maramdaman ang matipunong-braso ni Ares na ngayo'y walang-sabing pumulupot sa aking maliit na bewang palapit sa matipuno niyang katawan.Damang-dama ko ang kakaibang init ng kanyang palad. Kailangan kong umakto ng normal. Naguguluhan tuloy ako sa kakaibang nararamdaman. Normal pa ba ang ganitong pakiramdam? "Hindi ko in-expect na paparito ka, mom?" "Alam mo naman ako, mahilig na i-sorpresa ka," nakangiting sagot ni Mrs. Walton. Pasimpleng tinaasan lang niya ako ng kilay ng dumako ang tingin sa aking gawi. Asa naman siyang papatulan ko ang katulad niya? "Tinatanong ko ang asawa mo

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 21

    Hindi ko akalaing dadalhin ako ni Ares sa party na ito. Ang totoo ay hindi ako mahilig sa mga ganitong event dahil for me it's so boring. Isa pa, hindi ko gets kung anong idinaos ng party na ito."Kanina mo pa tinitingnan ang wine na nasa harap mo. Ayaw mo bang inumin?" "Bawal ako sa alak," sagot ko kay Ares. "Stop being so dramatic, Lavinia. Kahit anong gawin mo alam mong hinding-hindi ako maniniwala sa mga kagagahan mo," saad ni Ares sa akin sa mahinang paraan. Kasalukuyang nasa isang mesa kami habang kausap ang ilang mga business partners niya. Ang totoo, hindi ako maka-relate sa kanilang mga pinag-uusapan pero nakikinig ako. Baka kasi kapag tanungin ako ay handa akong sumagot. Hanggang sa matapos ang naturang party at umuwi na rin kami. Panay ang hikab ko dahil sa sobrang antok. Kumusta na kaya si Adam? Nakatulog na kaya siya? Ewan ko ba, namiss ko si Adam kapag napalayo ako sa kanya.Nang huminto ang kotse sa garage ng mansion ay nauna na akong umibis nang hindi sinasadyang m

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 20

    Nagkaroon na naman ako ng pag-asa. Una si Adam, si Micah at ngayon ang mga ilang kawaksi dito sa mansion. "Sana tulad niyo ay mapansin din ni Ares ang pagkakaiba. Hindi talaga ako ang totoong Lavinia. Ako si Cally Janeiro, kaya lang ay walang makitang record ko ang mga tauhan ni Ares kaya malabong maniwala pa siya sa akin.""Lahat po ay kayang manipulahin ni Ma'am Lavinia.""Yeah, you're right. Salamat at isa kayo sa mga naniniwalang hindi talaga ako ang tunay na Lavinia.""Nakakagulat nga lang po dahil talagang magkamukha kayo. Pero magkaiba kayo sa ugali, pananamit, at sa kilos. Hindi ko rin po masisisi si Mr. Walton dahil ilang beses na rin po siyang pinagsisinungalingan ni Ma'am Lavinia."Tama nga ang duda ko. "Kaya nga, hindi ko rin masisisi si Ares.""Ma'am, narito na po ang gatas niyo.""Salamat," sagot ko. Inilapag ng isang kawaksi ang aking gatas sa center table. Lihim naman akong nagpasalamat sa isang kawaksi dahil ginamot niya ang aking na sprain na paa. "Ano'ng nangyari

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 19

    Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na akong ihatid si Adam sa kwarto niya para makapagpahinga na rin si Perla na Yaya ni Adam. "Wait!" Napalingon kami ni Adam kay Ares. "Bakit?" takang-tanong ko. Napansin kong napahilot si Ares sa sariling sentido. "Never mind, pagkatapos mong ihatid si Adam kailangan nating mag-usap, pumunta ka mamaya sa balcony.""Alright," sagot ko. "Tara na, Adam.""Dad, I need to say good night first," ani Adam sa kanyang ama. Napaka-sweet na bata at masasabi kong ang swerte ni Ares sa anak nitong lalaki."Good night," ani Ares kay Adam. Humalik si Adam sa pisngi ng ama. "Dad, I'm so happy that we are one great happy family now."Ginulo lang ni Ares ang buhok ni Adam. "And I'm glad that you're happy, son.""I am, Dad."Saka tuluyan ng nagpaalam si Adam sa sariling ama. Hinawakan ni Adam ang aking kabilang kamay. "Mommy, I wish na sana kayo nalang ni Dad."Nagulat ako sa narinig mula kay Adam. "Ayokong umasa ka, pero imposible iyang sinasabi mo, Adam. Tatapat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status