Isang linggo ang lumipas mula ng pag-saluhan nila ang gabing iyon. Ngunit si Keirah, isang linggo na ding naghihintay sa pagpaparamdam ni Davidson.Ngayon nga ay heto siya at nakamukmok sa kama at inaalala pa ang napag-usapan nila ng ihatid siya nito.(Flashback)“Mhine, love, nandito na tayo,” marahang yugyog sa kanya ni Davidson. Nagising naman siya na nakaparada na ang kotse nito tabi ng gate nila.“Hmm, uuwi ka na ba?” malambing niyang tanong dito ngunit hindi ito sumagot, bagkus umusog ito sa tabi niya at hinalikan siya sa noo.“I won’t forget this night, Keirah. Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan,” bumuntong-hininga ito. “Kapag kinailangan mo ko somedays, lagi lang akong nandito, got it?”Napatingin siya dito at hindi niya ito maintindihan.“What do you mean?”“Wala. Sige na pumasok ka na, malamang hinahanap ka ng Dad mo.”“Okay, I love you.” “Take care.” Napakunot-noo na lang siya ng hindi ito tumugon sa ‘i love you’ niya. Ipinag-walang bahala niya na lang yun at baka p
“Dave, saan ba tayo pupunta? Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kinalaman sa mga dumukot kay Keirah,” kahit anong pakiusap ni Cassidy ay hindi siya pinapansin ni Davidson. Patuloy lang ito sa pagmamaneho. “Not until iharap kita kay Maureen,” seryosong tugon ni Davidson habang ang tuon ay nasa kalsada. Gusto niya kasing patunayan ni Cassidy na wala itong kinalaman sa nangyari kay Keirah. Ayaw niya rin namang akusahan ang kababata kung nagsasabi naman ito ng totoo. Plano niyang ayusin muna ang lahat bago siya makipag-kita kay keirah. Baka yun na rin kasi ang huling pakikipag-kita niya sa dalaga. Namimiss niya na nga ito, pero hindi siya pwedeng mag-patalo sa nararamdaman niya. Kailangan na niyang sanayin ang sarili na harapin ang bukas na hindi niya na makakasama pa ang babaeng minamahal. “Dave?” “We’re here,” mabilis niyang sagot ng mapansin ni Cassidy ang pananahimik niya. Sakto namang nasa harap na sila ng Quezon City Jail kung saan naka-detain si Maureen at
Hindi nag-tagal at nag-paalam na rin si Eunice. Nagka-patawaran na silang mag-kaibigan at okay na sila. Ang aral lang nun sa kanya, ay dapat inalam niya muna ang buong kwento bago siya nagalit kay Eunice. Hinusgahan niya kasi ito agad at sinabihan ng plastik at peke. ‘Hays, napakasama ko’ naiiling na singhal niya sa sarili. Paakyat na sana siya ng hagdan ng makarinig ng busina ng sasakyan. Ang Daddy niya yun, kakauwi lang. Palagi na lang busy ang Dad niya at kung umuwi ay ikalawang araw pa. Hindi niya alam ang pinagkakaabalahan nito. Nagtuloy na siya sa pag-akyat ng hagdan at hindi na hinintay pang makapasok ang Dad niya. Nang makarating sa kwarto, agad siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga siya kung bakit mag-kasama si Davidson at Cassidy. Bahagya niyang pinilig ang ulo para hindi na mag-isip. Masasaktan lang siya, kapag nag-isip pa nang nag-isip. Wala naman siguro iyong malisya at mag-kaibigan naman ang dalawa.
Pinagmasdan ni Keirah ang labas ng Restaurant na pagkikitaan nila ni Davidson. Isang expensive restaurant na sakop ng Shangri-La sa BGC. Pinaghandaan nga din naman pala ni Davidson. Naaayon lang din naman pala ang ayos niya sa lugar na pupuntahan niya. Huminga ng malalim si Keirah bago patayin ang engine ng kotse niya. Bumaba siya at tinungo ang resto. Sexy’ng naglakad siya papasok roon. Isang staff ng resto ang sumalubong sa kanya na halatang naghihintay sa pagdating niya. “This way ma’am,” anito. “Thanks,” matamis na nginitian niya ang staff. Marahan lang siyang sumusunod dito at pinapakinggan niya ang malamyos na tugtugin mula sa violin na gamit ng orchestra. Feeling niya tuloy ay nags-slowmo ang paligid niya habang naglalakad siya. Paliit nang paliit ang mga hakbang ni Keirah habang papalapit sa direksyon ng lalakeng nakatalikod sa kanila. Habang papalapit dito ay nagsasalubong ang mga kilay niya. Kilala niya ang likod na yun. Hindi yun ka
“Ano’ng nangyari, Dave? Where’s Keirah?” Dismayadong bumalik si Davidson sa kinaroroonan ni Leo. Bagsak ang balikat na naupo na lang siya sa table. “Ayokong maging manghuhula, Dave. Pero sa tingin ko, kailangan mong mag-paliwanag sa’kin,” ani Leo at naupo na rin sa harap niya. Nakahalukipkip ito at matamang nakatitig lang sa nakayukong si Davidson. Si Davidson nakayuko lang, nakakuyom ang dalawang palad na gulong-gulo ang isipan. Kailangan niya nga yatang mag-paliwanag sa kaibigan. Pagkatapos niyang sabihin kay Leo ang lahat, wala itong naging sagot. Bagkus, nahampas lang nito ang mesa. “Damn you, dude! Mahal ka ni Keirah pero kaya mo siyang isuko para lang sa negosyo? You are so stupid, Dave!” Parang sinasampal si Davidson sa bawat katagang binibitawan ni Leo. Oo na, tao lang siya. Mahina at nangangailangan. Tama naman si Leo, hindi deserve ni Keirah ang tulad niya. Katotohanang labis na dumudurog sa kanya. “You just made a decision, Dave. Makakaas
(A/N: IKALAWANG YUGTO means parang part 2 na po siya ng kwento. Marami ng nabago at nangyari sa ating mga lead characters, at mas huhusayan ko pa po. I will change it to FIRST POV, para sa mga readers na mas nakaka-gets ng first pov, para sa inyo po ito. Salamat po sa mga nagbasa at sumuporta hanggang dito, I'll signing off.. CHAAAR! Gusto ko lang sabihin na sana patuloy niyong subaybayan ang kwento ni Keirah at Davidson dito sa IKALAWANG YUGTO. I admit na mahirap siyang itawid, but I'm trying my very best to give you an explicit (explicit ba yun? haha) story. Sorry sa mga typos and wrong grahams ko, i-edit ko siya, pramis. Pls, continue to support me. ENJOY READING!! God bless us all..mwahh!) Ano na kaya ang mangyayari ngayong wala na si Davidson at Keirah? Magpapatuloy pa ba sila o titigil na? Pipiliin ba ni Keirah si Leo? Ano sa tingin niyo? ABANGAN.______________________________________________________________________________________________________KEIRAH POVIn-on ko
“Congrats Mr. Montevella from overcoming your trauma.” I sighed as my doctor told me the news. Kakatapos lang ng last session ko sa kanya. Yes, last session ko na ‘to at alam ko sa sarili ko na okay na ako. Physically, Mentally and Emotionally. Nag-paalam na din ako sa Doctor ko pagkatapos. Pagod na ako at gusto ko ng umuwi. Pero as usual, araw-araw ko pa ding nakikita ang Mom at kapatid ko dahil kapit-bahay ko pa rin sila. I started talking to my Mom, such as “Hi or hello” when we crossed each other everyday. Awkward pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na batiin siya. Nanay ko pa rin naman siya. “Davidson, kunin mo ‘tong fresh lumpia. Sinobrahan ko na yung niluto ko,” sabi ni Mom habang inaabot sa akin ang glass tupperware na may lamang lumpiang sariwa. Everyday scene, hinihintay niya ako sa may pintuan ko para abutan ng pagkain. Feeling ko nga tumataba na ako eh. Hindi ko naman siya mahindian. Ewan ko ba, unti-unti na yatang gumagaan ang loob ko sa nana
DAVIDSON POV Just an ordinary day, pumasok ako sa office bilang isa ng Chairman of the Board. Yeah, nakamit ko na ang pwesto ng namayapa kong ama. Malungkot na masaya. Nalulungkot ako dahil ito ang posisyon na hindi na kailanman matatayuan ni Daddy. Masaya dahil sa kabila ng lahat ng pinaghirapan ko, heto na at nandito na ako. From young CEO to Chairman. “Mr. Montevella, the guests are waiting, we have to go now,” ani Sandra. Ang sekretarya kong loyal sa akin. “Really? O sige, tara na.” Naglalakad ako sa hallway habang nakasunod sila sa akin kasama ang mga bodyguards ko na pinamumunuan ni Capt. Hero. “Good morning, sir,” bati sa akin ng bawat makakasalubong namin na empleyado. Binabati ko naman sila pabalik at alam kong nabibigla sila kapag nginingitian ko sila. I admit it, nagbago na nga siguro talaga ako. I learned to socialize. I learned to smile. Siguro ang mga pagbabago ko ay dahil sa kanya. Thanks to her. Hindi na ako ang Davidson na may mataas na bakod. She