Share

Kabanata XXX: Araw ng Pista ng San Lorenzo

Hindi mahulugang-karayom ang loob ng simbahan dahil sa dami ng tao. Nagsisiksikan, nagtutulakan, naggigitgitan, nagkakatapakan ang kaunting lumalabas at maraming pumapasok na tao. Lalo na sa lugar ng agua bendita o sa benditadong tubig. Malayo pa ay nakaunat na ang mga bisig ng mga nagnanais na makasawsaw ang kamay sa kinaroroonan ng agua bendita, pero natatabig pa at napapalayo. Isang babaeng paangil nang sumigaw nang siya'y nayapakan at nasaktan pero patuloy ang pagtutulakan at halos walang pumansin sa kanya.

Halos hindi makahinga sa loob ng simbahan. Napaka init at umaalingasaw ang iba't ibang amoy ng mga tao. Pero hindi pwedeng hindi marinig ang sermon sapagkat ito ay ginastusan ng ₱250.

"Dalawang daan at limampung piso para sa isang sermon?" parang hindi makapaniwala si Don Julio. "Ano? Para sa isang sermon at para pakinggan ang isang tao! Sobra naman e, isipin mo ang halagang ito ay ikatlong bahagi lamang ng kabuuang halagang ibabayad sa mga komedyanteng magtat

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status