Share

Kabanata XXXVII: Ang Kapitan Heneral

Gustong makausap ng Kapitan Heneral si Francisco. "Napakagaan ng aking kalooban sa binatang iyon," ang sabi niya. 

"Ipinahahanap na po siya, Kapitan Heneral. Nariyan po sa labas ang isang binatang taga-Maynila na humihingi ng pahintulot na kayo ay makausap. Ang sabi po namin na kayo ay walang panahon ngunit sinagot po niya kami na kayo ay laging may panahong magbigay ng katarungan."

Napatakang bumaling ang Kapitan Heneral sa alkalde. "Kung hindi po ako nagkakamali," sabi nito ay "siya po ang binata na nakagalit ni Padre Ignacio sa sermon kaninang umaga. Gusto yata talagang guluhin ng prayleng iyon ang lalawigang ito sa pag-aakalang siya ang nag-uutos dito. Sige papasukin ang binatang iyan."

Sa kabilang silid na kalapit ng bulwagang kinaroroonan ng Kapitan Heneral, naroon at naghihintay ang mga Kastilang kaumpok ng mga militar, may mga katungkulan sa bayan, mamamayan ng San Lorenzo at lahat ng mga prayle maliban kay Padre Ignacio.

"Ipinagbibigay-a

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status