Share

Kabanata 4

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2024-03-18 22:57:12

Mabilis niyang binalik ang cellphone kay Miss Melia. Tumatahip ang d*bdib niya at hindi kayang kausapin ang bagong boss niya.

"B-abalik na lang po ako bukas," tarantang paalam niya.

Kahit hindi pa ito um-oo ay lumabas na siya ng bahay na iyon. May mali sa pakiramdam niya. Bakit ganoon? Bakit pakiramdam niya buong boses nito ang hum*god sa katawan niya? Iniisip niya pa kung narinig na ba niya iyon noon, pamilyar ngunit hindi niya maalala.

"Lorelei, hmm."

Muling umulit sa isipan niya ang pagtawag nito sa kanya. Naipagdikit niya ang mga hita lalo't tila namasa ang nasa pagitan ng mga iyon. Bumigat ang paghinga niya. Parang ayaw na niyang tanggapin ang trabaho lalo na kung araw - araw niyang makakasalamuha si Hector Montanier.

Tulala tuloy siya noong sunduin ang kambal. Dinala niya pa sa malapit na bilihan ng laruan para na rin makalimutan niya ang pagtawag ni Sir Hector sa kanya.

"Itong teddy bear na lang, Mama. Kapag barbie, ako lang ang maglalaro, kapag car naman, si Achi lang. Pero itong bear, pwede kaming share, Mama!" Masiglang tinaas pa ni Ody ang maliit na puting teddy bear.

Nahabag siya sa mga ito. Hindi man lang niya maibili ng kahit tig-isang laruan. Hindi man lang niya mapakain sa sikat na fastfood ang mga anak.

Mabilis siyang tumango ngunit umiwas ng tingin noong mapansin ang paninitig ni Achi sa kanya. Binayaran na lang niya ang teddy bear para makauwi na sila.

Akala niya ay nakaligtas na siya sa mapanuring titig ng anak ngunit hindi.

"Mama, iyong book. Kailangan na raw bilhin. Isa na lang, Mama. Kay Ody na lang. Kung hindi pwede, sa susunod na lang po ako mag-aral," kalmadong pagkausap ni Achi sa kanya.

Parang pinilipit ang puso niya. Hindi niya hahayaan na mangyari iyon! Hindi deserve ng mga anak niya na maranasan ang nangyari sa kanya.

"Hindi, Achi. Bibilhin natin bukas iyon. May bago na akong trabaho." Pinisil niya pa muli ang pisngi nito. Namula nga iyon lalo na't sobrang puti ng dalawa.

Ang balak tuloy niyang pagtanggi na sa trabaho ay naudlot. Mas kailangan niya pala iyon. Bahala na kung ano'ng klaseng tao si Sir Hector, basta siya, trabaho lang ang gusto niya.

Kinabukasan ay kinausap niya ang mga ito na gagabihin siya. Ayaw niyang iwanan pero hindi niya pwedeng isama. Kung malaki ang sahod niya ay kukuha siya ng bantay para sa mga ito.

Kabado siyang bumalik sa malaking bahay. Sa harap pa lang ng pinto ay kumakalabog na ang d*bdib niya. Kita na niya roon ang mamahaling sport car na wala kahapon. Nanginginig tuloy ang kamay niyang i-input ang code na pinadala pa sa mensahe ni Miss Melia upang mabuksan niya ang pinto.

Pagbukas ay tumambad sa kanya ang pares ng mamahaling itim na sapatos. Pinulot niya iyon upang maitabi. Ngunit nabaling ang atensyon niya sa mahinang hilik sa sala.

Kinakabahan siyang lumapit. Tumingkayad para lang masilip ang bagong boss niyang mahimbing ang tulog sa sofa. Halos hindi nga ito magkasya doon sa laki ng katawan. Ang isang binti nito ay nasa sahig habang ang isa ay nasa arm rest. Unan nito ang namumutok na braso at higit sa lahat ay bukas ang suot nitong puting longsleeve kaya't malaya niyang nasilayan ang makapal na balahibo sa matipuno nitong d*bdib.

Napalunok siya at imbis na lumiko ay umakyat ang tingin niya sa awang nitong mga labi. Namumula at nakasilip pa ang pantay-pantay na puting ngipin nito. Sa totoo lang, para itong modelo ng brief at toothpaste na lumabas sa magazine. Pati panga ay naninigas at sigurado siyang hindi basta-basta ang alaga nito sa ibaba.

Sh*t! Ano bang pinag-iisip niya?!

"Are you done checking me out, Miss?" namamaos pang bigkas nito bigla kaya napasinghap siya.

Nabitin sa ere ang paghinga niya at namilog ang mga mata noong magkatitigan sila. Inaantok pa ang itim nitong mga mata at sobrang haba ng mga pilikmata kaya lalo siyang hindi nakapagsalita.

"Close your mouth. Your lips look so delectable," inaantok nitong bigkas muli ngunit iba ang dating ng boses sa kanya kaya nag-init ang mga pisngi niya.

Ang boses nito ay parang kagagaling sa nakakapagod na ehersisyo sa kama. Magaspang na namamaos.

"Close them... please. I might kiss you if you keep drooling on me. Do you want me... to take you here?" biglang tanong nito kaya namula lalo ang mga pisngi niya.

Para siyang naeskandalo at hindi na makatingin dito ngunit nahuli niya ang pag-angat ng gilid ng labi nito. Hindi iyon ngiti kun'di maliit na ngisi. Lumitaw pa sa kanang gilid ng labi nito ang hindi kalalimang dimple.

"Just kidding. Let's talk inside my office," bawi nito bago biglang bumangon.

Mabilis siyang umiwas at napayuko noong basta na lang ito nag-alis ng butones ng longsleeve nito at swabe iyong hinub*d.

"Do I smell liquor?" mabigat na tanong nito kaya lang ay ayaw niyang lumingon dito kaya nanatili ang titig niya sa sahig.

"I'm asking you. Amoy alak ba ako, Lorelei?" halos paos na naman ang boses nito kaya napapikit siya nang mariin.

Iba talaga ang h*god ng boses nito sa katawan niya. Lahat ng balahibo niya ay nagtataasan at pati puson niya ay nakikiliti.

Napalunok siya noong maramdaman ang paglapit nito. Pagmulat pa niya ay mabalahibong paa ang nakita niya sa harap ng mga paa niya.

"N-o, Sir. H-indi po kayo amoy alak," kabadong sagot niya noong akma siya nitong hahawakan.

Pag-angat ng tingin niya ay seryoso itong naninitig sa kanya. Salubong ang kilay. Hindi niya nga maitutok ang tingin sa mukha nito lalo't nakabalandra sa harap niya ang hub*d nitong katawan. Bumigat ang paghinga niya at gusto na lang pindutin ang matitig*s nitong muscles.

"In my office," may awtoridad na nitong utos bago tumalikod.

Napabuga siya ng hangin. Napapaypay sa sarili at hindi maiwasang manghina. Parang naubos ang lakas niya dito. Sinulyapan niya na lang ang matipuno nitong likod na pumasok sa isang pinto.

Huminga siya nang malalim nang ilang beses at binalik ang mga sapatos sa sahig bago sumunod. Nakasandal na ito sa swivel chair at mukhang hinihintay siya. Nahuli niya agad ang mariing titig nito.

"Here, Lorelei," malalim na sambit nito at marahang tinipa ang daliri nito sa mesa.

Tahimik siyang lumapit kahit nahihiya. Na-conscious siya sa paninitig nito at pakiramdam niya ay hub*d na siya sa isip nito.

"I might require you to work 24/7, so make sure you don't have any extra baggage to attend to. Don't worry, I'll pay you triple or name your price," seryosong saad nito matapos iabot sa kanya ang blankong cheque na may pirma na nito.

Napatitig siya doon ngunit hindi inasahan ang pagtayo nito at paglapit sa likod niya. Muli siyang naestatwa matapos maramdaman ang init ng paghinga nito sa bandang tainga at leeg niya. Hindi pa siya nakakilos noong lumapat sa bewang niya ang mainit at malaking palad nito.

"S-ir," kabado niyang bigkas.

"Single?" imbis ay tanong nito kaya mabilis siyang tumango.

"Good. Virgin?" sunod na tanong nito kaya nanlaki ang mga mata niya.

Hindi siya makasagot. Sasabihin ba niyang may anak na siya at kambal pa? Baka hindi siya nito tanggapin!

"Y-es, Sir," pagsisinungaling niya.

Marahas itong huminga na tila nahihirapan at nagpipigil. Napaangat nang bahagya ang balikat niya noong tumama doon ang matangos nitong ilong na tila inaamoy siya. Nakiliti pa siya sa mabalbas nitong pangang na hum*god sa balat niya.

"D*mn, perfect for me," halos dumikit pa ang labi nito sa paos nitong bulong kasabay ng pagdiin ng palad nito sa kanyang bewang na tila gusto na siyang sunggaban.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Bacacat
nice novel
goodnovel comment avatar
Marilou Dulay
very good!
goodnovel comment avatar
Marilou Dulay
nice novel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 303

    Diniinan nito ang hawak sa kanya at binigyan ng bilis ang paggiya sa katawan niya.Sa katanghaliang tapat ay napuno nila ng ungol ang bahay. Ramdam niya ang pagbagsak ng buhok niya sa kanyang mukha at pawis sa kanyang sentido. Kahit noong makarating sila sa sukdulan ay nanghihina na lang siyang napa

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 302

    Ang lapad ng ngiti niya noong lumabas sila ng clinic. Gusto niya ngang tumalon habang naglalakad dahil sa sobrang tuwa."F*ck! Careful, Fu-Re!" tarantang suway ni Lucas sa kanya.Mabilis nitong pinigilan ang bewang niya at hinila padikit dito."Buntis ka. Huwag kang tumalon," mahinahon pero alam niy

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 301

    "Ingat ka sa mga hiling mo, Lucas. Delikado pa naman ang lahi ko," ngising asar niya dito.Ngumisi rin ito pabalik, "Wanna bet?"Lumaki lalo ang ngisi ni Luna, "Anong kapalit?"Nanliit ang mga titig ni Lucas sa kanya."Ibibili kita ng—""Ayoko niyan. Ayoko ng ibibili! May gusto akong iba," agad na s

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 300

    Imbis na humiwalay ay siniskik niya ang mukha sa leeg nito."Gusto ko pa, Fu-Fo," paos niyang bigkas niya."What?"Napalunok siya bago ulitin ang sinabi, "I want more, Lucas," mas malinaw na niyang bigkas.Dumiin ang hawak nito sa bewang niya. Noong ilayo niya ang mukha sa leeg nito at tumingala ay

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 299

    Hindi siya makakilos sa malalim na h*lik ni Lucas. Hindi niya rin naman maitulak ang lalaki lalo't ipit siya ng katawan nito sa puno.Parang bulang nawala ang init ng ulo niya. Para siyang hinele ng mga labi nito at pinasunod. Hindi nagtagal ay unti-unti siyang sumagot sa h*lik nito.Naramdaman nito

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 298

    Pansin niyang hindi maialis ang titig sa kanya ni Lucas noong kumuha ito ng t-shirt at dumaan sa harapan niya. Para bang nagpapapigil ito pero hindi siya kumibo.Nabitiwan nga lang niya ang mansanas noong hawakan nito ang kamay niya."Okay lang ba na isama ang asawa ko?" tanong pa nito sa lalaki."A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status