Share

Kabanata 5

Author: Yenoh Smile
last update Huling Na-update: 2024-03-30 19:28:02

Hindi niya alam na kanina pa niya pigil ang paghinga kung hindi lang ito lumayo.

"Ikukuha kita ng dress. We'll attend an event," pinal na sambit nito kaya namilog ang mga mata niya.

"Po? Sir, hindi po pwede—"

Mas namilog ang mga niya noong tumama sa mga labi niya ang hintuturo nito upang patigilan siya.

"Shhh. Sasama ka. You're now my secretary. Kung nasaan ako, doon ka." madiing sagot nito na akala mo ay hindi iyon big deal.

Hindi siya makareklamo. Paglabas ng opisina nito ay gusto niyang ibalik ang cheque. Tinawagan niya rin si Miss Melia.

"Hindi ka pwedeng umatras, Lorelei. Lagyan mo limang milyon iyang cheque niya para makabawi ka kung gusto mo. Kumpara sa mga nauna sa'yo, mas pabor si Sir Hector sa'yo. Mag-enjoy ka na lang sa event, Hija."

Napirmi ang mga labi niya. Dapat pala pinag-isipan niyang mabuti. Napilitan tuloy siyang mag-ayos. Hindi pa siya kumportable sa baby blue cocktail dress na inorder nito. Yukong-yuko siya noong titigan nito.

Nag-init ang mga pisngi niya matapos masulyapan ang madiing titig nito. Para tuloy siyang hindi makahinga sa paninitig nito. Pakiramdam niya ay hinuhub*ran na siya nito sa isip pa lang.

"Chin up. You look... gorgeous," mahinang papuri nito.

Sinubukan nitong hawakan ang bewang niya ngunit umiwas siya. Hilaw siyang ngumiti.

"Alis na po tayo para agad makabalik, Sir."

Nauna pa siya sa harap ng sasakyan nito. Nanliliit ang tingin nito noong pagbuksan siya ng pinto. Mali ba na umiwas dito? Boss niya ito at mali na magustuhan siya nito.

Umikot ito sa driver seat noong makaupo na siya. Namroblema pa siya paano aayusin ang seatbelt ngunit nahigit niya ang hininga noong ito mismo ang umagaw sa seatbelt niya at nag-ayos no'n. Nasamyo niya tuloy ang matapang nitong pabango na may halong lemon. Akala pa niya ay ang air freshener pero hindi, amoy lemon talaga ito at masarap sa ilong.

Maliit itong nangunguso noong paandarin ang sasakyan. Umiiwas siya ng tingin dito. Kumakalabog ang d*bdib niya ngayong nasa isang sasakyan lang sila. Kinipkip niya pa ang bag sa mga hantad niyang hita.

"How old are you, Lorelei?" biglang tanong nito na muntik magpatalon sa kanya sa upuan.

"T-wenty five, Sir."

"Hm. Never been touched? Never been kissed? And of course, never had s*x. Am I right?" senswal at bulgar nitong tanong.

Tumiim bagang siya. Alam na niya ang kalibre nito kung bakit gusto nito ng virgin. Sigurado siyang marami na rin itong naikama at delikado siya kung hindi siya mag-iingat.

"I'm not comfortable with tbose questions, Sir," pag-amin niya.

Hindi ito kumibo. Nasilip niya ang pagsasalubong ng kilay nito. Nakasandal na nga ang siko nito sa bintana at pinaglalaruan ng mga daliri nito ang ibabang labi nito. Isang kamay lang ang gamit nitong pagdrive. Nakarolyo ang asul na manggas ng longsleeve at ang lakas manampal ng kayamanan ng mamahaling relo nito.

"Would you like to pretend to be my girlfriend?" biglang tanong nito sa kawalan.

"Po?"

Umigting ang panga nito, "My ex will be there with her new boytoy. Ayoko talagang magpunta na mag-isa, but I have to show up. It's business related. Ipapakilala kitang bagong girlfriend ko. Don't worry, I'll pay you for this," paliwanag nito.

"Pero, Sir—"

"Just this once, Kitty. After this, you can be just my plain secretary."

Napakurap siya at napalinga pa sa backseat kung sino ang tinawag nitong Kitty.

"Cute, Kitten," nangingising sambit nito sa reaksyon niya.

Nag-init ang mga pisngi niya. Walanghiya! Siya pala ang pusa!

Wala rin siyang nagawa noong pagdating nila sa event ay ito mismo ang nag-ayos sa braso niya pakapit sa braso nito.

"Just stay beside me, Kitty. Smile as if you are head over heels for me," nakangising paalala nito.

Sa dami ng mga bigating tao ay naging peke ang ngiti niya. Sa isang pabilog silang mesa napunta at naupo. Ramdam niya agad ang titig ng isang babae sa kanya na tila gusto siyang patumbahin.

"Oh gosh, you got a new girl, Hector. I'm happy for you, Hijo. Hindi sana magloko katulad ng nauna," ani ng isang Ginang na b****o kay Sir Hector.

Tumabingi ang ngiti niya habang ang babaeng nakatitig sa kanya ay umirap. Humilig pa ito sa braso ng lalaking katabi.

"We should go home early, Babe. Bawal magpuyat ang buntis," dinig niyang bulong nito sa lalaki.

Ramdam niya ang paninigas ng katawan ni Hector at kahit nakangiti ito sa mga kausap ay pansin naman niya ang panaka-nakang pag-igting ng panga nito.

"Alejandro and I are having a baby boy, Mrs. Sarmiento," dinig niyang sagot ng babae matapos itong tanungin sa pinagbubuntis.

Hindi na nga niya ito nilingon bagkus ay natutok ang titig niya kay Hector na naging sunod-sunod ang inom ng alak. Hindi siya nakatiis at inagaw ang brandy na hawak nito at ininom iyon.

"What are you doing?" bulong na tanong nito.

"Hindi ka pwedeng malasing. Magda-drive ka pa," madiing bulong niya pabalik.

Lumapit ito at nagtaasan ang mga balahibo niya noong dumikit ang ilong nito sa leeg niya.

"My Kitty is concern," namamaos nitong bulong kasabay pa ng pagdapo ng mainit nitong palad sa hita niya.

Ginalaw niya ang hita ngunit dumiin ang kapit nito. Wala tuloy sa sariling napainom siya ng alak.

"Crizaa, come back here!"

Nabaling ang atensyon niya sa lalaking Alejandro yata ang pangalan. Tinatawag nito ang babaeng masama ang titig sa kanya na nag-walk out ngayon lang.

Doon lang nawala sa hita niya ang palad ni Hector. Lumagok pa ito ng alak bago tumayo.

"Comfort room," paalam nito pero ang titig ay nasa babaeng papalayo.

Hindi niya alam kung bakit nadismaya siyang sinundan nito ang babae. Umiwas na lang siya ng tingin at tahimik na uminom.

"Ngayon lang kita nakita, Hija. Gaano na kayo katagal ni Hector? Anim na buwan pa lang naman kasi silang hiwalay ni Crizaa," baling sa kanya ng Ginang kanina.

Hilaw siyang napangiti, "Three months po," pagsisinungaling niya.

Napatango ito. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong muli dahil hindi na niya alam ang isasagot. Nakuha niyang makaubos ng alak ay hindi na bumalik si Hector. Nahihilo na nga siya noong magpunta sa parking lot para doon ito hintayin.

Saktong kapapadala niya ng mensahe sa kapitbahay niyang si Ria para tingnan ang kambal noong mamataan si Hector.

Napatuwid siya ng tayo noong makita na itong papalapit. Halatang galit kaya hindi na siya nagtanong. Agad na lang siyang pumasok sa sasakyan noong patunugin nito.

Maging sa biyahe ay ramdam niya ang galit nito sa hindi malamang dahilan. Madiin ang hawak nito sa manibela. Isa lang ang sigurado niya. Nakausap nito si Crizaa at tiyak na nabigo ito lalo't noong pagdating nila sa bahay nito ay kitang-kita niya ang bumagsak na luha sa gilid ng mga mata nito.

Nahabag siya dito, "Sir—"

"Go home, or if you want, you can sleep in one of the guestrooms. Thank you for today, Lorelei," pagtataboy nito sa kanya.

Hindi niya alam kung dahil lang sa kalasingan kaya hindi niya ito maiwan. Naaawa siya rito. Agad siyang kumuha ng tissue, lumuhod sa upuan at inabot ang pisngi nito. Pareho pa silang natigilan noong hawakan nito ang kamay niya.

"Don't. I'm not weak," pamimilit nito.

Naamoy niya ang brandy sa hininga nito at sa malamang ay pareho lang silang may tama ng alak. Napalunok siya noong matitigan ang mga mata nitong dumilim. Balewala niyang pinunasan muli ang pisngi nito ngunit muli nitong pinigilan ang kamay niya.

"S-ir—"

"If you keep doing that, sa kama tayo babagsak. Umuwi ka bago pa magbago ang isip ko at ipinid ka sa kama," pagbabanta nito.

May choice siya, pinapatakas siya nito pero ang katawan niya ay ayaw kumilos. Baka dahil lasing siya.

"Pagbilang ko ng lima, lumabas ka na ng sasakyan. I have no mercy when it comes to bed, Kitten," mabigat na bulong nito.

Nanuyo ang lalamunan niya at mas lalong hindi nakakilos.

"One," pagsisimula nito, nagsimula rin ang mainit nitong palad na umakyat sa hita niya.

"Two, get out, Kitty," sobrang paos na sambit na nito habang ang kamay ay nahanap ang garter ng underwear niya.

"P-ero, Sir—"

"Five. D*mn it!" pagmumura pa nito bago hatakin ang bewang niya at siilin siya ng h*lik.

Mabilis nitong hinila ang bewang niya at pinaupo siya sa kandungan nito. Nahatak niya ang longsleeve nito matapos nitong ipasok ang dila sa bibig niya habang ang palad nito ay nahatak paalis ang underwear niya. Nahanap ng palad nito ang pagkabab*e niya at diniin ang daliri doon na kinasinghap niya.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jonalyn Bacacat
more update
goodnovel comment avatar
Imelda J. Villaluna
So exciting naman
goodnovel comment avatar
Susana Banzuela
more update plzzzz
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 303

    Diniinan nito ang hawak sa kanya at binigyan ng bilis ang paggiya sa katawan niya.Sa katanghaliang tapat ay napuno nila ng ungol ang bahay. Ramdam niya ang pagbagsak ng buhok niya sa kanyang mukha at pawis sa kanyang sentido. Kahit noong makarating sila sa sukdulan ay nanghihina na lang siyang napa

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 302

    Ang lapad ng ngiti niya noong lumabas sila ng clinic. Gusto niya ngang tumalon habang naglalakad dahil sa sobrang tuwa."F*ck! Careful, Fu-Re!" tarantang suway ni Lucas sa kanya.Mabilis nitong pinigilan ang bewang niya at hinila padikit dito."Buntis ka. Huwag kang tumalon," mahinahon pero alam niy

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 301

    "Ingat ka sa mga hiling mo, Lucas. Delikado pa naman ang lahi ko," ngising asar niya dito.Ngumisi rin ito pabalik, "Wanna bet?"Lumaki lalo ang ngisi ni Luna, "Anong kapalit?"Nanliit ang mga titig ni Lucas sa kanya."Ibibili kita ng—""Ayoko niyan. Ayoko ng ibibili! May gusto akong iba," agad na s

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 300

    Imbis na humiwalay ay siniskik niya ang mukha sa leeg nito."Gusto ko pa, Fu-Fo," paos niyang bigkas niya."What?"Napalunok siya bago ulitin ang sinabi, "I want more, Lucas," mas malinaw na niyang bigkas.Dumiin ang hawak nito sa bewang niya. Noong ilayo niya ang mukha sa leeg nito at tumingala ay

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 299

    Hindi siya makakilos sa malalim na h*lik ni Lucas. Hindi niya rin naman maitulak ang lalaki lalo't ipit siya ng katawan nito sa puno.Parang bulang nawala ang init ng ulo niya. Para siyang hinele ng mga labi nito at pinasunod. Hindi nagtagal ay unti-unti siyang sumagot sa h*lik nito.Naramdaman nito

  • Mga Anak ng Bilyonaryo   Kabanata 298

    Pansin niyang hindi maialis ang titig sa kanya ni Lucas noong kumuha ito ng t-shirt at dumaan sa harapan niya. Para bang nagpapapigil ito pero hindi siya kumibo.Nabitiwan nga lang niya ang mansanas noong hawakan nito ang kamay niya."Okay lang ba na isama ang asawa ko?" tanong pa nito sa lalaki."A

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status