Chapter 15: The starting point
I'm currently waiting for a client here at my office. Ang kliyenteng ito ay nag-set ng appointment sa akin noon pang isang araw pero ngayon ko lang s'ya makikilala.
Pinalabas ko na rin ng office si Galand dahil baka makialam na naman s'ya. Mabuti naman at pumayag at pumunta na lamang sa canteen sa baba.
Akmang tatayo ako at kukuha ng tsaa nang bigla na lamang sumakit ang ulo ko.
"Argh!"
Kaagad akong napa-upo sa swivel chair ko at hinilot ang sariling sintido. Lumipas pa ang ilang minuto bago ito tuluyang nawala.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa nangyari at ipinagsawalang-bahala na. Maya-maya lang ay nakarinig na ako ng katok mula sa labas. Kaagad namang pumasok ang isang lalaki. Nakasuot ito ng sumbrero kaya hindi ko makita ang mukha nito.
Dire-diretso s'yang naupo sa katapat na upuan ko. Maya-maya lang ay tumunghay s'ya at tinanggal ang sumbrero na nakatakip sa mukha n'ya. Bumungad sa akin ang lalaking mukhang 25 anyos pa lamang.
"What can I do for you, Mr..?"
"Ako po si Hugo."
Inilahad nito ang kamay n'ya kaya tinanggap ko ito. Base sa itsura n'ya ay mukhang hindi s'ya mayaman. Hindi rin astang mayaman ang kilos n'ya.
"Anong maipaglilingkod ko sayo, Hugo?" tanong ko sakan'ya.
Napatingin ako sa katawan nito at napakunot ang noo. His body is shaking. Mababakas ko ang takot sa mata at kilos n'ya.
"M-Maaari mo bang h-hawakan ang kaso ko?" diretsang saad nito.
Hindi na ako nagulat dahil halos lahat naman ng pumupunta rito ay iyon ang sadya. Ang hawakan at ipanalo ko ang kaso nila.
"W-Wala akong ganoong kalaking pera para ibayad sa'yo. P-Pero pangako, kapag naipanalo mo ang kaso ko... magtatrabaho ako... babayaran kita... hindi! Kung gusto mo maging alila mo na ako hanggang mabayaran ko ang utang ko!... Pakiusap... I-Ipanalo mo ang kaso ko... patunayan mong inosente ako..."
Nagsimulang s'yang umiyak sa harap ko. "W-Wala talaga akong ginawa. Pina-unlakan ko lang ang hiling ng kaibigan ko. P-Pero ang gusto ng pamilya nya.. ako ang managot." saad pa n'ya.
Sandali akong napatitig sakan'ya bago nagsalita.
"Ikwento mo sa akin lahat ang nangyari. Walang dagdag, walang bawas. Lahat katotohanan."
Humihikbi-hikbi s'yang tumango.
"March 11, bandang 5:00, t-tinawagan ako ng kaibigan ko.. tinawagan ako ni Raver.. umiiyak s'ya.. pinapapunta n'ya ako sa bahay nila, uminom r-raw kami."
"H-Hindi kaagad ako nakapunta.. ang tapos ng trabaho ko alas-otso. P-Pero pagkatapos no'n, pumunta naman kaagad ako, p-pinuntahan ko si Raver..."
Lalong nanginig ang kamay n'ya kaya inabutan ko s'ya ng tubig. Imbes na inumin ay ibinaba lamang n'ya ito sa lamesa.
"P-Pagdating ko... hindi na umiiyak si Raver kaya uminom lang kami.."
"May napansin ka bang kakaiba sakan'ya?" tanong ko.
"T-Tahimik lang s'ya. Maingay na tao si Raven kaya naninibago ako."
Tumango ako sa sagot n'ya. "After that, may sinabi pa ba s'ya sa'yo?"
"O-Opo. Siguro pagkatapos ng 40 minutes pa s'ya nagsalita... sinabi n'ya sa aking nakipagbreak na sakan'ya si Gem... 'yong girlfriend n'ya for 4 years."
Sumandal ako sa swivel chair at naghihintay ng susunod pa n'yang sasabihin.
"Naawa ako sakan'ya... sinubukan ko s'yang i-comfort.. nabanggit ko na baka hindi para sa kanya si Gem.. kaso.... nagalit s'ya, bigla n'ya akong sinuntok kaya napatayo ako... tapos.."
Napasuklay s'ya sa buhok n'ya.
"Susuntukin n'ya dapat ako kaya instinc ko na lang na suntukin s'ya bigla sa t'yan. P-Pero mahina lang 'yon.. nagulat ako at kinabahan dahil biglang bumula ang bibig n'ya tapos nagcollapse. Nataranta ako no'ng oras na iyon kaya tinawagan ko kaagad ang ambulansya at dinala s'ya sa hospital..."
Muli s'yang humagulhol ng iyak. Kung nandito lang si Galand ay paniguradong maluha-luha na 'yon.
"P-Pero pagdating ng pamilya n'ya.. ako ang pinagbibintangan nila.. lalo na't nakita sa CCTV ang mahina kong suntok sakan'ya.. gusto nilang makulong ako at panagutan ang pagkawala ni Raven... na hindi ko din ginusto."
Mahina s'yang muling humikbi-hikbi at ininom na ang tubig na iniabot ko sakan'ya. Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Did you run away? Nagtatago ka na ba?" tanong ko.
Pagdating n'ya pa lang ay mukhang may pinagtataguan na s'ya dahil sa suot at kilos n'ya. Napatingin s'ya sa akin saka ibinaba ang baso at tumango.
"O-Oo, i-inaaresto na ako ng mga pulis... sapat na ebidensya na raw iyong CCTV para makulong ako.. pero ayoko.. may pangarap ako sa buhay... at hindi ko hahayaang masira iyon dahil lang sa maling akala."
Sandali kaming binalot ng katahimikan. Pinag-iisipan ko ang maaring mangyari. Kung nagkataon, ito ang pinakang-unang kasong mahahawakan ko na ako ay nasa katuwiran. Ito ang pinaka-magandang simula.
Napatingin ako sakan'ya.
"Huwag kang tumakas. Magpakulong ka sa mga pulis." seryosong saad ko kaya nanlaki ang mga mata n'ya.
"Ano?! Hindi pwede! Inosente ako!" agad na wika n'ya kaya inilingan ko s'ya.
"If you run away, they will call you guilty. If you turn yourself in.. I will protect you. Trust me, trust the law. Cause I'll prove your innocence using the law."
----
After our conversation, napag-usapan namin na pupunta na s'ya ng police station para sumuko.
Kaagad akong tumayo sa kinauupuan ko at kaagad na nagtungo sa canteen ng building namin. Natanaw ko si Galand na kumakain kaya kaagad ko s'yang hinila palayo roon.
"A-Ano ba?! K-kumakai--"
"Hostage 'to!"
Natigilan ang lahat dahil sa sumigaw. Napatingin kami sa lalaking nakaitim at hawak sa leeg ang isang tauhan rito habang may nakatutok na patalim sa leeg nito.
Napapikit ako. Nagkamali ako. Kanina, noong sumakit ang ulo ko ay nakita kong si Galand ang hinostage ng taong ito kaya kaagad kong inilayo si Galand sa kinauupuan n'ya. Pero dahil sa ginawa ko, ang hinostage ng lalaki ay ang babaeng pinakang-malapit sa kinauupuan ni Galand.
Napabuntong-hininga ako at pilit na inilalagay si Galand sa likod ko. Halatang gigil na gigil ang lalaki sa hindi malamang dahilan.
"Ilabas n'yo yang si Mercado! Tangina! Ilabas n'yo!"
Napakunot at napasinghap kaming lahat dahil sa pagbanggit n'ya sa pangalan ni Sir Attorney.
"Tangina n'ya! Iniwanan ako ng pamilya ko dahil sa katarantaduhan n'ya! Putanginang wala nga akong kasalanan sa pagkamatay ng amo ko! Pero dahil sa kagagawan n'ya, nakulong ako ng walang ginagawa! Tangina mo Mercado! Lumabas ka!"
Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Kasabay no'n ang pagsulpot ni Sir Attorney sa likuran ko. Halatang galing s'ya sa pagtakbo.
"M-Maghunus-dili ka." saad n'ya.
"Tangina mo Mercado! Mas demonyo ka pa sa demonyo! Ito ang gusto mo 'diba?! Ang makulong ako! Tangina! Ito na! Mas gugustuhin ko pang makulong ng may kasalanan kaysa makulong ng wala naman akong ginagawa!"
Napasinghap ang lahat nang ilapit n'ya pa lalo ang kutsilyo sa leeg ng hostage.
"M-Mikaela.. tulungan mo s'ya. Alam kong kaya mo."
Napakunot ang aking noo sa bulong ni Galand. Ewan ko pero iyon din ang kanina pang binubulong ng konsensya ko. Parang responsibilidad kong iligtas ang babaeng 'yan.
Wala sa sarili kong hinugot ang baril sa bulsa ng guard. Tinangka n'ya pa akong awatin pero naitulak ko na s'ya palayo. Nakarinig ako ng mga pagsinghap sa paligid.
"A-Ano yan?!"
Napasigaw ang lalaki nang makitang itinutok ko sakan'ya ang baril. Sa loob loob ko ay labis ang aking kaba. Hindi ako marunong gumamit nito!
"Bitawan mo ang babaeng 'yan." matigas na saad ko at unti-unting humakbang palapit sa kan'ya kaya s'ya naman ang umatras.
"Anong ginagawa ni Attorney Perez?!"
"Pigilan n'yo s'ya!"
"Mapapahamak lang s'ya d'yan!"
"A-Attorney!"
"Huwag kang lalapit! Tutuluyan ko 'to!"
Napasigaw ang lahat ng higpitan n'ya lalo ang pagkakahawak sa leeg ng babae dahilan para mapaubo ito.
Nagpatuloy lang ako sa paglapit. "Talaga? Sige, tuluyan mo. 'Di ko naman kaano-ano yan e. Kaya pagkatapos mo d'yan, tutuluyan din kita kasi nga 'di din kita kaano-ano."
Nanginginig s'yang napaatras hanggang sa macorner na s'ya ng pader.
"A-Ano?! H-Hindi ka titigil?!"
Itinutok ko sa paanan n'ya ang baril kaya bahagyang napataas ang binti n'ya.
"Kapag hindi mo binitawan 'yan. Papuputukin ko ito sa binti mo. Makukulong ka na, hindi ka pa makakalakad." ani ko at tumigil sa paglapit.
Halata sa mukha n'ya ang kaba at hindi na alam ang gagawin. Bahagya akong napaatras ng biglang lumabas ang numerong 8 sa gilid ng mata ko.
Napatingin ako sa lalaki na tumingin sa paa n'ya kasabay ng pagbawas ng bilang.
Kaagad akong napatakbo palapit sakan'ya at wala sa sariling napaikot sa ere. Sakto namang naglanding ang paa ko sa pisngi n'ya sa bilang na isa kaya nabitawan n'ya ang babae na kumaripas ng takbo.
Kaagad kong dinampot ang kutsilyo kaya kaagad na ding nagsilapitan ang mga guard sakan'ya upang kunin ang lalaki.
Bahagya akong natigilan ng mapagtanto ang ginawa. P-Paanong nangyari 'y-yon? Ni hindi nga ako marunong sumuntok!
Nakangiwi akong humarap sa mga tao na noon ay nagpapalakpakan na habang sinisigaw ang pangalan ko.
Sinasabi ko na nga ba! Ang bilang na lumabas sa mata ko ay ang segundo ng pagkawala ng konsentrasyon o pokus ng lalaki. Saka tama ako, hindi kayang pumatay ng lalaking 'yon. Base sa sinabi n'ya kanina, mukhang takas s'ya sa kulungan. At mukhang isa s'ya sa mga inosenteng nakulong.
Galand is right. Everybody are born good. Lahat may kabutihan sa kalooban. Kahit s'ya pa ang pinaka-masamang tao sa mundo.
What we see is not even half of the truth.Unti-unti kong ginalaw ang aking daliri saka dahan-dahang iminulat ang mata. Malabo pa ang paningin ko kaya pilit akong kumukurap upang maging malinaw ito. Naaaninag ko ang isang lalaking nakaputi sa harapan ko na animo'y doktor.Maya-maya lang ay biglang luminaw ang mata ko at mukhang hindi iyon napansin ng doctor. Pinagmasdan ko s'ya na parang may kinakalikot na tila ba may balak na gawing hindi kaaya-aya. Bigla ang pagragasa ng kaba sa aking dibdib nang tumagilid ang doctor. Naka-medical mask ito kaya hindi ko mamukhaan. Nakita ko ang isang bote at kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita na bote iyon ng lason.Sa lagay ko ngayon ay hindi ko kayang makipaglabanan ng dahasan. Nanghihina ang katawan ko dahil kagagaling ko lang sa pagtulog.Nanginginig kong tinanggal ang swero mula sa aking braso at pasimpleng inipit iyon sa kama. Kaagad akong pumikit nang biglang humarap ang doktor o kung tunay nga ba iyong doktor. Sinsisipat-sipat nito ang syringe bago lumapit sa swero ko. Walan
Chapter 33: Almost a loser Pinalagatok ko ang aking leeg at humikab. Napatingin ako sa digital clock sa aking table at nakitang 11:23 na ng gabi. Sa wakas. Natapos ko rin ang dapat tapusin. Pinagtyagaan ko talagang tapusin ito ngayong araw kahit na abutin ako ng gabi. Kapag hindi ko tinatapos kaagad, pakiramdam ko ay sobrang dami. Napabuntong-hininga ako nang maalala na wala na si Galand ngayon dito. Nag-paalam ito sa akin na may importanteng lakad pero hindi sinasabi sa akin kung saan kaya hindi na ako nagpumilit sa kabila ng kyuryusidad na nararamdaman. Inayos ko muna sandali ang aking mga gamit bago lumabas ng building. Nagpaalam pa sa akin ang guard kaya tinanguhan ko lang ito at nginitian. Mabilis naman akong sumakay ng sasakyan at muling napahikab. I'm really sleepy right now. Gustong-gusto ko na matulog but I can't just sleep here. Binuksan ko ang makina ng sasakyan at kaagad itong pinaandar. In-on ko na rin ang radyo at nilakasan nang marinig na tumutugtog ang kantang Dom
Chapter 32: Line after wealthTahimik lang akong nakatitig sa harapan. Pinagmamasdan ang dinaraaanan namin ni Galand.Nandito kami sa sasakyan dahil pupunta kami sa police station. Pupuntahan ko si Hugo to talk about things. Itatanong ko na rin sakan'ya ang maaring itanong ng kalaban sakan'ya sa susunod na hearing.Originally, ang schedule ng hearing ay dapat bukas na but the other team keeps on adjusting it. Palibhasa ay mapepera kaya madaling nabayaran ang mga tiwaling tao.Sabi ko nga kanina, tahimik lang akong nakatitig but deep inside ay nabibwisit ako kay Galand. Maya't maya ang sulyap nito sa akin na kapag tiningnan ko naman ay umiiwas ng tingin. Noong nakaraan pa s'ya ganito. Simula noong mahospital s'ya ay mukha ng tanga ang akto nito."You can either stare or don't look at me at all,"Naibulalas ko nang maramdamang papatingin na naman s'ya sa direksyon ko. Binaling ko ang tingin ko rito na kaagad namang nag-iwas ng tingin."H-Hindi kita tinitingnan ah!""So guni-guni ko lan
Chapter 31: Truth for my thoughtsHINDI maipaliwanag ang aking nararamdaman habang nakatitig sa patong-patong na regalong nasa harapan ko ngayon. Hindi dahil mamahalin ang mga ito, pero dahil ito ay nagmula sa kanilang mga puso. Tanda ito ng kanilang pasasalamat sa akin.I didn't think that being appreciated by unknown people feels great. Ako na ang nagsasabi, sobrang sarap sa pakiramdam.Inisa-isa kong tingnan ang mga regalo. Ang iba ay may sulat ng pasasalamat habang ang iba ay walang pangalan kung kanino manggaling. Mukhang mas pinili nilang magpasalamat nang hindi ko nalalaman. Ganon pa man, it made my heart jump."I don't know what to say..." mahinang bulong ko sa aking sarili.Akmang bubuksan ko ang isa sa aking regalong natanggap nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Ms. De Luna na hinihingal pa kaya kaagad akong napatayo at napakunot noo."What is it now, Ms. D--"Z-Zero! Si Z-Zer--""What about Galand?!" natatarantang sagot ko sakan'ya at kaagad na lumapit."S
Chapter 30: An ey for this feeling"DRINK this Mikaela."Mamasa-masa ang mata kong nilingon ang nakalahad na maligamgam na tubig sa harapan ko. Si ate ang nag-abot nito sa akin. Napasinok pa akong inabot ito."Mikaela, calm down. It's alright now." pagpapakalma sa akin ni Sean.Sa kabila ng pag-aamo nila ay tila naging isa akong bato na walang naririnig. Basta ang alam ko, I am badly terrified. Napatungo ako at nakita ang kamay kong mabilis na gumagalaw. I am shaking. Hindi ko makontrol at mapigil ang panginginig. Dala ito ng takot.Napatungo ako lalo. I don't know but I am deeply hurt. The fact that I don't know or recognize myself now hurts me so bad. I felt like a stranger to myself. The Mikaela that is capable of doing unbelievable things is a stranger to me."Mikaela? Bakit nandito ka--bakit ka may baril?!"Nang lingunin ko s'ya ay bumungad sa akin ang gulat na mukha at nanlalaking mga mata nito.
Chapter 29: Ice cream vs. Life"TITA, I want ice cream."Ibinaba ko ang librong aking binabasa nang magsalita si Shzane sa tabi ko. Kaagad ko s'yang tiningnan at ang nangungusap na tingin ang bumungad sa akin. Napailing ako dahil kapag ginamit na n'ya sa akin ang ganitong mukha ay nahihirapan na ako tumanggi."Gabi na ah? Bukas na lang kaya?" kalmadong kumbinsi ko.Nandito kami ngayon sa bahay nina ate. Syempre, Galand is with me. Kasama rin namin kanina ang yaya ni Shzane pero umuwi na rin ito kaagad noong mag-ala-sais.Ngumuso si Shzane. "Gusto ko talaga ng ice cream eh. Please po tita?"