Share

Chapter 21

Chapter 21: Let's talk about authority

"W-We need your help."

Nakatayo ako sa harapan ng isang sundalo. I'm here outside their base because it is forbidden to enter that one. I'm wearing a capote while holding an umbrella to prevent my body from getting wet.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na ipinagbabawal na pumunta sa lugar na ito ang kung sino lang?" anito sa akin.

Napailing ako. "We really need your help. We need help from your battalion."

Tumawa-tawa ito ng ilan pang segundo bago hindi makapaniwalang umiling.

"Mali ang pinuntahan mo, miss. Hindi ito lugar na pwede mong hingian ng tulong kung kailan mo gusto."

Akma na s'yang papasok muli sa gate nang sumigaw ako.

"Pero kayo lang ang makakatulong sa amin! Ang tulong na hinihingi ko ay hindi para sa akin! Para ito sa lahat!"

Muling humarap ang sundalo sa akin at ngumisi. "Presidente ka ba? Ha?" mayabang nitong sita sa akin.

"Hindi mo kailangang mag-alala sa lahat, miss. Hindi lahat ng tao ay kakilala mo."

Kumunot ang noo ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng kaba sa dibdib.

"O-Officer. Let's get direct to the point. Malakas ang bagyong sasalanta sa bansa natin ngayon. At alam ko na alam mo na mamamatay ang lahat ng maapektuhan non! Kailangan natin silang iligtas." pagpapaliwanag ko kaya napangiwi s'ya.

"Iligtas?" ngumisi ito at umiling.

"Ikaw na ang nagsabi na mamamatay ang lahat ng maapektuhan nang bagyong sasalanta. Bakit ka pa pupunta roon?" pinalagatok nito ang kan'yang leeg.

"At wala na ring ibang paraan para mailigtas ang mga tao dahil sila mismo ay ayaw umalis sa kanilang tinitirhan."

Mariin akong napapikit. Totoo ang sinasabi n'ya. Kalat na kalat sa balita ngayon ang pagmamatigas ng ulo ng mga tao at pinipilit na hindi sila aalis sa kanilang tinitirhan kahit anong mangyari. Nasa isip pa rin nila na iligtas ang kanilang ari-arian kaysa sa buhay nila. Stubborn citizens.

"But officer. L-Let me handle this. Trust me, just this once." pakiusap ko habang inaayos ang payong dahil nasisira na ito sa lakas ng hangin.

Lalong kumunot ang noo n'ya at halatang naiinis na. "Ano ba talagang kailangan mo?"

Napalunok ako at huminga ng malalim. "I-I need y-your missile. T-The army's m-missile."

Napaawang ang bibig n'ya sa sinabi ko at natigilan pero pagkaraan ay humagalpak na ito ng tawa. Tila ba sinasabi ng bawat hagalpak nila na isa akong baliw. 

"Anong gagawin mo sa missile, miss? Bobombahin mo na ba ang bagyo at mawawala ito ng parang bula?"

Umiling ito at muling ngumiwi sa akin.

"Umalis ka na lang, miss. Iligtas mo ang sarili at pamilya mo at huwag ng pakialaman ang hindi mo naman kaano-ano. Huwag ka ng magpabida. No one will recognize you anyway."

Ako naman ang natigilan sa sinabi n'ya at sabay ang pag-akyat ng init sa ulo ko. Binitawan ko na ang payong at nanatiling nakatitig sa lalaking nasa harapan ko ngayon. How can he say such things?! Tangina. He served in the military to save the people but what is he doing?!

Napailing s'ya sa akin at pumasok na muli sa gate. Akmang sasarhan na n'ya ang pinto nang itukod ko ang kamay ko dito. Ramdam ko ang pagpilit n'yang isara ito pero hindi man lang natinag ang kamay ko.

Nakita ko ang pagsilip n'ya sa gate at ang pagkunot ng noo kaya tinadyakan ko ang pinto dahilan para matumba s'ya.

"Aray!"

"How can you fuckin' care about yourself only when you promised to serve the people of our country, you damn ratbag!"

Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Bukod sa lamig ay sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon habang matalim na nakatitig sa sundalong duwag sa harap ko.

Humakbang ako ng malaki at inapakan ang t'yan ng sundalo nang hindi nilalapat ang paa sa lupa ng base nila.

"Pagsisisihan mo ang araw na ito, Officer. You'll regret that you didn't let an unauthorized person help you, coward."

Diniinan ko ang pagkaka-apak sa t'yan n'ya.

"At hindi ako kung sino lang." pinanlakihan ko s'ya ng mata.

"I am Mikaela Perez, your soon to be heroine."

-----

Mas lalong lumakas ang ulan pag-alis namin sa base ng armyng duwag.

"Mikaela, ayos lang 'yan. May isa pa tayong pag-asa."

Tinanguhan ko lang si Galand sa sinasabi n'ya. Naikwento ko sakanila ang naging pag-uusap namin ng sundalong iyon. At kasalukuyan, we're heading to Malacañang. And yeah, kakausapin namin ang Presidente. Sana lang ay hindi rin makitid ang utak nito.

Napatigil kami sa gitna ng kalsada kaya nabaling ang atensyon ko sa labas.

"Mukhang na-stuck tayo." seryosong saad ko. Baha na kasi sa labas at hula ko, sa taas ng baha ay abot na ito hanggang sa kalahati ng binti ko.

"Gawan n'yo ng paraan. Bukas ang landfall ng bagyo, kailangan nating makausap ang Presidente ngayon." ani ko sakanila. Kung hindi ngayon, mamatay kaming lahat bukas.

Tahimik lang ang dalawa nang biglang parang bumagsak ang sasakyan. Napahawak ako sa upuan nang magsimula na itong umandar at hindi katulad kanina, maayos na ang daloy nito.

"This car is invented by my father. Pwedeng pang-lupa at pang-tubig."

Napanganga ako sa sinabi ni Sean at napahanga ng mapagtanto na naging parang speed boat ang sasakyan. Naging mabilis ang pagtawid namin sa tubig at kapag naman walang gaanong tubig ay ibinababa nila ang gulong ng sasakyan.

Kapansin-pansin na wala ng ilaw sa bahay-bahay na halatang kusa ng pinutol ng Youralco dahil sa lakas ng hangin.

"Sana makumbinsi mo ang Presidente, Mikaela. He is our only way. Kapag hindi umubra 'to, we'll face the typhoon like what other people are doing."

Matapos ang isang oras ay nakarating na kami sa harapan ng Malacañang. Napahawak ako sa dibdib ko sa kaba. He is still the President of our country that should be respected.

Bumaba na ako ng sasakyan ng nakakapote lang. Naiwan ko na ang aking payong sa base ng army na hindi ko na din gustong kuhanin pa.

Pagpasok ng building ay kaagad akong hinarang ng guard.

"Ma'am? Sa'n po kayo?" tanong nito kaya tiningnan ko s'ya.

"The President. Where is the President?"

-----

Binuksan ko ang office ng Presidente at bumungad ang mukha n'ya sa akin na nakatingin sa balita sa telebisyon. Inuulat doon ang mga naapektuhan ng bagyong hindi pa naglaland-fall.

"M-Ma'am, bawal po talaga pumaso-- Mr. President, pasensya na po talaga. Nagpupumilit po s'yang pumasok."

Nabaling ang atensyon sa amin ng Presidente sa sinabi ng guard. Kalaunan ay tumango s'ya sa guard kaya mabilis na itong lumabas. Mabilis akong lumapit sa harap ng Presidente.

"Mr. President." nag-bow ako sakan'ya kaya tumango s'ya.

"Attorney Perez..." anito kaya tumango ako.

Hindi naman nakapagtataka na kilala ako ng Presidente ng bansa. Madalas akong lumabas sa telebisyon dahil sa pagiging bihasang abogado.

"...what is this valid reason for you to trespass on my territory?" ma-otoridad nitong saad.

Nakaramdam ako ng kaba sa tono ng pananalita nito.

"I'm so sorry, Mr. President. But this is really urgent and I badly need your help." pagpapaliwanag ko at tumitig sa kan'ya.

"Help about?" tanong nito kaya muli akong nag-bow ng mas mababa.

"Mr. President, give me a permission to use the missile that is hidden on the ARMYs base." diretsang saad ko.

Nanatili akong nakayuko at tahimik lamang ang buong opisinang ito. Hindi nagsasalita ang presidente at mukhang nag-iisip kung totoo ba ang sinabi ko.

"Why would I.... let you?" tanong nito kaya napatunghay ako.

"Mr. President... ang missile na 'yon ang tanging pag-asa upang mawala ng bigla ang bagyo. That missile will release a force that'll spread out the heavy air." kumunot ang noo ko sa nangungusap na paraan.

"At kapag hindi nagawa 'yon, masisira ang lahat ng lugar na maapektuhan ng bagyo at ang iba ay baka mawala pa." ani ko.

Tahimik lang na nakikinig sa akin ang Presidente habang mataman na nakatitig sa akin. Seryoso pa rin ang mukha n'ya katulad kanina.

"Assurance that it will vanish?" biglang tanong nito kaya bahagya akong kinabahan.

"M-Mr. President, this plan... has no assurance.. but there's a possib--"

"Enough. A plan without assurance is senseless in terms of these things while possibilities may lead to disappointment."

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi n'ya at umayos ng tayo. Ilang beses akong huminga ng malalim bago muling sumagot.

"But Mr. President, a possibility is a possibility. It doesn't always end up with disappointment." paliwanag ko.

"But you have no assurance that it will not disappoint me and the people."

Bahagya akong napatingin sa gilid bago bumaling sakan'ya ng naiinis. Ang hirap n'yang paliwanagan pero hindi ko rin naman matawag na makitid ang utak n'ya.

"That's not the point here, Mr. President. It is all about risking now! Walang mawawala kung susubukan natin maliban sa missile. Pero sir... kapag umepekto ang plano ko... this will be a big help to everyone."

Pinipilit kong pakalmahin ang sarili sa nagiging daloy ng aming usapan. Mikaela, presidente ang kaharap mo. Control your emotion.

"But I wouldn't permit a plan without assurance. A missile is not just a missile. It can kill thousands of people if you failed on controlling it. I can't just trust someone whom I've just met a while ago." anito.

I sighed out of frustration. Alam kong nababakas na ang inis sa mukha ko ngayon pero wala akong pakialam.

Ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa n'ya bago diretsong tumitig sakan'ya.

"People who don't have the authority tend to act braver than those who have it."

Yeah. It's for you, Mr. President. For you.

Bahagya s'yang napangisi sa sinabi ko at umiling.

"People who have the authority tend to act maturely because the nation is in their hands. Briefly, when a leader moves, everyone in the nation is affected."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status