Share

Kabanata 4

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-05-10 11:08:48

MATAPOS iwan ni Marikit ang resignation letter kay Samantha Ruiz, tahimik siyang bumalik sa workstation niya. Ngunit tulad ng dati, hindi doon natapos ang pagpapahirap sa kaniya.

“Pakitapos nitong financial analysis ng Xandric before lunch,” malamig na utos ni Samantha habang walang pakialam na ibinabagsak ang makapal na folder sa mesa niya.

Bahagyang bumaba ang tingin ni Marikit sa documents. Hindi na niya trabaho iyon. Isa na lamang siyang ordinaryong secretary staff matapos siyang tanggalin ni Mikael bilang executive assistant.

Ngunit simula nang mailipat siya sa mababang posisyon, halos lahat ng trabahong ayaw gawin ng iba ay sa kaniya ibinabato ni Samantha. At tahimik niya lamang iyong tinatanggap.

Dahil noon, akala niya… kapag mas nagsumikap siya, baka kahit paano ay lingunin siya ni Mikael. Ngayon, alam niyang niloloko lang niya ang sarili niya.

Tahimik na nagsimula si Marikit sa paggawa ng report. Halos hindi siya tumigil hanggang sa matapos niya ang analysis report bago mag-lunch break. Pagkatapos ma-print ang hard copy at ma-send ang soft copy, maayos niya iyong inilapag sa mesa ni Samantha.

Saka lamang siya umorder ng pagkain online. May executive cafeteria ang Altaverde Corporation, ngunit hindi na siya pumupunta roon. Ayaw niya sa mata ng mga tao. Ayaw niya sa mga bulungan. Mas lalong ayaw niyang makita kung paano siya tingnan ng iba ngayon.

Kaya mas pinipili niyang mapag-isa.

Habang naghihintay siya ng delivery, nagsimula namang bumalik ang ilang empleyado mula lunch break. At tulad ng dati, ang topic nila ay si Mikael Altaverde.

“Oh my God, nakita mo ba girlfriend ni Sir Mikael?”

“Super bata niya! Mukha talagang college student!”

“At sobrang ganda! Parang porcelain doll!”

“Grabe rin tumingin si Mr. Altaverde sa kaniya. Ang sweet! Akala ko wala nang emotions ’yon!”

“Parang real-life CEO romance movie!”

Sunod-sunod ang kilig ng mga babae habang nagkukuwentuhan.

Tahimik lamang na nakaupo si Marikit habang nakayuko. Hindi siya nakisali. Hindi rin siya nagsalita. Simula nang mailipat siya sa secretary department, halos wala na siyang kinakausap kundi tungkol sa trabaho.

Palagi rin siyang naka-face mask kaya lalong naging mailap sa kaniya ang mga tao. Halos hindi na nila makilala ang dating eleganteng executive assistant ni Mikael Altaverde.

Makalipas ang ilang minuto, tumawag ang rider kaya bumaba si Marikit para kunin ang inorder niyang pagkain. Pagdating niya sa lobby, eksakto namang may dalawang hotel staff na may dalang mamahaling wine at pagkain.

“Private elevator po for President Altaverde,” sabi ng receptionist habang ini-swipe ang exclusive elevator access card.

Tahimik na napatingin si Marikit sa bote ng red wine. Halos dalawang milyon ang halaga niyon. At kay Mikael, halos wala lang iyon.

Mahigpit niyang niyakap ang paper bag ng inorder niyang pork sisig rice bowl bago muling sumakay ng elevator paakyat.

---

EKASAKTONG alas dos ng hapon nang muling lumapit si Samantha sa kaniya.

“The president is looking for you.”

Bahagyang nanlamig ang katawan ni Marikit. Bigla siyang kinabahan.

At hindi nga siya nagkamali. Pagkapasok niya sa presidential office, agad niyang naramdaman ang napakabigat na atmosphere sa loob— malamig at nakakasakal.

Tahimik siyang lumapit sa desk nito. “President Altaverde.”

Mabagal na nag-angat ng tingin si Mikael. At sa sumunod na segundo, marahas nitong inihagis ang hawak na documents diretso sa mukha niya.

“What kind of report is this?”

Napasinghap si Marikit nang tamaan ng matalim na papel ang pisngi niya. Agad namang kumalat sa sahig ang documents. Kasama roon ang financial analysis report na ginawa niya buong umaga.

Napahawak siya sa tiyan bago dahan-dahang yumuko upang pulutin ang mga papel. Tahimik siyang napapangiwi dahil sa bigat ng tiyan habang isa-isang pinupulot ang documents sa sahig.

Malamig lamang siyang pinagmamasdan ni Mikael. Pagkatapos masuri ni Marikit ang report, agad niyang napansin ang problema. May binagong figures. Hindi iyon ang original file niya.

“President Altaverde…” mahina ngunit malinaw niyang sabi, “this isn’t the report I submitted.”

Malamig na sumandal si Mikael sa swivel chair. “I don’t want to hear excuses.”

Parang may mabigat na bagay na dumagan sa dibdib ni Marikit. Hindi naman ignorante si Mikael sa kakayahan niya. Alam nitong hindi siya magkakamali sa simpleng report. Ngunit pinili pa rin nitong paniwalaan na siya ang may kasalanan.

O baka… wala lang talaga itong pakialam kung mapahiya siya.

Mariing kinuyom ni Marikit ang hawak na papel. Napakasakit palang kamuhian ng lalaking pinakamamahal mo.

Huminga siya nang malalim bago pilit naglakas-loob.

“I still have the backup file,” mahinahon niyang sabi. “I can send it to you right now.”

Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Mikael. Halatang hindi natuwa sa pagsagot niya. Ngunit pilit pinatatag ni Marikit ang sarili. Matatakot pa ba siya? Maghihiwalay rin naman sila. At kapag dumating ang araw na iyon, hindi na siya babalik pa rito kailanman.

“You think you’re being wronged?” malamig na tanong ni Mikael.

Mahigpit na nagdikit ang mga daliri ni Marikit.

“You blamed me without even asking first,” diretso niyang sagot habang nakatingin dito. “Don’t I at least deserve to explain myself?”

Biglang tumalim ang ekspresyon ni Mikael. “That’s what you deserve.”

Parang may matalim na kutsilyong tumarak sa puso ni Marikit. Biglang namutla ang mukha niya.

Eksaktong namang sandaling iyon ay bumukas ang pinto ng private lounge. At mula roon ay lumabas ang isang napakagandang babae. Mahaba ang makintab nitong buhok at nakasuot ng pink silk dress na lalong nagpatingkad sa maputi nitong balat. Napakaganda, napakakinis,pParang prinsesang lumabas sa fairy tale.

“Mikael?”

Napakalambing ng boses nito.

At sa unang pagkakataon, malinaw na nakita ni Marikit na ito ang babaeng kasama ni Mikael kahapon. Hindi nakapagtatakang mahal ito ng lalaki. Napakaganda nito.

Mayamaya ay bigla namang nagsalita si Mikael. “Get out.” Malamig ang tono nito.

Tahimik na ibinaba na lang ni Marikit ang tingin bago lumabas ng opisina. Ngunit bago tuluyang magsara ang pinto, narinig niya ang mahinang boses ng babae habang inaalo si Mikael.

At halos agad namang lumambot ang tono ng lalaki. Tahimik na napangiti si Marikit, pero puno iyon ng sakit.nMabilis siyang nagtungo sa emergency stairwell ng building. At doon, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.

Mahigpit siyang napahawak sa railing habang pilit pinipigilan ang hikbi. Pakiramdam niya’y pinupunit ang puso niya habang pilit niyang tinatanggal sa sarili ang lalaking walong taon niyang minahal.

Ngunit kakayanin niya. Kailangan niyang kayanin. Dahil balang araw... makakalimutan din niya si Mikael Altaverde.

Makalipas ang ilang minuto, saka lamang siya bumalik sa department. At doon niya muling nakita ang babae. Kasama nito si Daniel Cortez, ang special assistant ni Mikael. Napatingin ang babae kay Marikit bago ngumiti nang napakaganda, pagkatapos ay kusa itong lumapit.

“Okay ka na ba?” malambing nitong tanong.

Bahagyang natigilan si Marikit.

“Don't worry, hindi na galit sayo si Mikael.”

Habang nagsasalita, may inilabas itong maliit na velvet box mula sa designer bag nito. Pagkabukas niyon, tumambad ang napakagandang pearl earrings.

“Here,” nakangiti nitong sabi habang inilalagay iyon sa kamay ni Marikit. “For you.”

Tahimik na natigilan si Marikit.

“Treat mo rin ’yung sugat mo,” dagdag pa ng babae habang nakatingin sa maliit na hiwa sa pisngi niya. “Sayang ang pretty face kapag nagka-scar.”

Napakabait nitong tingnan, napakapino. At mas lalo lamang naramdaman ni Marikit kung gaano siya kapangit sa tabi nito.

“Thank Miss Lee ,” malamig na utos ni Daniel.

Doon lamang nalaman ni Marikit ang apelyido ng babae— Lee.

Tahimik na ngumiti ang babae. “It’s okay. Let’s go.” At matapos iyon, muli silang naglakad palayo.

Tahimik na napatitig si Marikit sa pearl earrings sa palad niya. Napakaputi at napakakinis ng pearls, katulad ng babaeng nagbigay niyon.

Ang hindi lang nito alam, batid kaya ng babaeng iyon na may asawa na si Mikael?

Pagbalik niya sa workstation, agad niyang ni-reprint ang original financial report saka mariing inilapag iyon sa mesa ni Samantha. Nag-angat ng tingin ang babae bago ngumisi.

“So nakita mo na ngayon kung anong klaseng babae ang bagay kay President Altaverde?”

Tahimik na tinitigan siya ni Marikit bago malamig na nagsalita. “And you think ikaw ’yon?”

Nawala ang ngisi ni Samantha.

“You’re not qualified either,” diretso niyang sabi. “The only thing you know how to do is manipulate people behind their backs.”

Bahagyang namula sa inis si Samantha. “At least hindi ako pathetic,” malamig nitong sagot.

Tahimik na ngumiti si Marikit. “You’re already over thirty,” mahinahon niyang sabi. “Stop dreaming.”
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Getteskie Sualog
na hurt naman ako pork sisig lang ang kanya. ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 208

    AWTOMATIKONG naging malamig ang mga mata ni Marikit habang tahimik niyang pinagmasdan ang lalaking bagong dating. Kitang-kita naman niya ang mabilis na pagdaan ng kaba sa mukha nito. Eksakto namang sandaling iyon ay bumaba si Matthew mula sa ikalawang palapag. Nakapagpalit na ito ng damit at nakasu

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 207

    BAHAGYANG tumango si Marikit bagaman kalmado pa rin ang ekspresyon ng magandang mukha. "Kung ganoon, magiging direkta na rin ako." Kalmado ang boses niya, ngunit sapat iyon upang maramdaman ang bigat ng usapan. Kasunod niyon ay may inilabas siyang tablet mula sa kanyang bag at inilapag iyon sa c

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 206

    NANG araw ding iyon ay mas maaga nang umalis si Marikit sa opisina. Matapos matiyak na kontrolado na ang sitwasyon sa kumpanya, wala na siyang balak na maghintay pa. Kung may taong gustong sirain ang pangalan niya, mabuti nang harapin niya ito nang direkta. At sa lahat ng taong posibleng may moti

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 205

    BAHAGYANG natigilan si Marikit sa tanong ni Enzo, matapos ay mahinahon siyang sumagot. "Tatlong beses." Napatingin sina Danica at Enzo sa kanya. "At dalawang beses ko ring nakasalubong si Celine." Tahimik na bumagsak ang katahimikan sa opisina. Mabilis na nag-isip si Marikit. Noong interview ni

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 204

    Nang mabasa niya ang headline ay agad na lumamig ang kanyang mga mata. "Investment Director Mari: Genius Executive or Social Climber? Inside Sources Reveal the Truth." Tahimik na bumagsak ang katahimikan sa opisina. Dahan-dahang nag-scroll si Marikit pababa. May kalakip na litrato ang post na iyon

  • Mine Even After Divorce   Kabanata 203

    NANG maibaba ni Marikit ang tawag ay nanatili siyang nakapikit sa kanyang upuan. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa sariling mga braso habang pilit na kinokontrol ang emosyon. Pakiramdam niya ay may kumukulong lava sa loob ng kanyang dibdib. At ang pangalan ng bulkang iyon ay Mikael Altaverde. Kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status