BAHAGYANG natigilan si Professor Kent Morales nang mag-angat ito ng tingin at makita ang babaeng nakatayo sa pintuan. Halos hindi niya agad nakilala si Marikit. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita.
“Professor.”
Doon lamang tuluyang natauhan si Kent bago bahagyang ngumiti.
“Marikit.” Mabilis nitong isinara ang hawak na documents at tumayo mula sa swivel chair. “It’s been a while.”
Tahimik na tinanggal ni Marikit ang suot na face mask bago pumasok sa opisina. “It’s been a long time, Professor.”
Masuyong ngumiti si Kent habang pinagmamasdan ang dating estudyante. Halatang nagulat pa rin ito sa malaking pagbabago ng babae.
“I almost didn’t recognize you.”
Bahagyang natawa si Marikit ngunit puno iyon ng pait. “To be honest, nahihiya nga akong humarap sa inyo sa ganitong itsura ko.”
Mabagal na umiling si Kent. “Pregnancy changes a woman’s body. Normal lang ’yan.” Lumapit ito sa maliit na coffee table at nagsalin ng maligamgam na tubig sa baso. “Sit down first.”
Tahimik na naupo si Marikit sa sofa habang maingat na hawak ang tiyan. Iniabot ni Kent ang baso sa kaniya.
“Warm water.”
“Thank you.”
Bahagyang bumaba ang tingin ng lalaki sa nakaumbok niyang tiyan. “How many months?”
“Twenty-five weeks.”
Tumango si Kent. “Then next semester… halos kasabay na ng due date mo.”
Bahagyang natigilan si Marikit bago marahang nagsalita. “Professor… possible po bang ma-delay muna nang kaunti ang enrollment ko?”
Natahimik si Kent. Alam nitong hindi basta-basta bibitaw si Marikit sa pagkakataong iyon kung hindi talaga mahalaga.
“Why?” direkta nitong tanong.
Tahimik na ibinaba ni Marikit ang tingin sa basong hawak. “After kong manganak… makikipaghiwalay na si Mikael sa akin.” Direkta ngunit kalmado ang boses niya. “Ayaw ko nang ipagpatuloy pa ’yung relasyong wala namang patutunguhan. I want to start over.”
Tahimik na napabuntong-hininga si Kent. Kitang-kita nito kung gaano nagbago si Marikit. Dati, napakaliwanag ng mga mata nito, masayahin, ambitious, and confident. Subalit ngayon, para bang napagod na ito sa buhay.
“I’m glad natauhan ka rin finally,” mahinahon nitong sabi. “You and Mikael were never a good match.”
Tahimik lamang na nakinig si Marikit. Masakit sa dibdib na marinig niya ang bagay na iyon, kahit alam niyang totoo naman.
“You deserve someone who will genuinely love you.”
Bahagyang kumurap si Marikit bago marahang tumango. Noon pa man, tutol na si Kent nang piliin niyang maging assistant ni Mikael pagkatapos ng graduation. Pero sobrang mahal niya ang lalaki kaya hindi siya nakinig. At heto siya ngayon, wasak.
Ilang sandali pa’y muli siyang nagsalita. “Professor…”
“Hmm?”
“Anong klaseng tao ba si Mikael… sa tingin ninyo?”
Bahagyang natahimik si Kent bago sumandal sa sofa. “Mikael Altaverde is the type of man who will do anything to achieve what he wants.” Malamig at diretso ang boses nito. “He prioritizes power, control, and results. A person like that…” saglit itong huminto, “rarely understands love.”
Tahimik na napangiti si Marikit. “Gan’on ba…”
Ngunit hindi iyon ang nakita niya kahapon. Malamig si Mikael sa kaniya pero napakabait nito sa ibang babae, sweet, at gentle. Kapag pala totoong mahal mo ang isang tao, kusa kang lumalambot. At malinaw na hindi siya ang babaeng iyon para kay Mikael.
Hindi na nagtanong pa si Marikit matapos marinig iyon.
“Don’t worry,” sabi ni Kent. “I’ll help you process the deferred enrollment.”
Agad siyang napatingin dito. “Thank you, Professor.”
Maya-maya ay pinasagutan siya nito ng ilang documents at application forms. Tahimik lamang na nagsusulat si Marikit. Pagkatapos ng ilang minuto, muling nagsalita si Kent.
“What about the baby?”
Bahagyang natigilan si Marikit at nag-angat ng tingin.
“Anong mangyayari kapag ipinanganak na siya?”
Mabagal siyang napangiti ngunit halatang pilit iyon. “Kukunin siya ng pamilya Altaverde.”
Wala siyang choice. Imposibleng hayaan ng mga Altaverde na mailayo sa kanila ang unang babaeng apo ng pamilya. At kahit gustuhin man niyang isama ang anak… wala siyang laban sa kapangyarihan ng mga iyon.
Bahagyang tumango si Kent, at hindi na ito nagtanong pa. Pero maya-maya ay muling nagsalita ang lalaki.
“I actually need an assistant for a month habang may inaasikaso akong project.”
Bahagyang nag-angat ng tingin si Marikit.
“Would you like to work for me?”
Halos hindi na siya nagdalawang-isip pa ng sumagot. “Yes.”
Kailangan niya ng bagong distraction. Kailangan niyang mahanap ulit ang dating sarili. Mula nang mabuntis siya, unti-unti siyang inalis ni Mikael sa importanteng trabaho sa Altaverde Corporation hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng silbi roon.
From executive assistant… to nobody. Kaya ngayon, gusto niyang bumangon ulit.
Makalipas ang ilang oras, nanatili si Marikit sa opisina ni Kent bilang temporary assistant nito. At surprisingly, mabilis siyang nakapag-adjust. Sanay siya sa pressure. Sanay siya sa trabaho.
Habang abala sa pag-aayos ng financial reports at schedules, unti-unti niyang naramdaman ang bagay na matagal nang nawala sa kaniya— ang sarili niya.
Tama si Kent. Hindi dapat umiikot lang sa pag-ibig ang mundo niya. May pangarap siya bago dumating si Mikael. At gusto niyang balikan iyon.
Kinagabihan, hindi umuwi si Mikael. Katulad ng madalas nitong gawin. Ngunit ngayon ay wala na siyang pakialam...
---
KINABUKASAN, maaga siyang nagtungo sa Altaverde Corporation dala ang printed resignation letter. Ang Altaverde Corporation ang may hawak sa banking, investment, at finance industries ng pamilya. At si Mikael Altaverde mismo ang namamahala sa lahat ng iyon.
Sa murang edad, nagawa nitong palawakin pa ang kapangyarihan ng kompanya. Kaya naman halos lahat at kinatatakutan ito at hinahangaan.
Pagdating ni Marikit sa building, eksakto namang kabababa lang ni Mikael mula sa itim nitong Bentley. Naka-charcoal suit ito habang walang emosyon na naglalakad papasok sa building. Gwapo, matalino, makapangyarihan. Parang lalaking hindi kayang abutin ninuman.
“Good morning, President Altaverde.”
Sunod-sunod na yumuko ang mga empleyado.
Mabilis namang umiwas ng tingin si Marikit at bahagyang umurong. Ngunit dumaan lamang si Mikael sa harapan niya na para bang hindi siya nakita. Parang estranghero.
Matapos niyon ay diretsong nagtungo si Marikit sa secretary department at inilapag ang resignation letter sa mesa ni Samantha Ruiz. Dating assistant lamang niya si Samantha, pero ngayon, ito na ang executive secretary ni Mikael. Minsan talaga, mabilis magbago ang panahon.
Tahimik na binasa ni Samantha ang resignation letter bago dahan-dahang umangat ang tingin kay Marikit. Bahagyang bumaba ang tingin nito sa tiyan niya bago ngumisi.
“At least marunong ka ring tumingin sa salamin,” saad nitong puno ng pang-uuyam. “Huwag mong isipin na dahil nabuntis ka, magiging bahagi ka na ng pamilya Altaverde.”
Tahimik lamang si Marikit habang nakikinig.
“Alam mo ba kung anong klase ng pamilya meron sila?” patuloy pa ni Samantha. “Hindi sapat na magkaanak ka para makapasok sa mundo nila.”
Mariing hinigpitan ni Marikit ang hawak sa bag ngunit nanatiling kalmado ang mukha niya. Dahil walang nakakaalam sa kompanya na siya ay legal na asawa na ni Mikael Altaverde...
Sa panigin ng iba, isa lang siyang babae na ginamit ang katawan at nagpabuntis kay Mikael Altaverde. Subalit walang nakakaalam na darating ang araw na babaliktan ang sitwasyon...
Na si Mikael naman ang maghahabol at magmamakaawa na balikan niya...