Janina Marie
Isang araw pagkatapos ng mala-bangungot na experience ko sa resort sa Naic ay nagkalat sa silid ko ang mga damit na dinala ko noong mag-swimming kami. Hindi ko kasi makita ang hinahanap ko. Pawis na pawis na ako at magulo na rin ang buhok ko. Magkahalo na ang sipon at luha ko pero hindi ko pa rin matagpuan ang bagay na mahalaga sa akin.
"Janina, why are your clothes strewn here?" tanong ni lolo.
Sumalampak ako sa sahig. Humagulgol na ako. Hindi ko magawang sagutin si lolo dahil alam kong pagagalitan n'ya ako.
"Janina, what's wrong?" His tone is very calming pero hindi napayapa noon ang puso ko. He might get angry kapag nalaman n'yang nawala ko ang bracelet na kabibigay n'ya lang noong graduation ko. Ang bracelet na iyon ay regalo n'ya pa sa lola ko, minana ng mommy ko, at ngayon ay ipinasa na sana sa akin.
"Nawawala ang pera ko, 'lo," pagsisinungaling ko. "Gagastusin ko sana iyon sa pag-apply ng trabaho."
"Naku, ikaw talagang bata ka… Nandiyan lang iyan. Isa-isahin mo ang mga gamit mo." Tumalikod na si lolo at iniwan ako.
Tumayo ako. Babalik ako sa resort. Baka makita ko pa ang bracelet doon. Baka nalaglag iyon noong nalasing na ako. Hindi ko kasi iyon tinanggal sa braso ko after graduation. Alam kong half a million ang halaga ng bracelet na iyon ngunit kahit naghihirap na kami ay hindi man lang iyon naisipan ni lolo na ibenta. Ganoon kahalaga ang bagay na iyon sa pamilya namin.
"Where are you going?" Bakas ang gulat sa mukha ni lolo nang makita akong bihis na bihis na.
"Lolo, tigilan mo na po ako sa pa-english-english mo. Kaya minsan ay tinatawanan ka ng mga tambay diyan sa labas dahil sa pananalita mo. Aalis po muna ako."
"Pabayaan mo sila. Ang lolo mo ay si Winston Villasanta. Isa sa mga dating milyonaryo ng bansa. At…"
"At dahil sa isang palpak na transaction ay nalugi at bumagsak sa isang maliit na farm sa Tanza Cavite. Hays, kabisado ko na po ang kwento ng pamilya natin, 'lo," dugtong ko habang nakangiti sa sasabihin pa sana ni lolo.
"Yayaman tayo ulit dahil may apo akong bright and beautiful. Wala yata silang Janina Marie at ako ay meron. Kaya maghanda ka na dahil malapit na ang napipintong kasal mo," saad ni lolo.
"I am always ready, lolo. Ay siya, lalarga na ang maganda mong apo dahil malayo pa po ang pupuntahan ko."
H*****k ako sa pisngi niya upang magpaalam. Hahanapin ko ang bracelet at gusto ko rin makita ulit si Xavier Wesley Montefona. Nagliwanag ang mukha ko nang maalala ko ang lalaki. Hanggang ngayon ay walang alam si lolo na nagkita na kami ng future husband kong palagi niyang ibinibida sa akin.
"Umuwi ka agad, Janina Marie," pahabol ni lolo nang kumaway ako sa kan'ya.
Sa resort ay nagulat ang nasa information desk nang makita ako. Buong akala niya ay bumalik ako roon para makilala lang ang lalaking gumagamit ng villa sa dulo ng resort. Nagmakaawa ako sa kan'ya pero hindi siya pumayag na pumasok akong muli sa pinaka-resort para mahanap ang bracelet ko.
"Ma'am, huwag na po kayong gumawa ng eksena," pakiusap ng babae na nakausap ko na dati pa. "Hindi po talaga ako magbibigay ng info sa inyo."
"Hindi ang lalaking iyon ang dahilan ng pagpunta ko rito, miss. Nawawala talaga ang bracelet ko," pagpupumilit ko. "Kailangan kong makita iyon dahil mahalaga iyon sa akin at sa pamilya ko."
"Naku, lumang tugtugin na po iyan, ma'am. Pasensya na po talaga," wika ng babae at saka may tinawagan ito sa telepono.
Halos kaladkarin ako ng mga guards palabas sa gate ng resort. Gusto ko nang magwala sa galit at hindi na ako halos makahinga sa labis na sama ng loob. Nang nasa labas na ako ay panay ang iyak ko habang sinisipa ko ang gate.
"Miss, here's a…" Napalingon ako sa sobrang sexy na boses na narinig ko. Halos matunaw ang puso ko sa ganda ng boses n'ya. Disk jockey ba ng isang FM radio station ang nasa harapan ko? Bigla akong na-blangko kaya hindi ko inabot ang panyo na ibinibigay niya.
"Let's go, Jake," sabi ng isa pang lalaki. Naglalakad ito na parang modelo palapit sa amin. May hawak itong kape at fresh na fresh ang mukha. Sa tangkad nitong almost five and eight feet ay masasabi kong bagay na bagay kami. Masyado nga lang siyang seryoso.
"Miss, are you okay na ba? Sino ang gagong lalaki na nagpaiyak sa iyo," tanong ng tinawag na Jake ng lalaking sa tingin ko ay si Xavier Wesley Montefona.
Napatingin ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Hindi ako makapagsalita. Ang popogi kasi nila at ang bango. Amoy babies sila kahit medyo pawis dahil past ten na ng umaga at naglalakad pa sila sa ilalim ng titik na araw.
"Xavier, I guess she needs help," sabi ng tinawag na Jake.
Confirm! Siya nga si Xavier Wesley Montefona. Ang mayabang na lalaki na nasa harapan ko ay ang mapapangasawa ko.
"Don't mind her, Jake. Baka scammer iyan. Nagpapansin na siya sa akin dati," sabi ni Xavier.
"What? Me? Nagpapansin daw sa kan'ya?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Jake habang itinuturo ko ang aking sarili. Nanlisik din ang mata ko kay Xavier, ang lalaking ubod ng kapal ng mukha.
"He didn't mean it. Huwag mo na lang pansinin ang kaibigan ko. Ako nga pala si Jake Admerson." Inilahad ni Jake ang palad n'ya. Hindi ko iyon inabot at sa halip ay pinunas ko lang ang mga luha ko.
"Oh, come-on. She's playing hard-to-get," iritado na sabi ni Xavier. Nagpatiuna na ito ng lakad. Wala itong pakialam na pumasok ng gate. Hindi man lang nga ngumiti sa guard na bumati sa kaniya.
"Ang sama pala ng ugali ng animal na Xavier na ito. Next time na magkita tayo, I will make sure na mahuhulog ka sa akin at ibababa mo iyang mataas mong pride," gigil na sabi ko sa aking sarili.
Bigla kong binalingan ang lalaking nakatayo pa rin sa aking tabi. Pakiramdam ko kasi ay inoobserbahan niya ako mula ulo hanggang paa. Nahihiya ngumiti ako sa kan'ya.
"Jake? Tama ba? Pakisabi sa kasama mo na darating ang araw na magko-cross ulit ang landas namin. Magiging akin siya sa ayaw at sa gusto niya!" Naniningkit ang mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Paano ako?" tanong ni Jake sa akin. Bahagyang tumaas ang mga kilay ko at napaawang ang aking mga labi dahil sa hindi ko inaasahan na tanong na iyon.
Nakangiti na tinapik ako sa balikat ng lalaking ang pangalan ay Jake at saka iniwan sa akin ang panyo na ibinibigay niya kanina pa bago dumating si Xavier. Nakakaakit ang mukha niya habang kumakaway siya sa akin bago siya tuluyang pumasok ng gate.
"Whoo!" Malakas kong sabi habang ipinipiling ang aking ulo. Dahan-dahan akong lumayo sa resort. Puno ang aking dibdib ng halo-halong emosyon.
Para akong namatanda. Bigla kong nakalimutan kung bakit ako bumalik sa lugar na iyon. Nasa baby bus na ako ng maalala ko na hindi ko pala nahanap ang bracelet ko.
Sa bahay ay hindi ko tinitigilan si lolo. Marami akong tanong at gusto kong malaman ang kasagutan sa mga iyon.
"Why have you suddenly become more interested in Xavier?" Nakangiti si lolo at nanunukso.
"Interested? No, lolo. Gusto ko lang malaman kung ano ang pagkatao ng anak na lalaki ng taong pinagkakautangan mo," sabi ko.
"Payag ka na bang maging pambayad utang? Our total debt amounted to nearly five million pesos. Can you sacrifice your happiness to save your lolo?"
Humalakhak ako at yumakap sa leeg ng aking lolo. Nasa sala kami at nanonood ng television. Hays, kung alam lang ni lolo na hindi n'ya ako kailangan problemahin dahil unang kita ko pa lang kay Xavier ay tumigil na ang universe.
Lumipas ang tatlong buwan, hindi ko binanggit kay lolo na nawawala ang bracelet. Hindi n'ya na rin naman siguro iyon hahanapin. Hindi ko rin masabi kay lolo na hindi ako dinatnan ng menstruation ko sa mga panahong iyon. Natatakot akong magsabi. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan ang kwento.
"Althea, hindi ko gusto ang pabango mo. Nakakasuka," iritado kong sabi habang lumalayo sa kaibigan ko. Mas naging close kasi kami pagkatapos ng graduation namin kaya madalas kaming magkasama ngayon kaysa noon.
"Okay ka lang ba, JM? Dati naman ay halos ubusin mo ang pabango ko. Bakit bigla mong inayawan ngayon?" Inilagay ni Althea ang kamay niya sa kaniyang baywang at saka taas kilay na hinarap ako.
"Hindi ko alam. Nasusuka talaga ako sa amoy mo ngayon," sagot ko. "Naligo ka ba?"
Nagtatampo na lumayo sa akin si Althea. Pareho kaming mga merchandiser sa isang grocery stores dahil ang hirap kumuha ng trabaho kapag walang experience. Walang halaga ang hawak kong diploma sa mga malalaking company na una kong pinasahan ng resume.
"Althea, nahihilo ako," pag-amin ko sa kaibigan ko.
"What the f*ck, JM? Buntis ka ba?"
Biglang nanlamig ang aking katawan. Pakiramdam ko ay hinihila ako sa kawalan. Hindi ako pwedeng mabuntis. Hindi pwedeng masaktan si lolo.
Sa clinic na ako nagising. Sa tabi ko ay nakaupo si Althea habang nakatitig sa akin ang mapanuri niyang mga mata. Tumatagos ang mga tingin n'ya hanggang sa kaloob-looban ko. Hindi ko nga kayang tagalan ang mga titig niya.
"Sino ang ama ng ipinagbubuntis mo? Kailan ka pa nakipagrelasyon sa isang lalaki, JM? Akala ko ba, no boyfriend since birth ka!" Mataas na ang boses ni Althea kaya napabalikwas ako ng bangon. Niyakap ko ang aking nangangatog na tuhod.
"Hindi ko ito ginusto," palahaw ko.
"Anong hindi mo ginusto? May nakita kang t*ti ng lalaki na nakasabit, bumukaka ka sa tapat noon, tapos… boom! Shoot! Gano'n?"
"Narinig ko na yata iyan sa pelikula. Nabasa ko na rin yata iyan sa libro,," mahina kong bara kay Althea.
"Tanga! Maraming version iyan. Iyong iba nakakabuntis at iyong iba, hindi! Ikaw, nadali ka ng t*ti na nakakabuntis!"
Lumabas na ang pagiging taklesa ng kaibigan ko kaya hindi na ako nakapagsalita. Daig pa n'ya ang mommy ko kung sermunan n'ya ako. Ilang saglit pa ay kumalma siya at niyakap ako. Nag-iyakan kami na parang mga bata.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi nang dumating si lolo sa clinic pero hindi ko iyon ininda. Mas inaalala ko pa ang kalagayan niya. Nanginginig si lolo at natakot akong baka atakihin siya sa puso lalo at dati nang muntik pumalya ang puso niya.
"I'm sorry, lolo. Hindi ko po ginusto ito," wika ko nang iwanan na kami ni Althea.
"Hindi mo ba alam na sa ginawa mo ay pwedeng makulong ako o kaya ay ipapatay ako ng mga Montefona?" Humagulgol na si lolo.
Biglang kinurot ang puso ko dahil sa aking narinig. Sa nakita ko dati na sama ng ugali ni Xavier Wesley Montefona ay tiyak akong hindi malayong magkatotoo ang kinatatakutan ni lolo.
Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Kapalit ng buhay ng lolo ko ay ipalalaglag ko na lang ang baby na nasa sinapupunan ko. Subalit bigla akong natakot. Hindi ko kayang pumatay ng isang batang wala pang kamalay-malay.
Nang marinig ni lolo ang dahilan kung bakit ako nabuntis ay buo ang loob niyang buhayin namin ang bata kahit sinabi ko sa kan'ya na sumagi sa isipan ko na ipalaglag ito.
"Hindi tayo mamamatay tao, Janina. We are true Christians and labag sa kautusan ng Diyos ang pagkitil sa buhay ng mga sanggol kahit pa nabuo sila sa maling paraan," matatag na sabi ni lolo. "I'll deal with Montefona. We'll cross the bridge when we come to it."
Inalagaan ako ni lolo sa loob ng siyam na buwan ng aking pagbubuntis. Unti-unti rin na napalapit sa akin ang batang nasa sinapupunan ko kahit anak pa siya ng isang mapagsamantalang lalaki. Sa loob ng siyam na buwan ay labis na hirap ang aking pinagdaanan ngunit sa tulong ni lolo at ng aking mga kaibigan ay nairaos ko iyon. Hanggang sa dumating ang araw ng aking panganganak.
Sa ospital ay hindi ako kaagad inasikaso ng mga doktor at nars kahit sobrang sakit na ng aking tiyan. May naganap daw kasing car accident sa highway kaya busy ang mga empleyado ng ospital. Kilalang tao raw kasi ang involve kaya priority nila iyon.
"Misis, walang available na oby. Buntis kasi ang isa sa mga kasama sa accident at priority siya," wika ng nars. "Maghanap na lang kayo ng ibang ospital na pwede ninyong puntahan."
"Nars, dito ako nagpapa-check-up. Hindi ba dapat ay dito rin ako manganak?" tanong ko sa nars kahit namimilipit na ako dahil sa sakit ng tiyan ko.
"Pasensya na, misis. Hindi namin kayo maaasikaso ngayon."
Nanlulumo na pilit akong itinayo ni lolo. Kahit hindi na ako halos makalakad ay sinikap kong sumama kay lolo. Hanggang sa mabangga kami ng nagmamadaling lalaki.
"Jake?" tawag ko sa lalaki.
Kumunot ang noo niya at waring hindi niya ako nakilala. Mabuti na lamang at dala ko ang panyong iniwan niya sa akin noon. Iyon kasi ang nahugot ni lolo nang magsimula nang sumakit ang aking tiyan.
"Oh, I remember you. Why are you here?" tanong ni Jake sa akin. "You're pregnant?"
Humawak ako sa braso ni Jake. Hindi ko na kasi matiis ang sakit na aking nararamdaman. Parang hinihiwa ang aking balakang. Butil-butil na rin ang aking pawis.
"Manganganak na ako," mahinang sabi ko. Naramdaman kong pumutok na ang aking panubigan kaya umupo ako habang nakayakap sa binti ni Jake para hindi bumagsak sa sahig ang aking baby.
Sumigaw si Jake ng tulong. Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay nakita ko kung paano siya igalang ng hospital staffs kaya batid kong isa siyang espesyal na tao. Narinig ko rin ang usapan nila tungkol sa aksidenteng sinapit daw ni Xavier Wesley Montefona.
"Oh, no. Kapag namatay siya, lagot na si lolo," bulong ng isip ko. Hindi na kasi kami makakapagbayad ng utang.
Si Jake na hawak ang kamay ko ay biglang bumitaw nang matapat kami sa emergency room kung nasaan daw si Xavier. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko mula sa mga nars na dumating na raw ang mga magulang ni Xavier. Si lolo agad ang pumasok sa isip ko. Maaari kasing sa pagmulat muli ng aking mga mata ay nasa kulungan na siya o kaya ay patay na siya dahil sa aking kapabayaan.
Janina MarieWelcome to Montefona Electronics Company!Napabuga ako ng hangin. Isa akong graduate ng Business Management at para sa akin ay hindi kailangan ng malaking tarpaulin sa may gate ng company. Natatakpan kasi noon ang ganda ng building at ng paligid nito. Dagdag pa iyon sa expenses ng company na pwede naman sanang alisin na lang o kaya ay ilaan sa mga employees."In fairness, ang gwapo ng CEO namin," bulong ng isip ko. Nakabalandra kasi ang mukha ni Xavier Wesley sa tarpaulin."Girl, huwag mong pagnasaan si sir. Bading iyan at walang pake sa babae." Tinapik ako ng isang tao sa aking balikat."Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sayang. Ang yummy n'ya pa naman."Tumawa ang babae na nagpakilalang Nene. Regular employee na s'ya sa Quality Assurance Department ng company."Bago ka lang ba?" tanong n
JANINA MARIE Halos malaglag ang puso ko sa sigaw ng daddy ni Xavier. Napaurong din ang baklang CEO ng Montefona Electronics Company at nakita ko ang takot sa mga mata niya. Alam kong namumula ang mukha ko kahit hindi ko iyon nakikita. Ang init ng pisngi ko at ramdam ko iyon kahit malamig ang buong Quality Assurance Department. "Follow me!" matigas na utos ni Kurt Montefona sa anak n'ya. "I'm not yet done with you," mahina ngunit sakto para marinig ko ang mga katagang binitawan ng gwapo naming CEO. "I'm not yet done with you mo ang lelang mong panot," gigil ko rin na sabi. "What?" Lumingon s'ya sa akin. Sa halip na sumagot ay ngumiti ako ng ubod tamis at saka humawak sa tapat ng aking puso para magbigay pugay sa kaniya. Kumukulo ang dugo ko pero kailangan kong magpakumbaba dahil may lolo akong umaasa sa akin. Yumuko ako tanda ng kunwaring pagsuko. Nang mawala na ang may-ari ng kumpanya at ang CEO niyang anak sa harapan namin ay saka nagkaroon ng lakas ng loob ang aking mga
Xavier Wesley Parusa sa akin ang pagpasok ni Janina Marie Villasanta sa company na pinamamahalaan ko. I was in college when my family told me about the arranged marriage na haharapin ko in the near future. Iyon din ang dahilan kaya nagkaroon kami ng matinding away ng ex-girlfriend ko. Nang malaman niya iyon ay nagsimula na siyang manlamig sa akin hanggang sa sumama siya sa ibang lalaki papuntang US. Habang nasa isang bar ay pinipilit kong aliwin ang aking sarili. Damn that girl! I hate Janina Marie Villasanta! Hindi ko nagawang makaganti sa kaniya kanina dahil bigla siyang tumakbo palabas ng aking office. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako porket alam niyang hindi s'ya basta-basta matatanggal sa company. "I'm gonna break her neck kapag hindi ako nakapagpigil. She's really getting into my nerves. Makita ko lang ang mukha n'ya, naiinis na ako," bulong ko sa aking sarili habang parang hari na nakaupo ako sa isang mamahaling upuan. Ang bar ay pagmamay-ari ng pamilya ni Jake na aki
JANINA MARIENagtataka ako sa ikinilos ni Xavier. Ang sungit niya, napakawalang-puso at higit sa lahat ay weird siya. Kumain lang ako saglit sa canteen dahil natapos ko na rin naman ang paperworks na alam kong hindi naman importante pero rumaragasa siyang pumasok sa opisina niya na para bang galing siya sa pakikipag-away. Gusto kong pagtawanan ang itsura niya pero kailangan kong maging mas mabait dahil alam na niyang apo ako ni Winston Villasanta. Nakilala n'ya na rin ako bilang mapapangasawa niya. Batid kong iyon din ang dahilan kaya pinahihirapan niya ako. Hindi ko gustong maging secretary niya pero hindi ako makatanggi kay Sir Kurt Montefona. Sa tingin ko ay pwede kong maging kakampi ang Daddy ni Xavier kaya sunod-sunuran ako kahit labag na sa loob ko. "Bongga ka na," wika ni Nene sabay tapik sa balikat ko. Five dapat ng hapon ng labas ko pero dahil kay Xavier kaya ala-sais na ako nakalabas. "Kung alam mo lang," sambit ko. "Hindi talaga ako natutuwa sa bago kong trabaho.""Mata
JANINA MARIE Agad kong hinila ang aking anak at saka kinarga ito para protektahan kung sakaling kumilos ng hindi tama si Xavier. Ang mga mata kasi niya ay nag-aapoy sa galit at umigting din ang kaniyang panga. "G-good morning, sir," bati ko sa kaniya. "Whose child is it?" paasik na tanong ni Xavier. "Anak ko po, sir. Siya po si…" "I don't care who he is." Mabilis na lumakad si Xavier papasok ng bahay at iniwan kaming mag-ina. Napatunganga naman ang kapit-bahay namin at nakaimik lamang nang tinapik ko siya sa braso. "Nakakita ba ako ng demonyo o nakakademonyo na lalaki? Grabe ang kagwapuhan niyang taglay pero ang sama ng ugali. Ang taray niya, Janina," sabi ng kapitbahay namin. Gusto kong sabihin sa kaniya na bakla si Xavier kaya ganoon kung kumilos pero hindi ako nagsalita. Nakikinig kasi ang anak ko na bahagya ko lang tinakpan ang tainga nang magsalita na ang kausap ko. Ayaw ko rin isipin ng mga kapitbahay na bakla ang mapapangasawa ko at bigyan sila ng pagkakataon para
JANINA MARIEMaaga akong pumasok sa company. Isang maikling mini skirt ang suot ko. Pinarisan ko iyon ng isang white blouse na may long neckline. Pinatungan ko ng blazer ang suot ko para hindi ako masilipan habang nasa byahe pero tinanggal ko rin naman agad iyon pagpasok ko sa opisina ni Xavier. Nanggigigil kong ibinagsak ang dala kong papel sa lamesa niya nang pumasok ako sa kaniyang office. Naalala ko kasi kung gaano siya biglang naging mabangis nang pinunit ko ang tseke sa harapan niya pagkatapos kong ngumiti ng ubod landi. "I can't accept the check, sir. I want more," sabi ko. "Damn you! You're a fucking slüt! Pagkatapos mong magpabuntis sa iba, gagawin mo akong instant dad! No way! I will not marry you!" sigaw n'ya sa mukha ko.Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas ng boses n'ya. Bigla lang siyang tumigil nang magising si Jude at umiyak ito. Mula sa pagiging galit na galit ay biglang lumambot ang mukha niya at saka pinatahan ang anak kong nagsimula nang mag-alburoto dahil naist
JANINA MARIENagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag. "How are you?" tanong ng isang familiar na tinig."Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako. "Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier. Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier. "N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong. "They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier. "Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo. "I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier. Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramd
XAVIER WESLEY Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly. The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her. "Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. "