Janina Marie
Isang mabining amoy ang nanunuot sa aking ilong. Male scent iyon na para akong idinuduyan para muling pumikit. Dinadala ako noon sa aking pantasya na magising na nakakulong sa bisig ng isang guwapo at maskuladong lalaki. Isang lalaki na hinahabol ng mga kababaihan dahil sa pamatay nitong karisma. Whoo! Ang sarap sigurong maranasan ang kilig na nararamdaman ng mga bidang babae sa mga Korean na palabas na pinapanood ko kapag aksidenteng nagigising sila na yakap ng kanilang mga oppa.
Pero teka… nasaan ako?
Kukurap-kurap ako sa dilim nang magising ako sa isang hindi familiar na silid. Mabigat ang aking ulo kaya bahagya kong hinilot ang aking sentido. Ang natatandaan ko ay nasa isang resort kami sa Naic Cavite upang i-celebrate namin ng mga kaibigan ko ang aming biggest achievement. Dahil doon ay marami ang nainom kong alak kagabi. Deserve ko ang magwala kahit isang gabi lang dahil sa wakas ay graduate na ako ng Business Management. Maiaangat ko nang muli ang buhay namin ni lolo.
Ngunit bigla akong kinabahan nang mabatid kong wala akong suot na damit. Hindi ordinary na makatulog akong n*******d kaya alam ko agad na may mali. Tanging kumot lang kasi ang nakatakip sa aking katawan at sa tabi ko ay may isang lalaki. Dama ko ang malambot na balat ng likod niya na hindi sinasadyang nakadikit sa aking mga braso.
Tumayo lahat ng balahibo ko sa batok. Bigla akong nag-panic. Seriously? Ibinigay ko ba talaga ang sarili ko sa isang taong hindi ko kilala? Hindi ko akalain na dahil sa bote ng alak ay masisira ang buhay ko.
"Diyos ko, ano'ng ginawa ko?" bulong ng isip ko. Blangko ang utak ko katulad nang wala akong makita sa dilim ng paligid. Nangangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang takot.
Dali-dali kong binalot ang aking sarili ng mga nakapa kong damit. Mabilis akong lumabas sa silid na iyon at hinanap ko ang villa kung saan naroon ang aking mga kaklase. Habang naglalakad ay dama ko ang kirot ng aking female s*x organ. Parang nasugat iyon at may hinala na ako kung bakit.
Daig ko pa ang magnanakaw pagpasok ko sa pintuan. Sumilip muna ako para tiyakin na tulog lahat ang mga kasama ko.
"God, hindi ko alam kung bakit ako napasok sa isang sitwasyon na hindi ko napaghandaan. Taliwas ito sa aking mga plano," bulong ng isip ko habang dahan-dahan akong pumapasok sa silid na nakalaan sa akin at sa dalawa kong kaklase.
Mabilis akong kumuha ng damit sa backpack ko at dumiretso sa banyo. Doon ko pinakawalan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Kinuskos ko ang aking katawan ng sponge na nakasabit sa wall ng bathroom. Wala akong pakialam kung mahapdi na ang aking balat. Tuloy lang ako sa paglinis ng aking katawan na para bang kayang burahin noon ang aking kagagahan.
Para magising ako, I smacked my head against the wall. Perhaps I'm just having a bad dream. Subalit kahit nagkaroon na ako ng malaking bukol sa noo ay hindi pa rin nawawala ang bangungot ko. Doon ko napagtanto na ang lahat ay totoo at kailangan kong harapin.
"JM, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ni Althea. Isa siya sa mga classmates ko. Marahil ay nagising siya sa nilikha kong ingay.
Tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan bago ko ibinuka ang aking bibig ngunit wala akong masabi. Ilang beses akong tumikhim. Ilang beses ko rin na itinapat ang aking mukha sa shower. Ayaw kong malaman ng mga kaklase ko ang nangyari sa akin.
"Jannina Marie, ayos ka lang ba?" tanong ulit ni Althea sabay bayo ng pinto.
"O-oo. Mamaya lang ako lalabas. Gusto ko lang mawala ang hangover ko," sagot ko kay Althea.
Waring naiintindihan naman ako ng aking kaklase. Tumigil siya sa pagkatok sa pinto at bumalik na sa pagtulog. Inayos ko ang aking sarili. Dahan-dahan akong nagbihis.
When I picked-up the longsleeve of the man na sumira ng dangal ko ay may nalaglag mula roon. Isang kwintas na my pendant na cross. Pinulot ko iyon at mahigpit na hinawakan. Halos bumaon ang cross noon sa aking palad.
Tumalim ang mga mata ko. Nagmamadali na inihagis ko sa basurahan ang damit ng lalaki pati na rin ang kwintas. Ngunit biglang nagbago ang isip ko. Muli kong kinuha ang kwintas at sinuri iyon. Sa likod ng cross ay may nakasulat na J.A.
Wala akong pinagsabihan ng mga naganap. Wala rin nakahalata sa mga kaklase ko na may pinagdadaanan ako. Palagi pa rin kasi akong naka-smile sa buong maghapon na nasa resort pa rin kami.
"JM, nakita mo ba ang mga guwapong lalaking kausap ng pulis?" tanong ni Althea sa akin.
"Ano'ng connect ng tanong mong iyan sa celebration nating ito?" tanong ko rin sa kaklase ko.
Althea smirked. Kinikilig na hinampas n'ya ako sa braso. Para siyang buntis na hindi mapaanak sa harapan ko.
"Hinahanapan kasi kita ng mapapangasawa mo para bago pa kayo magkita ng lalaking gusto ng lolo mo para sa iyo ay kasal ka na at wala na silang magagawa pa," sagot ni Althea.
"No way! Baliw ka talaga. Hindi ko pwedeng suwayin si lolo. His words are special. Hindi man iyon utos ay susundin ko pa rin dahil mahal ko si lolo," malungkot kong turan. "Ikakasal ako sa apo ng kaibigan n'ya at hindi pwedeng tutulan ko iyon. Matanda na si lolo at ayaw ko nang bigyan pa siya ng stress."
Habang kausap ko si Althea ay parang multo na bumabalik sa isip ko ang mainit na halik ng lalaki kagabi. Ang nakaliliyo na sensasyon na naramdaman ko habang magkiniig kami ay dahilan ng pansamantalang pagkalimot ko. Bigla akong napahawak sa tapat ng dibdib ko. Gusto kong malaman ang identity ng lalaking pangahas.
Umisip ako ng paraan kung paano ko makikilala ang lalaking nagsamantala sa aking kahinaan kagabi. Unti-unti na kasing bumabalik sa isip ko ang alaala ng mga naganap at hindi ko alam kung bakit tila mayroong kakaiba akong nadarama. I want him to claim my lips again. I want him to touch and adore me like he did last night. Teka, hindi ba dapat galit ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Lakas loob akong pumunta sa information desk ng resort. Gusto ko kasi talagang makilala ang lalaking naka-one-night stand ko. Tinanong ko ang babae roon kung pwede ko bang malaman kung sino ang nag-check-in sa villa na nasa dulo ng resort.
"I'm sorry, ma'am. Confidential po ang profile ng guests namin," sagot ng babae sa akin.
"Sige na, miss. Kahit name n'ya lang. Gusto ko talaga siyang makilala," pakiusap ko sa babae.
"Naku, ma'am, hindi lang ikaw ang pumunta rito para itanong ang pangalan n'ya. Hindi kita masisisi kasi talaga namang guwapo siya at parang Hollywood actor. Subalit may rules kami na dapat sundin," paliwanag ng babae.
I sighed in disappointment. Alam kong kahit magwala ako ay wala akong makukuhang information mula sa babae. I walked slowly towards my classmates, who were all waiting for me. No choice na ako kun'di tanggapin na sa resort na iyon ay nagpakagago ako at nasira ang dangal ko dahil sa isang lalaking mapagsamantala ng babae. Wait, sa resort din na iyon ay naranasan kong maging babae kahit sandali lang. Nakarating ako sa langit kahit hindi pa ako patay.
Habang binabaybay ko ang daan papunta sa sasakyan na naghihintay na sa akin ay narinig ko ang isang malakas na tinig ng lalaki. Nakatayo ang may-ari ng boses na iyon sa gilid ng pathway na daraanan ko. Sumulyap siya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.
"Yes, dad. Narito na ako ulit sa resort," malumanay na sabi n'ya.
"Sobrang bait naman ng lalaking ito sa parents niya," bulong ko sa sarili ko. Subalit hindi ko inaasahan ang sumunod kong narinig.
"How many times do I have to tell you daddy, ayaw kong maikasal sa apo ni Winston Villasanta?" Dumadagundong na tanong ng lalaki sa kausap nito sa cellphone.
Bigla akong napatda sa narinig ko. Napakurap-kurap ako in disbelief. Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Ang guwapo, maputi, at masculine na lalaking nasa harapan ko ay ang future husband ko! Aba, kung ito nga si Xavier Wesley Montefona ay handa akong maging pambayad utang.
Ngunit biglang naningkit ang mga mata ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakataas din ang kilay ko habang sinusuri ko siya. Nakipagtitigan ako sa kan'ya. Aba! Hindi n'ya pa nga ako nakikilala, ayaw n'ya na agad sa akin. It's so unfair! Hindi kasi iyon ang nararamdaman ko para sa mapapangasawa ko.
"Miss, why are you staring at me?" Mataas ang boses ng lalaki habang iritadong nakatingin sa akin. Kulang na lang ay lamunin din ako ng mga tingin n'yang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko siyang tanungin kung siya ba talaga si Xavier Wesley Montefona pero naumid ang dila ko. Nakakatakot kasing tumingin sa guwapo niyang mukha.
"Me, staring at you?" Nauutal kong ulit sa sinabi n'ya. "Sir, sa lakas ng boses mo, kahit sino rito ay mapapatingin sa iyo. Uso po ang hindi magalit at sa halip ay maging mahinahon. Okay?"
Pagkasabi ko noon ay nilagpasan ko na ang lalaki. Kung siya nga ang apo ng kaibigan ni lolo, mukhang sasakit ang ulo ko sa kan'ya. First time ko siyang nakita sa buong buhay ko ngunit kumukulo na agad ang dugo ko sa kan'ya. Yes, aaminin kong nakuha n'ya ang atensyon ko pero mukhang kailangan ko yatang magdasal sa lahat ng simbahan para magkasundo kami. Mukhang mali yata si lolo sa mga kuwento n'ya.
"Miss, alam mo…" Tiningnan ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. Para kasi iyong bakal na dinudurog ang buto ko. Nagulat man ako sa paghablot n'ya sa akin, hindi ako nagpatinag.
"Look, hindi kita kilala at hindi mo rin ako kilala. Wala kang karapatan na hawakan ako sa braso at pilipitin ito," matapang kong turan.
"Pardon me, miss."
Agad niyang tinanggal ang mga kamay n'ya sa braso ko. Humakbang din siya paurong para magkaroon kami ng space sa isa't isa.
"Sir, how sure are you na gusto ka rin mapangasawa ng babaeng inirereto sa iyo ng kausap mo sa cellphone?" tanong ko sa kan'ya. "Kung makapagtaas ka kasi ng boses ay parang dehadong-dehado ka."
Hindi ko na hinintay ang sagot n'ya. Natigilan kasi siya sa pakikialam ko kaya sinamantala ko iyon upang makalayo sa kan'ya.
Habang naglalakad pabalik sa mga kasama ko ay lutang ako. Hindi ako makapaniwala na ang bagong dating na iyon sa resort ay posibleng ang future husband ko. Subalit bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Paano kung mabuntis ako ni J.A.? Tatanggapin pa kaya ako ng lalaking nakasagutan ko kanina kung ngayon pa nga lang ay parang isinusuka niya na ako?
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe