Share

CHAPTER 3: The Challenge

Janina Marie

Welcome to Montefona Electronics Company! 

Napabuga ako ng hangin. Isa akong graduate ng Business Management at para sa akin ay hindi kailangan ng malaking tarpaulin sa may gate ng company. Natatakpan kasi noon ang ganda ng building at ng paligid nito. Dagdag pa iyon sa expenses ng company na pwede naman sanang alisin na lang o kaya ay ilaan sa mga employees.

"In fairness, ang gwapo ng CEO namin," bulong ng isip ko. Nakabalandra kasi ang mukha ni Xavier Wesley sa tarpaulin. 

"Girl, huwag mong pagnasaan si sir. Bading iyan at walang pake sa babae." Tinapik ako ng isang tao sa aking balikat. 

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sayang. Ang yummy n'ya pa naman." 

Tumawa ang babae na nagpakilalang Nene. Regular employee na s'ya sa Quality Assurance Department ng company. 

"Bago ka lang ba?" tanong niya sa akin.

"Oo, eh. First day ko ngayon at same department tayo," sabi ko sa kan'ya.

"Wow! Thank God! Sa wakas, binigyan na rin nila ako ng makakasama. Halika na sa loob." Hinila na ako ni Nene sa kamay. Ipinakilala niya pa ako sa mga taga production area. Tuwang-tuwa kasi siya na may makakasama na siya. 

Madali lang ang trabaho ko. Sampling lang ang ginagawa ko pero medyo mabigat din ang responsibilidad. Hindi pwedeng may makalabas na rejected products sa company. Sa tulong ni Nene, naging maayos at magaan ang unang araw ko sa company ng future husband ko. 

Naalala ko nang kinausap ako ni lolo. Kailangan ko raw makuha ang puso ni Xavier Wesley Montefona. Iyon daw ang napag-usapan nila noong nagkita sila ni Emmanuel Montefona, lolo ni Xavier. Hindi aksidente ang pagpasok ko sa Montefona Electronics Company. Mismong may-ari ang backer ko para maging inspector ako sa company na ito.

Buong maghapon ay hindi ko nakita si Xavier. Mission failed ang first day ko dahil doon. Naiinis na kinuha ko ang aking bag sa locker room at nagmamadali na akong lumabas. I'm sure, naghihintay na ang three years old baby boy ko sa aking pag-uwi kaya hindi ko na hinintay pa si Nene. 

Nang makalabas ako ng gate, isang mamahalin at brand new car ang nakaabang sa akin. Nakangiti ang isang hindi kagwapuhan at kayumangging lalaki. Siya si Tommy Bueno, anak ng isang senador at ex-boyfriend ko. Agad akong sumimangot nang makita ko siya. Ngunit malapad na ngiti ang isinalubong niya sa akin.

"JM, how are you?" tanong niya agad sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" Humalukipkip ako sa sobrang inis. "Kapag galing ng Amerika, dapat English ba talaga ang gamiting language sa pakikipag-usap?"

"Chill. I'm back. Tara, usap tayo sa loob ng sasakyan." Binuksan ni Tommy ang pintuan ng new car niya at saka ako inalalayan papasok. 

Ngunit nakakaisang hakbang pa lang ako ay nakita ko si Xavier na nakatayo sa tabi ng kotse niya. Nakatingin siya sa amin ni Tommy at mukhang galit siya.

"Janina!" 

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kinakawayan ako ni Nene na palabas na rin ng gate. Bigla kong tinabig ang kamay ni Tommy na nasa braso ko. 

"Bumalik ka na ng Amerika. Iyon ang mahalaga sa iyo, 'di ba? Huwag ka na rin ulit magpapakita sa akin. Wala ka na kasing babalikan katulad ng sinabi ko sa iyo noon," wika ko. 

Bago pa nakasagot si Tommy ay nakalayo na ako sa kaniya. Nilapitan ko si Nene para may makakasabay ako at para iwan din ako ng aking ex-boyfriend na ipinagpalit ako sa Amerika. Nagsisimula pa lang kaming mag-usap ng katrabaho ko nang sunod-sunod na bosena ang narinig namin. Hinila ako ni Nene para tumabi. 

"Palabas si bakla. Wala pa iyang regla kaya mainit ang ulo," sabi ni Nene. Napangiti ako dahil sa sinabi niya. 

"Don't block the driveway!" singhal ni Xavier ng tumapat sa akin. Napahiya ako lalo na at maraming mga empleyado ang palabas na ng company. Biglang uminit ang ulo ko at sasagot na sana ako pero naalala ko ang paalala ni lolo. Kailangan kong mapaibig ang masungit kong boss. 

Sa halip na magsalita ng hindi maganda ay ngumiti ako ng ubod tamis. Kumaway ako kay Xavier at malambing na nagsalita ng, "Ingat po kayo, sir!" 

Kung si Xavier ay nakatikim ng ngiti ko, si Tommy ay ipinagtabuyan ko. Dahil napapahiya na kaya pinasibad na rin nito ang sasakyan. Sumabay ako kay Nene hanggang gate ng Economic Zone at doon na kami naghiwalay. 

Pagdating sa bahay, hindi na ako tinigilan ni lolo sa dami ng tanong n'ya. Daig ko pa ang may exam na kailangan ipasa. Wala naman akong mai-kuwento dahil hindi naman talaga kami nagkaharap ng matagal ni Xavier. 

"You must maintain your focus on your goal. You must entice him to fall in love with you. You are my last hope. I know your job is difficult, but you must do this, Janina, or your son will pay the families' debts."

Nang narinig ko ang sinabi ni lolo ay para akong nanghina. Hindi ako papayag na manahin pa ng anak ko ang utang ng lolo ko. Hindi ko kayang ipasa sa kaniya ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. 

"Mama, sabi ni lolo ay rich daw tayo. Bakit ka work?" tanong ng anak ko nang pinatutulog ko na siya. 

Tumikhim ako at hinaplos ang buhok n'ya. Paano ko ba sasabihin sa aking anak na kailangan ko siyang buhayin at kailangan kong makuha ang loob ng future stepfather n'ya dahil sa palpak na business transaction noon ni Lolo? 

"Mama, I want to see my papa. Kailan ang uwi niya from State?" pabulol na tanong ulit ng anak ko.

Dahil walang maisagot kaya humabi na lang ako ng kwento para lang tantanan ako ng aking anak. Naniwala naman siya. 

Kinabukasan, isang galit na Xavier Montefona ang nabungaran ko sa QA Department. Nakapamulsa ito at pulang-pula ang mukha. 

"Why are you late?" pasigaw na tanong niya sa akin. 

Tiningnan ko ang aking suot na relo. May fifteen minutes pa bago mag-eight o'clock ng umaga. Sadyang maaga lang siya kaya siya nauna ngunit hindi ako sumagot. 

"You are all stupid! Paano nakalampas sa inyo ang mga defective products at nai-deliver iyon sa customers?" 

Nakatingin lang ako kay Xavier habang pinagagalitan kami. Hindi ko siya maintindihan. Ang alam ko ay sa darating na Biyernes pa ang delivery ng batch na dumaan sa akin at kinunan ko ng samplings. Martes pa lang kaya sigurado akong hindi dumaan sa akin ang mga products na may NG o not good na tinatawag. 

"You!" Itinuro ako ni Xavier. "Bago ka lang, 'di ba?" 

"Yes, sir," sagot ko. 

"Siguro ikaw ang may kagagawan nito. Spy ka ba ng ibang company para ibagsak ang MEC? I remember you. Bakit palagi kang nakabuntot sa akin? Mula sa resort, hanggang dito… Sino ka bang talaga?"

"Unang-una sa lahat, malay ko ba, sir, na ikaw ang CEO sa company na ito. Pangalawa, kahapon lang ako pumasok. Kailan ang delivery date ng batch na may defective products at bakit ako agad ang pinagbibintangan mo?" 

Lahat ng kasama ko sa QA Department ay biglang napatingin sa akin. Siniko ako ng line leader namin. Pati supervisor ay napatingin ng masama sa akin. 

"Who are you to question me?" Dumadagundong ang boses ni Xavier. 

Hindi na ako nakapagpigil pa. Napipilitan lang talaga ako sa trabaho na iyon dahil sa nalalapit nang kasal namin ng mokong na nasa harapan ko. Alam kong malakas ang backer ko sa kompanya kaya hindi ako nagpatalo. I'm sure, hindi ako matatanggal agad kapag sinagot ko ang CEO dahil hindi papayag ang parents niya. 

"At sino ka rin para bintangan ako ng walang dahilan?" tanong ko. Iniangat ko ang mukha ko para makipagtitigan kay Xavier ng mata sa mata.  

"You're fired!" sigaw niya. 

"Okay. Payag akong tanggalin mo sa trabaho dahil sa palpak mong judgement pero sa isang kondisyon. Hahalikan mo ako sa labi at patutunayan mo sa lahat dito na hindi ka bakla."

Tumaas ang isa kong kilay at mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang mga nakaawang na bibig ng mga katrabaho ko. Matapang akong ngumisi para insultuhin ang galit na galit na CEO ng company. 

Hanggang sa dahan-dahan niya akong nilapitan ngunit umurong ako. Bigla akong nataranta ngunit hindi ako nagpahalata. Salubong ang kilay ni Xavier at walang kangiti-ngiti ang mapula niyang labi. Sa kauurong ko ay napadikit ako sa pader. Itinukod ni Xavier ang dalawang kamay niya sa may ulunan ko dahilan para makulong ako sa mga braso niya. Nakatitig lang ako sa guwapo niyang mukha. Dahan-dahan niya naman na ibinaba ang kaniyang bibig sa nakawang kong mga labi. 

Parang tumigil ang aking mundo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Ngunit may bahagi ng aking puso ang naghihintay na lumapat ang mga labi namin sa isa't isa. Hanggang sa isang sigaw ang gumulantang sa aming lahat. 

Comments (14)
goodnovel comment avatar
Elena Encina
magandang basahin
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya Ang sumigaw naudlit tuloy2 Ang halik
goodnovel comment avatar
Phaulyn M. Romano
ok na sana bat may sumigaw pa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status