Share

CHAPTER 6: The Burning Fire of Affection

JANINA MARIE

Nagtataka ako sa ikinilos ni Xavier. Ang sungit niya, napakawalang-puso at higit sa lahat ay weird siya. Kumain lang ako saglit sa canteen dahil natapos ko na rin naman ang paperworks na alam kong hindi naman importante pero rumaragasa siyang pumasok sa opisina niya na para bang galing siya sa pakikipag-away. 

Gusto kong pagtawanan ang itsura niya pero kailangan kong maging mas mabait dahil alam na niyang apo ako ni Winston Villasanta. Nakilala n'ya na rin ako bilang mapapangasawa niya. Batid kong iyon din ang dahilan kaya pinahihirapan niya ako. 

Hindi ko gustong maging secretary niya pero hindi ako makatanggi kay Sir Kurt Montefona. Sa tingin ko ay pwede kong maging kakampi ang Daddy ni Xavier kaya sunod-sunuran ako kahit labag na sa loob ko. 

"Bongga ka na," wika ni Nene sabay tapik sa balikat ko. Five dapat ng hapon ng labas ko pero dahil kay Xavier kaya ala-sais na ako nakalabas. 

"Kung alam mo lang," sambit ko. "Hindi talaga ako natutuwa sa bago kong trabaho."

"Mataray ba si Sir Xavier? Akitin mo, girl, para bumait. Agawin mo siya kay Sir Admerson," payo ni Nene. 

"Sira! Hindi ko kaya ang tupak niya," reklamo ko. 

Umikot ang mga mata ni Nene. Hinila niya pa ako pagkatapos naming mag-timeout para sabay raw kami sa jeep. Nakita kong palabas si Xavier sa lobby ng building kaya dali-dali akong sumunod kay Nene para hindi na ako makita pa ng masungit na CEO. Pagod na ako at gusto ko nang matulog kaya baka kapag mapagdeskitahan na naman ako ni Xavier ay makalimutan kong boss ko siya.

"Janina!"

Natapik ko ang aking noo. Si Tommy na naman ang sumigaw at nasa kabila ito ng kalsada. Alam kong batid niyang may anak na ako pero hindi pa rin niya ako tinitigilan. Si Xavier na noon ay nasa tabi na ng sasakyan niya ay nakatingin sa amin. Maliwanag pa kaya nakita niya ang naging expression ko. 

Sa isang nakaparadang tricycle ako sumakay. Hinila ko na lang si Nene para hindi na kami mag-abang pa ng jeep. Nagulat man ang katrabaho ko, sumakay na rin siya. 

"Lintek ka, Janina. Sagad na ang allowance ko. Special pa itong sinakyan natin. Paglalakarin mo ba ako pauwi ng Novelita?" tungayaw ni Nene. 

"Ako na ang magbabayad. May extra pa naman akong pera rito. Ayaw ko lang talagang makipagtalo sa ex ko. Andoon pa naman si Sir Montefona."

"Ang haba ng hair mo, girl," tukso ni Nene sa akin. "Ayaw kang tigilan ng ex mo. Mukhang mayaman pa naman siya. Familiar sa akin ang mukha niya." 

"Nene, malamang nakita mo na si Tommy kapag may kampanya. Anak kasi siya ni Senator Bueno."

"Talaga? Panalo ka pala sa kaniya. Bakit hindi mo balikan?" 

"Hindi na. Kung noon ay patay na patay ako sa mokong na iyon, hindi na ngayon. Hindi ko siya pwedeng sandalan. Nakatakda na rin akong ikasal…"

Bigla kong natutop ang aking bibig. Hindi ko nga pala pwedeng sabihin kahit kanino ang tungkol sa nakatakda naming kasal ni Xavier. Kinulit ako ni Nene pero hindi ako nagbigay pa ng detalye. Naunawaan n'ya naman na hindi pa ako pwedeng magkwento tungkol sa bagay na iyon. 

Nang gabing iyon, naabutan kong muli ang aking anak na naghihintay sa akin. Katulad ng tanong niya sa akin sa telepono, hinanap n'ya ulit ang papa niya sa akin. Gusto kong umiyak dahil doon. Naaawa ako sa anak ko. Siya ngayon ang nagdurusa dahil sa katangahan ko at dahil sa kapabayaan ko. 

"Iha, how's your day?" tanong ni lolo. 

"Okay lang po. Mabait naman si Xavier." 

"Really? Nice to hear that. We do believe na magkakasundo talaga kayong dalawa ng apo ni Emmanuel." 

"Kailangan ko ng himala, lolo," mahina kong usal. 

Marami pang magagandang kwento si lolo tungkol kay Xavier ngunit nagkibit-balikat lamang ako. Hindi ko kasi makita ngayon ang sinasabi niyang mabait, over-protected at very generous na lalaki. Halimaw kasi ang nakita at nakasama ko kanina; at nang mga nakaraang araw. 

Kinabukasan, tamad na tamad akong pumasok. Nakahiga pa kasi ako ay naiisip ko na agad ang mukha ni Xavier. Kung hindi lang talaga para kay lolo, mas gugustuhin kong gamitin ang pinag-aralan ko kaysa ang maging utusan lang ng lalaking iyon. Ibinilin ko kay lolo si Jude. I requested him na turuan ang aking anak habang wala ako. Kapakanan pa rin kasi ni Jude ang priority ko. 

Sa company ay mas maaga akong dumating kaysa dati. Nagulat ako na pagpasok ko ay nasa labas na ulit ng opisina ni Xavier ang table ko. 

"Sira talaga ang ulo niya. Pinagod lang talaga ako kahapon," bulong ko sa aking sarili. 

Kumuha ako ng walis at saka nagsimulang linisin ang silid. Inayos ko rin ang table n'ya. Napangiti pa ako ng mapagmasdan ko ang picture frame na nakapatong sa kan'yang table. Family picture nila ang isa roon at ang isa naman ay picture nila ni Jake. 

"Sorry, Jake. Hindi ko gustong agawan ka ng karelasyon pero kailangan talaga. Hindi ko nakalilimutan ang ginawa mong tulong sa akin noong nanganak ako. Inakala pa nga ng mga nurses na ikaw ang ama ni Jude," bulong ko habang nakatingin sa gwapong mukha ni Jake. 

"What are you doing?" tanong ng isang baritono na tinig.  

Muntik kong mabitawan ang picture frame nina Xavier at Jake dahil sa sobrang gulat. Mabilis ko iyong nailapag sa lamesa at saka yumuko ako bilang pagbati sa bagong dating. 

"Janina? Is that you? Why are you here?" sunod-sunod na tanong ni Jake kahit hindi ko pa nasasagot ang unang tanong niya.

"Good morning, sir. Pinupunasan ko lang po ang picture frame. Hinahanap n'yo po ba si Sir Montefona?"

"Yes. I repeat, why are you here?"

Lumakad si Jake palapit sa mahabang upuan na nasa gilid ng opisina ni Xavier. Niyaya n'ya akong lumapit sa kaniya at umupo. Sumunod ako sa kaniya ngunit hindi ako naupo dahil nahihiya ako. 

"Nagtratrabaho po ako rito, sir," sagot ko. 

"Since when?" 

"Almost one week na po." 

"That's great. Madalas na pala tayong magkikita. I was expecting you to visit me pero hindi ka na nagparamdam pagkatapos mong manganak sa hospital. I became busy for the last three years kaya pasensya na kung hindi na kita na-kumusta pa. What happened to you, Janina, for the past years?" 

"Sobrang nahiya po ako dahil sa laki ng tulong mo sa akin noon sa hospital kaya minabuti kong huwag nang tanggapin pa ang tulong na binibigay mo noon," sagot ko kay Jake.

Biglang may tumikhim mula sa aking likuran. Nagulat ako nang makita ko ang galit na mukha ni Xavier. Napairap ako dahil sa itsura niya. Ang aga-aga pero beastmode agad ang boss ko. 

"Get out of here," utos ni Xavier sa akin. 

"Xavier, I'm still talking to her," protesta ni Jake. 

"She has a lot of work to do." Irritated ang boses ni Xavier kaya agad kong kinuha ang walis, dustpan at pamunas. Ayaw kong mapahiya kay Jake kaya mabilis ang naging kilos ko. 

"Gusto n'yo po ba ng kape?" tanong ko sa dalawa bago ko isara ang pintuan.

"Yes, please," sagot ni Jake. 

"No! O-order na lang ako sa labas. Baka lagyan mo pa iyan ng kung ano." Tumalikod na lang ako pagkarinig ko ng sinabi ni Xavier. Nakakapanginig talaga ng laman ang lalaking iyon. 

Bago umalis si Jake ay hiningi n'ya ang bagong cellphone number ko. Hindi naman ako nag-atubiling ibigay iyon sa kaniya kahit karibal ko siya. 

"Miss Villasanta, come to my office." 

Napabuntong-hininga ako. Nakakainis ang boses ni Xavier kahit sa intercom ko lang iyon narinig. Subalit pagbukas ko ng pintuan, isang magalang na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya. Kailangan kong maging mahinahon dahil baka mabaliktad ko ang lamesa n'ya at hindi niya na ako pakasalan pa. 

"You are not allowed to talk to Jake," nakasimangot niyang sabi. 

"Ho?"

"Miss Villasanta, are you deaf?" 

"No, sir." 

"Iyon naman pala. Stupid! Get out!"

"Hays, kung hindi ka lang talaga…" naiinis kong bulong sa hangin. 

"What is it, Miss Villasanta?"

"Nothing, sir." 

Pagdating sa table ko ay agad akong uminom ng malamig na tubig. Huminga rin ako ng ilang ulit para lang mawala ang inis ko. Hindi ko kasi talaga maintindihan ang kasungitan ni Xavier. 

Buong umaga ay wala akong trabaho. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala rin siyang utos. Gusto ko na ulit pumasok sa opisina niya pero natatakot naman akong masigawan niya. Dahil doon ay naisipan kong umalis sa aking pwesto at puntahan ang dati n'yang secretary na nasa Line A. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ng dating secretary ni Xavier. 

" Ano ba ang gagawin ko, sir? Simula eight in the morning, nakatunganga na lang po ako," sabi ko. 

"What? Hindi mo ba in-inform si Sir tungkol sa meetings niya? Nilagay ko ang schedule niya sa table mo." 

Nanlamig ang aking mga kamay dahil sa narinig ko. Hindi ko alam ang tungkol sa meetings at schedule ni Xavier. Wala akong nakitang kahit na ano sa table. Ang sinasabi ng dating secretary ng boss ko, hindi ko man lang nasilip iyon. 

Dahil sa takot ay hinawakan ko ang kamay ng dating secretary ng CEO at hinila ko siya papunta sa pwesto ko. Saktong palabas naman si Xavier ng opisina niya at nakita niya kaming magka-holding hands ng dati niyang secretary. 

Namula ang mukha ni Xavier at bigla rin hinila ng dating secretary niya ang mga kamay nito. Matalim na tingin ang ipinukol sa akin ni Xavier bago niya sinagot ang tawag ni Jake. 

"I'm going out. Yes. Wait for me, Jake," mga katagang narinig ko. 

Habang wala si Xavier ay itinuro sa akin ng dating secretary n'ya ang mga kailangan kong gawin. Dahil doon ay nakalimutan kong kumain ng tanghalian. Nang bumalik siya galing sa meeting nila ni Jake ay nawalan na ako ng oras para kumain. Tinambakan niya kasi ako ulit ng mga gagawin. Kahit mag-merienda ay hindi ko rin magawa dahil minamadali ako ni Xavier. Matindi na ang gutom na nararamdaman ko at hindi ako makareklamo. 

"Come to the conference room," utos sa akin ni Xavier. Alam kong may meeting siya at ala-singko na ng hapon. Dapat ay out ko na at pwede na sana akong kumain pero hindi ko nagawa. Puro tubig na lang ang laman ng tiyan ko. 

"Sir, baka pwedeng…"

"No!" 

Lihim akong napamura. Kinuha ko ang mga kailangan niya sa meeting at dinala ko iyon sa conference room. Hindi ako natatakot sa mga sigaw niya pero ayaw kong mapahiya kaya sinusubukan kong gawin ang mga inuutos niya. 

Hanggang sa sinigawan n'ya ako sa harap ng mga empleyado na kasama sa meeting. Pinababalik niya ako sa opisina n'ya dahil nakalimutan ko ang isang importanteng papeles. 

Literal na nagdilim ang paningin ko dahil sa pagod at gutom ngunit pinilit kong makarating sa opisina ni Xavier. Ayaw kong mawalan ng malay sa hallway ng company dahil tiyak na sisipain ako ng walang-pusong CEO ng MEC. Hanggang sa aktong hahawakan ko na ang papel na ipinakukuha sa akin ni Xavier. Hindi ko na kinaya... Bigla na lang nanlambot ang aking tuhod at tuluyan na akong bumagsak. 

Kukurap-kurap ako nang naramdaman kong nakalapat ang likod ko sa isang malambot na bagay. 

"Damn it! What the hell is she thinking? boses ni Xavier. 

"Calm down. She's safe na. Next time, huwag mong masyadong pahirapan. Baka mamatay iyan, may a…" 

Napaubo ako bigla. Hindi pa pwedeng malaman ni Xavier ang tungkol kay Jude. Baka lalo niya akong ipagtulakan kapag nalaman niya iyon. Hindi kakayanin ng lolo ko kapag hindi natuloy ang kasal. 

Dahan-dahan akong umupo. Parang kidlat na nilapitan ako ni Xavier. Mabilis niya akong naalalayan. 

"Why didn't you eat your lunch? Are you attempting to commit suicide? Stupid! You're so stupid! You're a contemptibly obnoxious person," litanya ni Xavier.

Ang sarap manapak ng lalaki pero wala akong lakas para gawin iyon. 

"Sir, uuwi na po ako." Sinikap kong tumayo. Hindi ko kasi alam kong ilang oras akong nakatulog. Tiyak na naghihintay na sa akin si Jude. 

"Seat!" Hinila ako ni Xavier sa braso kaya napasalampak ako ulit sa upuan na hinigaan ko ng matagal. 

Nagulat ako nang subuan ako ni Xavier ng pagkain. Napatingin ako kay Jake na nakamasid lang din sa amin habang naka-de kuwatro at hinihimas ang baba niya. 

"Sir, ako na po," nahihiyang sabi ko at kinuha ko sa kan'ya ang kutsara. Ngunit hindi iyon binitawan ni Xavier. Nanindig ang mga balahibo ko nang mahawakan ko ang kamay niya pero hindi ako nagpahalata. 

"Eat," maikli niyang sabi. 

Wala na akong choice kun'di tanggapin ang pagkain at ibuka ang aking bibig. Gutom ako kaya kahit lugaw lang ang isinusubo n'ya sa akin ay tanggap lang ako nang tanggap. Dahil nanghihina ako, hindi ko masabi kay Xavier na hindi ako kumakain ang lugaw. 

"Jake, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Miss Villasanta," wika ni Xavier. 

"Ihahatid ko na siya. Gusto ko kasing makita si… By the way, Janina, I bought some stuff for him. Sana magkasya at..." 

Bigla akong napalingon kay Jake. Mukhang nakuha niya ang ibig kong ipahiwatig kaya natigilan siya.

"No! Ako na ang bahalang maghatid sa kaniya. Si Janina ang sinasabi ko sa iyong nakatakda kong mapangasawa. I guess it's time to meet her lolo."

Wait! Galit ba si Xavier? Kagalit-galit naman talaga ang nangyari sa akin. Hindi na ako nagtanong pa kung ano ang mga naganap kasi baka singhalan niya lang ako. 

"She's my friend, Xavier. Kahit pa siya ang mapapangasawa mo, hindi naman siguro masama na ihatid ko siya. You don't have any connection bukod sa nakatakda kayong ikasal sa isa't isa. We, on the other hand, are acquaintance friends."

"Don't worry, Jake. We'll make a connection while we're on the road."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa magkarelasyon na nasa harapan ko. 

"Nag-aaway na ba sila?" tanong ko sa aking sarili. 

Bigla akong nakaramdam ng lakas. Hindi ko gustong ihatid ako ng kahit sino sa kanila para walang gulo. Baka mamaya ay magsabunutan pa sila sa harapan ni Jude, biglang ma-stress ang anak ko. 

"Permission to leave, sirs. Wala pong maghahatid sa akin. Kaya ko po ang sarili ko." 

"No! Stay!" sabay nilang sabi. 

"Dito ka na matulog," mabilis na wika ni Xavier. "You're too weak to travel." 

"Hindi po pwede. Hinihintay po ako ni Jude." Kulang na lang ay nagmakaawa ako kay Xavier. 

Ngunit tila wala siyang narinig. Tumawag siya sa telepono at narinig namin ni Jake na kausap n'ya ang Daddy niya. Sinabi niya rito na tawagan ang lolo ko, sabihin dito na overtime ako sa trabaho at bukas na ako ng umaga uuwi. 

Napatingin ako kay Jake. Gusto kong sabihin rito na hindi ako pwedeng hindi umuwi dahil naghihintay ang aking anak pero nagkibit-balikat lang siya. 

"Sir, hindi talaga ako…" 

"Stay here or else walang kasalan na magaganap," banta ni Xavier. 

Nanlulumo na sumunod na lang ako sa kaniya nang inalalayan niya ako papasok ng silid niya sa office. Dahil hindi pa talaga ako nakababawi ng lakas kaya mabilis akong nakatulog kahit ang isip ko ay abala sa pag-aalala para sa anak at lolo ko. 

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nang mahimasmasan ay saka ko lang na-realize na nasa isang mabangong silid ako na panlalaki. Malaki iyon at napakalinis. Kulay blue ang interior design kaya sobrang lamig sa mata. Biglang bumalik ang alaala nang naganap noon sa resort sa Naic. Bigla akong napabalikwas ng bangon at tumakbo palabas. Nagulat ako nang makita kong tulog sa couch si Xavier. Sa table na malapit rito ay maraming pagkain. 

Dahan-dahan akong lumabas ng opisina niya. Kinuha ko ang aking gamit at saka nagmamadaling lumabas ako nang company. Nang makalabas ako ng Economic Zone, dumaan muna ako sa isang kainan bago sumakay ng baby bus pauwi sa Tanza. Late kong naisip na marami pala akong gagawin sa araw na iyon. 

"Bahala na," bulong ko habang naglalakad ako papasok ng gate. 

"Mama!" sigaw ni Jude. 

Ibinuka ko ang aking mga braso para mayakap ko ang aking anak. Ngunit nagulat ako nang naramdaman kong mainit siya. Kinapa ko ang kaniyang noo at mabilis ko siyang kinarga papasok ng bahay. 

"Lolo, bakit may lagnat si Jude?" Nag-aalala na tanong ko sa aking lolo na palabas ng kusina at may dalang kape. 

"Oo nga. I was so worried last night. Tumawag si Kurt at sinabing busy ka sa company kaya hindi na kita inistorbo. Pinainom ko na si Jude ng medicine. He'll be fine later, Janina." 

Ngunit hindi ako mapakali. Tinanong ko ang aking anak kung ano ang masakit sa kan'ya at wala naman daw. Bahin lang siya ng bahin.

"Pinainom n'yo po ba ito ng malamig na tubig?" 

"Binilhan ko ng ice cream kahapon. Mainit daw at gusto niya. Kaysa umiyak, pinagbigyan ko na," sabi ni lolo. 

May sipon ang anak ko kaya siya nilalagnat. Dahil sabi ng mama ni Althea na huwag ko raw sanayin sa gamot si Jude kaya kumuha na lang ako ng oregano leaves at pinainitan ko iyon sa kalan. Piniga ko iyon at saka pinainom sa aking anak. 

Two days na akong absent sa trabaho nang tumawag ako sa HR Department at sinabi ko lang na emergency. Sa loob ng mga panahon na iyon, natahimik bigla ang mundo ko. Malayo ako kay Xavier at sa mga mata niyang parang agila. 

Ngunit hindi ko inaasahan na sa pangatlong araw ay darating sina Mr. and Mrs. Kurt Montefona. Masaya ko silang pinapasok sa loob ng bahay. Sandali ko munang iniwan si Jude sa kapitbahay namin na kausap ko bago pa dumating ang mga magulang ni Xavier. Pagkatapos ko silang alukin ng pagkain at tumanggi sila, muli akong lumabas para kunin ang aking anak.

Ngunit hindi ko inaasahan ang eksena sa labas ng bahay namin. Si Jude, nakayakap sa hita ni Xavier habang matalim na nakatingin ang baklang CEO ng Montefona sa inosente kong anak. 

    

Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
nagkaalaman na Kaya na anak ni Xavier SI Jude?
goodnovel comment avatar
Phaulyn M. Romano
may lukso siguro ng dugo
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
naku nagkita na si Xavier at Jude sana naman maramdaman ang lukso ng dugo
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status