Share

CHAPTER 9: Is it Love?

JANINA MARIE

Nagising ako sa malakas na sigawan at putok ng baril. Agad kong hinanap sina lolo at Jude. Ngunit umiikot pa rin ang paningin ko kaya hindi ko sila maaninag. 

"How are you?" tanong ng isang familiar na tinig.

"Nasaan si lolo at Jude?" tanong ko kay Xavier na pangko ako. 

"Don't worry. They are safe," sagot ni Xavier. 

Nang mahimasmasan ay bigla akong bumangon. Nahihiya na lumayo ako kay Xavier. Nasa reception venue pa rin kami ngunit iilan na lang ang mga tao. Sina lolo at Jude ay nasa isang gilid kasama ang mga magulang ni Xavier. 

"N-na-saan si Tommy at mga kasama niya?" nauutal kong tanong. 

"They were apprehended by cops. We will file a case against Tommy and his team," sabi ni Xavier. 

"Senator ang tatay ni Tommy," wala sa sarili na nasabi ko habang naglalakad palapit kay Jude at lolo. 

"I don't mind kahit president pa ng Amerika ang tatay niya!" iritado na sagot ni Xavier. 

Halos hindi ko bitawan si Jude nang mayakap ko s'ya. Buong buhay ko ay noon lang ako nakaramdam ng matinding takot. Takot hindi para sa sarili ko kun'di para sa buhay ng anak ko. Bigla akong naging emotional. Biglang lumabas ang weak side ko nang hindi ko namalayan. 

"Let's go," sabi ni Xavier. "Uuwi na tayo." 

"U-uwi? Tayo?" 

"Sige na, hija. Sumama na kayo ni Jude kay Xavier sa bago ninyong bahay," sabi ni lolo.

Biglang naging malinaw na sa akin ang lahat. Hindi ko agad naisip na kapalit ng kasal ay posibleng mawalay ako kay lolo. Hindi ko yata kakayanin iyon lalo at buong buhay ko ay kasama ko si lolo.

"Janina, sumama na kayo ni Jude sa asawa mo," wika ulit ni lolo.

"Pero, lolo, wala ka nang kasama sa bahay," nag-aalala kong sabi. 

"Don't worry. I'll be fine without you. May makakasama na ako roon. Naayos na ni Xavier ang lahat bago pa man ang kasal n'yo," paliwanag ni lolo. 

Napatingin ako kay Xavier. Hawak niya na sa kamay si Jude. Si Jake ay nakamasid din sa amin kaya lalo akong nag-alinlangan. Akala ko noong una ay magiging madali lang ang lahat pero hindi pala. May mga bagay o tao pala akong kailangan isakripisyo. 

"Don't worry, Janina. Hindi naman porke't kasal na kayo ni Xavier ay hindi mo na pwedeng makasama si Tito Winston. You are free to visit him all the time. Kailangan n'yo lang talaga bumukod ni Xavier para matuto kayo kung paano tumayo sa mga sarili n'yong mga paa," panghihikayat ni Sir Kurt. 

Tumingin ako kay Althea. Nakiusap akong alagaan n'ya si lolo habang wala ako. Willing akong magbayad para lang may mag-asikaso sa lolo ko. Ayaw ko kasing mapabayaan siya. 

Habang nasa byahe ay nakatulog ang anak ko. Tahimik lang naman si Xavier. Sa isang malaking bahay malapit sa boundary ng Naic kami tumigil. Isang contemporary house ang bumungad sa akin. Napanganga ako sa ganda noon. May malaking parking lot ito na kasya kahit limang sasakyan. Magara ang lahat ng interior designs. 

"Bahay mo ba ito?" tanong ko kay Xavier. 

"Yes," parang tinatamad na sagot niya habang karga niya si Jude. 

Nagkibit-balikat lang ako. Nakasuot pa ako ng traje de boda kaya hirap akong lumakad. Sa isang silid na panlalaki dinala ni Xavier si Jude. Itinuro n'ya rin ang silid ko na katabi lang ng silid ng aking anak. 

Halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda ng silid na para kay Jude. Napatingin ako kay Xavier. May puso naman pala ang mataray na bakla. Special kasing inayos ang silid ng anak ko nang hindi niya sinabi sa akin. 

"Sir, thank you," nahihiya kong turan. 

"Don't mention it. Stop calling me sir. Masanay kang tawagin ako sa first name ko lalo na sa harapan ng mga kamag-anak natin."

"Okay po," sabi ko na lang. "Pwede po bang dito rin ako matulog? Hindi po sanay ang anak ko na mag-isa lang siya sa gabi." 

"It's up to you. I don't care, Janina."

Para siyang ipo-ipo na bigla na lang nawala sa silid pagkatapos n'yang ilapag si Jude sa kama. Lumapit ako sa mga cabinets. Halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng magagandang damit na para kay Jude. Sa isang bahagi ng silid ay maayos na nakahelera ang mga laruan na pambata. 

"Para kay Jude ba ang lahat ng ito?" tanong ko sa aking sarili. 

Kumuha ako ng isang terno ng pajama mula sa cabinet. Dahan-dahan kong binihisan ang anak ko. Ingat na ingat akong magising siya at baka magsimula siyang umiyak. Hindi namin bahay iyon at ayaw kong magwala sa galit si Xavier nang dahil sa ingay na likha ng anak ko. 

Malaki ang kama ni Jude pero maikli lang iyon kaya kailangan kong mamaluktot kung sakaling doon ako matutulog. Pwede akong humiga roon para magkatabi pa rin kaming mag-ina. Madalas kasing gumising ang anak ko sa madaling-araw at humahawak siya sa dibdib ko. 

Nang matapos kong bihisan ang aking anak ay lumipat ako sa silid na itinuro ni Xavier na para raw sa akin. Excited kong binuksan ang malalaking cabinets pero empty iyon. Okay lang. Kahit medyo disappointed ako dahil inakala ko na tulad ng anak ko ay may mga bago rin akong damit, ngumiti pa rin ako. Sa isang sulok ay nakita ko ang bag na nilagyan ng mga damit ko mula sa bahay ni lolo. Para iyong basura sa isang magarang silid. Dinampot ko iyon at saka humanap ako ng pwedeng isuot. 

Ngunit nang huhubarin ko na ang traje ay hindi ko maabot ang zipper sa likod. Problemado na lumabas ako ng silid. Mula sa ikatlong palapag ng bahay ay bumaba ako sa pag-asa na may makikita akong kahit isang katulong para may magbaba ng zipper sa likuran ko. Subalit sobrang tahimik ng paligid. Wala kahit isang tao. 

Dahan-dahan akong muling umakyat sa ikatlong palapag. Mabuti na lang at nakayapak ako kun'di ay daig ko pa ang nagpenitensya kahit hindi pa naman Holy Week. 

"It's been more than three years. Sabihin ninyo kung hindi n'yo kaya ang pinagagawa ko. I need to find that girl!" sigaw ni Xavier sa kausap niya sa cellphone. 

Napakunot ang noo ko. May babaeng hinahanap si Xavier. Akala ko ba ay gay siya. Paanong nangyari na may ibang babae siyang gustong makita? 

"Damn it! Ilang taon na akong hindi pinatutulog ng babaeng iyon. Mababaliw na ako kaiisip sa kaniya. I need to find her," sabi ni Xavier habang nagpapalakad-lakad sa corridor. Hawak niya ang kaniyang buhok at hindi maipinta ang kaniyang mukha. 

Nahihiya at kinakabahan na tinawag ko si Xavier. No choice na ako. Kailangan kong may tumulong sa akin para mahubad ko ang traje. Ngunit lahat ng lakas ng loob ko ay nawala nang tumingin siya sa akin na para bang may nagawa akong isang krimen. 

Umurong ako saglit. Nanlilisik ang mata ni Xavier at kung may matataguan lang ako ay baka tumakbo na ako. 

"S-sir, mag-pa-patulong po sana ako," halos pabulong na lang ang pagbigkas ko noon. 

"What do you want, Janina? Anong narinig mo? Kanina ka pa ba riyan?" 

"Ipabababa ko lang po sana ng kaunti ang zipper sa likod ko. Huwag po kayong mag-alala, wala po akong narinig," pagsisinungaling ko.  

Lumapit sa akin si Xavier at saka marahas akong pinatalikod. Naramdaman kong dahan-dahan na hinaplos ng isang daliri niya ang balat ko sa likod pero nagkunwari akong walang nangyari. Napalunok din ako nang madama ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. 

Nang ibaba niya dahan-dahan ang zipper ng traje ay mabilis akong humarap sa kaniya para magpasalamat at makatakbo na rin pabalik ng silid na inilaan niya sa akin. Subalit dahil sa haba ng damit pangkasal kaya natalisod ako. Napasubsob ako sa dibdib ni Xavier. 

"Clumsy! Stupid!" 

Halos madurog ang mga buto ko sa braso dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Xavier. Naiinis na naman ako dahil tinawag niya akong stupid pero sa halip na magpa-apekto, hinalikan ko siya sa pisngi. 

"Good night, loves," pang-aasar ko sa kaniya sabay takbo. 

Buong magdamag ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kung sino ang babaeng pinahahanap ni Xavier. Nakaramdam ako ng takot. Paano kapag nakita ni Xavier ang babaeng iyon? Saan kaya kami pupulutin ng anak ko? Ngunit hindi lang iyon. Nasasaktan ako! Bakit? Mahal ko na ba siya kaya parang sinasaksak ang dibdib ko?

Nagpabaling-baling ako sa higaan ng anak ko. Parang hindi ko matanggap na unti-unting nahuhulog ang loob ko kay Xavier. 

"Is it love?" tanong kong muli sa aking sarili. "Hindi ako pwedeng magpadala sa damdamin kong ito."

Kinabukasan, tahimik kaming bumaba ni Jude sa ground floor ng bahay. Ang sabi ni Xavier ay libre kami sa bahay na iyon kaya nahihiya ako. May kaunting pera pa naman ako kaya balak kong mag-grocery para sa pagkain namin ni Jude nang sa gano'n ay hindi magugutom ang anak ko. Ayaw ko rin na susumbatan ako ni Xavier pagdating ng araw kaya mas mabuting hindi ako umasa sa kaniya. Baka kapag nakita niya ang babaeng pinahahanap niya ay pagbayarin niya ako bigla sa mga nagastos niya sa aming mag-ina kaya hindi ako aasa sa kaniya. 

Sa dining area ay naabutan namin si Xavier. Tumakbo ang anak ko palapit sa kaniya pagkatapos niyang sumigaw ng, "Papa."

"Good morning, sir," bati ko kay Xavier. 

"I repeat, stop calling me sir kapag narito tayo sa bahay." 

Nakakatakot ang boses niya. Ang aga-aga pero bad mood agad siya. Nakakasira ng mood!

"From now on, tutulong ka sa gawaing bahay para naman may silbi ka sa bahay na ito, Janina. Hindi porke't free ang pagtira mo rito ay aarte ka rin na parang senyorita. You are a worker here, not a boss. Am I clear?" 

Tumango ako. Halos hindi ko malunok kahit ang tubig na iniinom ko. Napapikit ako dahil hindi ko gustong magalit sa harapan ng aking anak. Pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko nang batuhin ng kutsilyo si Xavier at gawin siyang target sa peryahan. 

Ayon kay Xavier, isang linggo raw kaming hindi papasok sa opisina. Iyon daw ang utos ng daddy niya. Nabalitaan ko rin mula kay Althea na nakulong si Tommy at nakikipag-negotiate daw ang ama nito sa daddy ni Xavier. Si Jake naman ay umalis ng bansa. Marahil ay nasaktan siya sa naganap na kasalan na hindi naman namin ginusto.

Habang nasa bahay ako ni Xavier ay ginawa ko ang lahat. Linis dito, linis doon. Isa-isa ko rin nakilala ang tatlong kasambahay. Ang chef naman ay lalaki na mukha rin may galit sa mundo. Halos hindi man lang ngumiti at parang takot sa liwanag.  

"Ma'am, ang ganda n'yo po," sabi ni Gemma. Siya ang mabilis kong nakapalagayan ng loob sa tatlong katulong. 

"Salamat," maikli kong sagot. 

"Pwede po bang magtanong? Bakit po hiwalay kayo ng room ni Sir Xavier?"

Bigla kong nabitawan ang basahan na hawak ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Gemma. 

"Who are you to question our way of living?" galit na tanong ni Xavier sa katulong. "Once na magtanong ka pa ulit tungkol sa set-up namin ni Janina, you will be fired! Wala rin kayong sasabihin tungkol sa mga nagaganap sa bahay na ito. By the way, you will sign a contract later." 

"Contract?" tanong ko. 

"It's none of your business!" singhal ni Xavier sa akin. 

Gosh, napahiya ako! Mabuti na lang at wala ang anak ko dahil naglalaro ito sa labas kasama ng isang katulong. 

"Gemma, iwan mo muna kami. Saglit lang ito," sabi ko. Mabilis na tumalima si Gemma at naiwan kami ni Xavier. 

Dinampot ko ang basahan at saka mabilis na ibinato iyon sa masungit kong asawa. Hindi ko na naisip kung ano ang magiging epekto noon. Two days pa lang kaming kasal at parang mapapatid na ang pasensya ko. 

"How could you…" 

"Huwag mo akong ipahihiya sa harapan ng ibang tao! Hindi lang ikaw ang napilitan sa kasal na ito!" bara ko kay Xavier.

"You have no right to express your concern! I am the boss around here. This is my home. This is my rule!"

"Ah… your house, your rule pala. Pwes, lalayas na kami ni Jude. Pinagbigyan ko na si lolo at ang mga magulang mo sa kasal na gusto ng lolo mo kaya tapos na ang obligasyon ko sa iyo at sa pamilya mo! Bahala kang magpaliwanag sa parents mo!"

Mabilis akong lumakad paakyat sa silid na tinutuluyan ko. Sumunod naman sa akin si Xavier. 

"Janina, stop!"

Ngunit dedma sa akin ang malakas na sigaw ni Xavier. Hindi ganoon kabilis uminit ang ulo ko pero kapag napuno ako, daig ko pa ang bulkan kaya sa halip na maihulog ko siya sa hagdanan ay hindi ko na lang siya pinansin. 

Pabalibag na binuksan ko ang silid na tinutuluyan ko. Mabilis kong kinuha ang bag na lagayan ko ng damit at isa-isa kong isinaksak doon ang mga damit ko.

"Janina, I'm sorry," wika ni Xavier. 

Wait! 

Tama ba ang narinig ko? Ang high and mighty Xavier Wesley Montefona ng MEC ay nagso-sorry sa harapan ko. Totoo ba ito o panlilinlang lang para kumalma ako?

Humalakhak ako ng ubod lakas. Mukha kasing inutangan ng milyones ang mukha ni Xavier. Dahil sa nakita ko, biglang nagbago ang isip ko. Marahil tama nga si lolo: mabait at protective si Xavier dahil iyon ang nakikita ko sa tuwing kasama niya si Jude. 

"Sige. Pagbibigyan kita. Baka sakaling maging magkaibigan din tayo katulad ng mga parents at grandparents natin," wika ko. 

"Thank you, Janina."

Simula noon ay naging maayos ang pagsasama namin ni Xavier. Kumuha pa siya ng yaya para kay Jude kahit tumanggi ako. Bilang kabayaran naman, ay naging mas lalong mabait ako. 

Sa opisina, very civil kami sa isa't isa. Ngunit tuwing uwian ay hindi kami sabay kung umuwi. Madalas pa nga ay pinauuna ako ni Xavier. Nang matuto akong mag-drive ng motorsiklo ay nagsimula na naman ang away naming dalawa. Halos sirain niya kasi ang motor na inutang ko pa nang makita n'ya iyon sa garahe. 

Hanggang sa company ay hindi kami nagkakasundo. Ang gusto niyang mangyari ay isuli ko ang motor sa shop o kaya ay ibenta na lang sa iba. Galit na galit siya dahil pwede raw akong madisgrasya roon kahit responsible driver naman ako. Paano raw sina Jude at lolo kapag may nangyaring masama sa akin. 

"I don't want to see your motorcycle on the company's grounds!" agad na bungad ni Xavier nang pumasok ito sa office niya. 

Napabuntong-hininga ako. Nagsisimula na naman kasi si Xavier na maging iritado. Nakakapagod makinig sa mga sermon niya. 

"I'll give you one of my cars. I'll find you a driver. Just dumb that fûcking motorcycle of yours. It isn't good for you," sermon sa akin ni Xavier.

Wow! Lalong naging guwapo si Xavier sa paningin ko. Panandalian kong nakalimutan na isa siyang gay. At katulad ng dati, para maging maayos ang lahat, sinunod ko siya. Ngunit dahil doon ay naging sentro ako ng tsismis sa company. 

"Kumusta?" tanong ni Nene nang minsan ay magkita kami sa canteen. 

"Ayos lang ako. Ikaw?"

"Ito, updated sa chicka. Janina, ikaw ang nasa hot seat ngayon." 

"Alam ko, Nene."

"Richlalu ka na kasi. Bakit bigla kang may car? Kabit ka ba ni Sir Kurt or third person ka sa love story nina Sir Admerson at Sir Montefona?" 

Napaawang ang mga labi ko. Noon ko lang napansin na ang mga kasabay ko sa canteen ay nakatingin sa akin. Sa lakas ng boses ni Nene, dinig ng mga malapit sa pwesto namin ang mga tanong nito. Bigla akong nalito kung ano ang sasabihin ko. Ngunit mas lalo akong napatanga nang makita ko si Xavier na naglalakad palapit sa akin. Seryoso ang mukha nito at hindi ko mabasa ang emosyon na nararamdaman niya. 

"If you have any questions, you can ask me directly," sabi ni Xavier kay Nene.

Napatingin ako kay Xavier. 

"Sir, pasensya na po," sabi ko.

"Sorry, sir," segunda rin ni Nene.

Sa halip na sumagot ay hinawakan ako ni Xavier sa braso at pwersahan niya akong inilabas sa canteen. 

Comments (18)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana okay na sila
goodnovel comment avatar
Phaulyn M. Romano
hayst si xavier ang sakit magsalit tagusan parang bipolar
goodnovel comment avatar
Shanelle Ashley
Keep on fighting Janina
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status