Share

CHAPTER 10: Janina's Bracelet

XAVIER WESLEY

Time flies so fast. I have been married for almost one month. I can feel na unti-unting nahuhulog na ang aking loob sa babaeng pinakasalan ko ngunit nandidiri ako sa kaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang ama ni Jude, but she refused to tell me the truth. Palagi niya lang sinasabi na isang pagkakamali ang nangyari noon ngunit hindi niya pinagsisisihan ang pagdating ni Jude sa buhay n'ya. 

Despite being ruthless and rude, I can't control myself. I'm not sure if what I'm feeling right now is love. One thing is certain: she is special in my heart. I want to see her every day. I want to take care of her. I want to protect her secretly.

The employees at Montefona Electronics Company are intrigued by her. They are destroying her image. But she's strong enough to face her battle on her own. She never fights back. She knows when and where to speak. With that, I adore her.

"Stop answering their questions!" bulyaw ko kay Janina ng makapasok kami sa opisina ko. 

"Sir, hindi mo ba ako pinatapos kumain para sigawan lang? Nakakaloka! Wala pa nga akong nasasagot na tanong, stop answering questions agad," she replied. 

"Starting today, you are not allowed to eat your lunch in the canteen," I told her. 

She smirked and shrugged her shoulders. What the hell is she thinking? Masyadong malagkit ang tingin niya sa akin at mukhang hahalikan n'ya na naman ako sa lips ko. I became so excited pero hindi ako nagpahalata. 

"Saan ako kakain, aber?" she asked. 

"I'll order food for you. No, ikaw na lang ang um-order at babayaran ko. Tumawag ka na ngayon sa favorite restaurant ko at magpa-deliver ka ng food for two. Alam na nila ang gusto ko," I said before entering my office. 

Pagdating sa loob ay hindi ako agad umupo sa swivel chair. Nagpalakad-lakad ako. Pinagpapawisan ako kahit sobrang lamig ng aircon. I felt irritated dahil hindi ako hinalikan ni Janina. Honestly, hinihintay kong gawin n'ya iyon lagi sa tuwing nagagalit siya. 

Nang dumating ang mga pagkain ay ipinahanda ko iyon kay Janina sa loob ng office ko. I am hungry and tired kaya comfort sa akin ang mga pina-order kong pagkain. 

"Sir Xavier, sa akin ba ang isa nito?" nahihiya niyang tanong. 

"Yes." 

Maayos na inihanda ni Janina ang mga pagkain sa lamesa. Nagulat ako ng pagkain ko lang ang naroon at lumakad na siya palabas ng office ko. 

"Where are you going?" iritado kong tanong sa kaniya. 

"Kakain po, sir."

"Get your food, and let's eat together." 

"Po?"

"Stupid! Can't you hear me? Uulitin ko ba ulit?" Napabuntong-hininga ako. I know she doesn't want to be called stupid. But it easily came out of my mouth. I saw how her cheeks turned red. 

"Stupid, huh?" she said. She sat on the couch and started eating my food. 

"Dàmn it, why are you eating my food?" I asked angrily. 

Bahagyang pinunasan ni Janina ang gilid ng labi niya na may sauce at saka tumayo. Taas-noo niyang nginuya ang pagkain na nasa bibig niya at saka ininom ang favorite juice ko.

"Opss, sorry. Stupid kasi ako kaya nakain ko ng wala sa oras ang pagkain mo. Don't worry, may tira pa naman." She giggled. 

"Seriously? Kakainin ko ang leftovers mo? No way!" 

"It's up to you, sir." Tuluyan na siyang lumabas ng office ko at umupo sa pwesto niya. 

My rage is uncontrollable. I dashed over to her table and decided to take her food. Palit na lang kami ng pagkain tutal ay kinain n'ya na ang pagkain ko. Pero parang bata na niyakap niya sa dibdib ang nakasarado pang food box. 

"Give it to me," I demanded. Ngumiti lang siya at sinimulang buksan ang box. Fried chicken iyon kaya walang natatapon kahit medyo natatagilid na ang box pero hindi ako papayag na makagatan niya pa ang ulam.

Because of desperation, hindi ko namalayan na naipulupot ko ang isang braso ko sa baywang ni Janina. Nang kakagatin niya na ang chicken ay nakipag-unahan ako kaya halos magkadikit na ang mga mukha namin. Hawak niya sa isang kamay ang box at sa isang kamay naman ang fried chicken. Feeling ko, iyon ang pinakamasarap na food na natikman ko sa buong buhay ko. 

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Her lips were parted apart due to shock. Parang may isang malakas na puwersa ang nagtulak sa akin para halikan siya sa labi. I even pulled her closer at dalawang braso ko na ang nakayakap sa baywang n'ya.

Nakiramdam ako habang magkalapat ang mga labi namin. Hindi siya tumugon sa akin. She even tried to put distance between us. Hindi ko matanggap na parang wala akong epekto sa kan'ya samantalang ako ay nag-aapoy na sa tindi ng pagnanasa. 

"Kiss me back." Hindi iyon pakiusap kun'di utos.

Tumikhim siya.

"Xavier, ipapaalala ko lang na hindi tayo totoong mag-asawa." 

"So what?" I tried to kiss her again pero isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

"Sorry. Sinusubukan ko lang kung gaano kakapal ang mukha mo," sabi niya sabay apak sa paa ko kaya nabitawan ko siya. 

Damn! I wanted to punch somebody. I wanted to punish her and show her who is superior, but she disappeared in the blink of an eye. 

"Janina!" I yelled, but she's gone. Alam kong bumalik siya sa canteen pero hindi na ako sumunod. Ang katahimikan na lang ng silid ang nagpakalma sa akin.

Dahil sa sobrang galit ko kaya wala sa sarili na isinubo ko nang isinubo ang pagkain na nasa maliit na lamesa. It's too late when I realized na naubos ko na pala ang tira ni Janina. Fück! It was my first time na kumain ng leftovers food. 

Despite our disagreements, I can feel how Janina and Jude make my days brighter. They make me happy and make me smile. The house was filled with their laughters. They are the reasons I sometimes forget about the girl I was looking for and Rhian in an instant.

Gayunpaman, hindi ko ipinararamdam kay Janina ang nararamdaman ko. Ayaw ko siyang umasa. May bahagi pa kasi ng sarili ko ang nakabaon sa nakaraan. The pain of betrayal is still fresh. Subalit hindi lang iyon, alam kong mas higit na hinahanap ng bahagi ng pagkatao ko ang isang babae na hanggang sa panaginip ko ay sinusundan ako. 

"Good morning. Kape mo..." sabi ni Janina nang nasa office kami.

"Put it on the table," malamig na sabi ko. 

"May iuutos ka pa ba?" tanong n'ya. 

"Nothing. Get out!" singhal ko sa kaniya. 

"Lalo kang nagiging pogi kapag sinisigawan mo ako," sabi niya saka ako nginitian. 

Bahagya kong tiningnan si Janina. Each day ay lalo siyang nagiging maganda sa aking paningin. I want her to show me her bad side pero kahit paminsan-minsan ay nagtataray siya, mas madalas na kalmado siya at pinupuri ang physical appearance ko. I am trying my best na ipakita na wala akong concern sa kaniya pero nahihirapan ako. 

Para hindi tuluyang mahulog ang loob ko kay Janina, lahat ng pagpapahirap sa kaniya ay masusi kong pinaplano. Ginawa ko siyang katulong sa bahay, pinagtatrabaho ko siya ng lampas walong oras at tinitipid ko siya sa maraming bagay para magalit siya sa akin. Subalit sa halip na awayin ako ay pinapakitaan niya ako ng maganda. Tinuturing niya akong isang prinsipe kaysa kaaway. Dahil doon ay lalong nagugulo ang puso ko. Iba kasi ang nangyayari kaysa sa gusto ko.

One Saturday morning, I told her to clean the swimming pool. I instructed her to drain the pool and brush all the walls. She happily did it. Jude helped as well. Nagmistulang laruan ng mag-ina ang pool na walang tubig. Halos sumabog ang puso ko sa eksena kaya after an hour ay pinalalayas ko siya sa pool. 

"Pwede ba, keep your voice low. Natatakot ang anak ko," she said while staring at me.  

"Ang sabi ko, ikaw lang ang maglinis. Why did you let your son do the job na para sa iyo? Ano? Para makasuhan ba ako ng child abuse?" kunwari'y galit kong sabi. 

"Don't worry, hindi kita kakasuhan. Itahimik mo lang iyang bibig mo," sabi n'ya. "Hindi ko gustong ma-trauma ang anak ko. Gagawin ko ang inuutos mo pero manahimik ka." 

Napahawak ako sa aking baba. Napangisi rin ako. Hindi ko s'ya magawang galitin sa ibang bagay pero pagdating kay Jude, ang bilis niyang mag-react. I think I know now how to dispatch her. Iyong kusa siyang aalis at hindi ko siya kailangan ipagtabuyan. Dapat ay mapaalis ko siya sa aking bahay nang hindi ako mukhang masama sa lahat. I have to do that dahil wala akong ibang gustong makasama kun'di ang babaeng naka-one night stand ko sa Dynasty Resort sa Naic. 

Bigla akong pumasok ng bahay. Dumiretso ako sa isang silid na nagsisilbing opisina ko. Muli kong tinawagan ang mga investigator na pinaghahanap ko sa babae. 

"How is your investigation?" tanong ko agad nang sumagot ang kausap ko sa kabilang linya. 

"Negative iyong babaeng nakausap namin dati, sir. Pero may lead na kami. Iyong dating receptionist, siya ngayon ang hinahanap namin."

"The receptionist?" Kinabahan ako. Bigla akong napatayo mula sa pagkakaupo at napatanaw sa labas. 

"Yes, sir. May nakalap kaming information na nag resign siya dahil buntis siya. Nabuntis siya ng naka-one night stand niya sa resort ninyo." 

"What the fûck? Where is she now?" 

"Wala pong records na naiwan sa resort n'yo, sir. Sinadya niyang burahin ang pagkakakilanlan sa database ninyo." 

"Find her! I really need to find her. Mababaliw na ako kakaisip sa kan'ya," sabi ko. 

Nang mapatingin ako sa swimming pool ay nakita kong muling bumalik si Janina sa pagkuskos ng sahig. She's wearing a dolphin short and an oversize t-shirt na nakatali sa likod pero dämn, she's so sexy. 

"She's really amazing, but I should not love her. Dämn this fücking heart," I said softly. 

"Sir, hindi ko po kayo masyadong marinig," wika naman ng kausap ko sa kabilang linya. 

"Find the former receptionist of Dynasty Resort and bring her to me," I told the investigator.

"Yes, sir."

"ASAP!"

"Noted, sir." 

Ibinaba ko ang cellphone. Sa muling pagdako ko ng tingin sa swimming pool ay hindi ko nagustuhan ang aking nakita. Bigla akong nakaramdam ng matinding selos. Nagtagis ang aking mga bagang at napakuyom ako ng ubod diin.

Sa baba, naroon si Jake at masaya silang nagbibiruan ni Janina. I can't hear what they are talking about, but I can see how happy they are together. Hanggang sa halos madapa si Jude sa pagtakbo habang papalapit ito sa bestfriend ko. Sinalubong naman siya ni Jake ng mahigpit na yakap at saka isinayaw sa hangin. They look like the epitome of a happy father and son.

Inggit! 

Nakaramdam ako ng inggit habang lihim ko silang pinagmamasdan mula sa ikalawang palapag ng aking bahay. Kung kanina ay si Jude lang ang katulong ni Janina, ngayon ay pati na rin si Jake. Nagsisisi ako na hindi ko iyon ginawa kanina pero hindi, I should not involve myself sa mag-inang lihim kong pinapanood lalo na ngayon na malapit ko nang makita ang babaeng matagal ko nang hinahanap. 

Bumuga ako ng hangin bago ako bumaba at tumungo sa may pool area. Habang papalapit ako ay narinig ko ang usapan nina Jake at Janina.

"Jake, salamat sa pagpapalakas ng loob ko. Akala ko magagalit ka sa akin dahil inagawan kita ng boyfriend," sabi ni Janina.

"Crazy. Of course not. You and your son are special to me. Hindi ko magagawang magalit sa inyo," my bestfriend said while laughing. 

"CEO ka rin po at gay, paano mo nagawang maging modest sa paningin ng iba despite sa gender preference mo?" tanong ni Janina.

"I'm not gay. I will prove that to you." Hinawakan ni Jake ang kamay ni Janina. Nanlisik ang mga mata ko. Grabe ang babaeng pinakasalan ko. Kaya pala single mom, dahil pakawala. Pinalampas ko na ang ginawa nila ni Jake noong araw ng kasal namin kahit selos na selos ako noon pero hindi ang landian nila sa mismong house ko pa. 

"Is this how you welcome our guest?" pang-iinsulto ko kay Janina. 

"Andiyan na pala si Xavier. Sige na, Jake. Sa loob na kayo mag-usap at tatapusin ko lang ito," sabi ni Janina. Parang hindi niya narinig ang tanong ko kaya lalong kumulo ang dugo ko. 

"Papa." Nang hawakan ako ni Jude sa kamay ay biglang nawala ang galit na nararamdaman ko. 

"Xavier, how are you? How's your married life?" tanong ni Jake. Hindi ko nagustuhan ang liwanag ng pagkakangiti niya. 

Kinarga ko si Jude. Feeling ko ay kailangan kong gawin iyon bago pa ako maunahan ni Jake. 

"Janina, call the maid and tell them to finish your work. Umakyat ka na sa room at magpahinga," malambing kong sabi. Sinadya kong iparinig iyong kay Jake para isipin n'ya na maayos ang pagsasama namin ni Janina. 

"Let me help you." Inilahad ni Jake ang kamay niya para tulungan si Janina na makaahon sa pool. Napatingin naman sa akin ang asawa ko bago tiningnan ang palad ni Jake. 

"Thank you, Jake. Kaya ko na," Janina said.

Nakangiti na binawi ni Jake ang kamay niya. Bilang lalaki, I know na hindi lang ako ang kaniyang sadya sa pagpunta niya sa bahay namin. Noong araw ng kasal namin ni Janina, alam ko nang may lihim na pagtingin din ang bestfriend ko sa aking misis. Gusto kong magalit at ipagdamot si Janina pero wala akong karapatan. Katulad nang napagkasunduan namin ng aking kabiyak, ikinasal lang kami dahil sa kasunduan ng mga lolo namin pero wala kaming pakialam sa isa't isa. 

Pinaalagaan ko si Jude sa yaya niya. Niyaya ko si Jake na uminom muna sa bar. Ngunit tumanggi siya. Pagkatapos nang ilang kumustahan, nagpaalam na rin siyang aalis na. Bilang CEO ng company nila, marami rin trabaho si Jake. I am feeling guilty. Kung dati-rati kasi ay gusto kong palagi kaming magkasama ng bestfriend ko, ngayon ay halos ipagtulakan ko siya para iwan n'ya kaming mag-asawa. Bigla akong naging selfish at possessive. 

Nang mga sumunod na araw ay naging busy ako sa meetings and conferences. Janina is always with me dahil siya ang secretary ko. Hindi ko siya pinahihiya sa ibang tao pero kapag kaming dalawa na lang, talagang pinahihirapan ko siya. 

"I will enroll Jude sa isang private school," sabi ko sa kaniya habang nasa byahe kami galing sa isang meeting sa Makati. 

"Pero bata pa siya at need n'ya munang mag-enjoy sa paglalaro," protesta niya. 

"Kailangan niyang matuto habang maaga," nakasimangot kong sabi. 

"Hayaan mong ako ang magdesisyon kapag tungkol sa anak ko," nakayuko niyang sagot sa akin. 

"I am the head of the family and my decision is final, Janina."

"Ako ang nanay at hindi totoo ang kasal natin, Xavier!"

Napahiya ako pero hindi ako nagpatalo. 

"Don't shout at me! It's for your own son's good, not mine. Kailan mo pa siya tuturuan ng mga basic na dapat ay alam niya na? He's not getting younger, Janina."

"Huwag mo akong subukan. Hindi ako mangingimi na lumaban kapag anak ko na ang pinag-uusapan." Her voice is so soft pero dama ko ang galit doon. 

"What is this woman capable of doing if she's enraged?" I asked myself. 

Nang dumating kami ng bahay ay naabutan namin si Jake. Kung kanina ay natutuwa ako dahil nagawa kong galitin si Janina, pagtapak ng mga paa ko sa entrance ng bahay ay bigla akong napasimangot. 

"Jake, napadalaw ka," masayang bungad ni Janina. Nilapitan niya si Jude at niyakap ito pagkatapos niyang batiin si Jake. 

"I miss your son, Janina. I bought him some toys," sabi ni Jake.  

"Marami na siyang laruan, Jake. Puno na nga ang room niya." Halata ang pagkairita sa boses ko. 

"Dagdag collection lang, Xavier. Boys love cars. You know naman na iyon ang hilig natin kaya I'm sure iyon din ang gusto ni Jude." 

"It's not Jude's favorite, Jake. 'Di ba, buddy?" I asked Jude. 

"Favorite ko na po ngayon, Papa," Jude uttered.

"Pahamak na batang ito," nakangiti ko na lang na sabi habang ginugulo ang buhok niya. 

Hinawakan ko sa kamay si Janina. I can't explain kung bakit ko ginawa iyon pero masarap sa pakiramdam na magka-holding hands kami. Balak niya sanang hugutin ang kamay n'ya pero nginitian ko siya bilang signal na hindi siya dapat tumanggi. 

"Jake, magbibihis lang muna kaming mag-asawa. Let's drink later. May mga alak ako riyan na bagong dating from Spain," sabi ko bago tumalikod. 

Pagdating namin ni Janina sa third floor ng bahay ay bigla niyang hinila ang kamay niya. I let it go tutal ay wala na rin namang makakakita sa amin. 

"Lumayo ka kay Jake," utos ko. "Irespeto mo ako sa harapan ng kaibigan ko." 

"Xavier, bago kita nakilala ay si Jake muna. Huwag mo akong utusan kung sino ang pwede kong maging kaibigan at hindi. Ang usapan natin ay wala tayong pakialam sa personal na buhay ng isa't isa. Ano ito?"

"Kailangan ko bang magpaliwanag sa iyo sa bawat action o decision na gagawin ko, Janina?" 

Pilit ko siyang sinukol. I wanted to kiss her. Parang hindi kasi ako mapakali na binigyan n'ya ng matamis na ngiti si Jake samantalang ako ay sinigawan n'ya kanina. Umurong siya. Humakbang ako palapit sa kan'ya at ikinulong ko siya sa aking mga braso. 

"Susunod ka sa utos ko whether you like it or not," nanghahamon kung turan.

Napalunok siya, at bago pa man siya makapag-react ay agad kong hinalikan ang mga labi n'ya. Bigla akong na-relax sa paglapat pa lang ng mga labi namin. Nawala ang takot kong baka maagaw siya ni Jake. Naramdaman ko ang kauna-unahang pagtugon ni Janina sa halik ko. Mas lalo akong nag-init. Nawala ako sa katinuan. Naramdaman ko na lang na pinipisil ko na ang kan'yang mayamang dibdïb. 

"Hindi tama ito," sabi ni Janina sabay tulak sa akin. 'Sing bilis ng kidlat na nakapasok siya ng silid niya. 

Naiiling na napangiti ako. Kailan ko ba huling naramdaman ang saya dahil sa isang mainit na halik? Napatigil ako. Ang babae sa resort, siya lang ang babaeng nagpainit sa akin ng katulad ng naramdaman ko kanina kay Janina. 

Bigla akong natauhan. Dali-dali akong pumasok sa loob ng aking silid. Ang halik ni Janina, katulad iyon ng halik ng babae na naka-one night stand ko sa Dynasty Resort pero hindi ko pwedeng ipagpalit ang vïrgen na babaeng iyon sa isang pakawala. Although alam kong nasa resort din noon si Janina pero malayong-malayo siya sa babaeng nakasalo ko sa kama.

Tumunog ang cellphone ko. Si Jake ang tumatawag. 

"Jake, bakit ka napatawag? Sana inutusan mo na lang ang katulong kung may sasabihin ka," wala sa mode na sabi ko. 

"Xavier, pagbaba mo, pakidala noong bracelet nang babaeng naka-one night stand ko noon sa Dynasty Resort. Ako na ang magtatago simula ngayon. Natagpuan ko na kasi ang babaeng may-ari noon," sabi ni Jake. 

"Okay," maikli kong sagot. "Good for you, Jake."

"Panahon na para ako na ang magtago niyan at ibalik iyan sa tunay na may-ari. Naghihintay na lang ako ng tamang panahon, Xavier."

"Panalo ka sa pustahan natin. Nahanap mo na siya agad, Jake. Ako, malabo pa. Kailan ko ipapasok ang one million sa account mo?" 

"I'll tell you kung kailan. Ihanda mo lang muna," sagot ni Jake habang tumatawa.

Mabigat ang mga paa na lumapit ako sa cabinet na lagayan ko ng accessories. MKinuha ko ang bracelet na matagal nang nasa pangangalaga ko. Mahigpit ko iyong hinawakan kasabay ang isang panalangin na sana tulad ni Jake ay matagpuan ko na rin ang babaeng hinahanap ko. 

Magic Heart

Hello readers, Please leave your reviews and vote for this story. Thank you.

| 5
Mga Comments (53)
goodnovel comment avatar
Emelyn Reyes
nice story
goodnovel comment avatar
Madz Ojellav
I think c Xavier Yung naka one night stand ni Janina at Yung necklace ni Jake eh naiwan nya lang sa room ni Xavier kaya Yun Yung napulot ni Janina same room lang Sila ni Jake
goodnovel comment avatar
Racks Dumagkal
nako baka isang room lang ang mag bestfriend tpos isa babae lang ang nakasama nila c janina paktay na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status