Share

CHAPTER 8: The Secret Wedding

JANINA MARIE

Maaga akong pumasok sa company. Isang maikling mini skirt ang suot ko. Pinarisan ko iyon ng isang white blouse na may long neckline. Pinatungan ko ng blazer ang suot ko para hindi ako masilipan habang nasa byahe pero tinanggal ko rin naman agad iyon pagpasok ko sa opisina ni Xavier. 

Nanggigigil kong ibinagsak ang dala kong papel sa lamesa niya nang pumasok ako sa kaniyang office. Naalala ko kasi kung gaano siya biglang naging mabangis nang pinunit ko ang tseke sa harapan niya pagkatapos kong ngumiti ng ubod landi. 

"I can't accept the check, sir. I want more," sabi ko. 

"Damn you! You're a fucking slüt! Pagkatapos mong magpabuntis sa iba, gagawin mo akong instant dad! No way! I will not marry you!" sigaw n'ya sa mukha ko.

Ngunit hindi ako nagpatinag sa lakas ng boses n'ya. Bigla lang siyang tumigil nang magising si Jude at umiyak ito. Mula sa pagiging galit na galit ay biglang lumambot ang mukha niya at saka pinatahan ang anak kong nagsimula nang mag-alburoto dahil naistorbo ang tulog. 

Bigla kong nilamukos ang papel na aking hawak. Saka lang bumalik ang aking alaala nang maalala ko kung gaano iyon kaimportante. Naiinis na muli akong lumakad palabas ng office ni Xavier. Ngunit paghawak ko sa pintuan ay biglang bumukas ang sliding door. Bumulaga sa akin ang gwapo niyang mukha. Muntik pa akong mabangga sa katawan n'ya kaya napaurong ako sandali. 

Napatitig sa cleavage ko si Xavier. Napangiti naman ako at bahagya pang lumiyad. Bigla ko siyang hinawakan sa kaniyang braso na nakatukod sa gilid ng pintuan at umarte akong nahihilo. 

"Miss Villasanta, have you eaten anything for breakfast?" nag-aalala na tanong ni Xavier sa akin habang inaalalayan niya ako. 

Liyad kong liyad ang ginawa ko. Sinadya kong idikit ang dîbdib ko sa katawan niya. Ramdam ko ang mainit niyang kamay sa aking likod dahil manipis lang naman ang white blouse na suot ko. 

"What should I do? Wait! I'll call the nurse," natataranta niyang sabi. 

Aktong lalayo na sana siya nang bigla ko siyang hilahin. Dahil nawalan ng balanse kaya natumba siya at nadaganan niya ako habang nakaupo ako. God, biglang tumayo ang mga balahibo ko. Ang bango n'ya at parang hihimatayin ako sa kilig nang titigan n'ya ang mga labi ko. 

"Sir!" Bigla akong kunwari babangon pero ang plano ko talaga ay hàlikan siya sa mapupula niyang labi. Wala ng atrasan ito. Arte kung arte. Lândi kung lândi. Puputulin ko ang maliit na string ng t-back ng mataray na bakla na nasa harapan ko!

Ngunit nang maglapat ang mga labi namin ay para akong na-kuryente. Marahas ko siyang naitulak para makatayo at makalayo ako sa kaniya. Ngunit hindi pa man masyadong umaangat ang puwet ko sa upuan ay bigla niya akong hinila sa braso kaya napasalampak ako sa hita niya. 

Pinulupot niya ang kan'yang mga kamay sa baywang ko at kinabig n'ya ako para magkadikit kami. Hinawakan n'ya ako sa batok at sa isang kisap-mata ay sakop n'ya na ang mga labi ko. Isang mapagparusa na halik ang ipinalasap niya sa akin ngunit kalaunan ay naging banayad iyon. 

"Lord, huwag mong hayaan na bumigay ako. Kailangan kong isalba ang sarili ko sa kahihiyan. Ang plano ko ay siya ang bibitayin ko at hindi ako ang dapat na mahulog sa patibong niya," bulong ng isip ko. 

Subalit nagugustuhan ko ang halik ni Xavier. Para akong idinuduyan noon. Nang maramdaman ko ang isang kamay niya na gumapang sa hita ko ay bigla ko siyang naitulak. Napatayo ako agad dahil natauhan ako. Isang nakakatulig na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ng CEO bago ako tumalikod para iwanan siya. 

"Good morning, sir. Everything was recorded. It's up to you kung pakakasalan mo ako or palalabasin ko sa media na rapist ka at maniac," hamon ko kay Xavier. 

"Ashöle! You are just a piece of shít, Janina Marie Villasanta!" 

"Thank you," nakangiti kong sabi. 

Kunwari ay may kinuha ako sa may flower base at saka ako bumalik sa aking table. Bahagya kong inayos ang nagusot kong damit at saka ko muling ipinatong ang blazer. I'm done for today's plan kaya hindi ko na kailangan pang ibuyangyang ang sarili ko sa buong maghapon.

Tinimplahan ko si Xavier ng kape ngunit hindi niya iyon ininom. Inisa-isa ko rin sa kaniya ang mga meetings niya ngunit hindi siya kumibo. Okay lang. Naisahan ko na rin naman siya at masaya ako roon. 

Matuling lumipas ang mga araw. Eksaktong isang buwan nang magsimula kaming maghanda para sa isang secret wedding. Oo, pumayag si Xavier na maikasal kami pero secret wedding lang ang gusto niya. Noong una ay tutol sina Sir Kurt at Ma'am Levy ngunit nang magkausap kami ay hindi na sila humindi pa. 

Halos hindi ako kausapin ni Xavier. Simula nang hinalikan ko siya ay madalas niya akong iwasan. Sa tingin ko ay takot na takot siyang mapalapit sa akin. Ah, hindi lang iyon, diring-diri siya na madikit sa akin. 

Hindi ako nakialam sa preparasyon sa kasal. Sina lolo, Sir Kurt at Ma'am Levy ang nagdesisyon sa lahat. Maging si Xavier ay hindi ko rin nakitang tumulong o narinig na magbigay ng suggestions. 

Isang araw sa opisina, napadalaw si Sir Jake. Kinakabahan na lumapit ako sa kan'ya. Gusto ko kasi siyang makausap at sasamantalahin ko iyon habang wala pa si Xavier. 

"Good morning, sir. Pwede po ba kitang makausap?" lakas loob na tanong ko.

"Yeah. Sit down. Any problem?" kalmadong tanong ni Jake. Nanatili akong nakatayo.

"Sir, I'm sorry. Matagal ko na pong gustong tawagan ka pero sa tingin ko ay hindi po siya proper."

"First of all, stop calling me sir. Second, what is it that you're sorry for?" 

"Uhm…" 

"Janina?" untag niya sa 'kin. 

Napatingin ako sa bakanteng lamesa ni Xavier. Natatakot akong sabunutan nila ako ni Jake. Jusmiyo! Parang maiihi na ako sa pánty ko dahil sa sobrang kaba. 

"What's the problem?" tanong ulit ni Jake. 

"Ikakasal na po kami ni Xavier. Sorry," mabilis kong turan.

Napabuga ako ng hangin. Ready na ako na dumugin niya at sabunutan. Ilang linggo ko na rin na na-iimagine ang eksena na iyon. Ngunit hindi nagsalita si Jake. Nakatitig lang siya sa akin at tila ba ang lalim ng iniisip niya. 

"Do you really love Xavier?" Hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya. Galit ba siya? Nag-aalala? Takot? Oh, I don't really know what he's feeling inside. Enigmatic person siya kaya mahirap basahin ang kilos at pananalita niya. 

"Hindi ko po gusto ang kasal na ito," pag-amin ko.

"Then why are you gonna marry him?"  

"No choice po kami pareho, sir. Kagustuhan ng mga lolo namin." 

"Yeah, I know. Nasabi na rin iyan ni Xavier sa akin. That's fine. I understand." He smiled. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. 

"Fine? Okay lang po ba sa inyo, Sir Jake?" 

"Yes. No worries, Janina. It's more fun to steal someone's property," sabi niya. 

Bigla akong naguluhan. Ano daw? Steal someone's property? Nabingi ba ako or gusto lang ni Jake ng isang exciting relationship kaya okay lang na may kaagaw siya. 

 "Hey! That's just a joke. Masyado ka kasing seryoso. Congratulations in advance. Ako ang groomsman ni Xavier kaya magiging assistant n'yo ako sa wedding n'yo."

Nakahinga ako ng maluwag.

"Huwag kang mag-alala, sir. Wala kang kahati," bigkas ko.

"Really? I love that. So, pwede pa pala kayong makipagrelasyon sa iba kahit kasal na kayo?"

"Hindi namin napag-uusapan pero… I guess, yes. Hindi naman siguro gugustuhin ni Sir Xavier na makulong kami sa isa't isa." 

"That's good, Janina. With that, wala tayong problema pagdating ng araw." 

"Yes, sir."

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ay agad akong nagpaalam kay Jake at bumalik sa aking lamesa. Saktong kasisimula ko pa lang mag-type nang dumating si Xavier. Para siyang walang nakita at dumiretso lang siya sa office niya. Agad akong tumayo para ipagtimpla siya ng kape. 

Hindi ko na siya binati. Ibinigay ko na lang ang kape. Narinig kong pinag-uusapan nila ni Jake ang kasal. Doon ko lang na-realize na hindi pala nag-kwento si Xavier kay Jake ng tungkol sa nalalapit naming kasal. Probably, ayaw niya lang masaktan si Jake kaya ganoon. Nagsisisi tuloy ako na sa akin pa nanggaling ang impormasyon na iyon. 

Nang makaalis si Jake ay tinawag ako ni Xavier sa loob ng kaniyang office. Para n'ya akong lalamunin habang nakatingin siya sa akin. Dumadagundong ang boses n'ya habang sinisigawan n'ya ako. 

"Who gave you permission to tell anyone about the secret fûcking wedding?" tanong n'ya sa akin. 

"Sorry, sir. Gusto ko lang po kasing mag-sorry kay Sir Jake. Alam kong masasaktan siya sa kasal natin na ito," malumanay kong sabi. 

"Sorry? You're so stupid talaga!"

"Stupid na kung stupid! Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng kung ano-ano!"

Pagkasabi ko noon ay iniwan ko siya. Malakas niyang pinukpok ang kaniyang lamesa habang tinatawag ako. Ngunit hindi man lang ako natinag. Walang pakialam na umupo ako sa aking pwesto kahit nagwawala siya sa galit. 

Nagngangalit ang mga bagang ko sa gigil. Kung makapagsalita si Xavier ng stupid, akala mo kung sino. Nakakapanginig talaga siya. 

"Hmp! Dapat nga magpasalamat pa siya na tinulungan ko siyang magsabi sa karelasyon n'ya. Balak pa yatang magtago," inis kong sabi habang halos wasakin ko ang keyboard ng computer. 

"Stop your nonsense statement!" Napatayo ako. Nakapatong ang dalawang kamay ni Xavier sa aking lamesa at titig na titig siya sa akin. 

"Huwag kang sumigaw, pwede ba? Para kang laging may regla," nakanguso kong sabi. 

"Kung ayaw mong sinisigawan ka, gumawa ka ng tama, Miss Villasanta! What do you want? Bakit ba gustong-gusto mong makasal sa akin?" 

Napakurap-kurap ako. Nag-isip ako kung lalaban ba ako o hahalikan ko na lang siya ulit. Ang kapilyahan ko ay gustong kumawala at gusto kong patulan na siya para maging lalaki siya pero hindi ko ginawa. 

"Sino ba ang may sabi na gusto kitang pakasalan? Sir, for the record, ayaw ko sa iyo. Babakla-bakla ka pero simpleng manyakis ka. Kapag ikaw hinalikan ko, laglag ang t-back mo." 

"What the heck!" 

"Heck-heck mo ang mukha mo. Pasalamat ka nga dahil cooperative ako para matupad ang last will and testament ng lolo mo pero hindi ko carry ang kaartehan mo. Kung wala po kayong ipag-uutos, lubayan mo ako dahil may trabaho pa ako. 

"Let's talk and have a deal!" singhal n'ya. 

"Sir, ang dami na nating deal. Nakakapagod kang kausap. Hindi na nga ako nagrereklamo na pinahihirapan mo ako kahit alam kong puro walang kwenta ang pinagagawa mo," reklamo ko. 

Inilatag ni Xavier ang mga gusto niyang mangyari kahit ayaw ko nang makinig. Una, secret lang dapat ang kasal at kahit mag-asawa na kami ay hindi namin pwedeng sabihin iyon sa iba lalo na sa mga empleyado ng company. Pangalawa, titira ako sa bahay na binili niya, libre lahat maliban sa personal kong mga gamit. Hindi niya binanggit ang tungkol kay Jude at hindi rin ako nagtanong. Ayaw kong iasa sa kaniya ang tungkol sa anak ko. 

 Akala ko dalawa lang pero kumuha siya ng upuan at hinarap ako. Bawal daw namin pakialaman ang personal na buhay ng isa't isa kaya hiwalay din ang kwarto namin. Kailangan kong magtrabaho dahil hindi n'ya ako bibigyan ng pera. At higit sa lahat, aarte kaming mag-asawa sa harapan ng pamilya namin pero hindi kapag mga kaibigan ang kaharap namin. 

"Ang guwapo niya. Sayang. Bukod sa bakla, masama pa ang ugali," bulong ko sa aking sarili. 

"Do you agree with what we've talked about?" tanong ni Jake nang matapos na siyang maglitanya. 

"Yes, sir," ang mabilis kong tugon bago pa ako nalasing ng makamandag n'yang itsura. Ang bilis ng tibok ng puso ko na para bang anumang oras ay gusto ko na siyang yakapin. 

Kaya kong mabuhay ng walang pera galing kay Xavier. Kasal lang ang kailangan para mapanindigan ni lolo ang pangako niya sa kaibigan n'ya kaya sige, payag ako. Kailangan ko lang talagang maging vigilant kasi mukhang mahuhulog din ako sa karisma ni Xavier Wesley Montefona.

Araw ng kasal, iilang piling tao lang ang nasa simbahan. Panay ang bulong sa akin ni Althea habang inaayos niya ang gown ko. 

"Sigurado ka ba rito? Kung dati sinalo mo ang t*t* na nalaglag, iyong gagawin mo ngayon, pagbuburo ito ng hiyas," sabi ni Althea. 

"Althea, nasa simbahan tayo." 

"Mukhang may balak ka kay bakla. Anong plano mo, JM?" 

"Tumigil ka nga," saway ko sa aking kaibigan. 

"Huwag kang pumayag na masayang ang birdie. Paliparin mo, JM. Kailangan lang n'yan ng kaunting himas at landi." 

Hanggang sa oras ng kasal ay panay ang bulong sa akin ni Althea kapag nagkakalapit kaming dalawa. Dahil sa kaniya kaya panay ang bungisngis ko na ikinairita naman ni Xavier. 

"Stop giggling," saway niya sa akin. 

"Sorry po," maikli kong tugon pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi. 

"Don't be too confident. This isn't a real wedding. Don't begin celebrating too soon. You'll come to regret it." 

"Pwede po ba, sir, kung malungkot ang buhay mo, huwag mo akong idamay," bulong ko sa kan'ya. 

Nagulat ako nang sabihin ng pari ang, "Kiss the bride." Hindi ko namalayan ang takbo ng seremonya ng kasal dahil sa sagutan namin ni Xavier at sa pang-aasar ni Althea. 

"Kiss the bride na raw," sabi ko kay Xavier. 

Parang nandidiri na hinalikan niya naman ako sa pisngi. Smack lang iyon at halos hindi ko naramdaman. 

Sa reception, masaya ang lahat. Seryoso lang si Xavier na nakaupo. Sa halip na malungkot dahil naging asawa ako ng isang walang pusong CEO ng MEC, minabuti kong magsaya at e-enjoy ang moment. Hinila ko si Jude at sumayaw kaming mag-ina sa gitna. 

Habang tumatawa ang anak ko ay biglang lumapit sa amin si Jake at nakisayaw na rin. Lalong naging malikot ang anak ko at silang dalawa ni Jake ang kumuha ng atensyon ng mga tao. Panay lang naman ang palakpak ko habang nakatingin sa kanila. 

Hindi nakontento si Jake. Hinila niya rin ako sa gitna at sa isang iglap ay para kaming isang masayang pamilya na sumasayaw habang nanonood lang sa amin ang walang kangiti-ngiting si Xavier. 

Nang mapagod ako ay naisipan kong umupo. Ngunit nakita ko si Xavier na tumayo. Isang malamyos na musika ang pumailanlang sa paligid. Lumapit siya sa akin at saka inilahad ang mga kamay niya. Matagal ko iyong tiningnan. Pawisan na ako at napapagod na rin. Masakit na rin ang binti ko. Gusto ko sanang magpahinga kahit sandali. 

"Huwag mo akong ipahiya," mariin na bulong sa akin ni Xavier. Dama ko ang init ng hininga niya sa punong-tainga ko. 

Nang tumingin ako sa kaniya ay nakangiti na siya. Inabot ko ang kamay niya at napilitan akong tumayo. Mahigpit niya akong hinawakan sa kamay. Nasaktan ako dahil doon kaya bigla kong hinila ang palad ko ngunit mas hinigpitan n'ya pa ang hawak sa akin. 

"If you are going to flirt with anybody, don't do it in front of me. I know you are a shameless person, but I'm not. We are different kaya kumilos ka ng tama. Huwag na huwag mo akong pinahihiya sa ibang tao," bulong ulit ni Xavier sa akin. 

"Hindi ko naman…" 

Isang halik sa labi ang nagpatahimik sa akin. Hindi ako nakagalaw dahil sa sobrang gulat. Hindi ko rin siya naitulak. Pakiramdam ko ay nahihilo ako kaya napapikit ako. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko. 

"Every time you make a mistake, I will punish you. Your punishment will be based on the violation you committed." 

"Ha?"

"I will not repeat it anymore," paasik niyang sabi. 

"Huwag mo akong susubukan, bakla. Kapag tuluyang naubos pasensya ko sa iyo, naku…" bulong ko habang nakangiti. 

"Yes? What is it, Miss Villasanta?" 

"Ang guwapo mo. Ang sarap mong halikan," malandi kong sabi. "I like you."

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Xavier. Dahil nakayuko siya sa akin kaya kaunting tingkayad ko lang ay n*******n ko siya sa labi. Siya naman ang hindi nakahuma. Napatitig pa siya sa mukha ko. Five-eight feet siya at five-five ako, plus nakasuot ako ng sandals with two inches heels kaya madali sa akin ang muli siyang halikan. Nagsigawan ang mga tao sa paligid ngunit hindi ko iyon pinansin.

Nang nakaupo na kami ay muli akong sinulsulan ni Althea. 

"Patid na ba ang T-back ni bakla? Sagarin mo pa," wika ni Althea. "Mukhang ang taray kasi ng asawa mo kaya huwag kang magpapatalo. Tihaya kung tihaya tutal asawa mo na siya. Bukaka kung bukaka para burahin niya ang kaniyang lipstick sa gabi." 

Tawa ako ng tawa dahil sa mga sinabi ni Althea. Dahil doon ay hindi ko napansin ang pagpasok ng isang hindi invited na bisita. Kasama niya ang mga lalaking akala mo ay kakain ng tao dahil sa tapang ng mga mukha. 

Agad kong hinila ang anak ko sa isang gilid. Nawala ang kinang ng mga magagandang ilaw sa venue ng reception. Nagmukhang walang kulay ang mga magaganda at mamahalin na bulaklak na nagkalat sa buong paligid. Binalot ang lahat ng matinding takot. 

"Janina! Where are you?" sigaw ni Tommy. "Halughugin n'yo ang buong lugar. Hanapin n'yo si Janina!" 

Ang mga inutusan ni Xavier ay nag-kaniya-kaniya nang kilos. Napasiksik ako sa ilalim ng mesa. Yakap ko si Jude at natatakpan ko ang bibig nya. 

"Stay still, sweetheart. Please don't make any noise. Andiyan ang kalaban ng favorite superhero mo," bulong ko sa aking anak. 

"Pare, leave the area, please," pakiusap ni Jake kay Tommy. "This is supposedly a celebration. Please, calm down and leave peacefully."

"No! Don't tell me what to do! I want Janina. I want her back! She's mine. You hear me?" 

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Xavier sa mukha ni Tommy. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang nakasilip ako ng bahagya sa mga nagaganap sa labas. Duguan ang mukha ni Tommy at nakatutok ang baril niya kay Xavier. 

"Bulaga!" nakangising sabi ng isang balbasin na lalaki at sapilitan niya akong hinila palabas ng pinagtataguan ko. Malakas na sigaw ang aking pinakawalan bago ako nawalan ng malay dahil sa isang malakas na suntok sa aking sikmura. 

    

Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Mildred Superficial
papatayin kita tommy
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
walang hiya ka naman Tommy panira ka ng celebration
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
walang hiya ka Tommy ginulo mo Ang masayang selebrasyon ng kanilang kasal
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status