Share

Chapter 3

Nakasukbit ang isang strap ng bag ko sa balikat ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga estudyanteng tinititigan ako. Parang hindi sila sanay na makakita ng magandang nilalang. Nakaponytail ako ngayon. At kung minamalas ka nga naman. Hindi kalayuan ay natanaw ko si Leenox. 

He looked at me and gave me a mischievous smile that had melted plenty of girls in this town. Sinalubong ko ang tingin niya ng isang malamig na tingin. When the playgirl meets the playboy. Hindi ako nag-iwas ng tingin dahil gusto kong siya ang mauna. Hanggang sa makalapit siya sa'kin, hindi napuputol ang tingin namin.

"Hi, Miss Zetharine." Bati niya sa'kin.

"Hello, Leenox." Bati ko rin.

Sinabayan niya ako sa paglalakad. Ang bawat estudyanteng nakakasalubong namin ay awtomatikong lumilihis. Masarap din palang kasama ang Zamora. Ang nakaharang sa daan, sila na mismo ang tatabi. Halatang ayaw makabangga ng isang Zamora. 

"Saan ka maglulunch mamaya?" He asked.

We're not friends nor enemy. You know, civil lang. Or, you can also called ill-fated relationship. 

"I don't know. Nagsasawa na kami ni Alexa Eunice sa cafeteria." I answered. 

"Then, sa restaurant na lang kayo maglunch." He said.

Awtomatikong tumikwas ang isang kilay ko. "Stop bossing around, I'm not your employee." I said.

Humalakhak siya. "Hey! I'm just suggesting, you know?"

"Suggesting my ass." Bulong ko.

"Sa restaurant na lang kayo kumain." Ulit niya.

Umirap ako sa hangin. Alam ko kung saang restaurant ang timutukoy niya. Walang iba kung ang Amoraz na pagmamay-ari nila. Minsan na kaming nakakain doon ni Alexa at masasabi kong masarap naman. At mayayaman lang ang nakakapunta. I'm not saying na bawal ang hindi high-class, my point is, sadyang mga high-class lang ang laging kumakain doon.

Pagkatapos ng klase ay hindi pa rin ako tinatantanan ni Leenox. Naabutan kong naghihintay sa corridor si Alexa kasama si Patrice. Sabong na ito. Kapag kaming tatlo ang nagsama-sama, siguradong may gulong nakabuntot sa'min. Playgirl, badgirl, and the brat. No one can tame us. 

"Ba't ba ang hilig mong paghintayin kami? VIP ka ghorl?" Bungad sa'kin ni Alexa nang makalapit ako sa kanila.

"Saan tayo maglulunch?" Patrice asked.

"Sa Amoraz." Sabat ni Leenox at umakbay sa'kin.

Hindi nakatakas sa'kin ang panlalaki ng mga mata ng mga estudyanteng napadaan o nasa paligid namin. Inis kong tinanggal ang kamay niyang nakaakbay sa'kin. Napaismid si Patrice at nakangising aso naman si Alexa. 

"Ayoko sa Amoraz." Sabi ni Patrice.

Ngumisi si Leenox. "Why? Because you kissed Carver? Don't worry, I bet hindi na niya iyon naaalala."

"Ikaw? Ba't naaalala mo pa ako?" I fired that made him shut up for a moment. 

Wala nang nagawa si Patrice kundi ang sumama sa'min. Malapit lang naman ang Amoraz sa East Zamora University. As usual, naagaw na naman namin ang atensyon ng mga tao nang pumasok kami. Sa second floor kami dumiretso kung saan naka-VIP service kami. Nandoon ang lahat ng Zamora. Hindi ko akalaing magkakaroon pala kami ng pagkakataon na makasabay sila. 

Umupo na kami. Mukhang kami lang pala ang hinihintay. Halo-halo ang aura sa table namin. Akala ko ang magkakatulad ng ugali ang mga ito pero iyon ang pagkakamali ko. Kung titingin ka kay Desmond, lulukob sa'yo ang isang nakakatakot na aura. Ang alam ko ay ito ang madalas makipag-away. 

Si Carver naman, napangisi ako nang mahuli kong naatitig siya kay Patrice. Mabilis din naman siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakita ko siya. Weird nga si Carver. Hindi mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Ang hirap basahin. Ang rinig ko ay matabas ang dila nito. Kambal nga sila ni Chace. Parehas mahirap basahin.

Nasa kanan ko nakaupo si Blakeleigh. Ito ang pinakakilala ko dahil siya ang leader ng debate club na halos nagpataob sa lahat ng eskwelahang nakalaban nila. Matalino, gwapo, name it. Ito 'yung tipo ng tao na hindi mo aakalaing may alam. Maloko tulad ni Leenox pero wala naman akong nababalitang mga babae.

Nasa harapan ko si Leenox at katabi niya ang Kuya niya, si Amaury. Wala akong masyadong alam sa kanya. Ang tanging alam ko lang ay madalas siyang umuuwi sa hacienda ng mga Zamora. Ito lang yata ang may normal na pag-iisip sa kanila. Tatlo kasing nagkakapatid sila Leenox. Si Amaury, Desmond, at huli ay si Leenox.

"Ikaw ba 'yung asawa ni Leenox?" Nakangising tanong ni Blakeleigh.

Ngumisi ako pabalik. "I'm not married." I said.

"Kung maghahanap ka ng boyfriend, h'wag si Leenox." Sabat nung isang babaeng mas bata sa'min. 

Sophia Angela Zamora. Kapatid siya ni Blakeleigh at ang pagkakaalam ko ay halos magkaugali sila ni Alexa Eunice. Mas kilala siya bilang 'Sophie'. First year college pa lang 'to. 

"Grabe ka naman kay Kuya Leenox." Puna nung isa.

Nicole Andrei. Kapatid naman 'to ni Akeem. Ito ang pinakabata sa kanilang magpipinsan. Halos silang lahat ay nakuha ang mga mata ng Zamora. Mapupungay. But they have different shades of brown.

"You're Zetha, right?" Sa'kin ni Sophie.

Tumango ako. Kilala niya ako?

"So, ikaw ang ex-girlfriend ni Qian?" She asked.

Mabilis na kumunot ang noo ko. "Qian?"

Rinig ko ang halakhak ni Alexa Eunice. "Hindi niya 'yan matatandaan dahil sa sobrang dami niyang lalaki." Wika nito.

Sinamaan ko siya ng tingin na kalaunan ay nauwi sa ngisi. "Inggit ka? Bigyan kita gusto mo?"

"Thanks but no thanks. Hindi ako namumulot ng b****a." She said.

"Bakit ka nga pala napadpad rito, Kuya Amaury?" Singit ni Leenox.

"Masama ba? Bawal na ba ako dito?" Balik-tanong niya.

"Nakakapagtaka lang at napadpad ka dito. 'Di ba mahal na mahal mo ang hacienda?" Sabat ni Carver.

"Kayo na nga lang ang dinadalaw, ayaw niyo pa." Sabi nito.

"Wala kaming sakit para dalawin mo." Pambabara ni Carver.

"Yah! Kung makapagsalita ka akala mo mas matanda ka sa'kin. Ipapaalala ko lang sa'yo, mas matanda ako." Wika ni Amaury.

Humalakhak si Akeem. "Oo, matanda ka na. Dapat na ba kitang tawaging Lolo Amaury?" Pang-aasar nito.

Tinuro ni Amuary si Akeem gamit ang tinidor na hawak. "Hoy, Akeem! Nagkukunwari ka lang talagang mabait pero may tinatago ka talagang sungay!"

"Hoy! Kaiingay niyo! Mahiya naman kayo kila Zetha." Saway ni Desmond.

"Itong si Amaury kasi!" Singit ni Chace.

"Ba't kasi tinatanong niyo pa kung nandito ako!? Masama ba? May batas bang pinababawal na bawal na akong pumunta dito?"

"Yah! Kaiingay niyo!" Reklamo ni Blakeleigh.

"Nagtataka lang kami Kuya kasi nandito ka. 'Di ba mahal na mahal mo ang bukid?" Wika ni Leenox.

"Bukid nga lang ba ang mahal na mahal niya?" Dagdag na tanong ni Blakeleigh habang nakangisi.

"Hacienda nga lang ba ang binabakuran niya?" Segundang tanong ni Carver.

"Ang lupain nga lang ba natin ang tinataniman niya?" Humagalpak ng tawa sila Leenox sa sinabi ni Akeem.

"Yah! Manahimik nga kayo! Ba't ba big deal sa inyong nandito ako!?" Iritadong wika ni Amaury.

Walang silang sinagot kung ngisi at kibit-balikat lang. Base sa mga sinabi nila o pang-aasar nila kay Amaury, mukhang may babae ngang kinahuhumalingan ito. Kaya pala lagi itong nasa Hacienda ng mga Zamora. Sino kaya? 

Wait-- bakit ba ako naging interesado sa kanila? 

"Kayo pala ang may-ari ng Dos!" Masayang wika ni Desmond.

"Oo. Kami nga." Bored na sagot ni Patrice.

"Party tayo mamaya?" Nakangising aya ni Leenox.

Mabilis siyang nakatanggap ng batok kay Blakeleigh. "Ayan diyan ka magaling! Sa pambababae." Wika nito.

"Nahiya naman ako sa'yo. Sumama ka na lang mamaya. Girl hunting!" Humalakhak si Leenox.

Pinasadahan ni Blakeleigh ng kanyang mga daliri ang buhok. "Hindi na kailangang mag-girl hunting dahil sila na mismo ang lumalapit sa'kin." Mayabang na wika nito.

"Baka sa'kin!" Singit ni Akeem.

"Kuya h'wag kang epal." Sabat ni Nicole na ikinawala ng ngisi ni Akeem.

"Kapatid kita kaya dapat suportado mo ako." Sagot ni Akeem.

Hindi siya pinansin ni Nicole at bumaling sa'min. "Nakalimutan niya yatang inumin ang gamot niya." 

Humagalpak ng tawa ni Alexa. "Adik ba 'yang Kuya mo?"

"Hindi ako adik." Sagot ni Akeem habang nakasimangot. Nilingon siya ni Alexa at pinagtaasan ng kilay. Ngumisi ito kay Alexa. "Pero pwedeng maging adik sa'yo."

Humagalpak ng tawa ni Blakeleigh. Pareho namang nakangiwi si Leenox at Amaury. Seryoso ang mukha ni Chace at Carver samantalang magkasalubong ang kilay ni Desmond. Pinakita ni Desmond ang kamao niya kay Akeem.

"Nakikita mo 'to? Tatama sa'yo 'to mamaya." Iritadong wika nito.

"Ang corny mo, Akeem." Nakangiwing komento ni Sophie.

Binalingan ko si Alexa. I want to see her reaction. I gave her a sidelong glance. I gave her an enchanting smile. Inirapan niya ako. Gusto ko siyang tuksuhin pero pinili ko lang na manahimik. Baka mamaya ay manapak ito, mahirap na.

"Ano? Mamaya ah!" Paalala ni Leenox pagkalabas namin ng classroom. 

Hindi na ako nagtaka kung bakit magkatugmang-makatugma ang schedule namin ni Leenox. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hinahayaan ko siyang dumikit-dikit sa'kin. Kasi nakakatuwang pagmasdan ang mga estudyanteng inggit na inggit sa'kin kapag magkasama kami ni Leenox? Siguro, iyon nga ang dahilan ko. 

Paglabas ko pa lang ng bahay namin ay bumungad na agad sa'kin si Leenox. He is wearing plain white t-shirt with boxy shirt jacket, bauhaus cargo pants. Parehong nakakakumikislap ang kanyang mga mata at hikaw sa tenga. International playboy!

While me, I'm wearing white tank top pairing with ripped jeans. Mukhang pinag-usapan namin kung ano ang isusuot namin! Gusto kong magpalit ng damit pero alam kong nasa Dos na sila Alexa. Magrereklamo na naman iyon sa pagiging mabagal kong kumilos.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Mercedes Benz. Wow! As in wow! Mayaman kami pero iba talaga kapag Zamora na ang usapan. 

"Mukhang makikita ko yata ang wild side mo ngayong gabi." Nakangisi wika niya.

"Wanna bet?" I favored him with a glimmer of smile and watched him, challenging him with a brief thrust of my pefect chin.

"Are you sure?" He smirked.

"Of course." I confidently answered.

Iisa ang tumatakbo sa utak namin ni Leenox. I think, they are right. Birds with the same feather, flocks together. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Dos. Neon lights, trance music, familiar scent with wild people. This bar is perfect place where you can get wasted.

Natanaw ko sila Alexa na nakaupo kasama ang mga Zamora. Kumpleto ang mga lalaking magpipinsan. Tanging sila Sophie at Nicole lang ang wala. Alexa is wearing a white cardigan over the black tube top with simple denim jeans.

Tumabi ako sa kanya. Nakipag-apir naman si Leenox sa mga pinsan niya. Sinalinan ni Patrice ng Black Label ang shot glass at inabot sa'kin. Mabilis ko naman iyong kinuha at nilagok. 

"Lagi mo na lang kaming pinaghihintay." Wika nito. 

"Because I'm very important person." I answered. Bumaling ako kay Leenox. "Game?"

He smirked. "I'm always game, baby." Inagaw niya ang shot glass sa kamay ni Carver.

"Tangina! Nangunguha na lang bigla!" Salubong ang kilay ni Carver nang sinabi niya iyon.

Sabay kaming tumayo at nagpunta sa dance floor. Mabilis akong pumulupot sa isang lalaki. Foreigner. His hands were on my waist. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He kissed me and I kissed him back.

"Wanna go somewhere?" He sensually asked.

Bahagya ko siyang tinulak at ngumisi. "Not interested." Binigyan ko pa ito ng isang mababaw na halik bago iniwang bigo.

Sa bar counter na ako dumiretso . Namataan ko si Leenox na may kalandiang babae. Pang-ilan na kaya niya? Nang makita niya akong papalapit sa kanya ay lalong lumaki ang ngisi sa kanyang labi. Tumabi ako sa kanya at hinarap ang babaeng kalandian niya.

"Cherry--"

"It's Teri." She corrected.

"Oh, my bad. Teri, I'm sorry but you need to go. As you noticed, my wife is already here." Deklara niya.

Natigilan naman iyong Teri. "But--"

"Chupi ka na daw." Ulit ko. Padabog na umalis iyong babae.

"Ilan na ang nabiktima mo?" Pang-aasar niya.

"Isa pa lang." Sagot ko at inagaw ang shot glass sa kamay niya.

"Isa? Mahina ka pala. Nakakatatlo na ako." Mayabang niyang wika.

"Nag-uumpisa pa lang ako." Sagot ko.

Ibinaba ko ang shot glass sa counter at humarap sa dance floor. I immediately smirked when I saw my target. I think I know him. Sa EZU din siya nag-aaral. Lumakad ako papalit doon sa lalaki. Saglit kong nilingon si Leenox bago tuluyang makalapit kay Jowel.

I gave him a flirty smile. He kissed me. We're now dancing in the middle of the dance floor. I don't care if he's flirting me through his actions. The important is I'm gonna leave him later.

"I'm tired, baby boy. I need to rest. See you later, maybe never."  I playfully said. Napahagikhik pa ako nang sabihin ko ang lyrics sa kanta ng Blackpink.

Ngumisi siya. "Magaling ka talagang mambitin."

I smirked. "That's my talent." I proudly said.

Aalis pa lang ako nang may humapit sa beywang ko. My heart skipped a bit as his arms tightened comfortably around my waist.

"What are you doing, Leenox?"

He shrugged. "I don't know. Let's go back to the couch." He said.

I threw him a glance that was unmistakably loaded with daggers. "What? Ayoko pa! Dalawa pa lang ang nabibitin ko." I said with a glint of annoyance in my voice.

His brows raised. "Then, you win. Isa pa lang ang akin."

"Akala ko ba dalawa na?"

"I was just joking when I said that."

"Kahit na! Nag-e-enjoy pa ako."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero naramdaman kong medyo himigpit ang kamay niya sa beywang ko.

"I'm not enjoying anymore."

"Maniwala sa'yo tanga." 

Hanggang makabalik kami sa couch ay nakasimangot ako. May pagka-kill joy pala itong si Leenox. O baka naman... naiinis siya dahil kapag pinagpatuloy pa namin ang laro ay talagang matatalo siya? Urggghh! Nevermind. 

"Desmond! H'wag kang maglasing. Ayokong alagaan ka!" Saway ni Amaury.

"Ikaw naman, Amaury. Sino ba talaga ang binabakuran mo sa hacienda?" Tanong mi Akeem.

Mabilis na lumukot ang mukha ni Amaury. "Manahimik ka nga! Tatahiin ko 'yang bunganga mo!"

"May secret akong sasabihin sa inyo!" Sabat ni Blakeleigh.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Namumungay ang kanyang may mata. Lasing na yata. Mukhang kanina pa 'to umiinom. Nakita kong napatampal sa noo si Carver habang naiiling si Chace.

"Ayan na naman siya." Komento ni Chace.

"Sabi ko sa inyo, h'wag niyong hahayaang malasing 'yang si Blakeleigh." Naiiling na wika ni Leenox.

"Alam niyo 'yung secret ko? Ang gwapo ko!" Wika ni Blakeleigh at saka humagalpak ng tawa.

Binatukan ito ni Carver. "Kaya nga sekreto! Isekreto mo na lang sa sarili mo."

"Ang gwapo mo sana Blakeleigh, kaso ba't ganyan ka malasing?" Komento ni Patrice.

"Mas gwapo ako." Sabat ni Carver habang nakatingin kay Patrice.

Naramdaman kong sumandal si Alexa sa akin. Mukhang lasing na rin itong kaibigan ko.

"Alexa Eunice! Paano ka magdadrive kung lasing ka?" I asked her.

"Wala akong dalang kotse." Sagot nito habang nakapikit.

"Sinundo ko siya kanina kaya ako ang maghahatid sa kanya pauwi." Wika ni Akeem.

"Kanina pa 'yan umiinom. Bago kayo dumating ni Leenox, nakakailang shot na rin 'yang kaibigan mo." Wika ni Chace.

Pumayag akong si Akeem na lang ang maghatid kay Alexa pauwi. Kahit naman ngayon lang namin naka-close ang magpipinsan, alam kong mapagkakatiwalaan naman sila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status