"Hi, Felix! Good morning!" malakas kong bati sa lalaking malayo pa lamang ay kilala ko na kung sino. I was waving my hand habang palapit sa kaniya. Mabilis ang bawat hakbang na halos patakbo na upang agad siyang malapitan. I was excited na makapunta sa lugar kung nasaan si bakla ngayon. Late siya ng ilang minuto mula sa oras na sinabi niya sa akin kagabi, kung paano ko siya napaniwala na narito ako para magbakasyon lang ay napahabang kwento, pero bibigyan ko kayo ng ilan sa mga detalye. Noong una ay tinext ko lang upang sabihin ang rason ko, vacation and distraction, pero dahil hindi nag-reply ang natural na dedma lang na si Felix ay tinawagan ko na. Nakailang missed calls muna ako bago niya sinagot at ang sabi pa ay may kausap daw siya kaya hindi niya sinasagot. Siya na lang ang tatawag pagkatapos that’s why I waited. Hinintay ko kahit late na. Alam kong may isang salita naman siya. Around 11 pm na nang mag-ring ang cellphone ko. Naghanap pa raw siya ng malakas-lakas na signal ka
"Parang may kamukha kang Turkish actress, Elyana." Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang mabanggit ni Pretzel ito."Oh true! Madalas kong makita sa social media kapag nag-po-post ako sa wall ko. Hindi ko lang alam ang name ni girl. Kung iyon ang naiisip mong kamukha niya, I will agree!" Hindi na ako nakasagot dahil si Felicity na ang naunang nagsalita, ngumiti na lang ako sa kaniya dahil hindi ako makasingit kay bakla at may iba silang paksa pagkatapos niyang masabi 'yon at hindi ako makasakay sa pinag-uusapan nila. I'm just observing them. Panay ang tawa ni Felicity at kapag natutuwa nang husto ay nahahampas niya ang kaniyang katabi. Kapag napapalakas, gumaganti sa kaniya si Pretzel. They look so close to each other and that's made me feel jealous, isa pang bagay na nakadama ako ng inggit, ang makita siyang nagdadalang-tao na noonpaman ay pangarap ko na.Napansin kong medyo halata ang tiyan niya kapag malapit. I want to ask kung ilang buwan na ang baby sa loob pero hindi ako makasi
Nagtatawanan sila at nagtutuksuhan while we were having lunch. Kapansin-pansin kung paano asikasuhin ni Felix si Pretzel, inaalok ng kung ano-ano, nilalagyan ng kanin ang plato kung wala ng laman at pinaghihimay ng isda at alimango kahit na inaawat na siya nito. I couldn't take my eyes away from them. Naaliw and at the same time, there was envy. Tila ba ibang Felix ang pinagmamasdan ko nv mga sandaling 'yon. Napakalayo on how I knew him as a kid hanggang sa nagbinata. Siya ang pinakamasungit sa kanilang magkakapatid at pinaka-snob sa kanilang pamilya, but looking at him that moment made me wonder how much he had change for the long years.Felicity stayed the same, the talkative, loud and energetic person I have ever known. Napakalayo ng personality ng dalawa, but—watching him take care of Pretzel is not the person I used to know as him.After lunch, ipinagpatuloy namin ang trabaho. We went on the location kung saan namin ilalagay ang maliit na health center. Gusto rin nilang i-expand
Araw ng Biyernes, muli akong hinatid ni Felix pabalik sa hotel. Hindi ko kailangang pumunta sa site sa susunod na dalawang araw o sa madaling sabi—hindi ko kailangang makipagplastikan kay Pretzel bukas hanggang sa Linggo. Nakapapagod ang trabaho, but it's worth is when I could be with my best friend. Napakadali niya talaga akong mapatawa kahit sa simpleng salita lang at facial expressions niya ay naaliw na 'ko. Nakakainis lang kapag pati si Pretzel nakikitawa sa amin, kapag ganoon, nakataas ang kilay ng inner brat side ko. Mabait naman siya sa akin pero naiirita ako sa presensya niya lalo na kapag inaasikaso ng kambal kapag kailangan niya sila at may pagkain siyang hinahanap. You know—the pregnancy cravings and sort. I heard balak ni Felix umuwi. Si Felicity din kaso aalis ni Felix kaya hindi n'ya papayagan si Felicity na iwan ang buntis mag-isa. We arrived around 8 o'clock sa hotel. Bababa na sana ako pero may bigla akong naisip na gawin at dahil araw ng Biyernes, may party na
Third-person’s Point of ViewIbang Elyana ang lumabas mula sa VIP room White Castle Hotel and Resort. Iba ang ayos niya nang araw na ito at kitang-kita ang kaniyang pagkasopistikada. Malayo sa ayos niya sa tuwing susunduin siya ni Felix upang maging assistant niya. She was wearing a black tight dress na labas ang kaniyang magkabilang mga hita. She also wore makeup and and she curled her hair para magkaroon ng buhay ang bagsak niyang mahabang buhok. Nagsuot ng mamahaling sapatos at nagdala ng worth a half a million na maliit na pouch. Pagbaba niya sa ground floor ay ang front desk agad ang kaniyang tinungo. Ang dalawang staffs na naroon ay halos hindi siya nakilala sa kaniyang ayos.“How much ang bill ko last night?” tanong niya sa dalawang naroon.“Can I get your name, ma’am and room number where you checked in?” tanong sa kaniya ng isa na nasa harapan ng computer.“Bago ba siya rito,” tanong ni Elyana sa isa pang babae na naroon na biglang naglaki ang mga mata nang makilala ang boses
I left—hindi lang sa lugar kung saan naroon silang tatlo, I left Boracay after crying so hard sa loob ng VIP room ilang oras bago ako nagdesisyong mag-impake and while I was doing so, my parents called matapos makarating sa kanila ang nangyari at naging dahilan 'yon para lalo akong sumabog."Pati ba naman ikaw, mom? Why no one believes me? I don't have any plans to harm her and her baby? I wasn't even thinking to lay my finger on her skin, I just want to talk to her and ask her about something," pabalabag kong sagot matapos akong sermunan ng nanay ko.Alam kong maging siya ay nagulat din sa pagbulyaw kong iyon, imbes magalit lalo sa akin ay bumaba ang tono ng kaniyang boses at may lambing na sinabi ito sa akin, "but that was what they told me, anak. Ano bang nangyayari at nagkakaganyan ka? Akala ko okay ka lang d'yan gaya nang sabi mo nang huli tayong mag-usap. Kampante kami ng ama mo rito na iyon nga ang totoo pero bakit—?" Dinig na dinig ko kung paano nabasag ang boses ni mom na dah
Elyana's Point of ViewIt was already midnight nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko sa Manila. I tried to sleep on that hour flight, but I couldn't because of the sudden turbulence in midair. Nasa VIP seat naman ako, I could lay on my back, but I couldn't find a comfortable position to nap.Gulat na gulat ang mga guard sa mansion nang makita ako sa labas matapos kong mag-doorbell. Wala raw nagsabi sa kanila nauuwi na ako. Sinadya ko talagang hindi sabihin kahit na kanino. Sumakay lang ako ng taxi at mabuti mabait ang driver, ligtas akong nakarating sa amin. I paid him twice the price at I saw him smiled at me pero wala na halos akong lakas para ngitian din siya.Pagod na pagod ako sa biyahe at maging ang utak ko'y pagod din sa dami nang nangyari. Gusto ko lang mahiga nang maayos at makatulog nang walang ingay sa paligid. I need peace, but not to rest in peace— iba na 'yon.I still have things to do and my name to clear before that. Hindi man sila maniwala sa akin at least I'
Elyana's Point of View Maliwanag na labas. Sa kapipilit ko sa sarili kong matulog ulit ay sakit sa ulo lang ang nakuha ko. Ang bigat tuloy sa pakiramdam. Bukod pa rito, ramdam ko na ang nalalapit na pagdating ng buwanang-dalaw ko, masakit na ang tiyan pero naalala ko lang—hindi rin pala ako naghapunan kaya maaring gutom lang din, but I’m too lazy to go out. Ayaw kong mambulabog ng mga kasambahay na nagpapahinga pa nang ganoong oras kaya naman nanatili muna ako sa kama at dumapa na lang para maipit ang tiyan kong masakit. Bandang ala sais nang umaga nang may marinig akong tumatawag at kumakatok sa pinto ng silid ko at tila may mga nagtatalo sa kabilang bahagi ng saradong pinto. I’m curious sa pinagtatalunan nila, para silang mga bubuyog sa labas. Para akong zombie nang makita ko ang sarili ko sa malaking salamin. Gulo-gulo ang buhok, lukot ang suot na pink summer dress at nakababa na ang strap sa kaliwang balikat ko. Itinaas ko lang ang strap at hindi na nagsuklay. "Sigurado ba kayon