Share

Chapter Five: Die

"Eto na lahat ng damit mo? Asan na yung mga binibigay ko sa'yong mga branded na damit kapag binibisita ko kayo ni Lea? Bakit mukhang halos basahan naman 'tong mga 'to?" 

Sunod-sunod ang naging tanong ni auntie Lei matapos namin makarating sa bahay nila, iniisa-isa niya ang mga damit na dinala ko. Nakakunot ang noo at maarteng hinahawakan ang dulo ng mga damit ko na sa ukay lang nabili.

"Finally! May nakita rin akong totoong damit!" exaggerated na sambit niya nang makita ang iilang mga branded na damit na sa kaniya galing.

"Auntie, lahat naman 'yan tunay na damit." 

"Anong tunay ka diyan? Halos puro mga basahan nga ang dala mo! Anyway, don't worry. Bukas na bukas mag m-mall tayo. Ibibili kita ng maraming branded clothes–"

"Auntie, hindi na kailangan 'yan. Hindi ko naman kailangan ng branded clothes, e. Ayos na 'to. Ang mahalaga ay may maisuot ako," sagot ko habang patuloy na tinutupi ang mga damit na inilalabas niya sa bag ko. 

"Kahit na halos basahan na?" puno ng pagka disgusto nang itanong niya iyon.

Bahagya akong natawa. 

"Kahit na halos basahan na," sagot ko. 

"What the hell..." Humagalpak na ako sa tawa ng halos hindi talaga siya makapaniwala. 

Nagulat ako nang upuan niya ang mga damit na tinupi ko para lang makaharap ako at yugyugin ako ng pagkalakas-lakas. 

"Asan na ang paborito kong pamangkin?! Asan na yung Leanne na kulang nalang magka allergy sa mga hindi branded clothes?! Asan na yung Leanne na fashionable like her gorgeous auntie?! Where is she? Ilabas mo siya!" 

Fuck... para na akong mamamatay sa yugyog niya! 

"Auntie, stop! Nahihilo na ako!" Mabilis naman niya akong binitawan. 

"I-I'm sorry. It's your fault though!" At sinisi pa nga ako. 

Kahit na medyo hilo sa pagka yugyog niya ay pinagpatuloy ko ang pagtutupi ng mga damit ko habang siya ay panay ang reklamo sa mga damit ko na matitino naman tingnan, siya lang naman 'tong nagsasabi na mukhang basahan dahil hindi branded clothes. 

Naiiling-iling ko nalang na pinakinggan ang mga reklamo ni auntie sa damit ko. Hindi na ako nakipagtalo dahil hindi naman 'yan nagpapatalo. Kahit na siya ang may mali at abutin na kayo ng ilang oras sa pagtatalo, sa huli siya pa rin ang mananalo. 

Kaya siguro napakarami ko ring kaaway noon dahil gan'yan na gan'yan ang ugali ko katulad kay auntie noon. Maarte at kahit ako na ang may mali ay ipaglalaban ko pa rin kung ano ang sa tingin kong tama. Ayaw na ayaw sa mga pipichugin na tao at bagay. Hanggang ngayon naman pero hindi na kagaya ng dati na kahit simpleng pulubi ay pinapairal ko ang pagiging matapobre. 

Kaya nga laging sinasabi sa akin ni Mommy noon na mas mukha ko pang nanay si auntie Lei dahil parehas na parehas ang ugali namin maliban sa pagmamaltrato sa mga mahihirap. Si auntie Lei kasi kahit na gano'n hinding hindi nagmamaltrato ng mga taong mas mababa sa kaniya hindi katulad ko noon na walang araw na wala akong nakakaaway na mas mababa sa akin. Pakiramdam ko kasi noon ako ang nakatataas sa lahat na siyang pinakamalaking pagkakamali ko noon. 

Kapag nga naaalala ko ang mga ginawa ko noon kulang nalang ay abutan ko ng kutsilyo ang sarili ko. Napakasama ko noon! Na b-bwisit ako sa mga pinaggagagawa ko noon! Kung makakabalik nga lang ako sa nakaraan sasakalin ko ng todo ang sarili ko nang magising siya sa mga kasamaang ginagawa niya. Isa 'yon sa mga pinagsisisihan ko dahil naisip ko na dahil sa pagiging matapobre ko sa mga mahihirap, naranasan ko tuloy na maging mas mahirap pa sa daga. 

So many regrets.

"Pasensya na kung tabi muna kayo ni Shan Lei, hija. Bukas na bukas ipapaayos ko kay Leo ang guest room," sabi ni tito Mario matapos niyang ayusin ang kumot na nakatabon kay Shan Lei na tulog na. 

Pasado alas-dies na ng gabi kaya naman wala ng tita Lei na matalak– este maingay. Pinagpipilitan pa rin niya kasing mag mall kami bukas para bilhan ako ng mga branded clothes na paulit-ulit ko rin namang tinatanggihan kaya mabuti nalang ay nakatulog na.

"Ayos lang po, tito. Salamat po," nakangiting sagot ko. 

"Huwag na huwag kang mahihiya sa amin ng auntie mo dahil pamilya ka namin. Mula ngayon dito ka na titira kaya feel at home, hija," malumanay na sambit ni tito Mario. 

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong problema ko. Mabait naman ang pakikitungo nito sa akin mula pa noong magnobyo sila ni auntie Lei pero mayroon sa parte ko na may kung anong ayaw kay uncle Mario.

Matapos niyang patayin ang ilaw ng kuwarto ay lumabas na rin siya. Pagkahiga ay buntong hininga akong tumitig sa kisame. Ngayong tahimik na ang paligid at madilim ay bumabalik sa akin ang katotohanang wala na si Mommy. 

I feel like being stuck in the depths of the ocean. It’s dark, and cold, and lonely. It feels like thrashing around trying to keep from drowning all the time. Oxygen is my mom, and now that she's gone it takes so much effort to find enough just to breathe and normally exist. 

Normal...

Ngayong iniisip ko ito ay tila napakahirap na para sa akin ang mamuhay ng normal na gaya ng dati. A “normal” life seems so far away, like a distant memory, and I can’t really even remember what it was like anyway. 

Muli akong bumuntong-hininga ng ilang oras na ang lumilipas pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya naman imbis na makipag titigan sa kisame ay dahan dahan na akong bumangon. Mas mabuti siguro kung maglalakad lakad muna ako saglit sa labas hanggang sa dalawin na ako ng antok. 

Pagkalabas ko ng kuwarto ay sumalubong sa akin ang malawak na sala. Dahan-dahan kong isinara ang pinto bago maingat na naglakad palapit sa pintuan palabas ng bahay nang walang ginagawang ingay. Mukhang tulog naman na silang lahat kaya matagumpay akong nakalapit sa pintuan. Maingat at tahimik kong binuksan ang pintuan. Napangisi ako nang tuluyan ko na itong mabuksan, handa nang lumabas nang bigla akong may narinig. 

"Hindi ako makapaniwalang aabot sila sa ganito..."

Kunot-noo kong hinanap kung saan galing ang boses ni Leo na narinig ko. 

Gising pa siya?

"Hindi naman sila dating ganito. Kahit na maloloko ang mga gagong 'yon, hindi nila magagawang maging kriminal. Kung alam ko lang sana... sana hindi ako umalis. Sana hindi ko sila iniwan." 

Mas lalo lang kumunot ang noo ko sa mga naririnig kay Leo. Dahan-dahan akong lumapit sa library na katabi lang ng kwarto nina auntie Lei. Sa loob ng library na 'yon ko mismo naririnig ang boses ni Leo.

"Wala kang kasalanan, hijo. Maging ako man ay hindi makapaniwala na hahantong sila sa ganito. Noong mga bata kayo ay iniisip kong laro laro niyo lang ang mga grupong ginagawa niyo dahil nga mga bata lang kayo pero sinong mag-aakalang..." Hanggang dito ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni uncle Mario.

"Aabot sa ganito. Mas iniisip ko ang kabutihan na naging dulot ng pag-alis mo, Leo. Kung hindi ka umalis ay baka naging katulad ka na rin nila." 

"Malabong maging kriminal ako, Papa. At mas malabong maging kriminal si Jaguar kung nanatili ako sa tabi niya." 

Nanlaki ang mata ko sa pamilyar na pangalan na narinig. 

Jaguar? 

Mas lalo lang ako naging kuryuso sa kung ano mang pinag-uusapan nila.

"Noong mga bata kami tanda ko pa ang layunin namin kung bakit namin binuo ang grupo ng Black Panther." Bahagyang natatawang sabi ni Leo. 

Sumandal ako sa pader at pinagkrus ang parehong braso, tahimik na nakinig sa dalawang nag-uusap sa loob. 

"Ang gumawa ng tunay na kahulugan ng kapatiran. Ang turuan ng leksyon ang mga mapagmataas at tulungan ang mga taong inaapi at walang kalaban-laban. Ang baguhin ang pananaw ng mga taong mali ang pagkakaintindi sa salitang fraternity.... It was great when we were kids." Bumuntong-hininga si Leo. 

Nang silipin ko sila sa maliit na siwang ng pintuan ng library ay nakayuko na si Leo habang naka-upo sa tapat ni tito Mario na nakatitig lang sa kaniya at tahimik siyang pinakikinggan. 

"They're my everything, Papa. Hindi kumpleto ang kabataan ko kung wala ang grupo that's why even if I redo my life, I'd choose to live the same way. Being Vice President of Black Panther. Being always Jaguar's side." 

Tuluyan nang umawang ang bibig ko sa mga sumunod na narinig ko. Ngayong narinig ko mismo sa kaniya 'yon sigurado na ako ngayon na naging parte nga siya ng grupo na 'yon noong mga bata palang kami. Hindi lang siya parte dahil siya pa ang Vice President. Kanang kamay ng President ng grupo, ni Jaguar. 

Wala sa sarili akong naglalakad ngayon palabas ng village kung saan malayo na sa bahay nina auntie Lei. Napakatahimik ng daan at wala ni isang tao ang nasa labas pa maliban sa akin. Tanging ilaw lang ng mga poste ang nagsisilbing liwanag sa paligid. 

Iniisip ko pa rin ang huli kong narinig mula kay Leo bago ako tuluyang lumabas. 

"It was my fault why a-auntie Lea's died..." He sighed heavily. Nanatiling nakatitig sa kaniya si Uncle Mario.

"I didn't kill auntie Lea but I'm the reason why... they killed her. I lied at Leanne. Walang bata sa gitna ng dalawang grupo. Nandoon ako, Papa. Pagkatapos kong makausap si Jaguar sa pinagta-trabahuan ni Leanne nagmadali akong pumunta sa lugar na 'yon..." nabasag ang boses niya ng sambitin iyon.

"Ang akala ko m-maliligtas ko si, auntie. Pero pagdating ko doon... huli na ang lahat. Wala na si auntie. Duguan nang nakahandusay habang maraming kutsilyo ang nakabaon..." Napatakip ako sa bibig ko. Ang mga luha ay unti-unting bumuhos na naman sa masakit na katotohanang narinig.

"Pagkatapos ng ilang taon galit pa rin sa akin si Jaguar. Hindi siya magdadalawang isip na ubusin lahat ng malalapit sa akin hangga't hindi siya nakukuntento. Mahirap... k-kalabanin si Jaguar." 

Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Fuck you, Jaguar! How dare you fucking kill my mom?!! Fuck you!!!" sigaw ko sa kawalan kasabay ng pag-agos ng mga luha sa aking pisnge.

Tinakbo ko ang kahabaan ng kalye. Umaasang maiibsan nito ang galit at sakit na nararamdaman ko ngayon ngunit hindi. Habang tumatagal ay kasabay ng pagod na nararamdaman, lumalaki ang apoy na namumuo sa kalooban ko.

Ang tanggapin na wala na si Mommy ay napakahirap na. Ngayon pa na nalaman ko ang totoong nangyari sa pagkamatay niya ay para na rin akong mamamatay sa sobrang sakit. Tila nararamdaman ko ang mga kutsilyong ibinaon sa katawan ni Mommy. 

"H-How dare you... My m-mom..." 

Unti-unti ay napaluhod nalang ako sa gitna ng daan. Ngumangawa na parang isang bata. Inaalala ang mga panahon na buhay pa si Mommy. Mga panahon na maayos pa ang lahat at wala pang sakit si Mommy. Mga panahon na hindi kami naghihirap at malaya kong nakikita ang masigla at nakangiting si Mommy. 

Sobra akong nasasaktan.

"Lord, I'm begging you p-please..." 

Please take me back to the days when everything was all okay and normal. Hindi ko na alam ang gagawin ko. The way she died was very unacceptable. I can't...

Sa gitna ng tahimik at madilim na gabi, sa hindi inaasahan ay bigla akong tumilapon sa ere matapos tamaan ng malaking bagay. Sa pagkakataong ito ay kitang kita ko ang kabilugan ng buwan. Nasa bingit na ako ng kamatayan ay napangiti parin ako habang dinadama ang pagkalutang sa ere. 

Pinilig ko ang ulo ko at nakita ang isang malaking truck. Tila bumagal ang oras nang magtama ang paningin namin ng driver. Puno ng galit ang mga namumula niyang mata habang nakatingin sa akin. Sa kabila ng dilim ay kumikintab ang kulay abo niyang buhok. 

"Jaguar..." I whispered.

Mabilis kong naramdaman ang malakas na pagbagsak sa daan. Hindi ako makagalaw at ramdam na ramdam ang sakit sa buong katawan maging ang dugong lumalabas mula sa ulo ko. Pumupungay na ang mga mata ko habang hinahabol ang paghinga. 

Naaninag ko pa rin ang pagbaba ng driver sa truck. Unti-unti ay lumapit sa akin. Nanghihina kong napanood ang pagluhod nito sa gilid ko. Walang emosyong nilapit nito ang bibig sa tainga ko bago bumulong.

"Die." 

And everything went black.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status