Share

Chapter Four: Demons

"Leanne, kumain ka muna..." 

Nanatili akong nakaupo sa sahig, sa gilid ng kuwarto ni Mommy. Tahimik at tulala sa kawalan habang yakap yakap ang malaking picture ni Mommy. Tatlong araw na ang lumipas simula nang ilibing siya. Mula noon ay hindi pa ako nakakakain, wala rin ni isa sa kanila ang kinakausap ko. Pilit man akong pilitin nina auntie na kumain ay wala rin silang magawa.

"Leanne," tawag muli ni Leo nang hindi ako sumagot. 

Mapait akong ngumiti. "Leo."

Napaayos siya ng tayo sa gilid ng pintuan nang sa wakas ay nakipag-usap na rin ako. Mabagal akong tumingin sa kaniya, nanghihina dahil ilang araw nang hindi kumakain at puro iyak lang ang ginawa.

"Gano'n na ba kalaki ang kasalanan ko... para parusahan Niya ako ng ganito?" tanong ko na may ngiti pa rin sa labi. 

"Leanne," sambit niya. Lumapit siya sa akin bago naupo sa tabi ko. 

"Sa isang araw na 'yon napahiya ako ng sobra. Sa isang araw na 'yon nawalan ako ng trabaho. Sa isang araw na 'yon hinayaan kong tapak tapakan ako ng mga tao. At sa isang araw na 'yon parang isang bula, bigla nalang nalaman ko. Wala na akong nanay." Pumiyok ang boses ko.

He sighed. Marahan niyang hinawakan ang ulo ko at isinandal sa balikat niya. Nanatiling tahimik at hinihintay pa ang mga susunod kong hinanakit. 

Somehow, nagpapasalamat ako na laging nandiyan si Leo na handang makinig sa akin. Kahit noon pa man ay lagi rin siyang nandyan para sa akin kapag kailangan ko ng tulong o makikinig sa mga hinaing ko. Kahit na wala akong kapatid ay hindi ko alintana iyon dahil nandyan naman si Leo na tumatayong kuya ko. Maswerte ako na kahit papaano ay nariyan sila nina auntie Lei para sa akin simula nung nabubuhay pa si Mommy hanggang ngayon na wala na ito. 

Sila nalang ang natitirang dahilan para masabi kong maswerte pa rin ako sa kabila ng mga kamalasan ko. 

Pero sa pagkakataong ito hindi ko makuhang maging masaya sa kakaunting swerte na meron ako. Hindi ko makuhang maging masaya dahil iniisip ko na paano kung ako naman ang magbigay ng kamalasan sa kanila? 

Buong buhay ko ay puro kamalasan nalang ang hatid ko sa mga taong malalapit sa akin. Hindi ko gugustuhing pati kayna auntie Lei ay maghatid pa ako ng kamalasan na wala namang ginawa kun'di ang umagapay at tulungan kami ni Mommy sa mga oras na walang wala na kami. Ayokong pati sila mawala pa sa akin. Ayokong pati sila ay maghirap ng dahil sa akin.

"Ang totoo ay gusto kitang kausapin tungkol sa pagkamatay ni Auntie Lea," sambit ni Leo matapos ng ilang minutong katahimikan sa aming dalawa. 

Napaayos ako ng upo tsaka tumingin sa kaniya. Leo is a police officer and as far as I know he is the one who assigned to investigate the riot that happened in Quiapo including the death of my Mom.

Napangiti naman siya nang makita ang naging reaksyon ko sa sinabi niya. 

"Pero bago 'yon kumain ka muna. Look at yourself, kaunti nalang magiging kawayan ka na," natatawang sabi niya, nang-aasar. 

"Tch." Umirap ako. 

He chuckled.

"Tara na. Kanina ka pa hinahantay nina Mama." Tumayo siya tsaka naglahad ng kamay sa harap ko. 

"Hindi pa ba kayo kumakain?" bahagyang gulat na tanong ko. Kanina rin kasi ay kinatok muna ako ni tito Mario bago ni Leo para kumain. 

Umiling si Leo. "Hinihintay ka namin lalo na ni Mama." 

Bahagya akong nahiya. Pagkarating nga namin sa sala ay mabilis na napatayo sina auntie Lei at tito Mario nang makita ako. 

Napatingin ako sa mesa na si Shan Lei lang ang kumakain habang ang mga plato nina auntie ay wala pang laman, may plato rin na para sa akin. Mas lalo akong nahiya dahil totoo ngang hinihintay lang nila ako upang makakain. 

"Oh my God! Mabuti naman at naisipan mo nang lumabas, Leanne!" Mabilis na nagsandok ng kanin si auntie Lei para lagyan ang plato ko. "Oh heto, kumain ka ng marami. Kainin mo lahat 'yan, bumawi ka ng lakas!" sambit niya nang makaupo ako.

"Shan Lei, kuhanan mo ng tubig si ate Leanne mo," utos naman ni Tito Mario na agad namang sinunod ni Shan Lei. 

Tahimik ko silang pinagmasdan na pagsilbihan ako. Napatingin ako kay Shan Lei nang kalabitin niya ako, tapos na pala niya akong kuhanan ng tubig. Nakangiti kong kinuha sa kaniya ang tubig. 

"Hm?" tanong ko nang senyasan niya akong yumuko. Mukhang may ibubulong. Nangingiti akong yumuko na ikinagulat ko nang mabilis niya akong hinalikan sa pisnge. 

"Huwag ka na po sad," nakangiting sambit niya. Tila may kung ano ang natunaw sa loob ko.

Marahan kong ginulo ang buhok niya bago ginawaran ng ngiti ang mga taong kasama sa hapag.

"Salamat po," sambit ko.

"Tingnan mo nga ang katawan mo. Hindi matutuwa si Lea na ganiyan ang katawan mo, Leanne. Kumain ka na and make sure na walang matitira riyan ni katiting na kanin!" masungit na sabi ni auntie Lei ngunit bakas sa itsura niya ang pag-aalala. 

Nginitian lang ako ni tito Mario bago isinenyas ang pagkain ko. Nakakahiya na naaabala ko pa sila. Imbis tuloy na umuwi na sila sa bahay nila ay hindi nila magawa dahil sa pag-aalala sa akin. 

Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. Napayuko ako at mas lalong bumagal sa pagnguya ng pagkain. Tagpi tagpi lang na yero ang maliit na bahay namin kumpara sa malaki at magandang sementadong bahay nila, aircon pa na walang wala sa electric fan namin na iisa na nga lang, sira pa kaya naman maya't maya ang paypay ni tito Mario kay Shan Lei na nagrereklamo na sa init. 

"Auntie..." Sa sobrang kahihiyan ay halos pabulong ko siyang tinawag.

"Oh? What?" Kumakaing sagot niya. 

Napakagat naman ako sa labi ko bago nagpatuloy. 

"Kailan po kayo uuwi sa inyo?" 

Napatigil naman sila sa pagkain at sabay sabay na tumingin sa akin. Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. 

"Ayaw mo bang nandito kami, hija?" tanong ni tito Mario na mabilis kong kina-iling. Mukhang mali ata ang naging dating ng tanong ko sa kanila! 

"H-Hindi po! Gusto ko po kaso..." 

"Kaso?" si Leo naman ang nagtanong.

Bumuntong-hininga ako. 

"Nahihiya na po ako sa inyo, auntie, tito, Leo. Sobra sobra na po ang mga ginawa niyo para sa akin. Kayo na nga po ang sumagot sa pagpapalibing ni Mommy, tinitiis niyo pang samahan ako dito sa yero naming bahay–"

"Sino nagsabing nagtitiis kami? Ginusto naming samahan ka dito kaya anong problema mo doon, Leanne?" masungit man ang naging dating ni auntie Lei ay napangiti pa rin ako. 

"Pero nakakahiya na po na inaabala ko–"

"At sino nagsabing abala ka? Si Leo ba, huh?" Taas kilay nang tanong ni auntie Lei. 

"Huh? B-Bakit ako?" nagugulat at kinakabahang tanong ni Leo. Mabilis akong umiling. 

"W-Wala po! Ako... lang po." Pahina ng pahina ang boses ko tsaka yumuko. 

"Ang totoo niyan, hija, uuwi na tayo mamayang gabi sa bahay namin," sambit ni tito Mario. 

Tayo? 

"Po?" naguguluhang tanong ko. 

"Isasama ka na namin sa bahay, Leanne. Ayaw naming hayaan ka rito mag-isa." Si Leo ang sumagot. 

"Pero hindi niyo naman po kailangang gawin pa po 'yan–"

"At anong gusto mong gawin namin? Ang hayaan ka dito mag-isa? No way, anak! Nasa iskwater area pa naman 'tong bahay niyo at baka ano pang mangyari sa'yo dito habang wala kami!" Nangilid ang luha ko sa sinabi ni auntie Lei.

Ang sarap lang pakinggan na may tumatawag sa akin ng 'anak' bukod pa kay Mommy. 

"Ate Leanne, sama ka na po sa amin! May aircon doon and I have many toys and maaaany chocolates!" pangungumbinsi naman ng cute na si Shan Lei sa akin. 

Napakamot naman ako sa pisnge ko, nagdadalawang isip. 

"Hay nako, Leanne. Wala ka rin namang magagawa dahil isasama at isasama kita sa ayaw at sa gusto mo. Kaya kumain ka na diyan." Pagtatapos ni auntie Lei na tila wala talaga akong choice dahil sa huli ay siya rin naman ang masusunod. 

"Pagkatapos mong kumain isasama rin kita sa opisina ko, Leanne," sabi ni Leo na ikinatigil ko.

"Sa presinto?" 

Tumango siya. Hindi naman ako nakapagsalita. Humigpit ang hawak ko sa kutsara ko na mukhang napansin nila kaya naman pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. 

Sa kabila ng pagluluksa ko sa pagkawala ni Mommy ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang dahilan ng pagkamatay niya. Ang sabi ni Leo ay may nakasaksi daw ng pagkamatay ni Mommy. May isang bata raw na naiwan sa gitna ng rambulan ng dalawang grupo at mukhang tinangka raw na lapitan ni Mommy ang bata para ialis doon pero bago pa niya makuha ang bata ay may sumaksak na sa kaniya na naka-itim na lalaki. 

Bago pa makarating ang mga pulis ay mabilis nang nakaalis ang dalawang grupo sakay-sakay ng mga motor kaya naman wala silang nakuhang salarin sa nangyaring gulo bagama't may mga ebidensyang naiwan gaya ng mga patalim ay wala ring naging silbi ang mga 'yon dahil ni isang finger print ay wala silang nakuha. 

"Matatalino ang mga hinayupak na 'to," kalmado man ngunit galit na sambit ni Leo noong minsang narinig ko silang mag-usap ni uncle Mario tungkol doon. 

Ibig sabihin lang no'n ay hindi lang sila mga basta bastang grupo ng mga barumbado. Hindi sila gaya ng mga pipichuging frat diyan sa tabi tabi na ang alam lang ay makipag-away pagkatapos no'n ay agad ding map-presinto dahil sa hindi nag-iisip. 

Hindi katulad ng frat na kilala ko.

"Black Jaguar." 

Sa malaking white board ni Leo sa harapan ko ay tulala kong pinagmamasdan ang iilang litrato ng kilalang mga miyembro ng pinakakilalang malaking grupo ng mga kriminal sa bansa. Pagkatapos nga naming kumain ay agad kaming pumunta rito sa opisina niya sa presinto nila. 

"S-Sigurado ka ba dito?" tanong ko habang nakatuon pa rin sa white board. Maging ang mga litrato ng mga kasong tinuturo na sila ang dahilan ngunit walang sapat at malakas na ebidensya ay naroon.

Bumuntong-hininga si Leo bago naupo sa katabi kong monoblock chair at mariing tinitigan ang malaking white board niya sa harapan namin.

"Walang malakas na ebidensya na sila ang tinuturo pero sigurado akong sila ang mga nasa likod nito," siguradong sambit ni Leo.

Napalunok ako bago muling tumingin sa white board. Mula sa mababang ranggo ng grupo hanggang sa pinaka mataas sa grupo ay nandoon ang litrato. Nangunot ang noo ko nang makakita ng tatlong pamilyar na mukha sa mga litrato. 

"Nakita ko silang tatlo sa resto-bar nung araw na 'yon." Turo ko sa tatlong litrato ng lalaki. 

Ayon yung Baron, blonde guy at yung masungit na lalaki na nakita ko sa resto-bar. 

"Alam ko." Buntong-hininga ni Leo. "Nakita ko sila nung pinuntahan kita doon para sunduin ka sana." 

Nilingon ko ulit siya. Kung hindi ako nagkakamali noong mga estudyante pa lamang kami, kasama siya sa grupo ng Black Panther na Black Jaguar na ngayon.

Napatingin muli ako sa mga mukhang nasa white board. 

Kung gano'n... mga kaibigan niya 'to noon.

"Mga demonyo." 

Nang muli kong lingunin si Leo ay mahigpit nang naka yukom ang kamao niya habang ang mga matang nandidilim at puno ng galit ay nakatingin na sa mga mukhang nasa white board. 

Bahagya akong nagulat dahil hindi ako sanay na nakikitang galit siya pero sa huli ay gaya niya ay unti-unti ring dumilim ang reaksyon ko at may namuong nag-aalab sa sistema ko nang muling titigan ang mga mukhang naroon.

Ang grupo na dahilan ng nangyari noon sa akin ten years ago. Ang grupo na dahilan ng paghihirap at kamalasan ko simula noon. At ang grupo na dahilan ng pagkamatay ng Mommy ko na ginusto lang naman ilayo ang kawawang bata sa gitna ng mga demonyo.

Black Jaguar na naman...

Puno ng galit at kagustuhang ibalik ang lahat ng paghihirap at pagkamatay ng Mommy ko sa grupo ay wala sa sarili kong nasambit...

"Wait for me to show you the hell you must be in... demons." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status