The light of dawn seeped into my room. I rubbed my bleary eyes and sleepily walked to the window. There was a pearly glow in the sky.
"Good morning..." napapaos na sambit ko. Pikit-mata akong humikab at nag-unat.
"Good morning señorita kong pamangkin!"
Gulat akong napalingon sa nagsalita. And there I saw auntie Lei with her sexy red dress and expensive bag while leaning against my door. Looking at me with her smile mockingly.
"A-Auntie Lei?!" Laglag panga kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya.
She's so sexy and pretty! But well, uh... sexy naman na talaga si auntie noon pa but looking at her right now, something is different with her!
"What's with the schocky face, niece?" kunot-noo ngunit nakangising tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin.
Napaatras ako na ikinatigil din niya. Nagtataka sa ekspresyon at kilos ko. Napahawak ako sa bintana sa likod bago nanginginig na tinuro siya.
"Y-You're so young!" gulantang sabi ko. Namamangha at hindi makapaniwala.
"What the hell are you saying? I'm already thirty-one, Leanne," nakataas ang kilay at nakasimangot na sabi niya bago unti-unting ngumisi at maarteng tiningnan ang dulo ng mga kuko.
"Well, even though I'm already thirty-one I'm still looking young so I can't blame you... but!" Napatalon naman ako sa gulat ng halos isigaw niya ang huling sinabi.
"What's up with you, huh? Nasabi na sa akin ni Lea na you're acting weird yesterday. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin but..." Her eyes narrowed as she looked at me from head to toe. "Based on what I see now, your mommy is right."
"W-What do you mean, auntie?" kinakabahang tanong ko bago unti-unting pinasadahan ang loob ng kuwarto kung nasaan ako ngayon.
And why am I still here?!
While looking at my pink theme room now I can't help but be amazed again. Mabagal akong lumapit sa may kalakihan kong pink closet at doon ay halos magningning ang mata ko habang hinahaplos isa-isa ang mga magaganda kong damit noong kabataan.
"My cardigans!" Namamangha at tuwang tuwa kong kinuha ang cardigan sweaters ko nang bigla nalang may humampas sa pintuan ng closet ko na ikinatalon ko sa sobrang gulat.
"Are you listening?!"
Napalunok ako. Mabagal kong ibinalik ang cardigan sa closet bago muling hinarap si auntie Lei. Now looking at her again, muli akong namangha ngunit mas nangibabaw ang kalituhan sa nangyayari.
Yesterday, sigurado na akong pagkatapos ng araw na 'yon ay mawawala na ako dito at muling babalik sa reyalidad kung saan nag-aagaw buhay na ako o 'di kaya patawid na sa kabilang buhay. Pero ngayon. Ang makitang nandito pa rin ako, facing my Auntie's looking young, here in my old room when I was young...
"What the heck is going on?"
"What?" auntie Lei asked.
I blinked twice. May nasabi na naman ako ng wala sa sarili!
"You're spacing out again!" naiinis nang sambit ni auntie Lei.
I bit my lips. "I-I'm sorry, auntie. Where's Mommy?" tanong ko nang mapansing walang Mommy ang bumungad sa akin ngayong umaga.
Auntie Lei's eye narrowed at me.
"She's at work."
"W-Work?"
Mas lalong naningkit ang mga mata niya sa akin bago maya-maya'y bumuntong-hininga. Naiiling siyang lumabas ng kwarto ko. Sumunod naman ako.
"Do you have a problem? At school? Or... boys? Are you broken hearted?" tanong niya pagkarating namin sa dining.
Naupo naman na ako sa hapag at natatakam na tiningnan ang nakahandang agahan. Bago ito lantakan ay muli kong tiningnan si auntie Lei na nakatayo lang sa harapan ko. Tinititigan ako at tila hinahalukay ang buong pagkatao ko dahil lang sa kakaibang kinikilos ko ngayon.
"Wala, auntie," sagot ko bago kinagatan ang toasted bread sa harapan ko saka kinagatan naman ang hotdog na nasa kabilang kamay ko.
"Wala? Then... why are you like that?" tanong nito sa akin. Naniningkit pa rin ang mga mata.
Umiinom na ako ng chocolate milk ko nang ibaba ko 'yon para sagutin si auntie. Nagtitigan kami saglit bago ako bumuntong-hininga dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kaniya ang totoong nangyayari sa akin. Na naguguluhan ako kung bakit nandito pa rin ako ngayon na dapat ay wala na at nag-aagaw buhay na o 'di kaya nasa kabilang buhay na.
I sighed before continuing eating my breakfast.
"Pagod lang, auntie," sagot ko.
She sighed. Slightly convinced.
"Maghanda ka na para sa pagpasok mo at ako ang maghahatid sa'yo ngayon sa school–"
Bigla akong nabilaukan na ikinagulat ni auntie Lei. Nahihirapan akong umubo habang paulit-ulit na hinahampas ang d****b ko habang si auntie Lei ay natatarantang inabutan ako ng tubig.
"What the hell?" maarte at nagtatakang tanong ni auntie Lei habang pinapanood akong uminom.
I swallowed hard before putting down the glass. Huminga ako ng malalim bago muling hinarap ang nagtatakang auntie.
"P-Papasok? Ako? For real?!"
Unti-unti ay nasapo ko ang noo ko. Nakalimutan kong sa ganitong edad ay pumapasok pa ako sa school. Bumuntong-hininga ako bago natakip ang parehong kamay sa mukha. Ngayon ay rumerehistro na talaga sa utak ko na nandito nga ako sa past ko, labing-isang taon mula sa hinaharap.
"Leanne Lilith Sarmiento. Talaga bang ayos ka lang o ayaw mo lang sabihin sa akin maski sa Mommy mo?"
Ngayon sa boses ni auntie Lei ay alam kong nauubusan na ito ng pasensya at gulong gulo at hindi na nagugustuhan ang inaasal ko. Nang tingnan ko muli siya ay nakita ko sa mga mata nito ang nakita ko sa mga kaibigan ko kahapon. Na para bang hindi ako ang Leanne na kilala nilang kaharap ngayon. Na para bang ibang tao ako.
Wala sa sarili akong tumayo at dumeretso sa banyo.
"Maliligo na po ako," halos bulong na sambit ko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dumeretso nalang sa loob.
Ngayong harap-harapan ko na namang nakikita ang sarili sa mahaba at malaking salamin sa malaking banyo namin ay hindi ko na naman mapigilang mamangha. I touched my cheeks and closed my eyes when I felt my touch.
It's true, Leanne. You're really here. You're not dreaming.
Sa saglit na sandali ay muli akong naguluhan. Sunod-sunod na tanong na naman ang nag-unahan sa utak ko.
Why am I still here? Anong pinaplano Niya para sa akin? Papaanong nakabalik muli ako sa nakaraan kung parang kahapon lang ay naghihingalo na ako sa daan? Hindi nagtatapos doon dahil napakaraming tanong ang tumatakbo sa aking isipan pero nang balikan ko muli ang araw na 'yon, unti-unti kong naalala ang iilang mga huling salita bago ako mapadpad dito.
I begged.
Nagmakaawa ako sa Kaniya na ibalik ako sa mga panahong maayos pa ang lahat. Sa mga panahong bago pa mangyari ang lahat ng kamalasan at paghihirap ko sa buhay.
Is this why I am here? Narinig Niya ang pagmamakaawa ko?
When I opened my eyes, isang ngiti na ang nagpakita sa aking labi.
Ano naman ngayon kung bumalik ako sa nakaraan? Problema ba 'yon? Dapat nga ay maging masaya pa ako dahil makakasama ko muli ang mga kaibigan ko at si Mommy. At higit sa lahat, bata na ulit ako. Young, beautiful and free! I can do again whatever I want! Wala na akong trabahong po-problemahin dahil sa ngayon ay masaya at wala kaming pinoproblema ni Mommy. Mayaman kami ngayon at hindi kapos sa pera. I should be happy!
Kaya naman nang lumabas ng banyo ay ngiting ngiti na ako nang maabutan si auntie Lei sa sofa, may hawak-hawak na magazine habang nakataas na ang kilay na nakatingin sa akin ngayon.
I smirked.
Looking at her right now, hindi na ako nagtataka kung bakit labis labis ang pagtingala ko sa kaniya noon. Auntie Lei is really... really gorgeous. Isang tingin mo lang sa kaniya ay malalaglag na ang panga mo. She looks expensive and respected. Kung hindi ako nagkakamali sa panahong ito she's famous of being known as a model. And she is my role model.
"Ready?" tanong niya habang pinapasadahan ang kabuuan ko pagkalabas ko sa kuwarto matapos mag-ayos.
Bitbit ko sa likod ang pink at expensive bag ko na naaalala kong galing pa kay auntie. Nagsusuot na ako ng black shoes ko nang mapansin ni auntie ang buhok ko.
"Mabuti naman at hindi ka na naka high pigtails," masungit ngunit nakangising sabi niya.
Nakababa na kasi ngayon ang mahaba at deretso kong itim na buhok. Plano ko sanang mag high ponytail kaso naisipan kong mas maganda tingnan kung ilulugay ko nalang ito since sayang naman kung iipitin ko lang ang maganda at bagsak kong buhok.
"It looks childish, auntie," sagot ko.
She chuckled. "Mabuti naman at na-realize mong mukha ka ngang bata sa ipit na 'yon."
I just smiled before following her outside.
Muling nalaglag ang panga ko nang makita ang kumikintab niyang pulang kotse sa harapan ng bahay. Tumunog 'yon nang makalapit kami ni auntie.
"What are you waiting for? Pasko?" masungit na tanong niya nang makapasok na siya sa kotse pero ako ay naka-tanga pa rin sa labas.
Nangingisi nalang akong umiling bago naupo sa tabi niya.
"Very flashy, auntie," nanunuyang sabi ko.
Maarte siyang tumawa bago pinaharurot ang kotse. And as I expected, pagkarating namin sa school ay pinagtitingnan ang kotse ni auntie. Habang pumapasok sa gate ay nakasunod ang mga mata ng estudyante sa agaw pansing kotse, tila hinihintay kung sino ang bababa rito.
"What the hell is happening to you? You should be proud na hinatid pa kita hanggang dito!"
Nakayuko naman akong umiling-iling. Parang ayoko nalang bumaba sa kotse kung pinalilibutan na kami ng mga estudyante at hinihintay kung sino ang bababa!
"I told you, auntie. Pwede namang sa gate nalang! Bakit dito pa? Sa harap pa talaga ng building namin?!"
Suminghap siya bago tumingin sa akin na tila hindi makapaniwala.
"Oh, anong problema? Dati naman gustong gusto mong hinahatid pa kita hanggang dito, ah?!" sagot niya. Napapikit nalang ako.
Dati 'yon! Yung Leanne 'yon eleven years ago!
"Bababa na po ako," paalam ko. Hindi na gustong makipagtalo.
"Isang linggo raw mawawala ang Mommy mo at mukhang may seryosong kasong inaasikaso kaya mamaya susunduin ka ni Leo. Sabay na kayong uuwi sa bahay."
Natigilan ako at muli siyang hinarap.
"S-Susunduin po ako ni Leo?" kung ganoon makikita ko ang batang Leo? I mean– yung Leo eleven years ago? Bago siya maging pulis?
May kung ano naman sa akin ang na-excite bago magkakasunod na tumango kay auntie. Nakangiti tuloy akong lumabas ng kotse at hindi na inalintana ang mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid ko.
"Good morning."
Nakangiti pa at iniisip pa ang pagsundo ng pinsan mamaya ay nilingon ko ang kasabayan pumasok ng building.
And there I saw my best friend with her books in her hands. Unang tingin ay alam mo ng tahimik lang at hindi mahilig magsalita.
"Oh, good morning, too... Dacey," ngiting bati ko.
She looked at me and smiled a bit before we silently walk to our room. Pagkarating doon ay naabutan namin ang limang kaibigan sa room, nagke-kwentuhan at nagtatawanan. Nang makita kami ay natigil at nakangiting kinawayan kami.
"Wow. Aga, ah?" nanunuyang sabi sa akin ni Jiwel.
Tumaas ang isang kilay ko. Bakit? Lagi ba akong late noon?
At doon, ay naalala ko ang laging pinagtatawanang certificate ko nina Leo at auntie.
Best in Late.
I smirked before I rolled my eyes.
"Baba muna tayo habang wala pa si Ma'am," yaya nila matapos namin ilapag ni Dacey ang mga bag namin sa upuan.
"Dito muna ako. Review," sagot ni Dacey bago umupo at binuklat ang isang libro.
"Review? Bakit? May test ba?" tanong ko dahil kung meron ay baka kailangan ko na rin mag review.
Lalo na't ngayong wala akong kaalam-alam sa mga lessons dahil ilang taon na ang nakalipas. Ni isa sa mga napag-aralan ay wala na akong maalala!
"Baka lang may surprise quiz."
Nakahinga naman ako ng maluwag sa sagot niya.
"Wala 'yan! Tara na!" Hila sa kaniya ni Rachel. Wala naman siyang nagawa kun'di ang sumama rin.
Nagke-kwentuhan sila nang bumaba kami nang mapansin ko ang mga mata ng mga estudyante sa amin. Ang iilan doon ay namamanghang nakatingin sa amin at tila nangangarap na mapasama sa grupo namin habang ang iba ay kinakabahan at natatakot na umiiwas sa dadaanan namin.
Namamangha pa ay gano'n nalang ang gulat ko nang biglang may bagay na tumama sa likod ko.
"Slut!"
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?