Share

CHAPTER 3: Melchora Who?

-=Gabby's Point of View=-

I was humming a song nang marinig ko ang pagmumura sa second floor ng bahay na iyon.

"Guess my visitor is already awake." ang nakangiti kong bulong, na tamang tama lang dahil kakatapos ko lang magluto para sa tanghalian namin which is medyo late na dahil ala una na nang tanghali.

"Shit!" ang narinig ko sa loob bago ko tuluyan buksan ang pinto na hindi ko naman talaga sinaradong maigi at gamit ang paa ay tuluyan kong nabuksan ang pinto at agad sumalubong sa akin ang galit na galit na mukha ni Jayden Andrada.

"Handa na ang tanghalian!" ang masaya kong sinabi dito kahit na nga ba parang gusto ko nang bumalik sa kusina at magtago doon dahil sa nakikita kong panganib sa likod ng mga titig nito sa akin na hindi naman kataka taka dahil mukhang narealize na nitong nakaposas ang magkabila nitong mga kamay at maliban pa doon ay nakatali naman ang dalawa nitong paa.

"What do you want from me?" naging kalmado lang ang boses nito ngunit bakit parang mas naging mapanganib ito kaysa kaninang sumisigaw nito, kahit kasi kalmado ang boses nito ay ramdam na ramdam ko ang rage na lumalabas sa katawan nito.

"It can wait, sigurado akong gutom ka na kaya kumain ka na muna, nagluto ako ng tinola." ang masaya ko pang sinabi dito kahit na nga ba kanina pa nangangatog ang tuhod ko sa mga tingin na pinupukol nito sa akin.

"Well how thoughtful of you but if you haven't noticed I tied to this fucking bed!" medyo tumaas ang boses nito habang sinasabi nito ang bagay na iyon habang marahas nitong pilit pinapakawalan ang sarili, mabuti na lang talaga at gawa ang kama na iyon sa nara kaya sigurado akong matibay iyon at hindi basta basta masisira.

"Don't worry, baka isipin mo naman na hindi ako accommodating na host kaya susubuan kita." pagpapatuloy ko totally avoiding his gaze na sigurado akong hindi nalalayo ng tingin sa akin.

"Sino ang kasabwat mo?" nagulat na lang ako sa tanong nito kaya naman agad akong napatingin dito which is a big mistake dahil mas lalong nangatog ang tuhod ko habang nakatingin sa maiitim nitong mga mata.

"Wha...what do you mean?" hindi ko maiwasang hindi mautal habang tinatanong ang bagay na iyon.

"Malabo naman na mag-isa ka sa pagkidnap sa akin, kaninong sindikato ka nagtatrabaho?" ang mapanganib nitong sinabi.

"Anong pinagsasabi mong...... wait iniisip mo bang kinidnap kita para makakuha ng ransom?!" hindi ako makapaniwala na iniisip nitong kinidnap ko siya para makakuha ng ramson, but come to think of it hindi nga malayong iyon ang isipin nito dahil sa estado nito.

"Sabihin mo na kung magkano para makaalis ako, I have a flight going to Macau for a very important business meeting tomorrow na hindi ko maaring mamiss." he said in his business attitude na para bang ang kausap lang nito ay isa nitong subordinate.

Bigla namang nawala ang takot sa dibdib ko at sumibol ang galit sa pag-aakala nitong pera ang habol ko dito.

"First of all hindi ako part ng sindikato at hindi pera ang habol ko sayo!" galit na galit kong sinabi dito ngunit imbes na matakot ay nagawa pa nitong ngumiti, which is really a sexy smile that stunned me for a good thirty seconds hanggang magsalita ito.

"So kung hindi pala pera ang habol mo, ibig bang sabihin sex ang habol mo?" nang-aakit nitong sinabi.

Ramdam na ramdam ko ang init na biglang namuo sa buong katawan ko, and I hated it since salita pa lang nito ay labis nang nakakaapekto sa akin and for crying out loud wala pa akong experience so bakit parang ang dali para dito na iparamdam sa akin ang ganitong damdamin, at nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy ito. "Untie me then para iparamdam ko sayo ang langit na pinangako, hindi ka magsisisi I'm expert in pleasuring women, I will start with that luscious lips of yours and I will suck your tounge like a hungry......" ngunit bago pa man nito matapos ang sasabihin ay agad ko na itong pinutol.

"Stop! Kahit kailan ay hindi ako makikipagsex sayo, at kahit ikaw pa ang pinakahuling tao sa mundo ay hinding hindi ako makikipagsex sayo!" hindi ko mapigilan hindi hingalin habang sinasabi ang bagay na iyon, the nerve of this man na isipin na gusto kong makipagsex dito.

"I don't believe since your body tells me otherwise." ang sinabi nito habang nakaturo ang mga labi nito sa dibdib ko at saka ko lang narealize ang naging reaction ng dibdib ko.

"Let me get this straight Mr. Andrada, wala sa mga sinabi mo ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon! Nandito ka dahil sa ginawa mo sa kapatid ko." seryosong seryoso kong sinabi dito ignoring the way he looks in my breast, which finally caught his attention.

"What do you mean ginawa ko sa kapatid mo?" nakita ko ang pagtataka sa mukha nito which almost wavered my reasoning.

"Maybe a Mel Crisostomo will make you remember." ang matigas kong sinabi dito.

Ilang sandali itong nag-isip na para bang nagpapanggap itong hindi nito kilala ang kapatid ko o baka naman kasi sa dami ng biniktima nito ay hindi na nito matandaan kung sino ang ate ko sa mga iyon.

"NO!" ang malakas nitong sinabi, sandali akong naguluhan sa naging sagot nito.

"Maybe a Melchora Crisostomo will help." bigla kong naisipan dahil baka naman buong pangalan ni Ate Mel ang binigay nito sa binata kaya nakalimutan nito.

"What the fuck?! The only Melchora that I know is the hero and mind you we haven't met!" he answered with so much sarcasm in his voice.

Bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinabi nito, typical para sa isang mayamang katulad nito na magpanggap na inosente kahit na nga ba alam naman nito ang kasalanan nito.

"Ayan ang problema sa inyong mga mamayaman eh, magaling kayong magpaikot ng tao pero kapag responsibility na ang pinag-uusapan ay nagmamaang maangan kayo, don't you dare deny my sister, dahil sigurado akong ikaw ang naging boyfriend ng Ate ko na nangloko sa kanya!" galit na galit kong sinabi dito.

"How many times should I say this. Hindi ko kilala ang ate mo kaya naman pakawalan mo na ako dito bago pa mawala sa akin ang isa sa pinakamalaking business deal na kailangan kong makuha or else pagbabayaran mo ng malaki ang pagkakamali mo." pagbabanta nito, at sa totoo lang ramdam na ramdam ko ang katotohanan sa sinabi nito ngunit mas nanaig sa akin ang kagustuhan kong matulungan ang ate ko.

"Papakawalan kita kapag nagkita na kayo ng Ate ko and I will make sure na kakainin mo ang mga sinabi mo at ipapamukha ko ang mga pagsisinungaling mo!" pagpapatuloy ko.

"Hey where are you going?" tanong nito nang makitang palakad na ako palabas ng kuwarto habang hawak hawak ang dinala ko sanang tanghalian nito.

"Ilalabas ko na ito, mukha naman kasing busog ka pa." ang sinabi ko dito, hindi ko na pinansin ang pagsigaw nito sa akin at kung ano ano pang masasakit na salita ang mga sinasabi nito.

"The nerve of him na magsinungaling na hindi kilala nito ang Ate ko." I said furiously habang nasa kusina. "Pero paano....." ngunit agad kong sinawata ang tinatakbo ng isip ko dahil sigurado ako sa pangalan na sinabi ni Ate Mel.

Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ito ngunit katulad kanina ay hindi ko pa din ito macontact.

"Please Ate Mel magparamdam ka na." I muttered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status