Share

CHAPTER 43: Kasabwat

-=Jayden's Point of View=-

Galit kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko, kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng kahit na ano ay para naman nanadya ang puso ko na pilit na nasasaktan.

Wala pang isang araw ang nakakalipas ngunit labis na sakit na ang nararamdaman ko, paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang text na nakuha ko mula kay Gabby.

Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano-ano ngayong magkasama na sila ng kapatid ko.

Ang buong akala ko pa naman ay maayos na ang lahat, na magiging masaya at buong pamilya na kami kasama ng anak namin, pero mula pala noon pa ay niloloko lang ako nito.

Muli kong sinalinan ng alak ang basong nasa kamay ko, ngunit nang hindi makuntento ay minabuti kong diretso nang uminom sa bote ng alak.

Wala na akong pakialam sa pait na lasa ng iniinom ko, kung iyon man ang makakatulong sa akin na makalimutan kahit panandalian ang sakit na dinulot na pag-iwan sa akin ni Gabby.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kuwar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status