Chapter: CHAPTER 46: What the Heart Really Wants-=Jayden's Point of View=-"Kamusta na kaya sila?" sa loob loob ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng kuwarto ko, it's been two weeks since magdecide akong lumayo sa mag-ina ko, at iyon ang pinakamasakit at pinakamalungkot na dalawang linggong naranasan ko.Sa totoo lang, gustong gusto kong puntahan sila Gabby at Caleb, pero pinilit kong huwag gawin iyon, dahil alam kong hindi ako karapat dapat sa kanila.Hindi ko pa din matanggap ang katotohanan na tunay kong ama si Jovanie, all my life I thought that my parents was killed by some random people, pero iyon pala ay sarili kong tiyuhin ang nagpapatay sa mga magulang ko, at ang pinakamasama pa doon ay nalaman kong si Tito Jovanie ang tunay kong ama.Anak ako ng isang mamamatay tao, kaya anong mukha ang ihaharap ko sa mag-ina ko, maliban pa doon ay anong ihaharap ko kay Jared, ng dahil sa akin ay nasira ang pamilya namin. Nakulong na si Tito Jovanie, pero hindi pa din maiaalis non ang katotohanan na anak ako ng nagpapatay sa mga mag
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 45: A Help from a Friend-=Gabby's Point of View=-"Nasaan ka na ba Jayden?" sa loob loob ko, halos mag-iisang linggo na ang nakalipas nang mailigtas kami mula sa pagkidnap sa amin, at mula ngayon ay hindi ko na nakita pa si Jayden.I tried calling his cellphone, but hindi ko naman iyon macontact, kapag tinatanong ko naman ang mga tauhan ni Jayden ay wala din ni isa man sa kanila ang makapagsabi sa akin ng kinaroonan ng amo nila."Hindi mo pa din ba siya nacocontact?" narinig kong tanong ni Ate Mel, kasalukuyan na nasa kuwarto ako sa mansion, kung saan kasama ko si Ate Mel at ang anak ko na abala sa paglalaro, tila hindi nito alintana ang mga nangyari na siyang gusto ko ding mangyari."Mukhang nakapatay ang phone niya, kaya naman hindi ko siya matawagan." sagot ko dito kasunod nang isang mahabang bungtung hininga.Minabuti ko na lang na humiga na muna, dahil pakiramdam ko ay hinang hina ako sa mga nangyayari."Ano ba talagang nangyari?" naramdaman ko na lang ang paglundo ng kama sa bandang kanan ko at ilang s
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 44: Revelation-=Jayden's Point of View=-Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilan ang sarili ko sa panginginig ng buo kong katawan, ilang beses na nga din muntik muntikanan akong mabangga, kaya naman nang hinging ng isang tauhan ko ang pagdadrive ay hindi na ako tumanggi.Sa wakas ay napaamin ko na si Rosette at hindi ako makapaniwala nang matapos itong magsalita, ngunit agad ko iyong isinantabi at kinontact ang mga tauhan ko.At ngayon nga ay patungo kami sa address na binigay sa akin ni Rosette kung saan niya dinala ang mga gamit ni Gabby.Hindi ko na kailangan pang kabisaduhin ang address na binigay nito sa akin dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang address na iyon.Isa iyong resthouse sa Batangas na may three hundred hectares. Ilang beses na din akong nakapunta sa lugar na ito."We're waiting for your instruction." nagising na lang ako nang marinig ko ang boses na iyon.Agad ko naman inutos sa mga ito ang kailangan nilang gawin at kailangan nilang malaman, at ilang sandali lang ay nagsimula na
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 43: Kasabwat-=Jayden's Point of View=-Galit kong pinunasan ang luhang naglandas sa pisngi ko, kahit anong pilit kong huwag makaramdam ng kahit na ano ay para naman nanadya ang puso ko na pilit na nasasaktan.Wala pang isang araw ang nakakalipas ngunit labis na sakit na ang nararamdaman ko, paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang text na nakuha ko mula kay Gabby.Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano-ano ngayong magkasama na sila ng kapatid ko.Ang buong akala ko pa naman ay maayos na ang lahat, na magiging masaya at buong pamilya na kami kasama ng anak namin, pero mula pala noon pa ay niloloko lang ako nito.Muli kong sinalinan ng alak ang basong nasa kamay ko, ngunit nang hindi makuntento ay minabuti kong diretso nang uminom sa bote ng alak.Wala na akong pakialam sa pait na lasa ng iniinom ko, kung iyon man ang makakatulong sa akin na makalimutan kahit panandalian ang sakit na dinulot na pag-iwan sa akin ni Gabby.Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mahihinang katok mula sa pinto ng kuwar
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 42: The Text-=Jayden's Point of View=-"Riot"That's the exact word, that describe how my house is, simula kasi ng makabalik kami mula sa bakasyon ay patuloy nang nangulit si Tito na makasal na kaming dalawa ni Gabby, pero ayoko naman na parang lumabas na napipilitan lang ako o para bang mapipilitan ito, gusto kong maging natural lang ang lahat, iyong tipong kaming dalawa lang sa isang romantic na lugar at hindi niya aasahan na bigla na lang akong magpropropose, pero nang dahil sa pangungulit ni Tito ay mukhang mauudlot pa ang proposal kong iyon."I really need to talk to Tito Jovanie about it." frustrated kong kuwento kay Isaiah, I decided to meet him the following day nang makabalik kami mula sa isla.Ayoko man iwanan ang mag-ina ko, pero kailangan ko ng katahimikan para makapag-isip isip."You can talk to him about it, or better yet ask him for his help para sa magiging proposal mo kay Gabby." suhestiyon naman nito, hindi ko maiwasang hindi mapailing sa sinabi nito."Uncle Jovanie might be a
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 41: Five Days in Paradise-=Jayden's Point of View=-Dali dali kong pinatay ang alarm sa cellphone ko, maingat kong tinignan ang mag-ina ko, at saka lang ako nakahinga nang maluwang nang mapansin kong hindi sila nagising ng alarm ng cellphone ko.Alas cinco pa lang ng umaga, pero nagdecide na akong bumangon, gusto ko kasing ipaghanda sila ng almusal na ngayon ko lang magagawa."Good morning Sir Jayden." ang bati sa akin ni Aling Celia nang maabutan ko itong abala sa kusina."Magandang umaga din." bati ko naman dito.Akma itong iaayos ang mga lulutuin sana nito nang pigilan ko ito, pinaliwanag ko na lang na ako ang maghahanda ng almusal sa mag-ina ko."Mukhang mahal na mahal ninyo ang mag-ina ninyo sir, sige po tawagin niyo na lang po ako kapag kailangan niyo ako." kahit kanina pa ito umalis ay hindi naman mawala wala ang ngiti sa mga labi ko.Oo, mahal na mahal ko ang mag-ina ko, ngayon na lang uli ako naging ganito kasaya, at hindi ko na alam kung kaya ko pa bang mabuhay kapag nawala pa sila sa buhay ko.Hin
Terakhir Diperbarui: 2022-11-14
Chapter: CHAPTER 63: Ikaw Parin-=Atilla's Point of View=-"Panginoon sana ay mahanap na niya ang katahimikan na kailangan niya at sana ay mapatawad niya ako sa lahat." piping dasal ko, masakit sa akin na mawala ito ngunit kailangan ko na siyang ilet go.Paano mo ba mapapakawalan ang isang tao na naging napakalaking parte ng buhay mo, isang taong naging karamay mo sa mga panahon na kailangan mo nang makakapitan, hindi ko tuloy maiwasang hindi maiyak sa sakit na nararamdaman ko.Umaasa na lang ako na mahanap na niya ang katahimikan na nararapat sa kanya."Tara na Atilla." narinig kong tawag ng bestfriend ko na si Nicole kita ko ding apektado siya sa pinagdadaanan ko ngunit kailangan na namin siyang pakawalan.Sabay na kaming naglakad ni Nicole patungo sa kuwartong iyon, ang bigat ng mga paa ko habang naglalakad dahil kahit nagdecide na ako ay masakit pa din sa akin ang mawala ito.Isang mahabang buntung hininga ang ginawa ko bago ko binuksan ang pinto ng kuwarto at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko pa
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: CHAPTER 62: I Still Love You-=Atilla's Point of View=-Minabuti nang pamilya na iuwi na lang sa bahay nila si Anthony at kumuha na lang ng dalawang private nurse na magbabantay dito 24/7Shock pa din ang lahat sa mga nangyayari, sa aksidente at sa katotohanan na maaring hindi na magising si Anthony, and in the middle of this si Anthony ang pinakanaapektuhan nang mga pangyayari kaya naman hindi kakayanin ng konsensya ko na iwanan ito lalo na't sa pinagdadaanan nito kaya naman nakapagdesisyon na ako, masakit man sa akin ngunit mas kailangan ako ni Ang, masakit man sa akin na pakawalan si Ram.Just thinking about Ram already made my eyes watery from the emotion that building inside me, parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit habang iniisip ko pa lang na tuluyan nang mawawala sa akin si Ram, ang tanging lalaking pinakamamahal ko.Dalawang araw na ang nakakalipas nang nilabas na namin si Anthony sa ospital, at hanggang ngayon ay wala pa din akong natatanggap na kahit na ano mula kay Ram at alam kong kailangan k
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: CHAPTER 61: Mahal Kita Pero-=Atilla's Point of View=-Lumipas ang mga oras na nasa loob pa din ng operating room si Anthony, walang kahit na sino ang nagsasalita sa pagitan namin, ang isip namin ay sa pasyente na pilit na nililigtas ng mga doctor.Inabot din siguro ang operasyon nang mahigit anim na oras nang lumabas ang doctor na hapong hapo dahil sa nangyari."Kamusta na po ang asawa ko?" tanong ni Miranda na agad nakalapit sa naturang doctor."Succesful ang operasyon subalit hindi pa siya ligtas, the fourty eight hours is going to be critical, he needs to wake up with that time or else mauuwi siya sa coma." ang narinig kong sinabi ng doctor, kitang kita ko ang panglulumo sa mukha nang pamilya ng pasyente at ganoon din ang pag-aalala sa mukha ni Miranda na sigurado akong totoo.Matapos ang naturang operasyon ay dinala na si Anthony sa ICU para mas mabantayan ito nang maayos, minabuti naming dalawa ni Ang ang magbantay na muna sa pasyente lalo na't mukhang hindi na kakayanin ng Mommy nila ang pagbabantay kaya
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: CHAPTER 60: Unfortunate Event-=Atilla's Point of View=-Para akong napako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa sakit na nakahugit sa mukha ni Ang, hindi ko alam na sa ganito niya malalaman ang lahat.Yes I already made my decision at ang desisyon ko ay sundin ang nasa puso ko, mahirap man sa akin ay kailangan kong maging totoo kay Ang, mahirap sa akin na saktan si Ang dahil sa kabutihan niya ngunit hindi ko na yata kayang lokohin siya pati na din ang sarili ko, pero hindi sa ganitong paraan."Atilla anong ibig sabihin nito?" tanong nito sa nanginginig na boses, kitang kita ko ang pait sa mga mata nito sa nalaman nitong pagtataksil ko sa binata, parang nadudurog ang puso kong makitang ganito si Ang.Agad naman humarang si Ram protecting me from Ang, ngunit agad ko itong hinawi dahil alam kong hindi magagawa ni Ang na saktan ako, napakabuting tao nito."Ang....." pinilit kong magsalita ngunit tanging pangalan lang ang lumabas sa bibig ko, paano mo ba sasabihin lalo na't hindi ka naman handa, paano mo sasabihin s
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: CHAPTER 59: I Choose...-=Atilla's Point of View=-The following day I woke up with a smile on my face, after ko kasing nalaman ang magandang balita tungkol sa kalagayan ni Henry kagabi ay bahagyang gumaan ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko.Agad akong dumiretso sa kusina kung saan nakahanda na ang almusal ko, pero medyo nakakalungkot din talaga ang kumain mag-isa kaya naman kaunti lang ang nakain ko but it doesn't dampened my mood lalo na ngayon na alam kong pagaling na si Henry.That day kasi ay hindi ko kailangan maagang pumasok sa opisina dahil may mga kameeting ako mamayang hapon kaya naman nagdecide akong tawagan na lang si Samantha para ipaalam dito ang plano ko.But since workaholic ako ay hindi ko pa din napigilang buksan ang laptop ko at tignan ang mga emails na nareceive ko, iba't ibang mga documents ang nareceive ko na hindi naman kailangan nang maagap na atensyon kaya nang masigurado kong wala naman masyadong importanteng email ay tinurn off ko na din ang macbook ko.I turned on the TV in
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: CHAPTER 58: Good News-=Atilla's Point of View=-Until now I am still shock sa nalaman ko tungkol kay Miranda and Ang I mean sino bang mag-aakala na ang napangasawa pala ni Miranda ay ang kapatid ni Ang na si Anthony Uy, I haven't met the guy yet sa mahigit isang taon namin magkarelasyon ni Ang, ramdam ko naman ang pagmamahal ni Ang sa kapatid kahit hindi nito sabihin iyon.If I'm not mistaken Miranda got married three time or make it four since napangasawa ni Miranda si Anthony, I'm not really sure about the details since I don't like gossip pero hindi maiiwasang iyon kapag naririnig mo na sa iba mong mga kaibigan ang mga bagay na iyon, last marriage na meron ito is from a rich Filipino Businessman which became more controversial sa biglaan nitong pagkamatay at hindi nakatulong na ang lahat ng yaman ng naturang lalaki ay nauwi kay Miranda kaya naman lumabas ang mga rumors na may foul play sa pagkamatay ng businessman at ang sinisisi ay si Miranda na hindi naman napatunayan.Ang remained quiet during the d
Terakhir Diperbarui: 2022-11-29
Chapter: SPECIAL CHAPTER-=Yesha's Point of View=-Kahit inaantok pa ay pinilit ko talagang bumangon nang maaga dahil gusto kong ipagluto nang almusal ang taong pinakamamahal ko, ngunit laking pagtataka ko nang makita kong wala na si Xavier sa tabi ko."Nasan na kaya iyon?" bulong ko sa sarili kaya naman tinignan ko at baka nasa banyo lang ito ngunit wala din ito doon.I already checked the kitchen but he's not there either and then when I went back to our room that's when I saw a note on the bedside table, I picked up the note and recognized Xavier's handwriting."Yesha sorry I need to go early, I have some client that I need to meet, take your breakfast don't wait for me." ang nakalagay sa note nito, medyo nalungkot lang ako dahil mukhang nakalimutan nito kung anong araw ngayon.It's just happen to be our second anniversary, imagine after niyang sabihin mahal niya ako nang magtangka akong pumunta nang Canada ay ganito na kami katagal, at kahit may mga mangilan ngilang hindi kami pinagkakasunduan ay mas lalo
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 30: Is It Too Late-=Xavier's Point of View=-Those three words still rings in my ears,ang tatlong salita na namutawi sa bibig ni Yesha, tatlong salita na hindi ko inaasahan na marinig sa kanya dahil simula pa lang ay nilinaw ko na sa kanya na hindi ako naniniwala sa pag-ibig, pero bakit ngayon ay sobra akong nababother sa narinig mula dito kung wala lang talaga sa akin ang bagay na iyon at bakit hindi ko maiwasang hindi siya iwasan."Damn Yesha! Why did you have to make our relationship complicated by falling in love with me." asar kong bulong sa sarili, nakakafrustrate lang kasi dahil aminin ko man o hindi ang sobra ko na siyang namimiss.I am a practical man, naniniwala ako na kapag hindi na nagwowork ang isang bagay ay mabuti pang tapusin ito at huwag nang patagalin, you know just let it go, pero bakit hindi ko magawa ngayon ang bagay na iyon sa nangyayari sa amin ngayon ni Yesha, madami namang babae na puwede kong makasama for a night maybe two at the most but there is something about Yesha that I
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 29: Wait in Vain-=Yesha's Point of View=-I woke up the following day lying beside Julia in her bed with an empty heart nang maalala ko ang natuklasan ko tungkol sa asawa ni Xavier."Paano mo nagawa sa akin ito Xavier?" sa loob loob ko at nararamdaman ko na naman ang pag-iinit nang mga mata ko kaya tinakpan ko ang mukha ko nang unan para walang makaalpas na ingay sa bibig ko pero mahirap din pala."Umiiyak ka na naman." narinig kong sinabi ni Julia na inagaw sa akin ang unan sa mukha ko, I can see understanding in her face at agad ako nitong niyakap nang mahigpit na mahigpit.Pinigilan ko ang sarili kong i-on ang phone ko dahil alam kong pipilitin ako ni Xavier na makausap at hindi pa ako handa para harapin ito ngayon.Matapos kong kumain nang lunch kasama ni Julia ay nagdecide na din akong umuwi dahil malamang nag-aalala na sa akin ang mga tao sa bahay dahil hindi naman ako nakapagpaalam na matutulog ako kela Julia."Kuu.... saan ka bang galing na bata ka, maupo ka na nga diyan at kumain ka na nang
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 28: Unexpected Turned of Event-=Yesha's Point of View=-Nagiging maayos na ang lahat sa buhay ko, mas nagiging matatag ang relasyon nang mga magulang ko, nagiging maayos na din naman ang relasyon ko sa dalawang kapatid koat natanggap na naman sa opisina ang relasyon namin ni Xavier pero given na iyon dahil sino ang maglalakas ng loob na tumutol kung boss mo ang involved, isa na lang ang kulang at perfect na sana ang lahat.At iyon ay ang sabihin sa akin ni Xavier na mahal din niya ako, pero kung iisipin mong mabuti kahit kailan hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko, na mahal na mahal ko siya."Kung hindi ngayon kailan pa? Katarungan para kay ka Dencio!" sorry bigla ko lang naisip ang famous line ni Ate Vi sa isa sa mga movie nito.Pero kailangan ko nang gawin ito para malaman ko kung anong kakahinatnatan nang relasyon namin ni Xavier, I'm going to bet all in for me to know if Xavier also feel the same way.Natatakot ako dahil hindi ko alam kung maririnig ko ba ang gusto kong marinig mula dito,
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 27: Scandal Part II-=Yesha's Point of View=-I woke up the following day feeling sore from the intense lovemaking that we had last night, and at the same time happy seeing the serene look in Xavier's face who's still fast asleep, I'll never get tired of looking at his handasome face.I took a quick shower and after that decided to go out, sinigurado ko na munang nakalock ang pinto ng kuwarto para walang makakita sa binata dahil nga walang alam ang mga katrabaho ko kung sino ang karoommate ko ang alam lang nila ay mag-isa ako sa kuwarto dahil single bed lang ang meron doon, imagine the shock kapag nakita nila si Xavier sa kuwarto ko lalo na't wala itong suot at tanging ang kumot lang ang tumatakip sa kahubdan nito.Mag-aalas ocho pa lang nang umaga kaya naman mangilan ngilan palang ang nakikita kong workmate sa paligid na kumakain nang almusal nila.Napangiti naman ako nang makarating ako sa restaurant and saw Angie with Sally having their breakfast, nakapuwesto sila sa pinakagilid nang restaurant kaya h
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 26: Scandal-=Yesha's Point of View=-I'm so happy for my mom since makakasama na niya ang nag-iisang taong minahal niya but I only have one dilemna.My Dad want us to go to Canada with him, and as much as I love my mom and it's hard for me to be apart from her I really don't want to go out of the country you know permanently and I don't think Dustin is ready to go back in Canada yet."I'm happy for both of you guys really but i don't see myself leaving this country for good , my career is here in the Philippines." I said determinedly nang kausapin nila ako nang masinsinan."There's a lot of bigger opportunities in Canada, I can get you in one of the biggest advertising firm in Canada, I know few people, you know people with influence." he said, trying to convice me."I said no!" I said wanting to end this conversation, and I was about to leave when I heard him speak again."Just please... think about it Yesha, I really want us to be together, like one big family." malungkot nitong sinabi.Hindi
Terakhir Diperbarui: 2022-10-25
Chapter: CHAPTER 10: Confession-=Ang's POV=-"I like you." Ang paulit ulit na tumatakbo sa isip habang nakahiga sa kama ko, hindi ko talaga alam kung saan nanggaling ang bagay na iyon, kanina pa nga ako nakahiga sa kama ko at ngunit pabaling baling lang ako, patuloy akong naguguluhan sa mga damdamin na nasa dibdib ko, I hate her and yet I can't stop myself from thinking about her.Bandang alas tres na siguro ako nakatulog kaya naman medyo mainit ang ulo ko nang gisingin ako ng kasambahay dahil pinapatawag dan ako ni Mommy."Good morning." pilit ang ngiting binigay ko sa mga taong nasa mesa ng oras na iyon, pinilit kong huwag mapatingin kay Miranda na nakayuko lang."Good morning din hijo, I'm really sorry kung nasira namin ang pinaghirapan ninyo ni Miranda." paghingi ng paumanhin ni Mom sa amin."That's fine Mom may next time pa naman eh." ang sinabi ko dito, hindi ko na napigilan ang sarili kong sandaling tignan si Miranda na patuloy pa din nakatingin sa ilalim ng mesa nito na para bang may mahalaga itong pinagma
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14
Chapter: CHAPTER 9: A Date with My Sister-in-Law-=Ang's POV=-Saturday morning walang pasok kaya naman hindi ko kailangan gumising ng maaga ngunit kahit ganoon ay maaga pa din akong gumising para sa pagpapatuloy ko sa plano ko para mahulog ang loob sa akin ni Miranda."Miranda puwede ka bang makausap?" ang seryoso ko tanong dito ng maabutan ko itong palabas ng kuwarto ni Anthony ng umagang iyon."Sure." ang tipid nitong sagot sa akin, naisipan kong kausapin ito sa bandang hardin para hindi marinig nila Mommy ang pag-uusap naming iyon."Uhmmm kasi I need your help sana, I'm planning to surprise mom and Tito Andres." kunwaring nag-aalangan kong sinabi dito at kita ko naman ang pagkislap ng mga mata nito para bang naexcite ito sa narinig."Sure anong balak mo?" ang nakangiti nitong tanong sa akin, lihim naman akong napangiti sa naging reaksyon nito.I started telling my her supposed "plan" at matiim naman itong nakikinig sa lahat ng mga sinasabi ko."I'm planning to have a family dinner later pero ang totoo ay para sa kanila ang dinne
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14
Chapter: CHAPTER 8: My Plan-=Ang's POV=-"Good morning." ang masiglang bati ko sa nagulat na si Miranda, nasa loob kasi ito ng kuwarto ni Anthony at patuloy itong kinakausap.Kitang kita ko ang gulat sa magandang mukha nito dahil kahapon lang namin napag-usapan na magkaroon ng truce pero ngayon pa lang ay sinimulan ko na ang bagay na iyon."Good morning din." ang naguguluhan nitong bati sa akin, pinigilan kong makapagsalita ng masama ng makita kong hawak hawak nito ang kamay ni Anthony na para bang concern talaga ito sa kapatid ko, kung concern talaga ito hindi nito magagawang makipaglandian sa iba, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil parte ito ng plano ko.Ang plano kong mahulog ang loob sa akin ni Miranda para mailayo ko ito sa kapatid ko, since she doesn't want to sign the divorce paper willingly, I will make sure na wala itong magagawa at ang pagtataksil at malakas na dahilan para mapawalang bisa ang kasal ng dalawang tao.Bigla itong nanigas nang ipinatong ko ang kamay ko sa balikat nito, isang lihim n
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14
Chapter: CHAPTER 7: Divorce Papers-=Ang's POV=-Nakauwi ako sa bahay na hindi masyadong siguro kung paano ako nakauwi ng maayos matapos kong bumati sa Mommy ko ay agad akong dumiretso sa kuwarto ko, hindi ako lumabas ng kuwarto ko kahit nga ba tinatawag na ako para sa hapunan, hindi ko alam kung anong masasabi ko kapag nagkita kami ni Miranda which is not actually a case since nalaman ko kinabukasan na late na din pala umuwi si Miranda.Maagang maaga palang ay naisipan ko nang umalis para masimulan ko na din ang pamamahala sa negosyo para sa pamilya ko, kaya naman laking gulat ni Tito Andres na maabutan ako sa opisina nito."Ang sana nagpaabiso ka, anong ginagawa mo dito?" nagtataka nitong tanong sa akin."I decided to take your offer na magtrabaho dito." ang seryoso kong sagot dito, kahit alam kong asawa na ito ni Mommy ay hindi ko pa din ito maturing na kapamilya."Well that's good, pero paano ang trabaho mo para kay Henry?" tanong nito sa akin."Well I already resigned at tinanggap na ni Henry ang resignation ko, s
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14
Chapter: CHAPTER 6: Such A Fool-=Ang's POV=-Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sundan si Miranda, basta kumilos na lang ng kusa ang mga paa ko para sundan ito, imbes na gamitin ang mga sasakyan na nasa parking lot ay minabuti nitong magtaxi na lang."Ano ba talaga intensyon mo Ang?" narinig kong tanong nang kabilang isip ko habang abala ako sa pagsunod sa Taxi na sinasakyan ni Miranda."Wala naman, siguro gusto ko lang humingi ng tawad dahil pakiramdam ko ay masyado ko siyang hinusgahan, baka maaring mahal lang talaga niya ang kapatid ko kaya sila nagpakasal." ang sagot naman ng kabilng bahagi ng isip ko and why does that thought hurt me.Nagpatuloy ang pagsunod ko sa sinasakyan nito which I think is kind of stupid dahil puwede ko naman siyang tawagan para makipagkita dito.Finally huminto ang sinasakyan nito sa isang mall sa bandang Makati at wala naman akong choice kung hindi iparada ng maayos ang sasakyan and by the time na nakapasok na ako sa loob ng mall ay nawala na sa paningin ko si Miranda dahi
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14
Chapter: CHAPTER 5: Awkward Moment-=Ang's POV=-Pakiramdam ko parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit na nararamdaman ko, pinilit kong alalahanin ang mga nangyari ngunit kapag pinipilit kong isipin kung ano nga ba iyon ay mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.Sandali kong pinikit ang mga mata ko hoping that the pain will go away ngunit siyempre hindi naman iyon ganon kadali ngunit nang ilang sandali kong pinanatag ang isip ay kahit paano ay nabawasan non ang sakit sa ulo ko, at nang magmulat ako ng mga mata ay saka ko lang napansin ang isang pitchel ng tubig and to my relief meron din pain relieve sa tabi non."Thanks mom." ang namutawi sa mga labi ko, I'm pretty sure na ang mommy ko ang naghanda ng gamot sa akin, I can always rely on her.Ilang sandali pa ang hinintay ko bago tuluyang napawi ang nararamdaman ko sa ulo ko.At habang unti-unting nawawala ang sakit sa ulo ko ay saka naman bumabalik sa akin ang mga nangyari kahapon hanggang gabi."I kissed her." ang biglang pumasok sa isip ko, at imbes
Terakhir Diperbarui: 2025-05-14