Share

CHAPTER 4: A Threat

-=Jayden's Point of View=-

I don't know what I've gotten myself into, kung hindi ko lang sinunod ang payo ng kaibigan ko na magrelax muna daw ako since two days pa naman ang flight ko papuntang Macau ay wala ako ngayon sa sitwasyon na ito and I'll be damned who would have thought na ang babaeng iyon ay makakayang gawin ang bagay na ito, I mean for crying out loud ako lang naman si Jayden Andrada people are afraid of me not just because of power I have because of my status but also because of my personality at hindi ako makapaniwalang ang katulad lang ng babaeng iyon ang makakagawa sa akin.

To be honest nagulat na lang talaga ako ng may biglang lumapit sa akin na waiter sa bar na pag-aari ng kaibigan ko at mas nagulat ako nang may inabot ito sa aking baso ng alak and I was about to tell him to back off nang tinuro sa akin ang nagpabigay umano nito and oh man bigla akong parang nahipnotismo nang makita ko ang naturang dalaga, pretty is such a lame adjective to describe her, gorgeous would be more fitting for a woman like herself at hindi kataka taka na nilapitan ko ito at nakipagkilala and I thought everything is going smoothly hanggang makarating kami sa kotse at aaminin ko talagang tinamaan ako dito lalo na't matikman ko ang mapupula nitong mga labi and the impact really surprises me, ngunit naputol iyon ng sinabi nitong nauuhaw daw ito, well ako din naman nauhaw pero hindi sa tubig kung hindi sa mga labi nito ngunit wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan ang paglabas nito at pagbalik sa restaurant, nang inabot nito ang bote ng tubig sa akin ay sandali akong napaisip pero dahil na din sa kagustuhan kong ipagpatuloy ang naudlot sa amin ay inisang lagok ko iyon which is really a big mistake in my part and the reason why I'm here in this dilemna.

"Melchora Crisostomo." pilit kong inaalala ang pangalan na iyon ngunit kahit anong isip ko ay wala talaga akong maalalang may ganoong pangalan. "Hindi kaya si Amanda?" bigla kong naisip, si Amanda, si Amanda ay nakilala ko sa isang bar halos isang buwan na ang nakakalipas at kung hindi ako nagkakamali ay isa itong model kaya naisip kong baka si Amanda ang tinutukoy ng babaeng nagkidnap sa akin pero ang alam ko ay naging maayos ang paghihiwalay namin dahil simula't sapul pa naman ay sinabi ko na kung anong meron kami, we enjoyed each company while it last at sa pagkakatanda ko ay naging maayos naman ang paghihiwalay namin kaya't bakit ngayon ay sinisisi ako ng kapatid nito na niloko ko daw ang kapatid nito.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng sikmura dahil hindi pa naman ako kumakain ng maayos simula kagabi at parang nananadya talaga ang babaeng nagkidnap sa akin ng hindi ako nito pinuntahan sa kuwarto kaya naman nakatulog ako ng gabing iyon na kumakalam ang tiyan which is a first for me dahil never ko pang naexperience magutom and to be honest it's not a good feeling.

Kaya naman agad akong nagising nang marinig ko ang pagbukas ng pinto that's when I realized na umaga na pala which means na kailangan kailangan ko na talagang umalis dahil bandang hapon ang flight ko at bandang gabi naman sa Macau ang business meeting ko na hindi ko maaring mamiss.

"Good morning, mabuti naman at gising ka na." ang nakangiti nitong sinabi sa akin na para bang bisita ang turing nito sa akin, pero kahit nagagalit ako dito ay hindi ko pa din maiwasang hindi maapektuhan ng mga ngiting iyon at dahil sa pagtingin ko sa mga labi nito ay muli na namang nagbalik sa akin ang nangyari sa amin sa kotse and I can feel my rod reacting because of that thought that I immediately dismissed since I need to have a clear mind to get some reasons in her thick skull.

"I think we need to talk." ang sinabi ko dito ngunit sa frustration ko ay umiling ito at nanatili lang na nakangiti sa akin.

"Later but first alam kong gutom ka na kaya kumain ka na muna." ang sinabi nito sa akin at muli ko na namang naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko sa sinabi nito lalo na't naamoy ko na ang hinanda nito which is foreign to me.

"What are these?" hindi ko maiwasang hindi itanong dahil sa totoo lang ngayon lang ako nakakita ng ganitong almusal since simula pagkabata ko ang almusal sa amin ay pancakes, sausage, sunny side up eggs or scrambled eggs, bacons, kaya naman hindi ko alam ang hinanda nito.

"My goodness hindi mo ba alam ang danggit sa Cebu?" hindi naman nito makapaniwalang tanong.

"I've heard of it pero hindi ko pa natatry dahil feeling ko ay hindi masarap." pagdepensa ko, ako kasi ang klase ng taon na hindi basta basta kakain hangga't hindi ko alam ang pagkain.

"Paano mo malalaman na hindi masarap kung hindi mo titikman." ang natatawa nitong sinabi, pumuwesto na ito sa bandang ulunan ko tilting my head a little para hindi naman ako masamid.

To be honest nagulat ako ng makita itong walang suot na make up at simpleng pambahay lang ang suot, she looks so fresh and young malayong malayo sa sophisticated na babaeng nakilala ko noong isang araw and I preferred her like this.

"Ano bang pinagsasabi mo Jayden, tandaan mo kinidnap ka ng babaeng ito." ang nasa isip ko kung hindi lang nakaposas ang dalawang kamay ko ay nabatukan ko na ang sarili ko sa pag-iisip ng ganoon, hindi ko mapigilang hindi titigan ang maamong mukha nito na halatang naiilang sa pagtitig ko kaya naman nagulat ako ng bigla itong tumayo at lumabas, which made me wonder kung may nagawa na naman ba akong kasalanan ngunit sandali lang iyon at agad din itong bumalik ng kuwarto at nagulat na lang ako ng lumapit ito sa nakatali kong mga paa at matapos akong pakawalan doon ay sinunod naman nito ang posas sa kanang kamay ko at mabilis itong lumayo sa akin.

"Uhmmm may namiss kang isa." ang sinabi ko looking at the handcuff in my left hand.

"Hindi ko talaga tatanggalin yan." ang sinabi nito na hindi makatingin ng diretso sa akin.

"What do you mean? Akala ko papalayain mo na ako." naguguluhan kong tanong dito, dahil buong akala ko kaya nito kinalas ang tali sa paa ko at tinanggal ang posas sa kamay ko ay dahil papalayain na ako nito.

"Tinanggal ko ang posas sa kamay mo para ikaw na ang magpakain sa sarili mo." iyon lang at agad na itong lumabas ng kuwarto.

"Wait kailangan ko nang umalis dito, may flight ako sa Macau!" ngunit kahit anong pagsigaw ko ay hindi na ito bumalik, since wala nang pumipigil sa kanang kamay ko ay sinubukan kong hatakin ang posas ngunit matibay ang pinagkakapitan non kaya nanghihina lang akong napaupo sa kama pero at least kahit paano ay makakakilos na ako.

Dahil sa gutom ay naubos ko ang dinala nitong almusal which suprisingly good, I should take note to have this meal in morning diet.

Lumipas ang mga oras ngunit hindi na uli bumalik hanggang dumating na ang gabi at katulad ng inaasahan ay bumalik ito na dala dala ang isang tray kung saan nandoon ang hapunan ko.

"Kumain ka na muna." ang sinabi nito sa akin at halos lahat ng parte ng kuwarto ay tinitignan nito maliban sa akin at naging maingat ito na lumapit sa akin dahil marahil iniisip nito na kapag naabot ko siya ay baka kung ano ang magawa ko sa kanya, well I definitely want to do something but that something is far from what she's thinking.

"Do you know what you just did?" mahinahon ang pagkakasabi kong iyon pero sa mga taong nakakakilala sa akin alam nilang mas mapanganib ako kapag ganoon ang boses ko sa isang bagay na hindi naging pabor sa akin.

"A...anong ibig mong sabihin?" nangangatal ang boses nito nang tinanong nito iyon sa akin.

"You made me lose a multi million dollar account because of this, and I will make sure that you will pay for this." ang sinabi ko dito at sakto naman na napatingin ito ng diretso sa mga mata ko kaya naman nakita ko ang pangamba sa mga mata nito na pilit nitong tinago at kahit nanginginig ang boses ay nagawa pa nitong magsalita which I admired dahil mangilan ngilan lang ang mga taong kayang titigan ako sa mga mata matapos marinig akong magsalita.

"Ikaw ang dapat magbayad sa ginawa mo sa Ate ko." agad nitong binaba ang tray ng pagkain sa bandang maabot ko at agad na itong lumabas ng kuwarto.

Isang mahabang buntung hininga ang lumabas sa mga labi ko dahil sa frustration, sobrang importante ng business meeting kong iyon na matagal kong trinabaho ngunit dahil sa babaeng iyon ay tuluyan nang nawala ang account na halos isang taon kong pinaghirapan.

The threat that I told her is not an empty threat sisiguraduhin kong magbabayad ang babaeng iyon sa perwisyong ginawa niya sa akin, isang bagay na hindi niya gugustuhin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status