“DID WE HEAR IT RIGHT? You two are getting married? Because the last time we talked, gusto ninyong ipa-annul ninyo ang kasal ninyo?” Gulat na tanong ni Facundo kina Catherine at Andy nang bisitahin nilang mag-asawa ang mga ito sa bahay. “Yes, Papa, you heard it right. Loud and clear, we are getting married, again. This time church wedding na,” masayang balita ni Andy sa kanilang mag-asawa. “Omy God!”Bulalas ni Ana, niyakap sila nitong dalawa, “I’m glad, finally hindi na kayo maghihiwalay.” Tinapik ni Facundo ang balikat ni Andy saka niyakap ito ng mahigpit. “I’m am so happy for you. Mabuti naman natauhan ka na.” Sabi niya rito saka yumakap rin kay Catherine, “Iha, salamat naman at napatino mo rin itong isang ito,” pabirong sabi niya rito. Natawa ang dalawa sa kanya.` “But seriously, yan talaga ang gusto naming mangyari sa inyo. Ang makitang nagkakasundo kayo at nagmamahalan.” “Naku, at sa kabila ng lahat, naging ma
“NOOO!!!” Ang lakas ng tili ng ina ni Alexa nang malamang kailangang putulin ang isang binti ng anak. “Tita,” Nakikisimpatyang sabi ni Andy. Hindi niya maimagine kung ano ang gagawin ni Alexa kapag nagising itong wala na ang isang binti nito. Alam niya kung gaano kamahal ni Alexa ang pagmomodelo. Besides, napakabanidosa nito kaya mahihirapan itong matanggap ang pangyayari. Ngunit ang sabi ng doctor ay iyon lamang daw ang tanging paraan. Kailangang putulin ang binti nito. Gusto sana niyang sabihin sa matanda na isipin na lamang nitong swerte pa rin si Alexa dahil nakaligtas ito sa panganib dahil trak ang sumalpok sa kotse nito.Ngunit alam niyang hindi makakatulong kung sabihin pa niya iyon kaya nagsawalang kibo na lamang siya. Humahangos na dumating si Justin. “What happened?” Puno ng pag-aalala sa mukhang tanong nito. Malungkot na tinapik niya sa balikat ang kapatid, “Sumalpok sa trak ang minamanehong kotse ni Alexa.
“SORRY SA MGA SINABI saiyo ni Alexa,” sabi ni Andy kay Catherine. Pagkagaling nila sa ospital ay dumiretso sila sa pizza house para kumain ng paborito nilang Hawaiian pizza. Nagkibit siya ng balikat, “Sanay na ko sa kanya. Pero knowing me, hindi ko pa rin napigilang pangaralan siya! But deep inside, awing-awa ako sa kanya. Alam ko kasi kung gano kahalaga sa kanya ang self image.” Ginagap ni Andy ang isang kamay niya, “God, ngayon ko narealize kung gaano ako ka-swerte saiyo. Nuon, naiinis ako sa pagiging natural mo. Iyong lumalabas ka ng bahay kahit hindi ka nakaayos. Pero ‘yan din ang minahal ko saiyo. Iyang pagiging totoo mo. At napakaswerte ko saiyo!” “Dahil mabait ako?” “Dahil low maintenance ka lang. At least hindi magastos!” Nakatawang sabi nito sa kanya. Napangiwi siya, “Talaga lang ha?” “But seriously, I am so lucky to have you. Mas lalo kang gumaganda dahil hindi mo kailangang maging fake just to
KUMPLETO ang buong pamilya ni Facundo para sa dinner na ipina-set up niya. Tiniyak niyang magugustuhan ng mga anak niya ang mga pagkain kung kaya’t kinuha pa niya ang pinakasikat na catering service para sa araw na iyon. Nagulat siya nang dumating si Justin kasama ang isang napakagandang babae na ipinakilala nito sa kanya na si Elizabeth. Napansin kaagad niya ang kakaibang kislap ng mga mata ni Justin. Pakiramdam niya ay unti-unti na nitong nakakalimutan si Alexa. Wala siyang ibang hangad kundi makitang masama ang bawat isa sa kanyang mga anak at sa tingin naman niya ay unti-unti nang nabibigyang katuparan ang lahat ng iyon. Nilingon niya sina Andy at Catherine na masayang nakikipaglaro sa kanyang apo. May ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Parang kalian lang ay mukhang aso’t pusa ang mga ito ngunit ngayon, halos hindi na maghiwalay. Tama siya. Unang kita pa lamang niya kay Catherine, alam na niyang sa pilin
HALOS mapaiyak si Andy habang nakatitig kay Catherine na naglalakad patungo sa altar kung saan ay naghihintay siya. Ang kapatid niyang si Justin ang naghahatid dito samantalang ang kakambal naman niyang si Anthony ang bestman niya. Nilingon niya ang ama na halatang walang pagsidlan ng kaligayahan habang nasasaksihan ang napakahalagang pangyayari na ito sa buhay niya. Nakita rin niyang umiiyak ang Mama niya. Kagabi ay halos hindi sila maghiwalay ng mga magulang sa walang sawa niyang pagpapasalamat sa mga ito. Oo nga at hindi niya biological parents ang mga ito ay alam niyang itunuring sila nitong parang isang tunay na anak. Kaya nga laking gulat niya nang malamang ampon lamang pala sila ni Anthony. Ni minsan kasi ay never siyang nagkaroon ng hint na hindi sila kadugo ng mga ito. Ngayon lamang niya narealize kung gaano siya kabless. Bagama’t hindi niya nakilala ang tunay nilang mga magulang, mapalad siyang pinagkalooban ng mga taong magmamahal sa kanila.
“WHAT?” Napabalikwas mula sa kanyang kinauupuan si Catherine nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng ama, “You want me to marry this guy?” Aniyang tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaking nuon lamang niya nakita sa tanang buhay niya. In fairness, guwapo ang lalaki. Matipuno ang pangangatawan, matangkad at may pagka-tsinito. Mistula itong isang bida sa mga koreanovela na kinahihiligan niya. Pero sa pormahan nito, alam niyang hindi ito straight. Hundred percent sure siyang may itinatago itong lansa sa katawan lalo na nang nahuli niyang inirapan siya nito at pinagtaasan ng isang kilay. Palihim siyang napangiti. Siya pa ba? Matalas ang pang-amoy niya pagdating sa mga ganitong bagay. “Dad, this is crazy!” Naiiling na sabi niya.&nbs
PARA ng maiiyak si Anthony habang hinihintay lumabas ang mag-ama. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito pero umaasa siyang hindi sana pumayag ang anak nitong makasal sa kanya. Hindi niya maintindihan ang Papa niya kung bakit siya nito pinipilit na mag-asawa eh lalaki nga ang type niya? Maluha-luhang tinawagan niya ang kanyang kakambal na si Andy, “I can’t believe this, Andy. Ano ang akala sakin ni Papa? Isang burger na pwedeng ipalafang kahit na kanino?” Dinukot niya ang kanyang pamaypay mula sa dala niyang bag, “This is so stressful. My gosh, Andy, I can’t imagine myself with a woman!” Napapabilis ang paypay niya, para siyang masusuka habang iniisip ang kasalang senet-up ng Papa niya at ng kaibigan nito.&nb
I’M so sorry Papa, but I can’t marry someone I don’t love. Alam mo naman sa umpisa pa lang kung ano talaga ang pagkatao ko, hindi ba? Kung ikinahihiya mo ang isang kagaya ko, magpapakalayo-layo na lang ako. Promise, hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng pangalan mo. Someday, you’ll be proud of me. Pero sa ngayon, hayaan nyo na lang muna ako sa buhay na gusto ko. I am really sorry. I love you. Mahal na mahal ko kayo ni Mama at ni Andy. Nagtangis ang mga bagang ni Facundo. Sa lahat ng ayaw niya ay ang napapahiya siya. Hindi siya maaring sumira sa kanyang naipangako. Mahalaga para sa kanya ang word of honor lalo na para sa kapatiran. Kailangang matuloy ang pag-iisang dibdib ng mga anak nila ng kaibigan niyang si Ariel or else masisira s