Share

Chapter Five : On Call

[Fia's POV]

I USED to be a spoiled baby girl of my father. Noon yun, nung sila pa ni mommy. But when my father left us for another woman ay natutunan ko rin ang magpahalaga sa mga bagay-bagay. I've witnessed kung paano naging napakahirap ng sitwasyon namin nun. My mom never accepted anything from my father matapos nilang maghiwalay. Even my trust fund, which my father intentionally secured for my future ay hindi ginalaw ni mommy. Ganun siya ka ma-pride.

And looking back of what we've become, masasabi kong ang nanay ko talaga ang pinakaulirang ina sa lahat ng mga nanay. I'm so proud of my mom dahil nakuha niyang itaguyod ang pamumuhay namin sa sariling lang niyang pagsisikap.

Siguro, ang drawback lang ng nanay ko ay nung tuluyan narin niyang pinaputol ang komunikasyon namin ni daddy. Galit na galit si daddy nun dahil hindi hinahayaan ni mommy na makausap niya ako ni personal o sa phone. Galit na galit din ako sa daddy ko nun. Pero gusto ko siyang maka-usap at tanungin kung bakit niya iyon nagawa sa amin. Kung bakit niya ipinagpalit ang mommy ko. I felt so betrayed. Akala ko masaya kaming pamilya. Pero akala ko lang pala yun.

My mom would never let me talk to my dad dahil sabi niya, mas lalo lang daw akong masasaktan. Hindi ko pa iyon matanggap noon pero kalaunan ay nakuha ko naring maintindihan ang lahat. Noong lubos na akong nagka-isip. Naitanong ko sa sarili ko. Sino nga ba namang matinong lalaki ang mambabae?

We've both moved-on, pero minsan, ang dami ko paring mga tanong na hindi ko pa nahahanapan ng sagot. And up until now, I couldn't ask my father, kasi, ayaw kong saktan ang nanay ko.

Napahinga ako ng malalim. May kirot parin habang tinititigan ko ang masaya naming litrato. Nakaupong magkatabi si mommy at daddy habang kandung-kandong naman ako ni daddy. Ang lawak ng ngiti nila pareho. Makikita mong pareho silang masaya. Na mahal na mahal nila ang isat-isa.

Mapait akong napangiti. Six years old ako dito. Kuha sa patio ng dati naming bahay itong litrato. Bahay na katabi ng mga Montero. Kung saan ko naman nakilala si Elijah nun.

I flipped the next page of the album.

Hi Maria Ferrofia Carmina,

I know how you liked that pink dino. I saw you staring at it when we went to the mall last Sunday after church. I bought it last Saturday but Mikho took it before I could give it to you. I'm sorry. Hope you like this cute little pink pony though.

Elijah :)

I felt my eyes moist habang bahagya kong pinadaan ang mga daliri ko sa cute na cute niyang hand writing. I smiled bittersweetly. Pangit pa ang sulat kamay niya dito because he was like seven years old ng sinulat niya 'tong letter. This was the very first letter that I got from him. Elj was so thoughtful back then that I got to receive numbers of letters and gifts from him kahit wala namang okasyon.

I couldn't read more of his letters kaya tiniklop ko na ang album. Ang sikip sikip na naman sa dibdib. Ang saklap saklap ng sitwasyon ko ngayon. I have no choice but to work under Elijah's jerk of a brother. I wanted to see Elj so badly pero pakiramdam ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa nangyari sa amin ni Kayden.

Tumayo na ako at niligpit ang lumang photo album. Pinatapon na ito ni mommy bago kami lumipad ng States pero hindi ko ginawa. Sadya ko 'tong tinago dito sa kwarto ko.

Itong bahay na tinitirhan ko ngayon. Dito kami lumipat ni mommy nung naghahanda siya para sa mga papers namin papunta ng New Jersey. Halos isang taon rin kaming tumira dito. Bungalow type lang 'to. May dalawang kwarto at isang banyo. Binili ito ni mommy noon mula sa mag-asawang sa US narin naninirahan ngayon.

Hindi narin ako magtataka na natunton agad ito ni Kayden nang puntahan niya ako dito noong isang araw dahil minsan narin silang nakapunta dito ng pamilya niya. Noong papa-alis kami ni mommy papuntang States. Malamang si mommy rin ang nag timbre sa kanyang dito ako makikita. Wala naman na kasi ang mga kamag-anak ni mommy dito sa Pinas. Nasa ibat-ibang sulok sila ng mundo.

Bago ako umuwi dito ay pinabilinan ko na ang nagbabantay na kapitbahay namin na uuwi ako. Sila kasi ang kasalukuyang nagmi-maintain at nangangalaga ng bahay. Nagko-communicate lang sila ni mommy if may mga sira or may kailangang ipaayos.

After few minutes of recollection ay nagdesisyon narin akong humiga. Sana naman makatulog ako. Kayden told me that he will need to have my phone with me at all times. I'm in on call mode daw.

Take note. ON CALL. Dinaig ko pa ang personal driver. Kapal talaga ng mukha niya.

I grabbed my phone from the side table. Baka wala sa oras na tawagan ako nun habang natutulog ako. I was about to press the off button ng bigla iyong mag-ring.

I almost throw my phone when I saw the registered caller. Asshole K.

"Ugh!!!!Kapal ng mukhang tawagan ako ng des oras ng gabi!" I said to myself at inilapag muli ang phone sa side table, hininaan ko ang volume. Bahala siya. Siguro naman pwedeng magpalusot na I had a good night sleep at hindi ko napansin ang tawag niya.

But to my dismay, my phone kept on ringing. Talagang wala siyang planong tantanan ako. Gigil na inabot ko ang phone at sinagot.

"What?!" ratsada ko agad. "Hindi mo ba alam kong anong oras na?!"

"Sino ba ang boss dito?" he asked sarcastically. "I told you to have your phone with you at all times. Now get up. Ayokong ma late bukas. Grab a few pair of clothes that's good for a week. We're heading to La Union. Bilisan mo. I'll be there in a few." Then the line went off.

"Ughhhhh!" Gigil ko na tinapon ang phone ko sa bed. God, La Union? For a week? What the hell are we going to do in that place?

Naiiyak ko na nasapo ang ulo ko. Labag na labag sa dibdib ko ang mag-empake pero ginawa ko parin. Dahil wala akong choice. Dahil sa pesteng video. At higit sa lahat, dahil demonyo ang kapatid ng lalaking mahal ko.

Wala pa sigurong sampung minuto ay nakarinig na ako ng tatlong magkakasunod na doorbell. Mukhang sinadya pa ng walang hiyang pagmadaliin ako ng bonggang bongga. Ni hindi pa ako nakakapagbihis.

Tumawag na naman siya sa phone pero hindi ko na sinagot. I wore the first thing that I saw from the group of clothes na inilabas ko. A loose black mickey mouse hoodie jacket and a cotton shorts. Ni hindi ko na natitigan ang mukha ko sa salamin. Nagtatakbo na akong lumabas bitbit ang tote bag ko dahil binahaan na naman niya ako ng doorbell. He's even too inconsiderate of my sleeping neighboors. Bastos talaga.

NAPANOOD ko sa youtube na kapag tipong galit na galit kana magbilang ka daw ng hanggang sampu tapos huminga ng malalim. Pero nakatatlong bilang na ako hindi parin humuhupa ang galit ko. Pinagmadali niya ako tapos paghihintayin rin pala niya ako para lang manigarilyo? Pasuin ko yang nguso niya eh.

Kayden lazily gazed at me habang humihithit. Kagaya ko ay nakasuot rin siya ng black hoodie jacket. He paired that up with a khaki shorts and a nike slippers.

"What are you staring at? Get inside," he said and threw the cigarette butt.

Medyo umaambon at malamig ang hangin kaya siguro siya nanigarilyo. Pero ayaw na ayaw ko talaga sa lalaking naninigarilyo. Can't anyone take care of their lungs? Iisang pares na ngalang ang baga natin aabusuhin pa. I wonder kung alam ng parents ni Kayden itong pinaggagawa niya. I'm sure si Elijah wala iyong kabisyo-bisyo. Good boy iyon eh.

Sinikmatan ko muna siya saka ako nagdadabog na pumasok sa nakakaloka niyang pick-up. Sosyal. Ford F-250 Super Duty Platinum lang naman ang dala niya. This is one of the most expensive Ford trucks. I knew because I'm working in a automobile company. Bukod sa mabisyo, maluho rin pala ang isang 'to.

I settled at the backseat kasi plano kong matulog. At isa pa, ayaw ko talaga siyang makatabi. Inilagay ko na ang tote bag ko sa gilid ng biglang bumukas ang pinto.

"Lumipat ka sa unahan. Gusto mo bang ikaw ang ipagdrive ko? I'm not your driver, Fia." Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok ng sinabi niya ang pangalan ko. It sounded so odd this time.

Himala yata at mukhang wala sa mood ang lalaking 'to? Suplado!Pektusan ko 'to eh. Hmp.

Nauna nang pumasok si Kayden sa driver's seat. Wala narin akong nagawa kundi lumipat sa passenger. After all, I'm too sleepy. Bukas ko nalang siya raratsadahan ng tanong.

"Fasten up," he ordered before stepping on the gas.

Mabilis ko namang ikinabit ang seatbelt ko. Saka ni-recline ko narin ang upuan ko para makapuwesto ako ng maayos. I turned my back against him, put on my earphones, and decided to listen to my favorite acoustic music. Sinubukan kong matulog pero sobrang curious talaga ako kung anong gagawin namin kaya dahan-dahan kong piniling ang ulo ko para tingnan si Kayden.

Tutok na tutok ang mata niya sa kalsada. Hindi ako sanay sa aura niyang ganito. May tinatago rin palang kaseryosohan sa katawan ang lalaking 'to? Bahagya akong napalunok. Kayden does really have an attractive face. Akmang-akma sa tsinito niyang mga mata ang tangos ng ilong niya. He even have a cleft chin that seemed to complement his chiseled face. Medyo magka-mukha sila ni Elijah. But Elijah doesn't have the cleft chin.

Bakit ngaba hindi ko napansin ang pagkakaiba nila ng gabing 'yon?

"Kanina mo pa ako tinitingnan. Baka matunaw na ako niyan," his lips curled into a sneer.

Gosh! He caught me staring at him! Napakagat labi ako at agad na napatingin sa unahan.

"Hindi no! Sa daan ako nakatingin. Gwapong gwapo ka naman sa sarili mo," I said on my defense. "Bi-nasa mo na ba yung terms?" I asked, trying to get away with the topic.

"Not yet. I was busy."

Umahon na muli ang inis ko. "Busy? Pero sa pakikipaglandian hindi?"

He chuckled. "I was really busy the entire afternoon. Nakalimutan ko."

"Nakalimutan daw pero bilis makalandi," I muttered.

"Nagseselos ka ba? " he retorted.

"Selos? Excuse me, bakit naman ako magseselos? "Hindi kita pag-i-interesan no! Hindi kita type!" Humaba yata ng ilang milya ang kilay ko. Conceited natu!

He roared into laughter." 'Di mo ako type? 'Di nga? Lagkit ng tingin mo sa'kin. Kanina ko pa napapansin."

Sandali lang pala ang sineryoso ng walang hiyang 'to. Sarap na namang niyang sakalin.

"Nanaginip ka ba ng gising Kayden? Assuming ka! Tsaka, hello? Pa'no ko magugustuhan ang isang jerk, antipatiko, arogante, feeling gwapong gwapo sa sarili, manyakis, at babaerong katulad mo?"

"Manyakis at babaero?"

"Oo, manyakis at babaero ka." I rolled my eyes at him.

Kayden peeped at me and gave me a twisted smile.

"Keep your eyes on the road. Wala akong planong mamatay kasama ka," I said and he roared into laughter again. Gusto ko na siyang pektusan. Nakakairita yung tawa niya.

"Pa'no mo naman nasabing manyakis at babaero ako? Have you been reading about me?"

Few gossip articles I've read from the internet confirmed. There were even photos of him with different women. As in magkakaibang babae yata buwan buwan kung hindi ako nagkakamali. Pero syempre hindi ko aamining ini-stalk ko na siya.

"Kahit hindi na ako magbasa ng tsismis tungkol sa'yo alam ko na. Mukha mo palang kasi manyakis at babaero na."

"Don't you think that's a bit offhand?" he asked, eyes on the road now.

"A bit off hand?" Napaarko ang kilay ko at bahagyang napabaling sa kanya. "Bakit, natamaan ka? Hindi ba, you only use women to your advantage? And you only use women to satisfy your greedy flesh?"

"I have never used any woman. Having to satisfy anyone's flesh connotes a mutual understanding. Those women came to me to ask for it. Hindi ko sila pinilit," he said and gazed at me. His eyes looked less humorless. Nasagasaan ko yata ang ego. Buti nga. Hmmp!

It felt awkward kaya tumuwid ako ng upo at napatitig sa daan saka muli siya kinontra. "Ganyan kayong mga lalaki, mga manggagamit. Sex lang naman ang gusto ninyo. Tsaka hindi kayo marunong makontento sa isang babae."

That includes you and my father and all the other guys. Hindi makontento sa isa. Except for Elijah.

"You women, call us men when you need to scratch your itch and vice versa. Let's not be hypocrite, Fia. Nobody can scratch any woman's sexual greed except us man. Sex is anybody's need regardless of any gender. Hindi lang ang mga lalaki ang may gusto ng sex kundi kayo ring mga babae. Babies are born because wives permit their husbands to f*ck them. And it's not every man's fault na hindi makuntento ang ibang mga lalaki sa isa. Ibat iba ang mga lalaki kaya huwag mong lahatin. Same us you women. Not all of you are ideally loyal. Hindi rin makuntento sa isa ang iba sa inyo. Your principle applies to anyone, babe. Hindi lang sa aming mga lalaki."

Wow? Coming from this jerk huh?Ironic.

"Yeah hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki. Sadya lang talagang napabilang ka sa mga lalaking hindi makuntento sa isa."

"Sadya lang talaga akong mapagbigay. I'm too generous to turn down any woman." Bumalik na muli sa mapanglokong tono ang boses niya.

"Bilib na bilib ka talaga sa sarili mo, 'no? 'Di ko abot kakapalan ng mukha mo, grabe."

"Aminin mo na kasing gwapong-gwapo ka sa'kin. Dinadaan daan mo lang sa galit eh," he teased.

"Wow? Like I told you. Hinding hindi ako mag-kakagusto sayo. You're too full of yourself. And I would never--"

Bigla akong natigilan when he abruptly made a halt in the middle of the road.

Takang napabaling ako sa kanya. "What the hell do you think you're doing?"

"Ssshhh...." Kayden said, his eyes were already into mine, conveying a stern emotion.

Hindi ko alam kung bakit para akong tinulos sa pagkaka-upo ko. I was caught off guard but I couldn't turn my eyes away from him. God, I don't want to admit but his chinky eyes were adoringly lovely.

Biglang nanuyo ang lalamuan ko ng lumipat ang mga mata niya sa labi ko.I unconsciously wet my lips. A-ano bang plano ng lalaking 'to? Have I pushed him too hard?

I opened my mouth to say something but I felt like my tongue had been tied up into a knot when he leaned closer towards me. His all too familiar scent automatically invaded my nostril. Walang sabing nagsitaasan ang mga balahibo ko sa batok. My stomach unknowingly turned into frenzy. I shut my eyes and I felt him move an inch closer. I could almost feel the hotness of his breath against mine.

What happened Fia? You can't let this jerk kiss you!

Then, I suddenly felt his fingers brush the side of my lips.

"Laway mo, babe, tumutulo na."

Bigla akong napabalik sa huwisyo ng marinig ang sinabi Kayden. Mangiyak ngiyak kong hinampas ang kamay niya. He had played me for a fool again!

"F*ck you!"I yelled, trying to keep my tears from falling.

But the jerk just gave me his evil laugh. "Not on the road babe baka mabitin ka."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status