Share

Chapter Six: Shoot

[ Fia's POV]

"WAKE up, sleepyhead. It's time to work," I groaned when I felt a hot breath fanned against my ear. I sleepily moved and blinked my eyes. My voice was caught up inside my throat when I realized that Kayden's face was almost an inches away from my face. He was wearing a smirk, his eyes masking a whimsical look. Agad akong napabalikwas ng bangon at malakas siyang naitulak.

"Anong ginagawa mo?!" I hissed as my heart unknowingly starts to beat in haywire. I felt my cheeks flush ng bigla kong maalala ang kahayupang ginawa niya kagabi.

Ugh. Why did I ever let him do that?

You were only caught off guard, equipped my friendly conscience.

Oo nga. Nabigla lang ako. Never in the world would I let this jerk kiss me. Si Elj lang. Only Elj.

"Napanaginipan mo ba ako? Mukhang tulala ka parin hanggang ngayon," he said, his eyes were again playfully taunting me.

Napasimangot ako, inilayo ang tingin sa kanya. Ugh, but I just couldn't meet his eyes after last night. Naiinis ako sa sarili ko. "Kung napanaginipan man kita, malamang binangungot na ako at hindi na nagising," sabi ko pero ang walang hiya, tinawanan lang ako.

Humugot ako ng malalim na hininga. Pilit kinalma ang sarili pero muli ay nagsalita na naman siya.

"Tulo laway ka pala kapag natutulog, babe."

Pigil na pigil ko na namang masapak siya ng kung anumang bagay. I don't have the strength na patulan siya ngayong kay aga-aga pero laking gulat ko ng may inabot siyang tissue box sa harap ko.

"May panis ka pang laway," he mocked.

Naningkit agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Gigil kong hinaplot ang tissue box at ibinato sa mukha niya. Mintis. Sa bintana sa likod niya iyon tumama. "Walang hiya ka talaga!" nangingig kong sigaw.I wished I was strong enough to strangle his neck para hindi na siya makahinga.

"You have a feisty temper in the morning. Pareho kayo ni mommy," he remarked habang tawa parin ng tawa, and put back the tissue box on top of the dashboard na para bang walang nangyari.

I gave him a scowl. "Ano ba talagang gagawin natin dito? Akala ko ba magtatrabaho ako bilang secretary mo?"

"That's right, Fia. And you will start today," he said and took something from the backseat. A huge bowling bag.

Napasalubong ang kilay ko. "Anong gagawin ko?"

"Taga-bitbit ng gamit at taga-templa ng kape." Ngumisi siya. "Taga masahe na rin." Inilapag niya ang bag sa mga hita ko."Be careful with that. Mahal pa 'yan sa buhay mo."

He was already out in a snap bago pa ako makaratsada sa kanya. May mga gamit at bags pa siyang kinuha sa likod ng pick-up.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. I'm here with him on purpose. I won't stop until I will have my camera back. Kung iniisip niyang makakaisa siya sa akin dahil sa pang aasar niya, nagkakamali siya.

With sheer determination I carried his bag na may laman yatang limpak-limpak na bato sa bigat.

Ugh. Kapag ako nakaganti. Paglalakarin ko talaga siyang nakaluhod hanggang sa mapudpod ang tuhod niya.

Humanda siya!

I HAVE no idea that Kayden was going to film scenes for his independent movie in this desserted beach.Walang katao-katao at mga kabahayan. Tanging mga puno ng niyog at ilang mangroves lang ang makikita sa beach front. Buti nalang mamuti-muti ang kulay ng buhangin kaya medyo nabuhayan ako ng dugo. Medyo nakakamiss rin kasi ang mga beach dito sa Pilipinas.

Simula nang umandar ang shoot ay hindi pa ako nakakalapit sa kanya. Masyado siyang seryoso. He was barking orders here and there. Tutok na tutok siya sa monitor ng camcorder, maya't mayang kinakausap ang mga artista niya at maya't maya rin niyang inuutusan ang kung sino-sinong nakapalibot na mga tao sa set.

Medyo naloka ako ng bahagya. I have never seen this side of him before. Dati kasi noong nagbinata na siya, lagi, kapag naabutan ko siya sa bahay nila kasama niya ang mga kabanda niya ay nakikipag-asaran lang siya. Lagi pa nga akong subject ng pang-aasar niya kahit nandoon ang mga kabanda niya. Si Bleeze na pinsan niya ang bukod tanging sumasaway sa kanya kapag ka nasosobrahan na siya lalo pa 'pag wala si Elijah.

"Direk, start na po ba tayo?" that's what I overheard from one of the crew kanina.

Akalain mo? Totoo nga palang gumagawa siya ng pelikula aside sa iba pa niyang talent?

Medyo lumayo ako ng bahagya sa set at naki-silong dito sa puno ng niyog kasi sobrang init. Mukhang hindi naman ako pansin ni Kayden kanina pa, na lubos ko namang ipinagpasalamat.

There were also people around the set na naglilipot at nagbibigay ng tubig at sandwiches. I had taken mine earlier kasi tumunog na ang tiyan ko. Kayden had never eaten anything since the shoot had started. Tubig lang ang ininom niya.

Sobrang pawis na pawis narin siya kanina pa. I had seen him took off his sweater. He had a white t-shirt inside but the t-shirt didn't give enough justice to his lean and firm muscles underneath. I even saw how the women around the set, dropped their jaw when he changed that white shirt. And it was also the first time that I took notice of his tattoo. May tattoo siya sa bandang likuran. It seems like words written in cursive form pero hindi ko mabasa. Pagkatapos niyang magbihis ay naglagay rin siya ng kulay pulang bandana sa ulo niya. Siguro, ay para hindi na tuluyang pumunta ang pawis niya sa mukha.

I just rolled my eyes ng makitang laway na laway na ang mga babaeng nakapaligid sa kanya. Napansin ko rin iyong isa niyang artista. Kanina pa mukhang lumalandi sa kanya. Ang lagkit ng tingin kay Kayden at sobrang touchy pa. Kaloka.

Well, bagay sila. Parehong maharot.

And why the hell am I thinking of these things? Hot na siya kung hot pero asshole parin siya.

I shrugged my head and thought of things that would keep my mind away from him.

"Water?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. I saw a tall guy standing beside me. He's about Kayden's age. Cute at mukhang mabait. Siya lang ang bukod tanging nakita kong hindi inutusan ni Kayden. I even saw them talked alot about something. Hindi ko naman kasi sila naririnig.

Inabot ko ang bottled water at tipid siyang nginitian. "Thanks."

"You're with Kayden?" tanong niya.

"Uhm yes."

"Girlfriend?" he pried.

"No!" mabilis pa sa alas kwatrong sagot ko. Never. And that would never ever happen.

Natawa naman siya sa naging reaksiyon ko.

"Ang totoo, uhm. Secretary niya ako," sabi ko habang nakatingin sa magiging reaksiyon niya.

"Secretary? Kailan pa nagkasecretary si Kayden?" he laughed habang napailing-iling. "You doesn't look like a secretary."

Nakitawa narin ako ng bahagya. This guy seems to be nice. "Totoo, secretary talaga niya ako. Uhm ikaw? Are you part of the team?" tanong ko kahit na obvious naman na parte nga siya ng team.

"I'm Kayden's co-producer." He extended his hand. "Ericson Gomez."

I smiled and shook his hand. "Maria Ferroria Carmina Garcia. Fia nalang for short."

"You have a lengthy name," komento niyang nakangiti parin. Medyo nakaka goodvibes siyang kausap in fairness.

"Oo nga."

"Why won't you take a look of the set. I'll show you around para hindi ka naman mag-isa dito."

Wow, he seems to be really nice. Unlike that jerk. Pagkarating namin kanina diretso na agad sa set at hindi man lang ako pinakilala. Wala talagang siyang manners.Mabuti pa nga iyong ibang mga tao sa set, maya't maya akong nilalapitan at tinatanong kung okay lang ba ako, o kung nagugutom ba ako.

Nilingon ko si Kayden, to check if he was still into what he was doing pero natigilan ako ng sa direksiyon ko siya nakatingin.

His eyes bare something that I couldn't name. Parang pinapalapit niya ako sa kanya na ewan.

Hmmp bahala siya. I have not been useful to him since the shoot had started. Pwede namang i- enjoy ko ang sarili ko  with knowing people, diba?

Bumalik ang tingin ko kay Ericson, binigyan ko muli siya ng matamis kong ngiti. "Uhm sige."

[Kayden's POV]

I DON'T know if having Fia with me could do me any good at all. People at the set took notice of her the first time we came in. Guys had been simply peeking at her legs. Ni hindi man lang niya naisipang palitan iyang napakaiksi niyang pantulog na shorts. And she must have enjoyed the guys' attention too. She had been flirting with every man she came across with. Eric's with her right now at nakikipagkwentuhan, kasama pa ang ilang lalaki sa set.

"Boss, sama ng tingin natin ah. Bago niyo?"

I glared at Dino and gave him a tough look.  "Mind your own business. Tingnan mo ang lightning kung okay na."

Napakamot siya sa ulo. "Sabi ko nga po boss."

Binalik ko ang tingin ko sa monitor at sandaling tiningnan ang huling scene na nakuha namin.

It wasn't good. Siguro ay mag-e-extend pa kami ng ilang oras para makuha ko ang gusto kong timpla ng eksena. I took I sigh. I had been totally distracted.  I have never eaten anything since the shoot had started and my flirt of a secretary was having the time of her life. Hindi ko makuhang itutok ang buong atensiyon ko sa ginagawa.

I glared at her again. She was laughing, sitting in a monoblock chair next to Eric . Ni hindi niya pansing bahagya nang nakadikit ang mga binti niya kay Eric. Or was she intentionally doing that to seduce him?

I gritted my teeth. Might as well make use of her now and show her some spanking for being the little flirt woman that she was.

I  decided to call out everyone's attention. 

"Everyone! We'll take a thirty-minute break!" I tapped Dino's shoulder. "Kakain lang ako." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status