Share

Chapter One: Visitor

[Fia's POV]

"GIRLS, is there any drug that can erase a particular memory?" I said and drank my nth glass of vodka. Pareho kaming lahat na nakasalampak sa sahig ng mga kaibigan ko habang ipinangpupulutan ang chocolate at ilang tsitsirya. Hindi ko na matandaan kung nakailang baso na ako dahil dalawang bote na ng grey goose ang nakataob.

That night still haunts me, and I couldn't even get his face out of my head. That jerk, I hated him with a passion ever since when we were kids! Bakit siya pa of all people?!

"Fia, ano ba talaga ang problema?Aba, dinaig pa natin ang mga sunog baga at araw-araw tayong nag se-session ng inom dito sa bahay niyo? Hinahayaan ka lang namin dahil akala namin na -miss mo kami at trip mo lang 'to. But I could sense na may mali talaga eh," pangaral ni Alice habang nilalaro ang baso nito. "Look at you, dinaig mo pa ang namatayan?!"

"Do you know a person who owns a gun?" Hindi ko pinansin si Alice at napabaling kay Louise.

"Are you nuts? Hindi ako mamatay tao, girl. Plano mo bang magpakamatay?"

Napailing ako. "Hindi, may gusto lang akong patayin."

"Diyos ko Ferrofia, maghunos dili ka!" si Mikaela.

Tumungga muli ako ng panibagong baso at isa-isa silang tiningnan. "Alam niyo ba ang rason kung bakit ako umuwi ng Pilipinas? May ideya ba kayo?"

"Wala. Bakit ba?" tanong ni Lousie.

"Because of a guy..." mapait kong sabi.

"God, Fia don't tell me hindi ka pa nakaka-move on kay Elijah? That guy is about to get married!" shouted Alice.

"Yun na nga eh? Hindi ako maka move-on. Siya pa rin kasi eh..."

Tuluyan na akong napaluha. God, I felt even more hopeless now that I did the stupidest of the thing. Gustong gusto kong patayin ang p****k na iyon. It should have worked according to plan pero maling tao ang dinukot niya. And worst, kapatid pa ng lalaking gusto ko. Ang lalaking pinaka ayaw ko pa. Shit lang!

Bakit ba kasi hindi ko napansin?Ang tanga-tanga ko. I should have known the first time I saw him. Elijah was never canny nor playful because he was decent and formal. Even that air of arrogance and that certain hint of indecency when he spoke, it wasn't Elijah at all, but Kayden. Kayden had always been the playful one, the devil's advocate, the smooth operator, you name it, na walang ginawa noon kundi asarin ako.

God, I even gave him head for crying out loud! It was supposed to be Elijah! Pa'no ko pa gagawin ang plano ko ngayon? And how am I going to retrieve my phone and worst that camera? That carema who starred me giving head to that jerk! Who knows, kung ano na ang ginawa niya sa video?! Wala pa namang sense of chivalry sa katawan ang lalaking yun. I could think of worst scenarios already. Baka gamitin niya yun para e blackmail ako. I was supposed to use that video against Elj sana if worst comes to worst pero nabalikatad pa ang nangyari. Ngayon palang ay dapat na akong mag-isip ng paraan kung pa'no ko mababawi ang camera. Pero paano ko naman gagawin ang plano ko kung ayaw ko namang makita ang pagmumukha ng jerk na iyon?

Naramdamam kong isa-isa akong dinaluhan ng mga kaibigan ko. They rubbed my back to console me.

"Girl, move-on ka na. Ikakasal na iyong tao. Don't you think it's about time na maghanap kana rin ng lalaking magmamahal sa'yo?" si Mikaela habang masuyong hinahaplos ang ulo ko.

Napahilig ako sa balikat niya. Gusto kong sabihin sa kanila ang nangyari pero sobrang nahihiya ako sa nagawa ko. They will surely freak out. Lalo na si Alice, siguradong sangkaterbang sermon ang aabutin ko sa kanya.

"Tama, girl. Have you seen Kayden Andrei Montero? Darn, I think that guy is way and way hotter than his brother Elijah. Sobrang gwapo, charming, maganda ang boses, talented, at higit sa lahat according to my source...he has a huge fortune down under..."

Bigla akong nanigas sa sinabi ni Louise. So that guy's dick had a reputation huh? Hindi nga naman nakapagtataka. Mukha palang kasi ng isang yun m*****g na.

"Ano ba Louise? Can't you keep your mouth close?And pwede ba, we aren't talking about dicks here," saway ni Alice.

"Why not? I was just stating a fact. Ano bang masama kung mapagusapan iyan? Huwag kayong magpaka feeling virgin dito ha! We're all adults here. Lahat sa'tin nakatikim na niyan. I bet gustong -gusto rin naman ninyo ng malaki."

Hilo na ako pero lalo akong nahilo sa sinabi ni Louise. Can't she stop talking about his dick and dicks in particular? I was suddenly attacked by nostalgia all over again. His sinful face, his devilish smirk, his moans, the way he rants dirty words...his oh so huge...fortune...

Tigilan mo na akong hayup ka! Kastigo ko sa sarili ko.

"Nag-iisip ka ba, Louise? Bakit sa lahat ng lalaking pwede mong sabihin ay kapatid pa ng ipinagluluksa nitong kaibigan natin? And haven't you heard how infamous that guy is to women? He's a heartbreaker! Kung mag sa-suggest kana rin lang, huwag ang lalaking iyan. Kaloka ka!" si Mikaela na hinahagod hagod parin ang ulo ko.

"Kaloka rin kayo. I was just trying to make a conversation," kontra naman ni Louise.

"Just shut up, okay?" si Alice na hindi na ikinaila ang iritasyon sa boses.

"Whatever."

"Ssshh now girl, we will set you up in a date para naman may pagkaabalahan ka habang nandito sa Pilipinas. Malay mo isa sa mga makaka date mo ang magiging forever mo. Forget about Elj," pag-aalo parin sa'kin ni Mikaela na maslalong nag paiyak sa'kin.

Paano ko makakalimutan si Elijah? He was my first love. Ang lalaking inalagaan ko sa puso ko ng napakahabang panahon. Ang lalaking tanging pinangarap ko. Hindi ko naman kasi alam na seryoso na pala siya kay Veronica. I was in the States, kasi nandoon ang pamilya ko. And my family was a mess at those days. Hindi ko intensiyong umalis noon at iwan siya. It broke my heart too. Kung alam lang niya. At ngayon, mababalitaan kong engaged na siya?

Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko para ako aluin. It was already past twelve ng isa -isa na silang nagpa-alam. I think hinayaan nila akong magpakalasing para makatulog. Niligpit nilang tatlo ang pinag-inuman namin, binihisan ako at pinainom ng gamot. They've even tucked me to bed pero gising na gising parin ang diwa ko.

Mabuti pa sila. Alice was a single mom, teenager pa siya ng mabuntis ng isa sa mga naging boyfriends niya. Ngayon, she already have a lovely eight year old daughter at meron narin siyang kinakasama. Si Mikaela, I guess she was happy with her love life too. Matagal na sila ng boyfriend niyang si Dino. High school palang kami sila na. Si Louise, buwan buwan yatang nagpapalit ng boyfriend at mukhang masaya naman siya sa lifestyle niya.

At ako? Iniwan ko pa ang trabaho ko para sa lalaking gusto ko. I took an indefinite leave as an executive secretary sa isang Automobile company sa New Jersey. Hindi ko alam kung may babalikan pa akong trabaho pagkatapos nito dahil baka makahanap narin ang boss ko ng maipapalit sa'kin.

"You're one of the most competent employees in this company but I can't promise that you'll still have this job when you get back, Fia," said my boss nung nagpaalam ako sa kanya.

I'm living on my own kaya walang ideya si mommy na nag leave ako at nandito ako sa Pilipinas ngayon. Nagsimula na namang mamasa ang mga mata ko. Simula ng iwan kami ni daddy dahil sa ibang babae, ay dalawa nalang kaming namuhay ni mommy. We used to live in luxury noong sila pa ni daddy kaya my mom had worked so hard since he left. Dad had offered to sustain our needs pero sobrang ma pride kasi si mommy. Nagpakalayo-layo kami noon dahil ayaw na ni mommy na magkaroon ng komunikasyon sa daddy ko. Later on, nakayanan naman namin na kami lang dalawa.

We moved to New Jersey at doon ko narin pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Ginamit ni mommy ang kaunti niyang namanang ari-arian mula sa yumao kong lolo para magpatayo ng isang restuarant. At first, it was just a small restaurant that caters only to the middle class pero dahil masipag at hard working ang mommy ko, napalago niya iyon at naging sosyal narin kalaunan. Ngayon, meron na kaming limang branch ng restaurant sa ibat-ibang distrito ng New Jersey.

Since gusto ko ring makatulong kay mommy in a way, kumuha ako ng business degree but I have yet to practice my profession first para ako matuto. After college, nag apply ako as an apprentice sa kompanyang pinapasukan ko ngayon. Later on, I was hired at naging regular na empleyado. And lately, just this year, I was promoted to be the CEO's executive secretary.

Napasinghot ako at napapunas ng luha. I had sacrificed my work dahil sa naging plano ko. Tapos ay palpak pa. Walang sabi na namang pumasok sa isip ko ang mukha ng h*******k na si Kayden.

Ugh! When will that jerk's face leave me alone?

TATLONG magkakasunod na doorbell ang nagpagimbal sa natutulog kong diwa. God, I thought it was true. My dream was so vivid that I actually thought it was true. Elj and me together again. Gusto ko na sanang magdiwang. Ang sarap sarap na sana ng panaginip ko eh. Hahalikan na sana ako ni Elijah. Napurnada pa. Kainis! Kung sino mang itong h*******k at walang modong gumising sa'kin ngayon ay makakatikim.

I forced myself to get up and headed for the door right away not minding if I look decent or horrible. Hinanda ko na ang nakasimangot kong mukha bago ko inabot ang door knob. Mabuti na ngalang at nakainom ako ng aspirin kagabi kaya wala akong hang over.

Bigla akong napilpilan ng makita ang taong nakatayo roon.

God, Louise must have carelessly dropped the key on the pot na hindi tinatakpan.

A tall man was proudly standing in front of me, one hand on his side pockets while the other was ringing my gate key on his index finger. He was wearing a black v-neck shirt and ripped jeans. Mamasa-masa pa ang tangkay ng buhok niya na halatang kakaligo lang at mukhang kuntodo pang nakapag-ahit. Naningkit ang mga mata ko. I was about to say something nasty ng bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. Sa klase palang ng ngiti niya alam kong may gagawin siyang hindi maganda.

"Hey babe. Nice dress," malisyoso niyang sabi habang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Diyos ko, I wore a very thin sheet of sleep on, almost a nightie. Paniguradong bakat ang n*pples ko dahil wala akong suot na bra.

"Asshole!" sigaw ko sabay sara ng pinto pero mabilis niya akong napigilan. I tried to push the door hard but he was too strong.

"Not so soon babe. I still haven't had a closer look of my view,"dagdag niya sa nanunuyang tono at mabilis na hinawakan ang kamay kong nakahawak sa door knob. Napapiksi ako sa gulat dahilang para mabitawan ko ang pinto. Bigla akong nakuryente. And the jerk took that opportunity para makapasok. As soon as he was in, ay bigla-biglang nanuot ang pamilyar at nakakapanuyo niyang amoy sa ilong ko. Pati ang mga balahibo ko sa batok ay wala na namang permisong nanayo. My heart had automatically changed its tempo too. I could almost see my chest heaving in combined frustration and... anticipation.

Anticipation? Fia, Ano bang nangyayari sa 'yo?You hate that asshole! There's no way to even suggest that word!

But Louise was right, this man's too easy in the eye, only, he was masking that face under the devil's wrath. Gwapo nga pero demonyo naman ang ugali. I should keep that in mind at all times.

"Did you enjoy your view too, babe? Closer look you want?" he asked with mockery, stepping closer towards me, eyes boring on that deep hole at the mid of my chest. I was smacked back to my thoughts right away. Sa pagkataranta ko ay nagsisigaw akong napatakbo sa loob ng kwarto saka ko iyon sinara ng malakas.

"Asshole! Manyakis! Antipatiko! Feeling God's gift to woman! Hayup!" I shouted at the top of my lungs. Narinig ko naman ang nakakalokong tawa ng walang hiya sa labas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status