Share

MS02.5: New Job

Author: Capuchinaur
last update Huling Na-update: 2022-07-19 10:26:03

MATAPOS NOON, kaagad niyang iniabot sa akin ang isang bughaw na portfolio na kaagad ko namang binuksan. Sa isipan, kaagad na nanlaki ang aking mga mata nang makitang resume ko ito at applying letter sa mismong address ng CEO. Napalunok ako at napatingin na sa Chief.

"Nagretiro ang Head of Security ni CEO Dyson at hiring sila ngayon ng papalit dito. Ang tangi nilang requirements ay umiikot lamang sa pagiging pulis o sundalong mayroong ranggo at hindi bababa sa 105 ang IQ."

Grabe naman ang requirements ng Dyson na 'yon. Ang taas!

"At ikaw lamang ang tanging makagagawa noon para sa team natin, officer. I want you to be the Head of Security of CEO Dyson to help us gather informations that only the Chairman Dyson's son knows." Kaagad niyang pinagpagan ang kaniyang uniporme bago ilahad sa akin ang kaniyang palad.

Napalingon naman ako sa katabi at kinukwestiyong bakit hindi na lang siya kasi lalaki siya? Nang senyasan ako ni Nathan, kaagad akong napalunok. Tinanggap ko naman ang kamay ni Chief at tumayo na upang pormal na makipagkamay sa kaniya.

"Remember, Officer Pacheco. No one must know that police officers are gathered around the Dyson Financial. Wala dapat ding makaalam ng embezzlement na kinahaharap nila at lalong-lalo na ang misyon natin. Are we clear?"

Agad akong sumaludo sa kaniya. "Sir, yes, sir!" dedikado kong pahayag at kasama na ang kaibigang nilisan ang kaniyang opisina.

Nang sandaling makalayo na sa opisina ng chief, kaagad akong napahawak nang mahigpit sa braso ni Nathan at pinipigilan ang sariling mag-rant sa kaba dahil sa pressure na kaakibat ng misyong ito.

"Naks naman, May special mission si Officer!" pang-aasar naman ni Nathan habang patuloy lamang kaming naglalakad patungo sa pwesto namin. Napatingin naman ako sa mga kasamahan kong mga pulis at sinasakyan na rin nila ang kabaliwan ni Marquess.

Napahilamos na lamang ako sa mukha at na mapigilan ang kaba. Napakagat ako sa labi at umupo na nang padarag. Sa sinabi pa lamang ni chief na high-class embezzlement ay nakakapagod na kaagad sa utak.

"Umuwi ka na muna, PO1," sabat naman ng kasamahan ni Nathan na nakasama ko rin noon sa parking duty. "Kailangan ay nasa bahay ka na ni CEO Dyson mamaya at doon ka pansamantalang naninirahan."

"H-Ha?"

Agad akong napalingon sa kaniyang gawi at pinanlisikan siyang mata. Para akong nabingi sa kaniyang sinabi at nawalan ng comprehension dahil sa gulat.

"Hindi ba nasabi ni Chief?" dugtong naman ni Nathan. Umiling ako, naguguluhan pa rin. "As a Head of security, malamang, palagi kang nasa tabi ng CEO. Kumbaga, ikaw ang pinakang bodyguard sa mga bodyguards na nakapaligid sa kaniya. Parang si General or si Chief lang."

"Maayos na ba lahat ng gamit mo?"

Kaagad kong isinara ang compartment ng kotseng sasakyan patungo sa address ni Sir Dyson. Dalawang maleta lang naman ang aking dala at ang isa noon ay naglalaman ng mga kasuotan ko sa pagpupulis.

Agad akong sumakay sa shotgun seat at nag-seatbelt. Gusto ko sanang hindi tumuloy roon kasi mayroon naman akong sariling bahay at motor na pwede kong gamitin sa pagparoon at parito.

"Don't worry, chief knows the best at nasa tamang landas tayo," Nathan reassured before starting the engine of his car and drove away.

Wala pa man kami sa mismong tarangkahan ay nakikita ko na kung gaano kalaki ang tinutuluyan ng isang CEO ng Financial Corporation. Agad na namulot ang aking mga mata dahil sa unang gate na aming pinasukan ay nagtataasang puno pa ang bumungad sa amin.

Talaga ngang nakatago ang bahay ng CEO. Enough para masabing mysteryoso talaga ang pagkatao nito. Mula sa naisip, agad na nagliwanag ang bumbilya sa aking uluhan.

"Have you ever met the CEO of Dyson?" tanong ko kay Nathan habang papalapit na ang aming sasakyan sa loob ng bahay ng CEO.

Mula sa sulok ng mga mata, kaagad kong nakita ang paggalaw ng labi ng kaibigan. Ngumisi ito at sandaling sinulyapan ako.

He's weird.

"Ako ang nag-submit ng resume mo sa kaniya at nakausap ko rin siya tungkol sa iba pang mga bagay. Let's just say na I was assigned before to be the investigator of some of his employees that's why."

Kahit nakababa na ako nang sasakyan, hindi ko pa rin maramdaman ang sariling paa sa kinatatayuan. Simula sa araw na ito, pulis ako pero magtatrabaho bilang security guard ng nagngangalang Sir Dyson.

Hindi ko pa inaalam ang pangalan, malalaman ko rin naman iyan mamaya kapag ipinakilala na siya ni Nathan.

Mula sa aming pwesto, kaagad namang lumapit sa amin ang isang mayroong kstandaang payat na lalaki, naka-suit ito at mayroong isang glass sa kaliwang mata. Agad akong napaayos nang tindig dahil baka siya si Sir Dyson.

"I'm Baron. The butler of Mr Dyson and family, serving for almost thirty years now."

Agad naman akong nag-iwas ng tingin at halos batukan ang sarili dahil mali ang aking hinuha. Butler pala iyon at bukod pa ang boss. That makes me feel so spacious.

Habang kibat-kibat ang bag, nang makapasok sa loob ay hindi ko inaasahang sobrang mamahalin ng lugar. Sobrang kintab kasi ng mga kagamitan dito at walang bahid kahit isang alikabok manlang.

"Alexia."

Mula sa pagmumuni-muni, kaagad naman akong natigilan sa ginagawa nang biglang sikuhin ng kasama sa tagiliran kaya napatingin ako sa unahan.

Kulang na lamang na maitapon ko ang bitbit na bag nang magulantang sa nakita. Nasamid ako sa sariling laway nang makita ang isang lalaking nakalublob ang kalahating katawan sa hot tub na ginto at nakaharap sa amin.

Kahit nakasisilaw ang kaniyang hindi ko mabilang na pandesal, nanatili akong nakatingin sa kaniyang mga mata, iniinspeksyon kung nananaginip lang ba ako o ano dahil nasa harapan ako ng isang D'yos!

Nathan suddenly cleared his throat. Na nakakuha naman ng aking atensyon. Kaagad kong isinilid ang kaliwang kamay sa bulsa at kinuyom ito dahil sa pagiging pamilyar ng kaniyang mga mata.

I saw him something, yet I don't know where and when!

"Officer Pacheco, this is the CEO himself, Mr. Luke Abe Dyson. Your new boss."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17.5: Presenting, PO2 Marquess

    Nang makarating kami sa pinakang bungad ng kaniyang main office, kagaad na nangunot ang aking noo nang makitang magulo sa loob. Mayroong crack din ang pintuan niyang glass at palagay ko'y mayroong nangyayaring kaguluhan.Doon nahagip ng aking isipan ang plano ni Chairman Alonzo, ang kunin ang kaniyang mahahalagang papeles sa vault ng main office. Kaagad akong sumingit sa paglalakad ng mag-ama at binunot na ang baril sa hita."What's going on?! Bakit mayroong baril?"Nanguna na rin si Nathan at nakalabas na rin ang kaniyang baril. Binuksan niya ang glass door ng entrance at sinenyasan akong sumunod. I creeped towards him and made sure na hindi masasaktan ang mag-ama.Nagkalat ang mga vase at puro dugo na ang painting niyang nangalaglag. Nilingon ko ang pwesto nila Sir Luke at sinenyasan silang manatili muna sa pwesto nila.The whole place is a mess. Even though there are bloodstains at the floor, dead bodies weren't present. Hanggang sa makarinig ako ng kalabog sa loob ng mismong opisi

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17: Something Happened

    MATAPOS ANG buong board meeting ay hindi muna kami umalis sa loob ng conference room. Pinanonood silang isa-isang nagsipaglabasan, hindi ko pa rin maalis sa isipan ang boses ni Chairman Alonzo.Kaunahan itong umalis kanina ay napapansin ko rin ang pagtitig niya sa akin. Kahit nakapokus sa plano, nakaramdam ako ng kaba kanina nang makita ko kung paano ang tingin niya sa akin. Sa pagtama ng aming mga ibsaw through his eyes how suspectable he is towards me.Hindi naman kasi ganoon kahalayang mayroong gap sa pagitan namin. Sir Luke is just blabbering and blabbering all over habang ang aking trabaho lamang ay ang obserbahan ang bawat chairman na nasa loob ng document.Wala namang ingay ang namutawi sa aming bibig nang kaming apat na lamang ang natira sa loob. Si Sir, ako, si Nathan, at ang kaniyang ama. Hindi ko inaasahang magiging ganito kalayo ang loob namin nang bitawan niya ang mga salitang ito. Hindi ko maisip kung bakit labis siyang naapektuhan sa halik na iyon.Alright, who am I to

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16.5: Only Way, But I Hate It

    "I told you not to investigate on the people who are rated to me. Then why do you want the background profile of the Chairmans?" taka niyang tanong at ipinatong na ang daliri sa ilalim ng labi. Tinitigan niya ako ilang beses pa bago bumuntong-hininga."Mayroon pong plano ang isa sa mga chairman na kunin ang nasa loob ng vault mo habang nasa board meeting ka. Narinig mismo ng dalawa kong tainga ang pagtawag ng kaniyang utusan niya ng 'chairman'. Sapat na ba iyon para makuha ko po ang mga profile ng mga shareholders mo, Sir?" Umiling siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at suminghap ng marahan. Napahawak ako sa tungki ng aking ilong at naiinis siyang sinulyapan."Ano po bang kailangan ko para pagbigyan n'yo ako?" hindi ko na napigilan pa ang magtaas ng boses dahil sa frustration. "L-Last time you've agreed, Sir, you'll follow my orders too."Bigla niya na lang ginulo ang kaniyang nakaayos na buhok at niluwagan ang necktie. Masama niya rin akong tiningnan pero hindi iyon sapat upang

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16: Concealing Feelings

    Nang marinig ang kanilang usapan ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Sa sobrang lamig noon, hindi ko na maramdaman pa ang sariling paghinga. Nang maramdaman ang kanilang papalapit na yabang ay kaagad akong nagtago sa kabilang shelf, mismong pinaglagyan ko ng librong hiniram ni Nathan. Napapikit pa ako sa kaba, ipinagdarasal na sana ay hindi nila ako makita.Hindi pa sa ngayon, hindi niya ako pwedeng makita.He's one of the chairmans of Dyson Financial Corporation. Marami man pero paniguradong mabobosesan ko ito, once na marinig muli ang boses."Wala na ba?" bulong sa sarili at pinakiramdaman ang paligid.Parang mayroong pinagtataguan akong lumabas ng lungga at marahang naglakad. Iyong tipo bang wala kang maririnig at magugulat ka na lang. Nang makumpirmang wala na sila, parang walang nangyari akong lumabas at muling binati ang librarian."Mukhang natagalan ka pa sa paghahanap. Malaki kasi ang silid-aklatan na ito, hija."Nginitian ko siya at kumaway pa. "Hindi naman po ako

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15.5: Noted, Chairman

    LUMIPAS ANG dalawang araw at ganoon din ang pagbalik ng mga nangyari sa dati. Hindi na 'ko masyadong sumasabit palagi kay Sir Luke at pormal nang muli ang pakikitungo ko sa kaniya. Alam ko namang matalino siya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago ko.Bumalik na siya sa pagtatrabaho sa kompanya. Ganoon din naman ako bilang security niya.Ngunit ngayon, hindi ako pumasok bilang isang security guard. Pumasok ako bilang bagong intern na nakasuot pa ng ID'ng pinagawa ko pa para lang tuluyan silang mapaniwala.Suot ko ang ibinigay niyang coordinates na pink. Nakasalamin din ako at nagpalagay ng kaunting make-up upang hindi nila ako mamukhaan once bumalik ako para mag-inspeksyon.Normal na empleyado akong nagpa-scan sa entrance at naglakad patungo sa cubicle ko sa loob ng finance. Nang maihanda na lahat ng aking kagamitan, umalis akong muli upang magtungo sa opisina ng CEO para kunin ang pinapakuha niyang papeles sa akin.Sa bungad pa lamang ng mismo niyang floor a

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15: Chief Found Out

    MARIIN KONG pinagdikit ang mga palad na ngayo'y nakatago na sa aking likod nang ilang sandali pa ang nakalipas ay pinasunod ako ni Chairman sa garden.Hindi ko naman talaga inaasahan ang kanilang pagdating at nakakagulat lang, nakagugulat isiping baka ang nasa isip nila'y mayroong koneksyon sa pagitan namin ni Sir Luke nang hindi nila alam.Sa kaba, kinagat ko ang parehong labi at hinintay na magsalita ang nakatalikod sa aking si Chief na pinagmamasdan ang garden ng CEO."I thought you'd became strict when it comes to Luke's safety. Sabi sa akin ng isang pulis na under mo, pinagalitan mo pa nga raw ang ibang guwardiya nang malamang lumabas ng bahay itong si Luke," panimula ni chief at naglakad pa bandang dulo.Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Parang sasabog ito anumang minuto lamang dahil sa kaba ko. Huminga ako ng malalim at napapikit. "H-Hindi ko po... itatanggi iyon, chief."Humarap siya sa akin ngunit ngayo'y nakataas na ang kilay. Nakapalikod n

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS14.5: Gentleman For The Day

    "KAYA NIYA ba ako iniwan kasi hindi niya ako mabuntis-buntis?" naiiyak kong tanong at napatungo na.Naramdaman ko naman ang kamay ni sir sa aking ulo at his hand stroked it up and down. Couldn't help it, namamalayan ko na lang na humihikbi na ako."I should've left the headquarters when I got the chance to grant his favor. I should've let him do things to me instead of staying long in this headquarters.""Shh, it's okay. Iiyak mo lang 'yan. I'm here, to listen."Buong byahe'y umiiyak lang ako dahil sa sakit. Hindi ko namamalayang nakatigil na ang sasakyan at ako na lang ang kaniyang hinihintay para makababa. I rose my head go look out in the window and gasp as I saw that we're at the peek of a hill.Sa ibaba ay mayroon doong ilog na sobrang linis at mayroong bangka sa tabi. At doon sa ibaba, nakita ko siyang kinakawayan ako. Nakangiti at nakaalis na lahat ng butones sa longsleeve.Tahimik akong bumaba ng kotse at nagtungo sa kaniyang pwesto. Hindi naman kataasan ang hill pero tama lan

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS14: Peter and She

    SUOT ANG kulay sky blue'ng floral dress na lampas hanggang tuhod at itim na stilleto, lumabas ako ng aking kuwarto at mahigpit na napakapit sa gold straps ng bag ko.Hindi niya ako pinayagang jeans ang isuot ko. Aniya, mamahalin daw ang restaurant na kaniyang ini-booked para magsuot ako ng damit na para bang pupunta lang akong sinehan. Kaya, wala akong choice kundi suotin ang isa sa ibinigay niyang damit.Nang tuluyang makalabas, ang nakatalikod niyang physique ang sa akin ay tumambad. Halatang naka-collared long sleeves ito at itim na pantalon. Nang humarap siya, ngumiti siya sa akin at parang tangang pumalakpak pa."I was right, after all. The dress fits you well."He looked manly in his long sleeves with two of his buttons are unbuttoned. Naka-tucked in din ang mga ito at naamoy ko ang tapang ng kaniyang pabango."Pasalamat ka't wala akong dalang damit na gan'to. Hindi ako sanay na magsuot ng gan'to pero ginawa ko pa rin para sundin mo ang magiging utos ko," pormal kong pahayag at

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS13.5: Say Yes

    LUMIPAS ANG oras at tanghali na ako nagising. Dumiretso kaagad ako sa banyo at naligo. Matapos noon, lumabas na ako ng kuwarto at naabutang nag-aalis ng sapatos si Luke. Sa aking pagkawindang agad ko siyang sinugod at tinanong."SIR, LUMABAS KA BA?"hindi ko maiwasang hindi mainis dahil nakaporma pa siya at parang nakipag-date. Alam naman niyang delikado ang kalagayan niya tapos ang lakas ng loob niyang lumabas.Nag-angat siya ng tingin at nakakunot-noong tiningnan ako. "Why you mad? I just went to attorney Protacio to know what happened. What's wrong?""What's wrong?" Hindi ko maiwasang hindi mainis. "Ipinagbabawal po kayong lumabas. Paano na lang kung mangyari ulit 'yong kahapon? Sigurado ka bang kaya mo ang sarili mo?""I am with the guards. And I went home safely. It's not my fault na hindi mo ako sinamahan, okay?"Agad akong napasinghap sa inis dahil pinapalabas niyang parang ako pa ang mayroong kasalanan. Inirapan ko siya at napabuntong-hininga, hinahayaan ang sariling kumalma.

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status