Share

MS02: New Plans

HINDI NA kami gaano pang nag-aksaya pa ng oras at kaagad na nagtungo sa headquarters upang makita ang chief namin na si Chief Gozon. Minsan kasi kapag personal ang isang misyon, madalas kaming dalawa lang ni Nathan ang pinapatawad, like this one.

"How's the resort? Did you have some fun?" bigla namang tanong ni Nathan habang ang tingin ay nasa daan. Ako naman itong kanina pa hindi komportable, ay agad siyang binigyan ng pekeng ngiti.

"M-Maganda naman… masaya, oo." Agad akong bumaling ng tingin sa gawing kanan upang itago ang ekspresyong magbubuking sa akin sa kung anumang nagawa ko sa loob ng dalawang araw at gabing pamamalagi sa resort.

I really wanted to get my gun back and shoot it on myself. Dahil sa kalasingan, hindi ko namamalayang may lalaki nang nakakita ng buo kong katawan. Which is very shameful kasi kay Peter lang ako bumibigay.

But I really thought he was Peterson.

"Speaking of that arse, Peter." Immidiately, agad akong natigilan sa pagmumuni-muni nang banggitin niya ang pangalang 'yon. "I saw him dating a model yesterday. I went out for a coffee and saw them walking in pavements. May naging problema ba kayo?"

Gustuhin ko mang itago ang nangyari kay Nathan, still, mahuhuli niya rin naman ako. So useless lang ang pagsisikreto kung sa huli'y maaalaman niya rin naman.

Agad akong huminga ng malalim at mahigpit na hinawakan ang seatbelt. I'm composing myself para hindi ako magkaroon ng breakdown sa loob ng kotse niya in an urgent timing.

Nilingon ko siya at muling nagpakawala ng buntong-hininga. "Tinawagan niya ako kahapon after ng ilang sandaling pagsi-swimming ko." Napakamot pa ako sa kilay nang hindi siya umimik. "He broke up with me yesterday—"

"—REALLY?"

Kaagad akong napahawak sa handle ng pinto ng kotse upang hindi sumubsob sa unahan dulot ng bigla niyang pagtapak sa brake ng kotse. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya at kaagad na napakagat sa labi nang makitang frustrated siya sa nalaman.

Nagkibit-balikat lang ako. "Sabi niya, tapos na siya sa akin. He don't to feel that fear he's feeling kapag sumasabak tayo sa engkwentro. Siguro, sa loob ng five years namin, takot lang ang naramdaman niya throughout our journey."

Muling umandar ang sinasakyan naming kotse at nagkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pawang ang tunog lamang ng pag-ikot ng gulong sa semento ang naririnig ko. Wala nang iba pa.

Sandali pa, napag-isipan niyang putulin ang katahimikan na iyon. Aniya, "I-I'm sorry. I should've told the chairman that you're experiencing loss right now. I should've known earlier. C'mon, Alexia… I'm taking responsibility."

Agad naman akong natawa nang bahagya sa kaniyang sinabi. Tuluyan ko siyang hinarap ang ginulo-gulo ang kaniyang buhok at nginitian siya para iparamdam sa kaniyang ayos lang ako.

"Hindi valid reason ang break-up para sa hindi pagsipot sa tawag ni Chief. In fact, mas makatutulong pa ang trabaho para hindi ko na siya maisip. I don't want to be the girl who keeps on feeling depressed para sa isang arsehole."

Nang makarating kami sa loob ng headquarters, kaagad ko namang inayos ang aking sarili. Mula sa tote bag, kinuha ko ang aking tsapa at isinukbit ito sa aking bulsa. Inayos ko rin ang pagkakatali ng aking buhok at sumunod na kay Nathan na nasa harapan na pala ni chief.

Since hindi pa ako naka-uniporme, nahihiya akong lumapit sa kaibigan at sumaludo na sa chief bilang pagsalubong sa kaniya.

"What a relief, Officer Pacheco could make it. Akala ko, hindi ka na maaabala sa bakasyon mo." tipid na tango lamang ang aking isinagot at umupo na sa upuang nasa loob. "So, I did call you for your new mission."

Agad kaming nagkatinginan ni Officer Marquess at sumeryoso na nang tuluyan dahil sa aking palagay, malaking misyon ito. Ipinagsaklop ko ang parehong kamay at tinitigan na sa mata si Chief upang mapakinggan siya ng ayos.

"As the most trusted officers here at our headquarters, I am assigning you to solve this case." Kaagad na ipinakita sa amin ni chief ang isang larawan ng napakalaking kompanya. "Dyson Financial Corporation is currently facing a problem which only limited people are enlightened about it. High-profile embezzlement and kaso at ayon sa itaas, nasa loob lang ng mismong kompanya ang mastermind ng lahat ng ito."

"Embezzlement? Kailan po ito nagsimula, Chief Gozon?"

Mula sa kaniyang desk, kaagad niyang isinulong gamit ang kaniyang mga daliri ang dalawang larawan na iisa lamang ang kuha. Mukha itong selebrasyon ngunit parang kakaiba.

"Nagsimula ang lahat, kinabukasan, matapos ang kaarawan ng Chairman of the Board na si Mr. Dyson, ang ama ng CEO ng kompanya."

Kaagad kong pinanliitan ng tingin ang mga larawan at sinuri na ang bawat isa nang pino. Para sa akin, wala namang ebidensya rito sa mga kuhang larawan. Walang suspicious, normal lang.

Agad akong nagtaas ng tingin at nakinig nang muli sa Chief. Kailangan ko kasing malaman kung paano kami makapag-iimbestiga if sa loob lang ito ng kompanya. Hindi naman din kami pwedeng pa-disguise-disguise lang dahil mahahalata kami sa rami ng guwardya roon.

"Kaya naman, pinatawag kita, Officer Pacheco." Kaagad na nanlamig ang aking mga palad nang sandaling banggitin niya ito. "In order for us to deepen down our investigation, you need to be part of the CEO's team."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status