Share

MS11: His Lips

Penulis: Capuchinaur
last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-16 10:35:46

LUMIPAS ANG ilan pang araw na nanatili lamang ako sa loob ng bahay. Pero kahit sinusunod ang favor kuno ni Luke, hindi ko maitatangging marami akong gustong malaman.

Nagagawa ko nang makipag-usap sa kaniya na para bang wala na ang barricade na humahadlang sa akin upang kausapin siya ng pormal. In a span of time, lalo akong nananabik na malaman ang pagkatao niya.

Hindi man niya ako hinahayaang umalis, gayunpaman ay nanatili rin siya sa loob ng mansyon. Hindi naman sa pag-assume pero, ramdam kong nais niya akong bantayan. Sino ba naman kasi ang gustong manatili sa tabi ng isang matigas na ulo at reklamador na tulad ko? Bukod sa kaibigan, nag-stay siya kaya kakaiba.

Tanghalian na ngunit hindi pa rin naghahanda ng mesa. Wala rin akong nakikitang mga katulong sa paligid at mukhang bukod sa mga sekyu sa labas ay dalawa lang kaming nasa loob.

Dahil sa pagtataka, agad kong hinanap ang CEO upang tanungin kung bakit walang tao. Alam kong nasa garden siya— palagi naman siyang naroon tuwing walan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17.5: Presenting, PO2 Marquess

    Nang makarating kami sa pinakang bungad ng kaniyang main office, kagaad na nangunot ang aking noo nang makitang magulo sa loob. Mayroong crack din ang pintuan niyang glass at palagay ko'y mayroong nangyayaring kaguluhan.Doon nahagip ng aking isipan ang plano ni Chairman Alonzo, ang kunin ang kaniyang mahahalagang papeles sa vault ng main office. Kaagad akong sumingit sa paglalakad ng mag-ama at binunot na ang baril sa hita."What's going on?! Bakit mayroong baril?"Nanguna na rin si Nathan at nakalabas na rin ang kaniyang baril. Binuksan niya ang glass door ng entrance at sinenyasan akong sumunod. I creeped towards him and made sure na hindi masasaktan ang mag-ama.Nagkalat ang mga vase at puro dugo na ang painting niyang nangalaglag. Nilingon ko ang pwesto nila Sir Luke at sinenyasan silang manatili muna sa pwesto nila.The whole place is a mess. Even though there are bloodstains at the floor, dead bodies weren't present. Hanggang sa makarinig ako ng kalabog sa loob ng mismong opisi

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS17: Something Happened

    MATAPOS ANG buong board meeting ay hindi muna kami umalis sa loob ng conference room. Pinanonood silang isa-isang nagsipaglabasan, hindi ko pa rin maalis sa isipan ang boses ni Chairman Alonzo.Kaunahan itong umalis kanina ay napapansin ko rin ang pagtitig niya sa akin. Kahit nakapokus sa plano, nakaramdam ako ng kaba kanina nang makita ko kung paano ang tingin niya sa akin. Sa pagtama ng aming mga ibsaw through his eyes how suspectable he is towards me.Hindi naman kasi ganoon kahalayang mayroong gap sa pagitan namin. Sir Luke is just blabbering and blabbering all over habang ang aking trabaho lamang ay ang obserbahan ang bawat chairman na nasa loob ng document.Wala namang ingay ang namutawi sa aming bibig nang kaming apat na lamang ang natira sa loob. Si Sir, ako, si Nathan, at ang kaniyang ama. Hindi ko inaasahang magiging ganito kalayo ang loob namin nang bitawan niya ang mga salitang ito. Hindi ko maisip kung bakit labis siyang naapektuhan sa halik na iyon.Alright, who am I to

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16.5: Only Way, But I Hate It

    "I told you not to investigate on the people who are rated to me. Then why do you want the background profile of the Chairmans?" taka niyang tanong at ipinatong na ang daliri sa ilalim ng labi. Tinitigan niya ako ilang beses pa bago bumuntong-hininga."Mayroon pong plano ang isa sa mga chairman na kunin ang nasa loob ng vault mo habang nasa board meeting ka. Narinig mismo ng dalawa kong tainga ang pagtawag ng kaniyang utusan niya ng 'chairman'. Sapat na ba iyon para makuha ko po ang mga profile ng mga shareholders mo, Sir?" Umiling siya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at suminghap ng marahan. Napahawak ako sa tungki ng aking ilong at naiinis siyang sinulyapan."Ano po bang kailangan ko para pagbigyan n'yo ako?" hindi ko na napigilan pa ang magtaas ng boses dahil sa frustration. "L-Last time you've agreed, Sir, you'll follow my orders too."Bigla niya na lang ginulo ang kaniyang nakaayos na buhok at niluwagan ang necktie. Masama niya rin akong tiningnan pero hindi iyon sapat upang

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS16: Concealing Feelings

    Nang marinig ang kanilang usapan ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Sa sobrang lamig noon, hindi ko na maramdaman pa ang sariling paghinga. Nang maramdaman ang kanilang papalapit na yabang ay kaagad akong nagtago sa kabilang shelf, mismong pinaglagyan ko ng librong hiniram ni Nathan. Napapikit pa ako sa kaba, ipinagdarasal na sana ay hindi nila ako makita.Hindi pa sa ngayon, hindi niya ako pwedeng makita.He's one of the chairmans of Dyson Financial Corporation. Marami man pero paniguradong mabobosesan ko ito, once na marinig muli ang boses."Wala na ba?" bulong sa sarili at pinakiramdaman ang paligid.Parang mayroong pinagtataguan akong lumabas ng lungga at marahang naglakad. Iyong tipo bang wala kang maririnig at magugulat ka na lang. Nang makumpirmang wala na sila, parang walang nangyari akong lumabas at muling binati ang librarian."Mukhang natagalan ka pa sa paghahanap. Malaki kasi ang silid-aklatan na ito, hija."Nginitian ko siya at kumaway pa. "Hindi naman po ako

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15.5: Noted, Chairman

    LUMIPAS ANG dalawang araw at ganoon din ang pagbalik ng mga nangyari sa dati. Hindi na 'ko masyadong sumasabit palagi kay Sir Luke at pormal nang muli ang pakikitungo ko sa kaniya. Alam ko namang matalino siya at naiintindihan niya kung bakit ganoon na lamang ang pagbabago ko.Bumalik na siya sa pagtatrabaho sa kompanya. Ganoon din naman ako bilang security niya.Ngunit ngayon, hindi ako pumasok bilang isang security guard. Pumasok ako bilang bagong intern na nakasuot pa ng ID'ng pinagawa ko pa para lang tuluyan silang mapaniwala.Suot ko ang ibinigay niyang coordinates na pink. Nakasalamin din ako at nagpalagay ng kaunting make-up upang hindi nila ako mamukhaan once bumalik ako para mag-inspeksyon.Normal na empleyado akong nagpa-scan sa entrance at naglakad patungo sa cubicle ko sa loob ng finance. Nang maihanda na lahat ng aking kagamitan, umalis akong muli upang magtungo sa opisina ng CEO para kunin ang pinapakuha niyang papeles sa akin.Sa bungad pa lamang ng mismo niyang floor a

  • Mistakenly Series 1: Mistakenly Smitten    MS15: Chief Found Out

    MARIIN KONG pinagdikit ang mga palad na ngayo'y nakatago na sa aking likod nang ilang sandali pa ang nakalipas ay pinasunod ako ni Chairman sa garden.Hindi ko naman talaga inaasahan ang kanilang pagdating at nakakagulat lang, nakagugulat isiping baka ang nasa isip nila'y mayroong koneksyon sa pagitan namin ni Sir Luke nang hindi nila alam.Sa kaba, kinagat ko ang parehong labi at hinintay na magsalita ang nakatalikod sa aking si Chief na pinagmamasdan ang garden ng CEO."I thought you'd became strict when it comes to Luke's safety. Sabi sa akin ng isang pulis na under mo, pinagalitan mo pa nga raw ang ibang guwardiya nang malamang lumabas ng bahay itong si Luke," panimula ni chief at naglakad pa bandang dulo.Hindi ko na siya nagawa pang sundan dahil sa pagkabog ng dibdib ko. Parang sasabog ito anumang minuto lamang dahil sa kaba ko. Huminga ako ng malalim at napapikit. "H-Hindi ko po... itatanggi iyon, chief."Humarap siya sa akin ngunit ngayo'y nakataas na ang kilay. Nakapalikod n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status