Share

Chapter 5

Author: LichtAyuzawa
last update Last Updated: 2022-12-01 19:38:55

 

Kinabukasan..........

 

"RAMONA! RAMONA! RAMONA!" tatlong malalakas na sigaw ang nagpabalikwas sa kanya mula sa masarap na pagkakahimbing. Pansamantala siyang umupo dahil nakaramdam ng pagkahilo dahil sa biglaang pagtayo pero kalaunan ay lumabas din siya  ng silid para harapin ang kung sinuman na tumatawag sa kanya.

 

Pupungas-pungas na binuksan niya ang pinto pero kaagad din siyang napatayo ng tuwid ng bumungad sa'kanya ang galit na mukha ni Amanda sa likudan nito ay si Roberto na nakatingin sa kanya na parang agila.

 

"Plano mo bang matulog buong maghapon?!" galit na sigaw nito sa'kanya

 

"Amanda! Ang aga-aga, why don't you let her settle first before mo siya pagalitan!" singhal ni Roberto sa asawa. Pinanatili niyang kalmado ang sarili kahit na sa loob-loob niya ay gusto na niyang magpa'gulong-gulong sa kakatawa dahil sa ekspresiyon ng mukha nito.

 

"Sige na Ramona magbihis ka na at please lang maligo ka, suot mo pa din yan mula kahapon." napapahiyang nagyuko siya ng ulo sa sinabi ng among lalaki. Bahagya siyang yumukod at walang lingon-likod na bumalik siya sa kwarto para maligo.

 

Pero nasa kalagitnaan palang siya ng paglalakad patungong banyo ay napahinto na siya dahil sa napagtanto. "Paano akong napunta sa kwarto?" Pilit niyang inalala ang nangyari kagabi pero kahit anong pilit niya ay wala siyang maalala na lumipat siya ng kwarto kagabi.

 

"Baka naman naglakad ka ng tulog." sabi na kabilang bahagi ng isip niya. But that's impossible because that never happen to her before. Sa kabila ng pagtataka ay ipinagpatuloy niya ang pagpunta sa banyo dahil baka tuluyan ng magwala ang dragona niyang amo.

 

Minadali niya ang paliligo wala ng hilod-hilod konting sabon at shampoo lang ay nagbanlaw na siya. Sakto naman sa paglabas niya ng banyo ay tumunog ng malakas ang cellphone niyang nakatago sa ilalim ng unan niya. Kandadulas pa siya sa kakamadali makuha lang ang cellphone na tumutunog. At ng malapit na siya dito ay magkakasunod na katok sa pintuan ang nagpatigil hindi lang sa pag-galaw niya kundi pati sa paghinga niya.

 

"Knock! Knock! Knock! Whose phone is that?!" hindi niya alam kung ano ang uunahin, kung yun bang pagbibihis dahil nakatapis lang siya ng towel, oh yung amo niya na kumakatok sa pintuan or yung cellphone niyang kasalukuyan pa ding tumutunog.

 

"Gaga! Huwag ka ng tumanga patayin mo na cellphone mo!" dahil sa sigaw ng kabilang bahagi ng isip niya ay tinakbo niya ang kinaroroonan ng cellphone niya at pinatay ito.

 

"RAMONA!" makakahinga na sana siya ng maluwag ngunit naudlot ito ng marinig ang galit na sigaw ng nasa labas ng kwarto niya. Wala na siyang pagpipilian pa kaya naman walang pagdadalawang isip niyang tinakbo ang distansya sa pagitan niya at ng pinto at saka hinihingal na binuksan niya ang pinto.

 

"Sir? Ha.. Ha.. Ha.." humawak siya sa hamba ng pintuan at saka nagpakawala ng malalalim na paghinga.

 

"K-k-kaninong phone yung tumutunog?" hindi makatingin ng diretso sa kanya ang among lalaki kung saan-saan pumapaling ang tingin nito pero may napansin siya na nakapag-pangiti sa kanya ng husto.

 

"Sir bakit namumula ka?" she teased him.

 

Pigil ang ngiti niya habang pinapanuod ang pagbabago ng ekspresiyon nito at ng makitang sumama ang tingin nito ay napabulanghit na siya ng tawa. "HAHAHA"

 

"Magbihis ka na at ipagluto mo na kami" masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya bago siya tinalikuran.

 

Nangingiting napailing siya bago tuluyang pumasok para tignan ang cellphone niya. Nang makarating siya sa kinaroroonan ng cellphone niya ay pinakiramdaman muna niya ang paligid bago tinignan ito para lang magulat dahil naka-active ang call nito.

 

"Shit!" mura niya at saka dali-daling kinausap ang nasa kabilang linya

 

"Hello?" kagat niya ang labi habang hinihintay ang sasabihin ng nasa kabilang linya

 

"Babe what took you so long? At sino yung kausap mo kanina lang?" ito na ang isa pa niyang problema umaatake na naman ang pagiging seloso ng boyfriend niya.

 

"Babe I am sorry and the one I was talking to was Roberto." nagsimula siyang mag suot ng uniform habang kausap ang kasintahan na nasa ibang bansa.

 

"Your ex? Why are you talking to your ex? Are you cheating on me?" napairap nalang siya sa mga tanong nito.

 

"No hindi kita niloloko, but i have to go I love you baby." pamamaalam niya.

 

"No wait-!" pigil nito but it was too late kase napatay na niya ang cellphone.

 

Minadali niya ang pag-aayos para makapunta na siya sa kusina at maasikaso ang mga amo niya.

 

Nang makarating sa kusina ay nagtataka siyang nakatingin sa mag-asawa dahil nasa magkabilang dulo ito ng lamesa at masama ang tingin sa isa't-isa. "Magkaaway kaya ang mga ito?" tanong niya sa kanyang isipan.

 

"Aba malay ko!" her subconscious mind exclaimed and continue doing her business. Pinigilan niya ang tignan ito ng masama dahil baka makita siya ng mag-asawa akalain pang baliw siya.

 

"Uhm... Ano po ang gusto niyong ulam?" alanganing tanong niya pero halos pagsisihan niya ito ng sabay na tumingin sa kanya ng masama ang mag-asawa.

 

"Nagtatanong lang naman ako, huwag kayong magagalit" pagyuko nalang ang tanging magagawa niya at maghintay sa sasabihin ng mga ito.

 

"I want cereal, make it fast because I have a photo shoot" tinanguan niya ito at saka sinimulang gawain ang almusal na gusto nito.

 

"Ikaw sir ano po ang almusal na gusto niyo?" tanong niya kay Roberto habang ibinababa ang bowl ng cereal ng asawa nito.

 

"Give me a cup of coffee please." tumango siya at ipinagtimpla ito ng kape

 

Habang naglalagay siya ng kape at asukal sa tasa ay hindi niya maiwasan na makinig sa pinag-uusapan ng mag-asawa.

 

"Photo shoot again when are you gonna quit that job of yours?" may talim sa tinig ni Roberto.

 

"Not again Roberto we already talked about this." parang wala lang naman ang galit ng asawa nito kase tahimik lang si Amanda na kumakain.

 

"Amanda you've been doing that for ages, maybe it's time for you to quit and start doing your wife duty." he remarked "That's a foul" she said to herself and Amanda seems to realize it too because nn her peripheral vision kita niya ang paghinto ni Amanda sa pagsubo.

 

Masama nitong tinignan ang asawa bago dinuro at sinigawan. "ROBERTO! Hindi ko ba nagagawa yung wife duty ko sayo?! Hindi pa ba enough yung uuwi ako dito paiinitin ko yung gabi mo?! Ano ba ang gusto mo yung buruhin ko yung sarili ko dito sa bahay? Para mo na akong tinanggalan ng karapatan nun na mabuhay." Naiintindihan niya si Amanda kasi kahit siya hindi niya din kayang i-let go ang passion niya kahit na maging dahilan pa ito ng pag-alis ng mga taong nasa paligid niya.

 

"Paano naman ako Amanda ang tagal ko ng naghihintay na mabigyan mo ako ng anak pero dahil diyan sa lintek mong trabaho wala kang maibigay sa akin." Pagkarinig ng salitang anak ay kakaiba na kaagad ang naramdaman niya. Nagsimulang lumabo ang paningin niya at umugong ang buong paligid niya kasabay ng mga alaalang parang dam na bumuhos sa isipan niya

 

"Anak na naman Roberto, hindi mo ba maintindihan na hindi pa ako handa para sa bagay na iyan."

 

"Anong gusto mong gawin ko? Humanap ako ng ibang bubuntisin para may maging heir ako?"

 

"Bakit kaya hindi ganon ang gawin mo!" faint voices... She heard faint voices....para itong nagtatalo na nakadaragdag sa sama na nararamdaman niya.

 

Para siyang masusuka na ewan dahil sa mga boses na umuugong sa tainga niya pero kaagad iyong naglaho at napalitan ng paos na boses but this time it was her.

 

Flashback 12 years ago

 

"R-Roberto! Roberto!" natagpuan niya ang sarili niya na nagsisigaw sa isang mataong lugar habang nakahawak sa tiyan niyang mayroong hindi kalakihang umbok dahil sa ipinagbubuntis niya. Kanina pa niya hinahanap ang kasintahan pero hindi niya ito matagpuan.

 

Apat na buwan na siyang buntis at si Roberto ang ama pero ni minsan mula ng malaman nitong buntis siya ay nagsimula na din itong lumayo ang loob sa kanya may mga pagkakataon na hindi na ito umuuwi o kundi man ay lagi itong nakatutok sa cellphone niya. Kagaya nalang ngayon hindi pa ito umuuwi mula kagabi kaya naman nagdesisyon na siyang hanapin ito dahil masyado na ang pag-aalala niya.

 

"Nasaan na kaya yun?" she asked herself and was about to cross the street when a fast car hit her making her body to bounced into the nearest barrier.

 

"B-b-baby...." usal niya habang dahan-dahan hinawakan ang tiyan. Everything happened so fast natagpuan nalang niya ang mga alaala niyang bumabalik kasabay ng pagbagsak ng katawan niya mula sa pagtama sa barrier ng kalsada and everything went black.

 

End of flashback

 

"Ramona!!" isang sigaw ang nagpabalik sa'kanya sa kasalukuyan. Sa pagbabalik niya ay kasabay nitong nagbalik ang lahat ng hinanakit at galit na pansamantala niyang nakalimutan.

 

"Okay ka'lang ba? Kanina ka pa namin tinatawag." napakurap-kurap siya at pansamantalang hindi nakakilos habang tahimik na pinoproseso ang mga nangyari.

 

"Ramona!" tuluyan siyang natauhan sa muling pagsigaw ng amo na babae.

 

"Mam?" nagtatakang tanong niya at saka iginala ang paningin sa buong paligid. Kita niya ang nakakunot noo na si Amanda at ang nag-aalalang tingin ni Roberto.

 

"Ayos ka lang ba?" this time it was Roberto who asked her. She just nod and handed him his already cold coffee.

 

"You don't seem okay, why don't you go to bed and rest." what he said is very tempting because after what happened to her pakiramdam niya na drain lahat ng lakas niya. Kaya naman tumango siya at nagpasalamat bago tumalikod para bumalik sa kwarto niya.

 

"Salamat sir" she just said and after receiving a signal from her boss she took off.

 

Meanwhile.....

 

"I have to go." saad ni Amanda at saka tumayo para lisanin ang hapagkainan ng mapigilan ito ng nagtatakang tanong niya.

 

"To where?" tinitigan siya nito na parang siya na ang pinakabobong nilalang.

 

"Work of course!" She said matter of factly

 

"Are you being serious? We have a patient here and who do you think is gonna take care of her?" he asked in annoyance

 

"Yes I'm dead serious and F.Y.I I don't have a patient you have because you're the one who told her to take rest not me and to answer your question if whose gonna take care of her is you so don't pester me and let me leave bago pa ako ma-late ng tuluyan." mahabang litanya ng asawa at saka ito tuluyang tumalikod pero hindi niya ito basta nalang hahayaan dahil sumusobra na ito sa pagiging matigas ang ulo.

 

"Amanda!" sigaw niya dito at saka ito pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito.

 

"What!" singhal nito. Kusang umigkas ang kamay niya para sampalin ito na labis niyang pinagsisihan.

 

"H-Hon I-I'm s-sorry." he tried to hold her at plano niya na sana itong suyuin pero mabilis itong lumayo sa'kanya.

 

"I never thought na sasaktan mo ako, I am so disappointed and hurt Roberto." nangingilid ang luhang nagtatakbo ito palabas ng bahay. Nanlulumong napaupo siya sa sahig at saka napahilamos ng mukha dahil sa sobrang frustration. Nang isang mainit na kamay ang humawak sa kamay niya.

 

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng katulong niya na kaagad niyang tinanguan.

 

"Sigurado ka ba sir na okay ka lang?" paninigurado nito. Sa totoo lang ay gusto kong sabihin dito ang mga hinanakit ko pero hindi ko naman siya lubusang kilala and besides masyadong nakakahiya iyon.

 

"Okay lang talaga ako, you don't have to worry about me." he assured her pero ngumiti ito ng malaki sa'kanya.

 

"Hindi ako nag-aalala sa'yo sir ang inaalala ko ay yung trabaho ko baka mawalan ako ng trabaho pag may nangyari masama sa'yo." hindi niya alam kung sisimangot ba siya o tatawa dahil sa isinagot ng katulong sa'kanya.

 

"Haha" tuluyan siyang natawa dahil sa ekspresiyon ng katulong.

 

"Sir inom tayo?" alok nito at saka inilahad ang kamay para alalayan akong tumayo. Ipinatong niya ang kamay dito at saka nagpahila pero dahil sa mas magaan ito sa'kanya ay hindi nito nasuportahan ang bigat niya kaya sabay silang bumagsak.

 

"AY!" Gulat nitong sigaw habang nanlalaki ang matang tumingin sa'kanya. Bumagal ang paligid niya at tumahimik habang nakapatong siya sa dalaga ang tanging malinaw lang ay ang mga mata nitong nangungusap.

 

"S-sir a-ano p-po...ng g-ga-gawin n-niyo?" kinakabahang tanong niya habang unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha niya pero hindi ito sumagot sa halip ay kinuha nito ang dalawang kamay niya at inilagay sa ulunan niya.

 

"S-Sir...hmm" tuluyang naglaho hindi lang ang sasabihin niya kundi pati ang inhibisyon niya ng maglapat at mga labi nilang dalawa.

 

"You are so gorgeous Ramona..." nang-aakit na bulong nito

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mistakes From The Past    Epilogue

    Christelle Point of view"Roberto Christofer get back here!" sigaw ko nang makita kong palabas na ang anak ko sa front door.Abala ako sa paglilinis ng mga nakakalat nitong laruan ng makaisip ito ng kalokohan.Ngumisi sa'kin ang anak ko at tuluyan ng binuksan ang pintuan at lumabas ng bahay."ROBERTO!" sigaw ko sa asawa ko na hindi ko alam kung nasaan ng parte ng bahay.Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din lumalabas si Roberto kaya naman sinundan ko na ang anak namin dahil baka kung mapano na ito. Though hindi ko inaalala kung makakalabas ito dahil hindi naman mangyayari yun kasi naka-lock ang gate ng bakuran namin."RC, where are you!?" sigaw ko habang ginagala ko ang paningin ko sa buong bakuran, pero hindi ko makita ang anak ko."Roberto!" I called out my husband and just like my son hindi ko din mahanap ang ama nito.Where did they go? Tanong ko sa sarili ko habang umiiling at nagdesisyon na umikot sa buong kabahayan.I was about to give up pero bigla kong naalala na may mi

  • Mistakes From The Past    Chapter 73

    Six months laterChristelle Point of View"Male-late na tayo sa church! Baka isipin ni Roberto na hindi na ako sisipot" Sigaw ko na naiinip dahil ang tagal kumilos ng mga kasama ko."Hayaan mo si Roberto, busy pa tayo dito oh." giit ni Roana at itinuro ang mga make up na nasa harapan ng salamin.I rolled my eyes at them kasi kanina pa kami nagme-make up hindi na kami matapos-tapos."We've been doing this for hours!" Sancia exclaimed na nagpairap kay Roana."You're so overreacting cousin kaya hindi ka inaalok ng kasal ni Lucas eh." imbes na mainis ay lumungkot ang mga mata ni Sancia pagkarinig sa pang-aasar ng pinsan nito."Okay lang ba kayo ni Lucas, Sanc?" nag-aalalang tanong ko. I hate seeing Sancia like this normally hindi siya naaapektuhan ng mga pang-aasar pero off ata ang topic na may kinalaman kay Lucas."Yeah, we're good." simpleng sagot nito at binalingan na si Roana. "Roana, tama na yan pagpapaganda mo at tara na!" sigaw nito kay Roana habang nakatingin sa mga make up.Nagbu

  • Mistakes From The Past    Chapter 72

    Roberto point of viewSabihin mo na namamalikmata lang ako? Sabihin mo na hindi totoo itong nakikita ko!? Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, malalim ang paghinga ko at ramdam ko ang unti-unting pagdilim ng paningin ko habang nakatingin ako sa asawa ko na walang malay sa bisig ko."Lucas take her!" hindi ko na makilala ang boses ko nang tawagin ko si Lucas para kunin si Christelle sa'kin."You're gonna pay for this!" binalingan ko ng tingin ang lalaki na nanakit kay Christelle at tuluyan ko ng nakalimutan ang lahat ng makita ko itong nakangisi sa'kin. Tinakbo ko ang distansya namin at nung makalapit na ako dito ay inundayan ko ito ng suntok na hindi nito naiwasan or more like sinadya nitong hindi iwasan. Napalupagi ito sa sahig na ginamit kong pagkakataon para kubabawan ito at pagsusuntukin."You have no right to hurt my wife and put her life in danger!" sigaw ko habang galit na pinapaulanan ng suntok sa mukha ang lalaki. "Bro stop! You'll kill him." naramdaman ko ang mahigpi

  • Mistakes From The Past    Chapter 71

    Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sama ng pakiramdam ko."Christelle are you okay?" Ang nag-aalalang tanong ng mommy ni Roberto. I tried looking for her but it feels like my vision got blinded pero ang kaibahan lang ay nakikita ko ang kapaligiran tanging yung mommy lang ni Roberto ang hindi ko makita."Where are you Mom!?" I ask nervously at nagsimula na din akong i-angat ang kamay ko para kapain ito."I'm here!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Mommy at ng mahawakan ko ang kamay nito. "What's wrong?" Para akong hinatak pabalik sa kasalukuyan at yung pansamantalang pagkawala ng paningin ko ay bigla nalang nagbalik.Pinakatitigan ko ang nag-aalalang mukha ni Mommy. "I've got blinded." Sambit ko at mas lalong lumala ang pag-aalala nito."Tatawagin ko lang ang doctor!" Tumango ako dito.Nang makalabas si Mommy ay pinikit-pikit ko ang mga mata ko para tignan kung mawawala ulit ang paningin ko pero walang nagbago, huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili

  • Mistakes From The Past    Chapter 70

    "Damn those idiot, anong alam nila sa nararamdaman ko!" Galit na usal ko habang nakatingin ako sa numero na dina-dial ko. Pagkatapos kong magtatakbo para layasan ang mga talipandas na iyon ay dinala ako ng mga paa ko sa katapat na park ng building ng CRDL. At habang bakatambay ako dito sa park ay naisip ko na tapusin na ang lahat kaya naman ito ako ngayon at hinihintay ang pagsagot ng tawag ng nasa kabilang linya."Damn Kristoff answer the damn phone!" Inis na wika ko habang mahigpit na nakahawak sa cellphone ko na sumasabay yata sa init ng ulo ko.Hindi ko alam kung may isang oras na ba ang lumipas basta ang alam ko lang ay naririnig ko na ang baritonong boses ng nasa kabilang linya na nagtatanong kung ano ang kailangan ko."I need your help." Sambit ko. Alam ko na napapairap na ito sa kawalan at iniisip na nitong napakatanga ko."Alam ko na kailangan mo ang tulong ko dahil hindi ka tatawag dito ng wala kang kailangan, ang tanong ko ay kung anong klase ng tulong ang kailangan mo." I

  • Mistakes From The Past    Chapter 69

    "Let's talk about the merger of the company!" sa sinabi ko ay pansamantalang natahimik ang mga tao sa loob ng conference room na kalaunan ay nagbago din dahil nagkanya-kanya na ng saloobin ang mga nasa loob. Mayroong mga sang-ayon sa sinabi ko kagaya nalang ni Kletz."That's a good idea, mas mag-eexpand ang company maging ang nasasakupan nito." sambit ni Kletz na sinang-ayunan nina De Vera at Vozta."Sang-ayon din ako kasi makakatulong ito na mapigilan ang pagbagsak ng mga company dahil sa issue na kinakaharap natin." Katulad ni Kletz ay sumang-ayon din si Soriano, isa sa mga matanda at matagal ng investor sa company ko.Pero kung mayroong sang-ayon meron din naman yung masyado ang ginagawang pagtutol na akala mo ba ay nakataya na ang mga buhay nila kagaya nalang si Bolivia na isa sa mga investor ko."Totoo naman na makakatulong ito para mapigilan ang pagbagsak ng company pero may downside pa din ang merger na gusto niyong mangyari dahil maguguluhan ang tao lalo na ang mga matagal na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status