Share

Chapter 14

“Mukhang hindi ko na kailangang kausapin ang Ninong mo, Hija,” pabirong sabi ni Don Fernan.

Natigilan si Lirah sa pag-aayos ng pagkain nito sa maliit na lamesa. Tiningnan niya ang ama at nakitang nakangiti ito nang malapad habang nakatanaw sa ibaba— kay Matias kasalukuyang nagpapakain ng mga aso. Dahil hindi pa pwedeng gumalaw-galaw si Don Fernan ay dinalhan na lamang ito ng pagkain sa silid nito. At gusto nitong kumain sa teresa kung saan matatanaw ang halos kabuoan ng kanilang hacienda.

“Bakit naman, Papa? Ano ang sasabihin mo kay Ninong?”

“Mukhang masaya naman si Matias. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyan.”

“Ho? Paano niyo naman nasabi? Eh parang gusto lang manggulo niyan. Ayaw niya lang magluto para sa sarili niya.” Sumimangot si Lirah.

Natawa si Don Fernan. “Kakaibang bata si Matias, Anak. Sa lahat ng anak ng Ninong mo ay siya lang ang malayo sa mga tao. Pero napaka masunuring bata. Bibihira ko nga iyang makita noon, at sa tuwing makikita ko pa nga ay tahimik lang at nakasimang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimarucut Emelie
magandang buhay po tanong kolang po tapos napoba itong kweto nanakay lira at matias
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status