MasukKinakabahan si Selene habang papalapit siya sa opisina ng agency. Parang ang bigat ng bawat hakbang niya, na para bang may humihila sa kanya pabalik, pero alam niyang wala na siyang pagpipiliian. Sa bawat paghinga niya, paulit-ulit niyang iniisip ang mga anak niya at ang kanyang ina, ang kanyang tiyo.
Kaya mo ‘to, Selene… para sa kanila. Mahina niyang bulong sa sarili. Pagpasok niya sa loob ng agency, agad siyang sinalubong ng malamig na aircon at mas malamig na tingin ng ilang aplikante ring nakaupo sa gilid. May lumapit sa kanyang babae na naka-uniporme. “Selene?” tanong nito. “O-opo,” sagot niya agad. “Dito ka muna. Tatawagin ka ng supervisor.” “Salamat po.” Umupo si Selene sa isang sulok. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya na parang gustong kumawala. Maya-maya, tinawag siya sa isang maliit na opisina kaya agad naman siyang kumilos. Hindi pwede na patanga-tanga siya. “Selene, come in,” sabi ng supervisor nang kumatok siya. Pagpasok niya, isang middle-aged na lalaki ang bumungad sa kanya. Hindi ito ang babaeng tumanggap sa mga papeles niya. “Good morning po,” magalang niyang bati. “Selene, right?” tanong nito habang binabasa ang papel sa harap niya. “Opo,” sagot niya ulit, halos pabulong. Tumango ang supervisor. “May trabaho na para sa’yo,” ngumiti ito kaya ang laki rin ng ngiti niya. “Salamat po.” “Espesyal ang magiging amo mo.” Natigilan si Selene at lalong tumambol ang puso niya sa kaba, “Sp… espesyal po?” Hindi sumagot agad ang lalaki. Tumingin muna ito sa papel, tapos ay sa kanya. “Hindi lahat ng detalye ay puwedeng sabihin ngayon, Selene pero makakasiguro ka na mataas ang sahod at maayos ang kondisyon kaya pagbutihan mo ha.” “Opo, Sir!” “We are protecting our clients’ privacy,” sagot ng supervisor, “Pero wala kang dapat ipag-alala kung susunod ka lang sa rules.” Hindi pa rin mapakali si Selene, pero naalala niya ang mga anak niya na minsan ay natutulog na walang sapat na pagkain sa edad na apat. “Sige po… tatanggapin ko po,” mahina niyang sabi. Ngumiti ang supervisor na parang nasiyahan sa kanya. “Good. May darating na representative para kausapin ka pa.” Lumipas ang ilang minuto. Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Isang babae ang pumasok na walang katok kaya napakurap siya at ngumiti sa babae. Sumulyap kasi iyon sa kanya, sulyap na tila ba naaral na kaagad siya sa isang tingin lang. Mataray ang tindig nito, straight ang likod, at malamig ang aura. Nakasuot ito ng itim na business suit. Parang bawat galaw nito ay aral. The woman doesn't look friendly. Natakot siya pero walang magagawa. “Miss Quintana,” ani ng supervisor at tumayo, “Please have a seat.” Sumunod ang babae at naupo sa tapat ni Selene. “I am Leticia,” diretsong sabi ng babae sa kanya. Tumayo agad si Selene ay yumuko. “Hello po, ma’am.” “Sit down,” anito na parang may buntong hininga. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa. “You are Selene. Confirmed.” “Opo.” “Listen carefully. You will start tomorrow.” Napakurap si Selene, “Bukas na po agad?” “Yes,” pormal na sagot ni Leticia. Binuksan nito ang folder at isa-isang binasa ang detalye. “Salary is fixed, 15,000 a month. Weekly payout, and full accommodation and food. Libre ang shampoo sabon, lotion. You will have a day off during Sunday but if the schedule of your boss is tight, the day off will be adjusted until his schedule is loose. May kontribusyon sa Philhealth at SSS, at walang babawasin sa iyo.” Napakagat-labi si Selene. Parang hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Walang bawas? Kung mayroon man ay agency lang. At ang laki ng bayad para sa isang kasambahay. “Courtesy of your employer since mag-isa ka na kasambahay. Ikaw lahat ang gagawa.” Sandaling tumigil si Leticia. “Kaya?” Tumango siya kaagad. “Your duties will be explained once you arrive. You don’t need to worry about anything else,” dagdag pa nito. “Hindi ko po ba makikita ang amo ko ngayon?” tanong niya ulit. Leticia shook her head, “No. You will meet them when you arrive. If you don't have further questions, sign here,” utos ni Leticia habang titig na titig sa kanya. Saglit nitong sinulyapan ang papel na kinuha sa isang briefcase. Kinuha ni Selene ang ballpen. Nanginginig ang kamay niya habang pinipirmahan ang kontrata. Kung ano man ang ugali ng magiging amo niya, wala siyang karapatan na basta lang umalis lalo pa at nasa agency siya. Sana lang ay mabait. Pagkatapos niyang pumirma, isinara ni Leticia ang folder. “Someone will pick you up tomorrow morning. 6 AM sharp. Be ready. Dito ka niya kukunin. Dalhin mo na ang lahat ng gamit mo.” “Opo,” sagot niya. Tumayo na si Leticia. “Don’t be late.” “Opo, Ma'am.” Leticia turned her back after a handshake with the supervisor. Humakbang ang babae pero biglang tumigil. “By the way, Selene,” anito kaya agad siyang naalarma. “Po?” “Do you have kids? Wala sa profile mo kung may anak ka na. I know you're single but women nowadays stay single even though they're already mothers.” “Meron po pero hindi po sila magiging hadlang. May nag-aalaga po sa kanila,” tipid niyang sagot dito. Hindi na ito sumagot pa at tumuloy na lang sa pag-alis. Pagkalabas ni Leticia ay naiwan si Selene sa opisina ng supervisor. “Good luck,” sabi lang ng supervisor, “Pipirma ka lang dito ng ilang papel at makakauwi ka na. Kung may problema ka sa amo mo, kumontak ka rito at iimbestiga ng agency. Pinangangalagaan din namin ang aming mga kasambahay namin.” “Salamat po,” sagot niya, pero hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o matakot dahil hindi niya alam kung sino ang magiging amo niya. Pero kailangan ni Selene na tapangan ang sarili at isipin na parang tulad lang din naman ito sa probinsya kapag namamasukan na kasambahay. Pag-uwi niya sa bahay, tahimik ang mga bata. Amoy ng ulam na tuyo at sinaing na kanin ang bumungad sa kanya. Sa sala, naroon ang kambal niya, “Mama!” sabay na sigaw ng dalawa nang makita siya. Nanonood pala ang mga ito sa lumabg telebisyon kaya tahimik. Ngumiti si Selene kahit pagod na pagod siya. “Kumusta ang mga baby ko? Aba, nanonood na kayo ng cartoon. May palabas na!” “Iniuwi po ni lolo ‘yan o, tapos nikabit niya po sa TV, may palabas na!” Sabi ni Elara sa kanya. Ito ang madaldal sa dalawa pero ang isa ay hindi. Dwight looks superior and he just observes around. “At saan naman daw nakuha ni lolo ‘yan?” Tanong naman niya. “Sa kapwa drayber daw niya, anak. Aba ay kinuha na naman na hulugan. Singkwenta raw kada pasada. Kakaawa naman daw kasi itong mga bata kapag nakikisilip doon sa bahay ng kalaro tapos pinalalayas noong nanay at mga hampas lupa raw,” ani naman ng nanay niya na nagluluto ng tuyo. “Hindi bale, may trabaho na si Mama!” Masigla niyang sabi sa mga ito.” “Nanlaki ang mga mata ng kambal at nagtatalon sa tuwa. “Kakain na tayo ng fried chicken! Yehey!” Masaya na sabi ni Elara habang si Dwight ay pangiti-ngiti lang. “Totoo ba anak?” Hindi naman makapaniwala na tanong ng ina niya. “Oo, ‘nay. Bukas na ako mag-uumpisa pero kada linggo ay nandito ako. Nanay, pa-enroll niyo na sila sa daycare sa barangay at ihahabol ko kaagad ang mga gamit nila. Lingguhan ang sahod ko. May pera na tayo sa linggo.” “Oo, sige. I-enroll ko na sila total half day lang naman diyan.” “Bibili tayo ng bag, Mama?” Dwight asked. “Oo, bago. Parehas kayo ni Elara.” Ngumiti ito at napakagwapo na sobra. Maganda naman siya kaya lang ay dugyot tingnan dahil mahirap lang at walang magagandang damit. “Kaya lang, si nanay ang kasama niyo ha kasi magwo-work na si Mama para may pambili tayo. Naiintindihan niyo naman, ‘di ba?” Agad na umiyak ang babae niyang anak, “Sana dating na si Papa para hindi na aalis si Mama. Kapag maraming pera si Papa hindi na magwo-work si Mama!” Agad na niyakap ni Dwight ang kakambal, “‘wag ka na iyak, Erara. Pag ako madami pera ‘di na work si Mama.” Ngumiti siya kahit naaawa siya rito. Iba ang sitwasyon ngayon kaysa sa pinasukan niya sa Siquijor. Doon ay uwian siya tuwing hapon kaya kasama niya ang mga ito kapag gabi. Ngayon ay stay-in siya. Kung hindi lang nga humirap na sobra ang paghahanap ng trabaho sa probinsya at hindi inabandona ang tiyuhin niya ay hindi sila luluwas ng mga bata at ng nanay niya. Isa sa dahilan ay ang takot na baka makita siya ng mga taong nanakot sa kanya noon habang siya ay buntis, na kung hindi siya lalayas ng Maynila ay papatayin siya at ang mga ipinagbubuntis niya. Kung sino ang ama ng mga anak niya ay hindi niya alam. Kung paano siya nabuntis? IVF ang sagot sa tanong na iyon.Chapter 62“Talaga bang kailangan na nating gawin ito, Hudson? Pakiramdam ko ay tuluyan nang magbabago ang buhay namin simula ngayong gabi.""It will change, love, but for the better," Hudson promised smoothly, stepping closer to her until their breath mingled in the quiet hallway. "The opposition is getting desperate. They will try to find your old house to harass you. Moving you inside my perimeter is the only way I can sleep peacefully at night while handling the state affairs."Tumango si Selene, tinatanggap ang katotohanan na wala ng balikan ang daan na kanyang nilalakaran. Kasama si Hudson, ang kanyang simpleng buhay bilang isang maid ay ganap ng natapos, at ang isang mas malaki at mas mapanganib na mundo ang naghihintay sa kanila sa loob ng palasyo.The private lift doors opened with a soft chime, and as they stepped inside, Selene looked at the man holding her daughter, knowing that despite the political storm outside, she was exactly where she belonged.“P-Paano pumayag si Na
Chapter 61 "Sir, Ma'am, pakiusap na manatili kayo rito sa sulok na ito. Hindi kayo pwedeng bumaba kasabay ng karamihan." "Anong ibig mong sabihin, Sir na hindi kami pwedeng umalis? Hindi niyo kami pwedeng i-detain dito." Dante hissed, his voice waa a dangerous growl as he stepped protectively in front of Selene and the terrified Elara. Si Dwight ay nakatingin na parang may kakayahan na labanan ang mga taong harap nila. "Ako ay kasama sa Presidential Security Group, driver bodyguard ako. Paraanin niyo kami." "Orders from the top," ang mariing sagot ng sundalo, habang ang iba pang mga guwardiya ay tuluyang ibinababa ang huling bakal na harang sa tapat ng escalator, dahilan para tuluyang maisara ang buong ikatlong palapag, habang sila lamang ang naiwan sa loob. Napaiyak na si Elara sa takot, habang si Selene ay napasandal sa pader, hindi malaman kung anong dahilan kung bakit sila pinaiwan at isinara ang buong lugar sa isang napakalaking lugar na ganito. Hindi kaya at pakana na naman
Chapter 60Selene remained standing by the window, her fingers lightly touching the cold glass as she watched the presidential convoy speed away toward the situation rooom. Ang bigat ng kanyang mga iniisip ay tila mas lalong lumala dahil sa biglaang krisis na kinakaharap ng bansa. In the middle of her deep anxiety, the heavy doors of the dining room opened once again.Leticia walked back into the room, her expression no longer as tense as it was when she was with the military officials.“Parang aatakihin na ako, Ate Letty kapag nakikita kita,” sabi niya sa babae na nakuha pang mangiti at umiling.“You'll get used to this.”Lumapit ito kay Selene at hinawakan ang balikat niya na para bang paraan para magbigay ng kaunting lakas sa kanya."Selene, I just came back to check on you.”Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Salamat, Ate Letty. Ayos lang ako. Sanay naman akong maghintay, pero hindi ko lang mapigilang mag-alala.”"You don't have to worry about that, Hudson is
Chapter 59 Hindi maalis ni Selene ang kanyang tingin kay Hudson habang unti-unting lumalamig ang kanyang mga kamay. Ang tibok ng puso niya ay naging mabilis at parang abot lalamunan lang ang kanyang paghinga. Hudson remained perfectly still, his eyes holding hers with an intense gaze that always made her feel small yet completely seen. Gusto niyang magsalita, pero ang mga salita ay parang natuyo sa kanyang lalamunan dahil sa sobrang gulat. Ang alok nito ay hindi lang isang simples kasal, it meant war to his own father not just with his enemies. "H-Hudson, anong sinasabi mo?" Selene finally whispered, her voice barely audible in the quiet dining room. "Nasisiraan ka na ba talaga ng bait? Hindi mo pwedeng gawin 'yan." Hudson sighed softly, a faint, patient smile touching his lips as he saw the pure panic in her eyes. He reached out again with slow movements before gently grasping her trembling shoulders, "Look at me, Selene. I am completely sane. In fact, this is the most logical de
Chapter 58 Hudson sat at the head of the table, completely relaxed in a comfortable gray sweater and dark trousers. The sharp, unyielding president who had dominated a grand ballroom the night before was nowhere to be seen. Nasa tabi niya si Selene, looking refreshed and peaceful in a simple pastel sundress. Her hair was pulled back into a loose ponytail. A soft, genuine smile lit up her face as she watched Hudson arrange a plate of pancakes with playful seriousness. Sa harap nila ay ang isang tablet. The screen showed a live, high-definition video feed of Selene’s small house. Her two children were sitting at their own wooden table. Ang saya ng mga ito na tingnan at panoorin habang kumakain din. "Papa President, look at my drawing!" the youngest boy shouted, proudly holding up a piece of bond paper covered in colorful crayon scribbles, "It is a big tank! Sabi ni lolo, ganyan daw po ang mga sasakyan ng mga sundalo mo!" Hudson swallowed a bite of his bacon and leaned closer t
Chapter 57Ang itim na presidential convoy ay dumiretso sa pribadong bahagi ng estate imbes na dumaan sa pangunahing gate. Nang tuluyang huminto ang sasakyan, hindi na hinintay ni Hudson ang kanyang mga bodyguard. Agad siyang bumaba at tinanggal ang bow tie sa kanyang leeg bago ito isinilid sa bulsa ng kanyang suit.He walked briskly down the quiet, carpeted corridors of the residence. The busy briefing rooms and crowded lounges from earlier were now empty and still. He nodded briefly to the two Presidential Security Group officers stationed at the final checkpoint before entering his private quarters. The doors closed behind him with a soft click, shutting out the rest of the demanding world.Hindi dumitetso si Hudson sa sarili niyang master suite. Sa halip, dumiretso siya sa maikling pasilyo papunta sa silid ni Selene. Marahan siyang kumatok sa pinto nito.The door opened almost immediately. Selene stood there, wearing a simple, soft cotton nightgown. Ang mahaba nitong buhok ay naka







