LOGINFlashback...
Napapikit si Selene nang marinig ang matinis pero matatag na boses ng babaeng nakaturo sa kanya. “Ikaw, sumunod ka sa akin.” Walang emosyon ang mukha nito, parang sanay na sa ganitong eksena araw-araw. Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik siyang sumunod, ang mga paa niya ay parang may sariling isip habang papasok sila sa isang pribadong opisina. The room was cold and minimalistic, white walls, a glass table, and a single folder placed neatly at the center. It felt clinical, almost intimidating. Umupo siya sa silyang itinuro ng babae. Her hands rested on her lap, trembling slightly. “Name?” tanong ng babae habang binubuksan ang folder. “Selene po, Selene Quintana,” mahinang sagot niya. “You’ve been evaluated this morning. Physically fit, healthy reproductive system, and currently ovulating.” Tiningnan siya ng diretso ng babae, “You have been selected by the client.” Parang may kumalabog sa dibdib ni Selene. The woman leaned back slightly, crossing her arms. “You will become a surrogate mother but not the usual case. The sperm will be donated, but the egg cell will come from you.” Napasinghap si Selene. Hindi niya lubos maintindihan ang bigat ng sinabi nito dahil sabi ni Carlota ay hindi naman sariling egg cell ang gagamitin. Nakarating siya rito dahil sa kanyang katrabaho na naglagi rito sa Maynila nang matagal. Naging crew iyon sa Jollibee habang nasa part time naman siya bago ang pasukan. May kontak iyon sa mga tao na nagha-hire ng surrogate mom para sa mga hindi magkaanak na mag-asawa. Malapit na ang Quezon sa Maynila kaya hindi na siya nag-alinlangan pa na pumunta. “Ibig pong sabihin ay anak ko talaga ang bata?” tanong niya, nanginginig ang boses. “Biologically, yes but legally, no,” sagot ng babae, “The child will belong to the intended parents. You will sign away your rights.” Napatango si Selene, kahit hindi pa buo ang loob niya. Pumikit siya sandali, iniisip ang ama niyang nakakulong, ang maliit na selda kung saan iyon naroon, ang pawis, ang pagod na mukha nito tuwing dinadalaw niya at ang pagkain na sa halip na tumaba ang ama niya ay lalong pumapayat pa. Anim na buwan na halos hindi niya makita ang ama niya sa labas ng rehas at hindi niya makalimutan ang araw na iyon na una niyang nalaman na makukulong ito. “Anak, hindi ko sinasadya…” umiiyak nitong sabi sa kanya. Isang mamahaling aso lang na biglang tumakbo sa gitna ng kalsada ang naging dahilan ng paghimas ng rehas ng kanyang ama. Hindi nakita ng tatay niya ang aso at sa isang iglap ay natapos na ang lahat. Ang kanyang ama ay sugatan at dinala sa ospital pero siya pa ang nakulong. It belonged to a famous vlogger couple and was influential, perhaps powerful. At sa isang iglap, ang simpleng aksidente ay naging “animal abuse” sa mata ng lahat. “Kung hindi tayo makapagbayad ng danyos ay madadagdagan pa ang mga araw na nandito ang tatay mo. Higit pa sa anim na buwan na sinabi ng korte ,” sabi ng abogado sa kanya. Dahil doon ay kumahog siyang makahanap ng pera. “Magkano po ang bayad sa akin dito?” tanong niya. The woman didn’t hesitate, “170,000 pesos once the IVF procedure is successful. Another 100,000 after a successful delivery.” Parang umikot ang mundo niya. One hundred seventy thousand. Sapat iyon para sa danyos sa mag-asawang kupal. Sapat iyon para makalaya ang ama niya. May choice pa ba siya? Wala. The woman slid the contract toward her, “You need to sign if you agree. Everything is written there, terms, risks and obligations.” Binasa ni Selene ang unang pahina. Legal terms. English words na mahirap intindihin pero malinaw ang isang bagay, kailangan niya ito, hindi para sa sarili niya kung hindi para sa ama niya. She picked up the pen. “Sigurado ka ba?” tanong ng babae, ngayon ay medyo mas mahinahon ang tono. Selene looked up. Her eyes were firm now. “Opo, Ma'am.” Bahala na sa alibi na gagawin niya sa nanay niya basta makalaya na ang kanyang ama. At walang pag-aalinlangan, pumirma siya. “Since you’re currently ovulating, we need to proceed immediately,” sabi ng nurse na sumundo sa kanya matapos siyang makapirma. Everything felt too fast, too sudden. Hindi pa man siya nakakapag-isip nang maayos nandito na siya sa loob ng isang kwarto na pang-ospital. She was led into this room. May kama sa gitna, may mga kagamitan sa gilid. “Humiga ka lang, iha,” sabi ng nurse, ngumiti ng bahagya. Selene nodded, slowly lying down. Her heart was racing. “Relax ka lang. This will be quick,” dagdag nito, “Hindi rin pwedeng patagalin dahil kakukuha lang ng sperm sa ama ng magiging anak mo.” Relax. Paano siya magre-relax? Her mind was screaming. What am I doing, pero kasabay ng tanong na ito, may isang boses sa loob niya na nagsasabing para iyon sa mahal niyang ama na hindi naman kriminal. Pumikit siya habang inaayos ng nurse ang posisyon niya. Maya-maya ay may pumasok na isang lalaki na hindi niya alam kung sino. Nakasuot ito ng clinical gown at may mask. “Okay, we’re going to start now,” sabi ng isa pang staff. She felt the cold air against her skin. Then, a slight discomfort. “Deep breaths, Selene,” sabi ng nurse. Huminga siya nang malalim. Inhale. Exhale. The procedure was clinical, precise. Walang halong emosyon. Para sa mga ito, isa lang itong trabaho pero para kay Selene, ito ang simula ng isang bagay na hindi niya pa lubos maintindihan. “Almost done,” sabi ng doctor. She felt a slight pressure. Pumikit na lang siya nang mariin. “That’s it.” She opened her eyes slowly. “Successful insertion,” sabi ng doctor habang nagtatanggal ng gloves, “Now we wait.” Wait. Isang simpleng salita, pero napakabigat. “Paano kung hindi po mag-work?” tanong niya agad “Then we ask the client if we will try again,” sagot ng babae mula sa opisina, na ngayon ay nakatayo sa may pintuan, “But based on your condition, mataas ang chance ng success.” Selene nodded. Sana. Sanga nga para makabayad na siya at maghihintay na lang na makalabas ang kanyang ama. “Pwede na po ba akong umalis dito?” tanong niya. “Not yet. You need to rest for a while. Aalagaan ka at babantayan hanggang makumpira na buntis ka na,” ani ng babae. Makalipas ang ilang minuto, tinulungan siyang makabangon ng staff. “Be careful. No heavy activities,” paalala ng nurse. “Opo,” sagot niya. As she stepped out of the clinic, the sunlight hit her face. Kinabukasan, maagang-maaga, handa na si Selene. Bitbit ang maliit na bag at ang bigat ng puso nang siya ay umalis sa bahay. Nakasilip ang kambal niya at umiiyak si Elara. Lumuha rin siya habang sakay ng binaboundaryhan na tricycle ng kanyang tiyuhin pero anim na araw lang ay uuwi na rin siya. Nagpaalam siya nang maayos sa kanyang tiyo nang maihatid siya sa agency. Ang pera niya ay isang daan lang, bigay ni Carding galing sa pasada. Pumasok siya sa loob ng agency at sinabi sa receptionist ang sadya niya. Tumango ito at pinaupo siya, dahil anito ay wala pa ang susundo sa kanya. Lumapit siya sa waiting area. Uupo pa lang siya nang biglang may pumasok na lalaking naka-uniform kaya nasundan niya ng tingin. “Good morning, Ma'am, may pipick-upin po akong tao, si Miss Selene Quintana. Utos ni Ma'am Leticia.” “Ah, ayan na po siya, Sir. Miss Selene,” baling ng babae sa kanya kaya hindi na niya itinuloy ang pag-upo. Agad siyang lumapit sa mga iyon dala ang kanyang bag. Ngumiti ang lalaki sa kanya at noon lang niya napagtanto na hindi pa ito matanda. Parang trenta pa lang ito. Agad na kinuha nito ang kanyang bag. “Ako na, Selene,” agad nitong sabi kaya ngumiti siya, “Ipinadala ako ni Ma'am Let. Ipinasusundo ka. Ako nga pala si Dante. She nodded, “Sige po,” tumingin siya sa receptionist, “Salamat po, Ma'am.” “Okay, Miss Selene. Good luck.” Nakangiti siyang tumalikod at sumama sa lalaki. Lumabas sila at nakita niya ang maayos na pagkakapark ng sasakyan na nilapitan ng lalaki. Itim iyon, malinis, makintab at hindi pamilyar ang itsura. Parang bihira ang ganoong sasakyan dito sa Pilipinas. “Sumakay ka na.” Isinara niya ang pinto ng sasakyan. Puno ng pag-asa ang puso niya kahit na ang lungkot niyang hindi maaalagaan ang mga anak niya, at nag-aalala siya sa nanay niya. Balang araw ay babawi siya. Hindi na sila maghihiwa-hiwalay. Malaki ang mga mata ni Selene nang makita kung saan siya dinala ng driver na sumundo sa kanya. Hindi siya makapaniwala dahil sa Malacañang Palace sila huminto. Para siyang nanaginip. Ang lugar na dati’y napapanood lamang niya sa telebisyon, ngayon ay nasa harapan na niya, napakalaki, napakagara, at tila napakalayo sa mundong kinagisnan niya. Napalingon siya sa lalaking driver, halatang naguguluhan, “Dito po ba talaga?” mahina niyang tanong, bahagyang nanginginig ang boses. Tumango si Dante, “Oo. Dito ka magtatrabaho sa presidente,” nakangiti nitong sabi. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o matutuwa. Sa isip niya, bakit siya? Isa lamang siyang simpleng babae na handang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Hindi niya inaasahan na dadalhin siya sa ganitong lugar, sa mismong tahanan ng pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Pagkababa niya ng sasakyan, sinalubong siya ng malamig na hangin at ang matatayog na haligi ng palasyo. Napakalawak nito at hindi na ito ang palasyo na tulad noon sa mga litrato sa eskwelahan. Napakaganda nito at napakalawak ng bakuran. Napayakap siya sa sarili, pilit pinapakalma ang puso niya. Hindi siya sanay sa ganitong klase ng mundo, mga taong may kapangyarihan, pera, at impluwensya pero wala siyang magagawa. Kahit na pakiramdam niya ay sinlaki na lang siya ng langgam ngayon ay trabaho naman ang sadya niya. Habang naglalakad siya papalapit sa palasyo, napansin niya ang mga guwardiya at mga taong abala sa kanilang gawain. Mahigpit ang security at binulatlat ang kanyang bag hanggang sa kasuluk-sulukan na bahagi. May detector na ay may masusing pagsiyasat pa. Lahat ng giwardiya ay tila disiplinado at seryoso. Huminga siya nang malalim at pinatatag ang loob. Anuman ang naghihintay sa kanya sa loob ng palasyo, haharapin niya. “Huwag kang kabahan. Normal na dito ‘yan,” ani Dante sa kanya. She smiled, “Salamat.” “Dito na lang ako sa labas. Kaya mo ‘yan.” Tumango siya nang kindatan siya ng driver. Bago pa man siya makahakbang ay nakita na niya ang isang babae na may dalang bagahe na papalabas naman. Kasunod no'n si Leticia. Nginitian niya ang babae na may hilang bag pero inirapan siya. Napayuko na lang ang dalaga at nahihiya na tumingin kay Leticia. “Let's go, Selene.” “Good morning po, Ma'am. Sige po.”Guys, don't forget to leave your comments and your review. salamat. pahingi ng bituin hahaha.
Masayang-masaya si Selene habang kausap ang kanyang ina sa maliit na kwarto na inuupahan niya sa Maynila. Hawak niya ang telepono, at hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi habang ikinukwento ang tungkol sa kanyang bagong trabaho. “Ma, mabait po ang presidente,” masigla niyang sabi rito sa video call, “Hindi siya katulad ng iniisip ng iba na masungit o mayabang. Tahimik lang siya, pero ramdam mo na mabuti siyang tao. Hindi po siya mapangmaliit.” On the other line, her mother chuckled softly, “Talaga, anak? Presidente na ‘yan ha. Sigurado ka bang hindi ka lang natatakot kaya ganyan ang sinasabi mo?” Selene laughed lightly. “Hindi po, Ma. Totoo po. Ang ganda po niyang magsalita sa akin. Hindi niya ako pinapahiya o pinapagalitan kahit baguhan pa lang ako.” Habang nagkukwentuhan sila, sa gilid naman ng kwarto ay naglalaro ang kambal. Masigla ang mga iyon na tumatakbo at nagtatawanan, tila walang iniintinding problema sa mundo. “Mama! Mama! Look at me!” sigaw ngni Dwight habang nagpap
The kitchen was warm, filled with the comforting aroma of simmering dishes that Selene had carefully prepared. Hindi dapat maalat at hindi matabang. Steam rose gently from the pots, and the soft clinking of utensils echoed in the quiet space. Nakaplanong mabuti ang lahat, mula almusal hanggang hapunan. A daily planner was neatly pinned on the wall, listing every meal she had to cook only for him. She made sure to follow it strictly. This was not just any household, it was the President’s residence. Nagpunas si Selene ng kamay sa kanyang apron na suot. “Malapit na,” aniya sa hangin habang binibilang ang pagkisap ng dalawang tuldok sa digital alarm clock. She quickly arranged the last dish on a serving tray, making sure everything looked perfect. Presentation mattered. Everything here had to be flawless. Para siyang mauutasan ng hininga dahil sa ginagawa. Nakakamatay na pala ang pag-table setting ngayon. Sa kabilang bahagi ng palasyo, may sariling kusina ang mga gwardiya at tauhan
Matapos maipaliwanag ang mga gawain ay sandaling natahimik si Leticia at tiningnan si Selene mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung kakayanin ba niya ang responsibilidad na nakaatang sa kanya. “May tanong ka ba?” tanong nito, diretso ang tingin sa kanya habang siya ay parang nakalutang sa ulap. Kung ito man ang pakiramdam ng naka-drugs, ganoon na nga. Bahagyang napakurap si Selene bago umiling, “Wala na po, Ma'am.” “Sigurado ka?” muling tanong ni Leticia, this time mas mababa ang boses nito pero mas istrikta ang dating. “Opo,” sagot ni Selene, pilit na pinatatatag ang sarili. Tumango si Leticia, “Good. I like that. Less questions, less problems.” Pagkasabi no'n ay tumalikod ito. “Sumunod ka sa akin.” Tahimik na sumunod si Selene habang naglalakad sila sa mahabang hallway ng palasyo. Napatingin siya sa paligid na may malalaking chandelier, makikinang na sahig, at mga paintings na halatang mamahalin. “Ang ganda…” bulong niya. “Get used to it,” ani Leticia nang hindi man l
Flashback...Napapikit si Selene nang marinig ang matinis pero matatag na boses ng babaeng nakaturo sa kanya. “Ikaw, sumunod ka sa akin.” Walang emosyon ang mukha nito, parang sanay na sa ganitong eksena araw-araw. Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik siyang sumunod, ang mga paa niya ay parang may sariling isip habang papasok sila sa isang pribadong opisina. The room was cold and minimalistic, white walls, a glass table, and a single folder placed neatly at the center. It felt clinical, almost intimidating. Umupo siya sa silyang itinuro ng babae. Her hands rested on her lap, trembling slightly. “Name?” tanong ng babae habang binubuksan ang folder. “Selene po, Selene Quintana,” mahinang sagot niya. “You’ve been evaluated this morning. Physically fit, healthy reproductive system, and currently ovulating.” Tiningnan siya ng diretso ng babae, “You have been selected by the client.” Parang may kumalabog sa dibdib ni Selene. The woman leaned back slightly, crossing her arms. “You wil
Kinakabahan si Selene habang papalapit siya sa opisina ng agency. Parang ang bigat ng bawat hakbang niya, na para bang may humihila sa kanya pabalik, pero alam niyang wala na siyang pagpipiliian. Sa bawat paghinga niya, paulit-ulit niyang iniisip ang mga anak niya at ang kanyang ina, ang kanyang tiyo.Kaya mo ‘to, Selene… para sa kanila. Mahina niyang bulong sa sarili.Pagpasok niya sa loob ng agency, agad siyang sinalubong ng malamig na aircon at mas malamig na tingin ng ilang aplikante ring nakaupo sa gilid. May lumapit sa kanyang babae na naka-uniporme.“Selene?” tanong nito.“O-opo,” sagot niya agad.“Dito ka muna. Tatawagin ka ng supervisor.”“Salamat po.”Umupo si Selene sa isang sulok. Ramdam niya ang kaba sa dibdib niya na parang gustong kumawala. Maya-maya, tinawag siya sa isang maliit na opisina kaya agad naman siyang kumilos. Hindi pwede na patanga-tanga siya. “Selene, come in,” sabi ng supervisor nang kumatok siya.Pagpasok niya, isang middle-aged na lalaki ang bumungad s
Mabilis na tinanggal ni Hudson ang kanyang coat nang makapasok sa opisina, halos hindi na niya napansin ang bigat ng maghapon na nagdaan. Kabuntot niya si Leticia, ang kanyang assistant na sanay na sa ganitong eksena, iyong pagod na pagod ang Pangulo pero pilit pa rin na maging matatag.Katatapos lang ng kanyang SONA. Ilang oras siyang nakatayo, nagsalita, ngumiti, at nagpakita ng lakas sa harap ng buong bansa pero sa likod ng lahat ng iyon, ramdam na ramdam niya ang pagod, hindi lang sa katawan, kung hindi pati sa isip.He didn’t want this kind of life but he had to embrace it because of the calling. He had no choice.Matapos ang mga taon ng kaguluhan at pagbagsak ng tiwala ng mamamayan, tuluyang binago ng Pilipinas ang sistema ng pamahalaan mula sa ama ng kanyang lolo. Inalis ang halalan para sa pinakamataas na posisyon at ipinatupad ang tinatawag na Legacy Presidency, isang pamumunong ipinapasa sa iisang pamilya upang mapanatili umano ang katatagan ng bansa.Sa ilalim ng bagong bat







