Halos hindi ako makagalaw nang tuluyan akong pumasok sa magarang sasakyan ni Mr. Hernan. Isa itong black Chevrolet latest edition na fully costumized ang loob. May upuan na mukhang sofa na kung titingnan. Kulay asul iyon at magaan sa mata dahil bumagay sa kurtinang nakasabit sa bintana ng sasakyan. Mayroon ding malaking flat T.V. sa aming harapan. Habang sa hinuha ko ay soundproof naman ang buong lugar.
"I will be so lucky tonight. Apple right?"
Natigil ang pag-iisip ko at tiningnan si Mr. Hernan. Nakangiti ito sa akin habang may kislap ang mga mata. Nakita ko na naman ang gintong bagay sa ngipin nito. Gusto ko sanang ikutan siya ng mga mata ngunit pinigilan ko ang sarili. Minura ko pa ang aking isip para lang huwag gawin ang bagay na iyon.
"Ah, yes Sir. Apple!"
Ngumiti ako pero pakiramdam ko ngiwi ang nagawa ko. Umusog din ako ng konte papalayo dito dahil parang gusto kong masuka. Amoy na amoy ko ang pabango ni Mr. Hernan at hindi ito katanggap-tanggap sa aking ilong. Kung ganito ang pabango ng mga mayayaman ayaw ko nang maging mayaman. Ang lakas ng amoy. Gayunpaman, sinikap ko pa ring umakto ng normal.
Naging maayos at tahimik ang aming naging byahe kahit pakiramdam ko napakalayo nang aming narating. Hindi na rin ako tinanong o kinulit ni Mr. Hernan at abala na lamang ito sa kaniyang cellphone. Nang tuluyang tumigil ang sasakyan ay saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag. Ngunit, nagbago rin iyon at bumundol ng kaba ang aking dibdib nang makita ko ang tanawin sa labas.
I could see vast ocean. Ngunit, hindi roon ang nakakuha ng atensyon ko kundi ang napakalaking barko na yate kung tawagin ng iba. It was very huge that it looked like an expensive ferry for travelers. Sa labas pa lang ay kitang-kita ko na ang mga nagsisindihan nitong ilaw. Habang ang mas nagniningning sa lahat ay ang pangalang, MARCUS na nakasulat sa gilid ng cruise ship.
"Let's go," untag sa akin ni Mr.Hernan Ibinaling ko kaagad ang paningin kay dito at nakitang inilalahad nito ang braso para sa akin.
I was hesitant to do it. I even blinked a few times to convince myself to calmed down and just go with the flow. Wala rin naman akong magagawa sa ngayon kundi ang sumunod dito kaya sa huli, kahit napipilitan, inabot ko ang kamay nito.
We walked on a long trail before we finally entered the ship. Namangha kaagad ako sa gandang bumungad sa akin. The place was filled with gold and it was shinning upon my sight. It was actually complimented from the gold silk dress that I was wearing. The Jazz music were filled to the place too. Pakiramdam ko tuloy para sa akin ang gabi dahil bukod sa suot ko, paborito ko rin ang musikang tumutugtog. Minus na nga lamang si Mr. Hernan na nasa aking tabi at mas lalo pang hinigpitan ang kapit sa akin.
"Mr. Villar, nice to see you," a bald man approached us. Nakangiti ito kay Mr. Hernan ngunit mas matagal ang inilagi ng mata nito sa akin. "You have a beautiful date tonight," komento pa nito.
Pasimple akong lumingon sa aking gilid para ngumiwi. Kung hindi lang dahil sa pera na makukuha ko, hindi ko gugustuhing makasalamuha ang mga ganitong tao. They were obviously old rich. Mukhang party ng mga DOM itong napuntahan ko.
Napailing ako at tahimik na napabuntonghininga. I looked up to keep my composure back but I stopped midway. Parang itinulos ang mga mata ko sa isang imahe. Malabo ito dahil malayo sa akin.
My heart skipped a beat. Mabilis na ngayon ko lang naramdaman. Para akong kinakabahan. May kung anong epekto ang lalaki sa akin na hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko alam dahil hindi ko pa iyon naramdaman.
Hindi ko rin alam kung pinaglalaruan lamang ako ng aking mga mata pero pakiramdam ko sa akin ito nakatingin. O, baka nagkakamali lang talaga ako dahil kaagad ding may babaeng lumapit dito at doon na bumaling ang tingin nito.
"Are you okay, Apple?" It was Mr. Hernan. Memoryado ko na yata ang boses nito kahit pa ngayon ko lang ito narinig. Malalim iyon na tila ba malungkot.
Napabuntonghininga muli ako at hinarap ito. "Ayos lang, Sir. Pasensya na po," pagpapaliwanag ko.
"Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng Sir. Call me Hernan, instead."
Gusto kong magprotesta sa sinabi nito. When I looked around, I noticed that the man Mr. Hernan was talking with a while ago was gone. Kami na lamang dalawa ang naroon sa bukana ng ship habang ang iba naman ay abala na rin sa kani-kanilang mga ginagawa.
It was an advantage for me, though. Mas gusto kong tahimik lang ang gabi ko kahit pa mangalay ako sa higpit ng kapit ni Mr. Hernan sa akin. Nang maglakad kami papasok ay mas lalong dumami ang nagpapakilala dito. Noon ko lang din nalaman na isang sikat na jeweller si Mr. Hernan sa bansa. Na hindi iyon party ng mga DOM kundi isang birthday party ng lalaking nagngangalang Marcus.
Nang mapagod si Mr. Hernan ay nag-aya na itong maupo. Nagpasalamat ako ng lihim dahil doon. Nangangalay na rin ako dahil sa heels na gamit ko. Mataas kasi ang takong nito. Sumunod lamang ako kay Mr. Hernan nang maupo ito sa isang magarbong mesa. May wine, prutas at plate setting na sa ibabaw niyon na pinagmasdan ko na lamang sa mga minutong nagdaan.
"Enjoy yourself, Apple. Mamaya pa ang party. You can tour around if you want."
Gulat kong tiningnan si Mr. Hernan. Nakita kong nakangiti lamang ito sa akin at tumango. I smiled back to him too. Bigla akong na-excite sa sinabi nitong pwede akong mamasyal sa loob ng yate. Akala ko ay tuluyan na akong uugatin sa mga hawak nito sa akin at mangangalay.
"Talaga po?!" masiglang wika ko.
"Yes! Just be careful. The yacht was sailing. Baka mahulog ka." Tumawa ito sa huling sinabi. Natawa na rin ako kahit hindi ko naman makuha ang totoong ibig nitong sabihin. Hindi rin naman ako baliw para tumalon sa dagat ng walang dahilan.
"Pwede na po bang umalis?" tanong ko kay Mr. Hernan. Nagpa-cute pa ako dito para lang pumayag na ito. Hindi na rin ako kinakabahan sa presensya nito. Lalo na sa mangyayari sa akin sa buong gabi dahil mukhang mabait naman ang matanda at malabong gumawa ng kalokohan.
"Sure! Just be back at nine. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," paalala nito.
Mabilis akong tumayo. "Thank you Mr. Hernan!" wika ko at nagpaalam na dito.
I walked smiling. I walked fast. Kahit hindi ko alam kung saan ang tungo ko nakangiti pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang pakiramdam ko. Bigla ring nawala ang pangangalay ng aking paa at tuloy-tuloy ang mga hakbang na para bang hindi nito naramdaman ang pagod kani-kanina lang.
I passed every corners of the yacht. Turned every pathways and I even checked each room as I tour around. I was amazed how clean and organize it was. Kompleto sa gamit habang purong puti at itim ang kombinasyon nito sa loob. May aircon at bathroom din na kanugnog ng kwarto. It was not an ordinary yacht, afterall. It was luxurious and expensive for rich people's pleasure only.
"Oh, Fuck!"
"Uhmm. . ."
Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang ingay na iyon. I looked around and listened. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin nang marinig ko ulit ang ingay galing sa nakapinid na pinto. Para bang may demonyong sumapi sa akin at hindi na ako maaari pang umatras nang simulan kung humakbang papalapit sa pinto kung saan nagmumula ang ingay. Para bang may malakas na enerhiya na unti-unting nagtulak sa akin upang pihitin ang nakasaradong pinto.
The door wasn't lock. Habang hawak ko ang siradura ay kumakabog naman ang dibdib ko sa kaba. Nagsusumigaw ang isip ko na bitawan ko na ito at umalis na lang pero hindi ko nagawa. Hindi ko magawa dahil para bang sinasadya nang pagkakataon na pairalin ang aking kuryusidad.
Maingay pa rin ang loob ng kwarto nang tuluyan ko itong mabuksan. I instant scanned the place and found myself speechless and horrified. Sino ba namang hindi manlalaki ang mga mata kung nakakita ka ng live show ng pagtatalik? At hindi lang basta sex ang ginagawa ng dalawa kundi role playing iyon. Nakatalikod ang babaeng nakasuot ng cat woman attire sa mesa habang ang lalaki naman ay nasa likod nito na tanging cowboy hat lang ang mayroon at ang latigong hawak nito.
'Putang*na!' mura ko sa isip nang malaglag ang aking sukbit na pouch mula sa aking kili-kili. Dali-dali kong pinulot iyon at kinuha. Alam kong huli na dahil pakiramdam ko may mga matang nakasunod sa akin ngunit wala akong pakialam. In trembling hands, I picked it and ran as fast as I could to get out of the place.
Halos hindi ko na alam kung saan ako nakarating. Wala na rin akong pakialam pa dahil ang gusto ko lang makalayo roon. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso ko sa pagmamadali. Muntik na rin akong madapa dahil sa taas ng takong na gamit ko. Pinagalitan ko rin ang sarili at sinabunutan ang nakakulot kong buhok dahil sa aking katangahan nang tuluyan akong huminto sa may railing ng yate. Dahil sa kaba ay mukhang nakarating pa ako sa roofdeck ng yate.
"Ang tanga mo Apple!" mahinang kastigo ko sa sarili. Inangat ko rin ang isa kong kamay at pinakiramdaman ang tibok ng aking puso. Napakabilis na para bang daig ko pa ang sumali sa karera.
Tumingala ako at humugot ng malalim na paghinga. Inipon ko ito sa aking dibdib at pagkatapos ay pinakawalan. Ilang beses kong ginawa iyon para lamang kumalma at kalimutan ang nangyari. Ngunit, sadyang nakaukit na sa akin ang mabilog at malaking pwet ng lalaki.
"Dito lang pala kita makikita."
Napamura ako sa isip nang marinig ang boses sa aking likuran. Ang unti-unting kumakalmang puso ay muli na namang tumibok ng malakas. Gayunpaman, pinilit ko pa ring lingunin kung sino ang nasa aking likuran.
It was a man. Hindi ko kilala. Hindi rin isa sa nagpakilala sa amin ni Mr. Hernan. He was wearing a business suit in tie and an expensive watch on his wrist. He was not that old, actually. Palagay ko nasa forties lamang ang lalaki.
"Ah.. Eh.."
Kinutusan ko ang sarili dahil hindi ko alam ang sasabihin dito ngunit ngumiti lamang ito. The man has looks. Gwapo marahil ito noong kabataan dahil gwapo pa rin ito sa aking paningin kahit pa medyo mababakas na sa mukha nito ang totoong edad.
"Condrad Aguirre. Nice to meet you Mi Bella," nakangiting turan nito sa akin.
Hindi ko alam. Hindi ko rin kilala si Mr. Condrad pero may kung anong pwersa dito na nagtulak sa akin para abutin ang kamay nito at magpakilala.
@sheinAlthea
Condrad Aguirre POVChance. When I was young and got the dream I wanted, I thought I have all the chance in the world. Madali sa akin ang makuha ito. Madali sa akin ang magtagumpay. Ngunit nang nagmahal ako, sinampal ako ng katotohanang may mga bagay na hindi para sa akin. But I was cruel. I took that chance for my own gain; kahit na ang kapalit ay ang pagkawala ng lahat sa akin. Apple Santibañez, an alluring woman that captured and melted the coldest part of my heart. Akala ko, hindi kailanman titibok ang puso ko para sa isang babae. But when she came, the chance was clear to me. Selfishly, I grabbed it, even if I was hurting her in the process. A chance to love. I had it once. I lived with it. The happiest of my life. Akala ko hindi na matatapos ang lahat. Ngunit kung ang mga bagay ay pinilit lang, wala iyong kásiguraduhan. The chance I had ended. Ang masakit, kasama ng pagkatapos ang pagkalimot. "Sino ka?" My eyes widened. I was in tears. My heart was in pain and scattered
I still couldn't believe it. I couldn't even process everything. Parang sa isang iglap lang nagbago ang lahat. Kung paano at bakit, hindi ko alam. "So, bakit ka naiinis? Past is past na nga, 'di ba? Ikaw ang nagsabi." Napatitig ako sa monitor ng laptop. Napabuntonghininga. "Hindi ko alam, Nylen. Parang imposible kasi," wika ko. Nylen gave me a disapproving look. Alam ko na kaagad na hindi nito nagustuhan ang sagot ko. "Is it the other way around, Apple? Apektado ka pa rin ba sa kaniya?" Itinuon ko sa labas ng balcony ang paningin. "Hindi ka makasagot. I'll take your silence as a yes.""I wish you were here." Napangiti ako. Nasa kalangitan pa rin ang mga mata. Gumagabi na pero katulad nang nagdaan, hindi ako makatulog. My head was occupied with questions I badly wanted to know the answers. Pero wala akong lakas ng loob na magtanong. Duwag akong pag-usapan ang nakaraan lalo na at hindi na lang tungkol sa amin ni Condrad ang lahat, tungkol na rin ito kay lola. Natatakot akong baka kap
Isa. Dalawa. Tatlong oras. . .Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang nakalipas mula nang tumuntong ako ng Pilipinas. Pakiramdam ko napakabilis at halos kisap-mata lang na nangyari ang lahat. It was so sudden. Unexpected. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na siya kaagad ang makikita ko sa aking pagbabalik. "So! How was the graduation, hija? Pasensya ka na at hindi na ako nakadalo. This old woman is useless. Ah, how I wish I was there." Boses ni Lola ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked at her. "Ayos lang naman po. Normal na graduation pa rin." Totoo naman iyon. There's no special about that event. Pagkatapos kong matanggap ang diploma at mag-picture taking kasama sina Franco at Nylen, umuwi na rin kami. "Oh, my poor child." My grandmother's voice sounded in frustration. Naiintindihan ko naman siya. Marahil, matindi ang pagnanais niya na dumalo sa espesyal na okasyon na iyon. Nang maghiwalay ang mga magulang ko noon, nawalan na rin kami ng komunikasyon sa isa't isa. I tho
"Ladies and gentle, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. We welcomed you to Manila, Philippines."Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Huminga nang malalim matapos hamigin ang sarili. Sinulyapan ko rin ang bintana sa aking tabi at nakita ang liwanag na nagmumula sa papalubog na araw. Hindi naman ako nakatulog. Bagkus, kanina ko pa pinapakalma ang puso kong nagsisimula ng tumibok nang malakas. I was nervous.Scared. Alone. Nakapaninibago pala na muli kong maranasan ang pag-iisa. Pakiramdam ko. . . hindi ako sanay. Marami rin akong naiisip; mga posibilidad. Kahit naman kasi limang taon na ang nakalipas, at wala akong anumang komunikasyon sa lahat maliban kay lola, hindi maikakaila na maliit lamang ang Pilipinas. Santibañez was born rich. Iisa ang ginagalawan tulad ng mga Trinidad. 'Come on, Apple. Nag-o-overthink ka na naman!'I shook my head. There's no use of turning back now. May konting takot ako at kaba, oo, pero hindi ibig sabihin niyon na apketado pa r
Why do you want to be an attorney? That was the question I have been thinking for a while now and I still doesn't have a concrete answer to it. Bakit nga ba? Is it because I wanted to help those who are accused but are actually innocent? Is it because of my mother and the fate she experienced? Is it because I was afraid that someone might experience the same ill fate as me. Hindi ko alam. I wasn't sure either. Basta ang alam ko, gusto kong maging abogado. "I heard your grandmother is throwing a party. Uuwi ka ba?" Franco said while giving me a cup of coffee. Kinuha ko iyon. "Oo," tipid na sagot ko. "Salamat. Hindi lang naman dahil sa party kaya ako uuwi," dagdag ko pa matapos amuyin ang aroma niyon. Umaga at nakaupo lamang ako sa veranda ng villa na pagmamay-ari ni lola. My father's mother. Hindi ko alam kung paano niya ako nahanap noon, but I was fortunate that she found me. Hindi na rin ako nagtanong. Masyadong maraming nangyari na kinailangan kong iwan ang lahat at magpak
"Kailangan mo ba talagang gawin ito? Paano kung hindi ka niya maintindihan? Paano kung saktan ka niya? Paano kung magmakaawa siya sa 'yo? Ano ang gagawin mo, Apple?" Matiim kong tinitigan si Nylen na nasa aking harapan. Kanina pa siya nag-iingay rito sa isang sikat na cafè sa loob ng BGC at mukhang wala pa rin itong balak na tumigil. Alam kong nag-aalala lamang siya sa akin pero alam ko rin sa sarili na kailangan kong gawin ang bagay na dapat matagal ko nang ginawa. "Hindi pa naman kasi kami nag-uusap ng pormal. Besides, Marcus is a good man. He won't hurt me," sagot ko. Nylen looked more frustrated. Mas lalong naging mariin ang titig niya sa akin. "I got your point. Kaso, iba na ang sitwasyon ngayon. Natatakot ako para sa 'yo." Her eyes turned weary after. I grabbed her hand and pressed it lightly. I heaved a deep sigh and smiled, then I said, "Ayos lang ako. Praning ka lang masyado. I'm stronger now, you know." That was meant to be a joke. But when I saw Nylen's death glare, I la