Share

Kabanata 1

last update Last Updated: 2023-12-06 17:25:16

Pakulo

Pilyong nakanging tumitig siya sa akin ngayon.

"Well if that's the case, we should start the show tomorrow," nakataas kilay niyang sabi.

"We should clear some conditions about it like you can just hold my hands pag nandyan sila. No kissing. I mind my own business, you mind your own. Walang pakialamanan," mariin kong sabi sa kanya.

"No problem with me, ako pa lugi dito," sabi niya sabay halakhak.

Pinamulahan ako ng mukha. Ang yabang talaga ng kumag na ito! Hindi lang naman siya ang gwapo sa mundo. Kung makaasta akala niya gusto ko siya.

"Hindi kita type Mr. De Luca, ang layo mo sa ideal man ko," sagot ko para man lang makabawi.

Nakita kong napatuwid siya ng upo at biglang tumalim ang mga matang nakatitig sa akin. Tanaw kong medyo dumilim sa paraan ng pagtingin sa akin. Humilig pa siya palapit at tinunga ang inorder niyang alak.

"What's your type then?," maanghang niya tanong.

"Siguradong hindi ikaw yon," pairap kong sagot na sa kanya.

"Just give me your phone number so I can text you on what we should do tomorrow," medyo galit niyang sabi sa akin.

"Akin na," lahad ko ng kamay sa kanya.

Inilahad nya ang kanyang kulay itim na cellphone. Naka palumbaba siya habang nagtitipa ako ng numero at inantay na matapos.

"Okay na, magpakilala ka nalang,' sabay lahad ko ng cellphone pabalik sa kanya. Tinitigan niya ito bago binaba sa lamesa.

"I think we are done, pwede na ba akong mauna?," dagdag ko.

"I'll take you home, I don't want Tito and Tita to worry," sabi niya bago tumayo.

"No, kaya ko namang umuwi. Wag na!," pilit kong sabi sa kanya.

"I insist Lois, besides I promise them to take you home safely," mariing sabi niya sa akin.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Parang may kakaiba akong naramdaman sa simpleng pag bangit ng pangalan ko. Hindi ko alam kong ano, di ko maipaliwanag.

"C'mon now, it's getting late already." dagdag na sabi niya bago inantay ako saka naglakad.

Tahimik kami paglabas hanggang sa pagpasok sa kotse. Dediretso sana ako sa likod ng magsalita siya.

"Don't tell me gagawin mo akong driver?," matalim niyang sabi.

"Sit beside me," malamig niyang dagdag.

Tahimik kong binuksan ang pinto ng passenger seat at napabuntong hiniga ng malalim. Nakaupo na rin siya at pinaandar ang sasakyan saka bumaling sa akin. Tinitigan niya mula dibdib hanggang sa hita ako. Parang bigla akong napahiya sa titig niya. May kong ano sa paraan ng hagod ng tingin niya. Kung ano ano tuloy ang naiisip ko!

"Bakit?," namula kong tanong sa kanya.

"Put your seatbelt's on," imporma niya saka bumaling na sa harap ng sasakyan.

"Ah." yon lang ang tanging naisagot ko sa kanya.

Mas lalo akong namula sa sinabi niyang iyon. Medyo napahiya ako sa sarili!

Tahimik kami buong biyahe, walang umimik sa amin. At tingin ko parang biglang sumikip at uminit ang sasakyan kahit kaming dalawa at malamig naman ang aircon. Ngayon ko lang napagtanto na hindi basta basta ang presenya niya. May kung anong iba talaga sa kanya. Misteryoso, kaya siguro nahuhumaling ang maraming babae sa kanya.

Pinilig ko nalang ang ulo ko at tinigil na ang pag iisip hanggang sa di ko namalayan na napapikit na ang mga mata ko dahil sa antok at pagod.

"Hey wake up, were already here, you're home," nagising ako sa munting tapik sa aking balikat.

Minulat ko ang mga mata ko at ang una kong natunghayan ay ang mga ni Mr. De Luca, nandito na pala kami sa harap ng bahay.

"Sorry nakatulog ako," paumanhin ko saka tumuwid ng upo at ambang lalabas na.

Lumabas na rin siya ng kotse at nakita akong bumukas na rin ang pinto ng bahay namin. Nakita kong palapit sina Mama at Papa sa gate kong saan na kami nakatayo.

"Good evening again Tito and Tita, hinatid ko lang po si Lois," magalang na bati at sabi niya.

"Thank you hijo, gusto mo bang magkape muna sa loob?," tanong ni Papa. Bago bumaling ulit sa akin.

"I'm good at saka gabi na po, maybe next time when I drop off," sagot niya sa ka tinitigan ako.

"I'll go ahead Tito and Tita, Lois," paalam niya bago tumalikod at pumasok sa kotse. Bumusina siya bago pinaharorot ang kotse palayo.

Tumikhim ako para maibsan ang kahimikan sa pagitan namin nina Mama at Papa. Hindi ko sila kinibo ng pumasok ako ng bahay.

"Anak mag usap muna tayo kahit saglit lang," nag mamakaawang sabi ni Mama at sinundan ako.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin agagd na ganoon? Pinapahamak niyo na ako Mama at Papa. Kaligayahan ko ang nakasalalay dito. Mahal ko kayo pero bakit naman ganito?" nanginginig kong sabi sa kanila.

Kahit kailan hindi ako nagalit sa kanila, ito na ata pinakaunang beses na mangyayari yon. Pinalis ko ang mga luha ko ng di ko na mapigilan.

"Hindi naman sa ganoon, mahal na mahal ka namin ng Papa mo. Naunahan lang kami ng takot na sabihin sayo noong nakaraang gabi kasi alam namin na baka di ka sasama sa amin. Di namin alam kung paano ipapaliwanag ng Papa mo sayo anak. Pero mababait naman ang mga De Luca at si Paris baka kalaunan magkasundo din kayo", mahabang paliwanag ni Mama sa akin at hinawakan ang kamya ko para hindi ako makaalis.

"Mukha namang responsableng lalaki si Paris anak, bigyan niyo ng pag kakataon ang isa't isa," dagdag pa ni Papa.

"Responsable? Nakita nyo ba sa newspaper at magazine kung paano siya mgapalit ng babae? Lingo lingo may kahalikang babae. Yon ba ang gusto niyong lalaki para sa akin? O dahil may malaking utang na loob tayo sa mga De Luca kaya kayo hindi makahindi?," matapang at mariin kong sabi sa kanila.

Nakita kong umiwas ng tingin si Papa at pareho silang hindi nakaimik.

"Ikokonsedera ko ang mga sinabi ninyo pero hindi ko maipapangako na aayon sa gusto nyo ang kalalabasan. Susubukan kong kilalanin at pakisamahan si Paris" seryoso kong sabi sa kanila.

"Mauna na po ako, gusto ko ng magpahinga," dagdag na sabi ko bago pumunta sa kwarto.

Pareho silang tumango at matipid na ngumiti sa akin.

Kinaumagahan ay parang kaswal lang ulit kaming nag almusal na magpamilya. Hindi na nila binanggit pa ang tungkol kay Paris o sa mga De Luca. Alam kong pareho namin iniiwasang pag usapan iyon. Hnaggang sa makarating ako ng opisina at nadatnan na si Ava at Gabe na nakikipagtsikahan na.

"Morning girl!," masayang bati ni Gabe.

Binati ko rin siya pabalik yon nga lang parang walang kabuhay buhay.

"Parang puyat na puyat ka girl ah," komento ni Ava sa akin. Nginisihan ko nalang siya para ipakita na okay lang. Baka pag sinagot ko mag question and answer portion pa kami.

Dumaan ang mga oras na parang normal lang sa trabaho. At nang dumating sa hapon ay bigla akong kinabahan ng makatanggap ako ng text mula kay Paris.

"I'll fetch you after work and we'll have dinner" - Paris.

Yon ang laman ng mensahe nito at nag reply nalang din ako.

"Ok".

Siguro ay mag tetext din yon mamaya kapag nasa basement na. Hindi naman niya siguro ipapahamak ang sarili niya kung aakyat talaga siya dito sa opisina at susunduin ako. Magkakaroon talaga ng malaking eskandalo! Kaya kampante akong nagtrabaho hanggang sa mag uwian na pero bago pa ako makapagligpit ng mga gamit ay nagkagulo na sa labas ng opisina. Nang tignan ko ay nanlaki ang mga mata ko. Si Paris naglalakad palapit sa akin! Kinakabahan man ay inignora ko lamang iyon. Pero iba talaga ang sadya niya.

"Are you done?," kaswal niyang tanong ng nasa harap na siya ng lamesa ko.

"Ah, oo. Pauwi na rin," nauutal kong sagot pabalik sa kanya.

Nahagip ko ang mga kasamahan kong palabas ng opisina na halos mabali na ang leeg sa kalilingon sa glass wall. Pati sina Ava at Gabe na nandito pa sa loob at nakatunganga napatingin sa amin. Nang tignan at lingunin sila ni Paris ay mabilis silang naglakad at di magkaundugaga sa pagligpit ng mga gamit.

"Shall we?", tanong niya ng humarap ulit sa akin.

"Uhm sige pagpaaalm lang ako kay Ava", sabi ko at pumunta sa mesa ng bruha.

"Mauna na muna ako, pasensya na di ko nasabi sa iyo," sabi ko kay Ava. Napatingin ako kay Gabe na halatang nakikinig. Ang baklang tsismosa na to!

"Ano ba okay lang, mag ingat kayo," malakas na sabi niya saka kinurot ang tagiliran ko.

"Magkwento ka mamaya o bukas gaga," pabulong na sabi niya sabay ngisi ng pag katamis tamis. Inirapan ko nalng siya ng palihim at pati na rin si Gabe.

"We're going," sabi ni Paris sa dalawa. Nginitian siya ng mga ito.

Nauna na akong maglakad sa kanya at sinadya ko talagang bilisan dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga empleyado.

"I know what you are doing," rinig kong sabi niya sa likod ko.

Hinawakan nila ang palapulsuhan ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak dito.

"Simula ngayon ganito na tayo, we will be seen by people," dagdag pa nito.

"Akala ko ba kapag nakatingin lang sila saka tayo umakting, wala sila dito," mariin at sakristo kong sabi,

"We should consider some factors, paano nila tayo paniniwalaan kung sa harap lang nila tayo ganito. Magdududa sila. Besides, if this will spread out and they heard that we got out. I know they will be happy, Both of our parents," mahabang litanya nito sa akin.

Nasa loob na kaming kotse ng magtanong siya kung saan kami kakain. Well baka dalhin ako nito sa kung saan niya pinag didine ang mga girlfriends niya.

"I'm not into fancy restaurants and hotels, okay na ako sa simpleng cafe lang," kaswal kong sagot sa kanya.

"Pero ikaw nag bahala ,wag lang sa masyadog mahal baka maubos ang savings ko," sabi ko pabalik sa kanya.

"I won't let a girl pay for a date," nakangisi baling niya rin sa akin.

"It's a pretend date," pagtatama ko sa sinabi niya.

Hindi nalang siya umimik at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Ipinarada niya ang kotse sa isang maliit ngunit eleganteng restaurant. Nauna na siyang lumabas at naglakad kaya sumunod nalang ako. Nilapitan agad siya ng waiter at kinausap.

"Table for two, De Luca," mabilis niyang sabi sa waiter at iginaya na kami sa aming lamesa.

Kalaunan ay umorder na rin kami at saka nagsimulang kumain. Pareho kaming tahimik na dalawa kaya medyo awkward at ang naririnig lang namin ay ang ingay ng mga kubyertos.

"My mother already heard the news with her eyes and ears, she's pleased of what we are doing now. I guess your parents too," lapag niya ng cellphone saka bumaling sa akin ng seryoso.

Tumango nalang ako bilang sagot. Wala na rin naman akong maiidudugtong sa kanyang sinabi.

"Wala bang magagalit na girlfrieds mo? Baka mamaya may biglang sumugod sa akin sa opisina o sa kung saan man ako. How would you date them?," tanong ko matapos ang mahabang katahimikan sa pahitan namin.

"Don't talk about other girls when we are together," medyo galit niyang sabi sa akin. Matalim niya pa akong tinitigan. Tinikom ko nalang ang bibig ko.

"I heard you don't have one boyfriend even now?," kuryoso niyang tanong habang nakataas ang kilay. Kumakain na ako ng dessert habang siya ay sumusimsim sa inorder niyang alak.

"Hindi ako intresado. Pagka graduate ko nagtrabaho agad ako para makatulong kina Mama at Papa, hindi kami mayaman kaya kailangan kong kumita ng pera. At saka wala akong panahon sa mga walang kwentang lalaki," deretsahan at walang pag alinlangan kong sagot sa kanya.

Napaubo siya bigla sa sinabi ko.

"Man hater," pabulong na sabi niya. Pero dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko iyon.

"Hindi naman, ayoko lang pumasok sa relasyon kung magsasayang lang din ako ng panahon sa kanya. It's not worth it," seryoso kong sagot saka tinitigan siya.

"How about you? Mukhang enjoy na enjoy mo ang pambabae," naitago ko ang irita sa gitna ng ngisi ko.

Malakas siyang humalakhak, na lahat ng tao dito ay napatingin sa amin. Napayuko na din ako dahil sa katabilan ng bibig ko. Minsan nasasapian ako ng espirito ni Ava!

"They flock on me so I just collect them," mayabang na sagot niya sa akin.

"Besides those girls know where they stand too. I give them what they want, they give me what I want. It's just casual nothing special," kampanteng dagdag niya pa.

"That's why I don't like men like you. So self-centered, akala mo greek god," pabulong na sabi ko sa huling salita.

"What did you say?," kunot noo niyang tanong sa akin.

"Nevermind," tipid kong sagot at binigyan siya ng ngiti.

"I will be busy tomorrow and the next day so I don't think we can have dinner or will be going out. Some other day maybe," imporma niya sa akin.

"Okay, no problem," simpleng sagot ko sa kanya.

At yon ang huling beses na nag usap kami sa araw na iyon. Hinatid niya ako pauwi at hanggang sa sumunod na araw ay komportable naman akong nagtrabaho maliban nalang sa dalawang asungot na makulit.

"Ano sis naghalikan ba kayo sa car?," excited na mukha ni Ava habang nagtatanong sa akin.

"Hindi! Bat naman namin gagawin yon? May importante lang kaming pinag usapan," mataray kong sagot dito.

"Ay! Ang hina pala ni Mr. De Luca!," nakangising komento nito.

"Baka naman nag chukchakan na agad?!," eksaheradang saad naman ng baklang katabi nito.

Nanlaki tuloy ang mata ko sa sinabi niya.

"Tumigil nga kayo dalawa, hindi kami naghalikan at hindi kami nagchukchakan gaya ng iniisip nyo. Nag usap lang kami okay?," medyo galit ko ng sabi sa kanilang dalawa.

"Ang kulit!," galit galitan kong irap sa dalawa.

Tumigil naman sila at sumimangot pa. Alam kong pinag tsismisan na ako ng mga kasamahan ko, pag pasok ko palang kanina pinagtitinginan na nila ako. Mga mapanghusga ang mga person na to.

Pero pagdating ng Miyerkules ay ginulat naman ako ng isang sikat na newspaper at ni Ava.

"Oh! Tignan mo to, may kahalikan na namng girl si Mr. De Luca sa isang bar! At sa isang sikat na model pa! Yan diba sarap ng kagat," sabi ni Ava na halos ingudngud na sa akin ang newspaper.

"Ano ba?! Huwag mo ipakain sa akin yang newspaper Ava hindi ako patay gutom! Akin na nga," sabay hablot ko sa kamay niya.

Picture lang naman ni Paris ito na may nakalingkis na na sikat na model sa kanya at naghahalikan sila. Kitang kita sa picture kong paano niya kinagat ang labi nito. May iba pang litrato na parang nagbubulungan sila at naghahagikhikan. Well, ano pa ba ang maasahan ko sa kanya. Once a playboy always a play boy! Malala na siya talaga.

Iniisip ko lang ang maging reaksyon ng mga magulang niya especially ng Mama niya pati na rin nina Papa at Mama kung nakita na nila ito. At ang mga tao dito sa Department na nakakita sa amin noong nakaraang araw. Dobleng panghuhusga naman ng mga person na ito! Baka isipin nila broken hearted ako dahil pinaglaruan ako ng Paris na yon!

"Di ka nahurt?," taas kilay na tanong ng isang to.

"Ba't ako mahuhurt? Hindi ko naman boyfriend yan," sagot ko sa kanya.

"Okay, sabi mo eh," sagot niya pabalik sa kanyang desk.

Sa totoo lang ay nakaka disappoint ang ginawa niya. Napag usapan na namin ito pero parang wala siyang pakialam. Bahala na siya sa mga gusto niyang gawin basta wag niya lang akong bigyan ng sakit ng ulo.

No woman wanted a man walking and waving a red flag. Maliban nalang kung malantod ka talaga. At tanga ka!

Hinayaan ko nalang lumipas iyon tutal wala na akong magagawa pa. Nagtrabaho nalang ako at kahit papano hindi narin sila nangulit pa. Hindi ko narin siya aasahan na magpapakita siya sa akin ngayon para magtanong o ano pa man. Umuwi ako ng bahay ng tahiimik at pati sina Mama at Papa ay hindi narin umimik pero ramdam ko na gusto nila magtanong o kausapin ako, pinigilan lang ang mga sarili.

Pumasok ang ng Department kinabukasan ng normal lang. Pero pagdating ng lunch time ay bumisita ang taong hindi inaasahan ng lahat.

"Lunch?," nakangising tanong niya habang papalapit sa akin.

Nagkatinginan kami at nakita ko si Ava na nakakunot noong tinigitan kami saka umirap ng matalim sa akin. Pagkatapos sabay na silang lumabas ni Gabe. Great! Iniwan na naman ako mag isa.

"Hindi pa ako tapos," kaswal kong sagot sa kanya.

"Okay, I'll wait when you finish then," sabi pa niya at umupo ng bahagya sa desk ko.

"Wala ka bang pinag kakaabalahan ngayon?," tanong ko sa kanya.

"I just want to have lunch with you and I will apologize sa kumalat na photos," kaswal na sabi niya. Tinapos ko nalang ang pagtitipa sa computer.

"Hindi na kailangan, ang sabi mo nga priority mo ang health ni Mr. De Luca pero ikaw din ata ang babali sa sinabi mo. Wag mo lang akong idamay kung sakaling maging kasalanan mo. Pumayag ako sa gusto mong ito dahil gusto kong mararecover si Tito at pati narin sa mga magulang ko pero kung ganito na parang wala ka ring pakialam, Mas mabuti tapusin na natin agad. Tutal, malulusotan mo rin naman yan," malamig kong sabi sabi sa kanya.

"I said I'm sorry, kinausap na ako nina Dad. Hindi ko na rin uulitin. I know I've been reckless," marahang sabi niya sa akin.

"Tapos pupunta ulit ng bar at makikipaghalikan?," asik kong sagot sa kanya.

"Hindi na, promise," taas ng kanag kamy niya pa. Pilyo pa ngumiti na parang bata.

Baka naman maniwala ako sayo Santo!

"O, sige na para hindi na ako pagtitinginan. Pagbalik ko dito ako naman ang hot topic sa buong building," nauna na akong lumabas ng pinto.

Ipinarada niya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Siya nalang ang pinaorder ko ng pagkain dahil ko alam ang mga nakalagay sa menu.

Kakaumpisa lang namin kumain ng may lumapit na seksing babae kay Paris. Kitang kita ko ang pagkinglis ng mga kamay niya sa balikay at sa dibdib nito.

"Got a new date Paris? By the way, thank you for the last time. You are amazing, I did not know you are so unstopable," she said smirking while looking at me.

Nakitaan ko ng talim ang ang paninitig niya sa akin. Binalewala ko lang iyon, anong bang paki ko sa kanya!

"Look Anne, uhm we are having lunch at this time. We can just talk when your path cross again. I am having a private moment with her," mariing sabi ni Paris dito.

Bahagyang namula ang pisngi ng babae, medyo napahiya sa inasal ni Santo! Wow! Medyo marunong na siyang umilag ah!

"Bathroom lang ako," paalam ko ng tapos na akong kumain ng main course.

Pagpasok ko ng cr ay dumireto na agad ako sa cubicle at pag labas ko ay naghugas na ng kamay. Napatingin ako sa katabi kong babee na nakakrus ang braso at nakataas ang kilay sa akin.

"Not bad for a pass time huh," komento nito. Tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Pardon Miss?," inosenteng tanong ko sa kanya pero alam ko na ang tinutukoy ng bruhang to.

"Well, goodluck nalang sayo after he used you. He will left you begging and crying. So enjoy your moment as of now, while the lime light is still yours," sakristo niyang sabi. Para bang maeenjoy niya kung matatakot niya ako.

"Sorry Miss, I don't compete on some cheap games with weak competitors. Don't worry, I will be the one will left him broken hearted. I'm a pro," sabay kindat ko sa kanya at lumabas.

Nakanganga ko siyang iniwan sa gilid.

Bumalik ako sa lamesa namin at naabutan kong may kausap sa cellphone. Nagpaalam agad ng nakaupo na ako.

"I'll call back later, thank you," agad niyang baba ng cellphone at humarap sa akin.

"You have a meeting? Bilisan nalang natin para makabalik ka kaagad," sabi ko sa kanya.

"Don't worry, mahaba pa ang oras natin. Let's just enjoy eating," simpleing sagot niya bago nagpatuloy.

Tumango nalang ako bilang pagsang ayon.

"Your girls are aggresive and jealous type," sabi ko habang tinitigan siya.

"My girls?," taas kilay niyang tanong sa akin pabalik.

"As of now, isang babae lang ang meron ako ngayon, nakakalimutan mo atang ikaw din yon," mataman niya akong tinitigan sa mata. Para bang hinihigop ako lagi nito.

"And she's not aggresive and jealous type. But atleast she's mine," dagdag pa niya.

Saka siya nag iwas ng tingin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Modern Ballad   Kabanata 18

    FeelingPagkatapos ng ilang sandaling pag-uusap ay nagpaalam na kaming umuwi. Masaya akong kahit papano ay nakasalamuha kami ng ibang tao sa isla. Payapa kaming pabalik habang yakap niya ako sa unahan at siya ang nagmamani obra ng yate. Masyadong malamig ang hangin na humahampas sa amin pero hindi alintana dahil sa katahimikan at masarap na tunog ng hampas ng alon.“I want us to stay like this forever. Peaceful and just the two of us. No problem," mahinang bulong niya sa tenga ko. Napapikit nalang ako sa mainit na hiningang dumampi sa leeg ko.“Maybe we can really have procede to the plan that you have huh?," patol ko sa sinabi niya.“I’ll make sure of that I want a big family," sagot niya sa akin.Nakatulog ako sa bisig niya ng hindi ko namamalayan. Naramdaman ako na lamang ang malambot na kama at bisig na nakapulupot sa akin. Hindi ko alam na nakauwi na kami at mahimbing siyang natutulog na katabi ko na. Masungit ang mukha kahit natutulog pero napakagwapo pa rin. Parang estatwa na n

  • Modern Ballad   Kabanata 17

    IslandWalang kapaguran niya akong inangkin ng inangkin buong magdamag. Himdi naman ako nag reklama kasi gusto ko rin pero hindi ko akalain na ganito pala talaga siya. Kung hindi pa kami hinamog at sobrang nilamig na ay hindi pa siya tapos sa akin. Feeling ko hindi na naman ako makakalakad neto! Nang makapasok na kami sa cabin ay akala ko magbibihis at matutulog na kami. Pero ang loko nakaisa pa kaya ayan tuloy tulog na tulog ako hanggang hapon.‘Wake up sleepyhead!," asar niyang sabi sa akin. Saka hialikan ako sa labi.Nanatiling nakapikit ako hahang sumasandal sa headboard ng kama niya. Habang siya ay walang pang itaas na nakaupo sa giilid ko at matamang nakatingin sa akin.“You should eat, I heard your stomach cruch earlier," dagdag na sabi saka isinubsob ang mukha sa tiyan ko.“Alis! Babangon na ako!," marahan kong tulak sa kanya baka kung saan na naman kami mapunta at baka tuluyan na akong magong PWD sa pinangagawa niya.‘Nakapagluto ka na?," tanong ko sa kanya.“Yup, we gonna e

  • Modern Ballad   Kabanata 16

    BonfireMataman niya akong tinitigan at hinihintay ang magiging sagot ko. Parang ano mang oras ay pagnagkamali ako ng sagot ay hindi niya magugustuhan.“Gusto mo ba talaga?," paniguradong tanong ko.“Yes, I‘m already in the right age, so as you are," sagot niya.“But if you are not ready by this time. We will be have him or her in the right time. When you are ready," dagdag niya saka ako hinalikan sa labi.Naligo lang kami saglit at nag aya na akong bumalik sa cabin para kahit papano ay makapagpahinga at masyado na ring mainit ang tama ng araw saka ang dampi ng tubig alat. Akala ko makapagpahinga na pero dala ng kapusukan ni Saint ay nauwi na naman kami sa kama. Dalawang beses niya rin akong inangkin at kung hindi pa ako nagreklamo sa kanya na pagod na ako ay wala siyang balak na tigilan ako. Nakatulog ako habang hinahalikan niya ako at nagising din ako ng pupugin niy ng halik ang mukha ko habang yakap yakap ako ng mahigpit.“Wake up, I don’t want you to miss the sunset and the sandbar

  • Modern Ballad   Kabanata 15

    CavePagkatapos marinig naming tatlo ang sinabi niya ay parang hindi na maitago ng dalawa ang kilig. Habang ako ay mas lalong nahiya at pulang pula na ang mukha. Hindi naman itong Saint na nakilala ng lahat ng tao. He is snob, ruthless, arrogant and full of himself. Malayo sa Saint na katabi ko ngayon na mabait, nakikisama at maalaga.“Uhm.. kumain ka ng sayo," mahinang sabi ko ng makabawi.“Okay as you said Boss Madame," nakangiting tugon niya bago sumubo ng pagkain.Mabagal naming ipinagpatuloy ang pagkain habang minsan ay napapahinto ako dahil bigla bigla nalang ako ang sinusubuan ng pagkain at walang pakialam sa paligid niya. May mga kilalalng bumabati sa kanya at may balak pa sanang kausapin siya pero agad ding ibinibalik ang atensyon sa akin.Mabuti at natapos din kami sa pagkain at nagdesisyon ng bumalik sa building, inihatid niya pa kami pero hindi ko akalain na pati ba naman sa loob ng opisina ay susunod at bubuntot na naman siya sa akin. Akala ko ay madami siyang trabaho sa

  • Modern Ballad   Kabanata 14

    Deep“Hi!” paunang bati ko sa kanya.Hindi ko alam kong bakit ako kinakabahan sa pagtawag na ito. Parang may paru-paro sa tiyan ko na hindi mapakali. Mariin ang titig niya sa screen na animo’y parang isasailalim ako sa expirmento.“Are you already in bed?," malalim niyang tanong. Ang katahimikan ng gabi ay dumagundong dahil sa lalaim ng boses niya.“Hmmnn.. oo kanina pa. Ikaw may mga gagawin ka pa ba ngayong gabi?," mahina kong tanong.“Wala na. I’ll just rest, papasok na ako bukas. Are you sleepy now?," sabi niya.“Hindi pa nama," sagot ko.“I wanna talk to you before the night ends. Pero kung inaantok ka na, you can sleep. I’m happy that I see your face before I close my eyes," marahan niyang sabi.“It’s okay, ano ang gusto mo pag usapan natin?," nakangiti kong tanong sa kanya.“Can I let you talk and just stare at your face?," sabi niya habang nakangiti sa akin ng pilyo.I rolled my eyes on him at saka bahagyang umirap. Alam kong namula ang mukha ko dahil uminit ang tenga ko sa sin

  • Modern Ballad   Kabanata 13

    Fallin'Wala akong ibang naramdaman kundi sakit ng katawan. Para akong nasagasaan ng isang malaking truck. We did it so many times, hindi ko na mabilang kong ilang beses yon. Nakatulog ako habang hinahalikan niya. Kung hindi pa siguro bumigay ang katawan ko ay hindi niya ako titigilan.He's a monster in bed!Nanlaki ang mga mata ko kung anong oras na. Inabot na ako ng hapon dito sa penthouse niya at baka ng dilim pa."Shit!Hinagilap ko ang cellphone sa gilid ng table at baka marami na akong text at tawag na natanggap. Nakahinga naman ako ng maluwag ng walang mensahe si Mama o Papa. Si Ava lang pero hindi ko na nireplyan.Binihisan niya rin naman ako pero ng gumalaw ako ay gusto kong sumigaw dahil sa sakit at hapdi sa baba ko!"Are you okay?," nagalala niyang sabi habang kapapasok niya lang sa kwarto.Napangiwi ako lalo ng gusto kong igalaw ang mga paa ko para sana ibaba sa kama."Don't move too much," dagdag na sabi niya."Kasalanan mo to' tignan mo hindi na ako makalakad ng maayos,"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status