Share

Chapter 2

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2024-07-09 02:45:03

Hindi na nagawang mag-ayos ni Emily sa sarili nang pumasok siya sa trabaho ilang minuto na lang ang natitira. Natatakot siyang ma-late lalo na't biglang inanunsiyo ng manager nila na kababalik lang daw ng bansa ang boss nila.

Gulat na gulat naman ang mga kaibigan niyang empleyado pagkarating niya kasi hindi ito nakapagpalit ng damit, magulo ang buhok, at namamaga ang mga mata.

"Mukhang napalaban ka yata kagabi. Anong nangyari sa 'yo at ganiyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong ni Luna at kumuha ng wet wipes para punasan ang mukha ng kaibigan niya.

"Kumusta ang anniversary niyo? Nag-propose na ba kaya ganiyan kamaga ang mga mata mo kasi naiiyak ka sa sobrang saya?" nakangiting tanong ni Tina at tiningnan ang kamay ni Emily. Kumunot ang noo niya nang napansing wala siyang singsing na nakita. "Hindi pa rin nag-propose? My God, Emily! Hiwalayan mo na lang kaya ang lalaking 'yan. Mukhang walang balak mag-settle down."

Napabuga ng hangin si Emily. "They betrayed me. May relasyon sina Ethan at Eunice," tamad niyang saad na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya.

"Ano?" sabay-sabay na tanong nina Luna at Tina sa kaniya.

"Mamaya na nga lang natin pag-usapan ang tungkol diyan. Heartbroken ako kaya ganito ang itsura ko." Tiningnan ni Emily ang mukha niya sa salamin. Napamura siya nang nakita kung gaano kamaga ang mga mata niya. Napakagat-labi siya nang naalala ang nangyari kagabi. Bumalik siya sa mga kaibigan niya at nagtanong, "May extra ba kayong damit diyan na pwede kong suotin? Baka mapagalitan ako ng manager natin kapag nakita niya ang suot ko."

"Meron ako," sagot ni Tina at mabilis na nagtungo sa table niya para kunin ang damit na ipapahiram niya kay Emily.

"Anong oras ba darating ang boss natin? Mabuti naman at nagkaroon na siya ng lakas para magpakita sa mga empleyado," saad ni Emily habang abala sa paglagay ng foundation sa mukha at leeg niya.

"Before ten daw," sagot ni Luna.

"Bihis muna ako. Baka maabotan ako ni Manager Norma na ganito ang suot ko," paalam ni Emily bago nagtungo sa banyo para magbihis.

Nakahinga ng maluwag si Emily pagkatapos niyang suotin ang corporate dress ni Tina. Tamang-tama lang ito sa katawan niya. Hindi maluwang at hindi rin masikip. Tiningnan niya ang sarili sa malaking salamin ng banyo. Kinapalan niya ang paglagay ng make up para lang hindi mahalata ang pamamaga ng mga mata niya.

Pagbalik niya sa table nila, hindi niya mapigilang makinig sa pinag-uusapan ng ibang mga empleyado. Curious silang lahat kung bakit ngayon lang naisipan ng boss nila ang magpakita. Ang lahat ay kinakabahan kasi may pagkaistrikto ito pagdating sa trabaho.

"Pangit siguro ang boss natin kaya ayaw niyang magpakita noon. Tapos baka nagparetoke siya ng mukha kaya siya magpapakita sa atin ngayon," natatawang saad ni Athena habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

"Baka mahiyain lang talaga siya. Imposibleng pangit ang boss natin, 'no. Ang gwapo kaya ni Sir Miguel. Maganda rin si Ma'am Caroline. So, gwapo ang anak nila," saad ni Carla bago niya binuksan ang kaniyang laptop.

Mabilis na nagsibalikan ang mga empleyado sa kani-kanilang mga table nang nakitang pumasok si Manager Norma. Nakabusangot ang mukha nito kaya mas lalo silang kinabahan.

"Ang aga-aga pa para pagchismisan na naman si Sir Marco!" sigaw ni Manager Norma at pinasadahan ng tingin ang paligid. "Submit all the reports before ten o'clock. Finish or unfinished. Submit it!"

Mabilis na binuksan ng mga empleyado ang kani-kanilang mga computers para i-submit ang hinihinging reports ni Manager Norma. Silang lahat ay inatasan ng iba't ibang gawain noong nakaraang linggo. Ang ibang empleyado ay problemado kasi marami pa silang hindi natatapos na mga reports.

Abala si Emily sa pag-re-review ng reports bago ito ipasa kay Manager Norma nang napansin niya ang pagdating ni Eunice. Kumuyom agad ang mga kamao niya nang nahuling nakatingin ito sa kaniya habang nakangisi. Parang mababali naman ang mga leeg nina Luna at Tina sa katititingin kay Eunice nang umupo ito sa table niya na nasa harapan ni Emily.

"At may gana ka pa talagang pumasok pagkatapos mong sirain ang relasyon namin?" sarkastikong tanong ni Emily sa kaibigan niya.

"Bakit? Bawal bang pumasok kasi nasira ko ang relasyon niyo?" nakangising saad ni Eunice. Proud na proud siya sa ginawa nilang pangloloko kay Emily.

"I*****k mo sa puke mo si Ethan!"

Tumikhim si Luna nang napansin niyang nakatingin na kina Emily at Eunice ang ibang mga empleyado. "Baka gusto niyong tumahimik muna."

Tumayo si Emily at naglakad patungong pantry. Doon niya inilabas ang lahat ng galit niya kay Eunice. Kumuha siya ng baso para magtimpla ng kape. Gusto niyang paligoan ng mainit na kape ang kaibigan niya para maibsan ang kalandian nito.

Nang kumalma na siya saka pa lang siya bumalik sa table niya. Napalingon siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang ilang mga empleyado sa iba't ibang departmento. Tumingin siya sa kaniyang relos. Napamura siya nang napansing malapit ng mag-alas diyes. Dali-dali niyang sinubmit ang reports sa manager nila.

"Let's all welcome the CEO of Montevallo Enterprises!" anunsiyo ni Manager Norma pagkapasok ng boss nila.

Gulat na gulat ang lahat nang nakita ang itsura ng boss nila. Hindi sila makapaniwalang may itsura pala ito kasi ang buong akala nila ay pangit ito kaya ayaw magpakita sa kanila. Laglag ang panga ng mga babaeng empleyado. Para silang na-love at first sight nang nakita ang binata kahit blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi mapigilan ng ilang mgs empleyado ang mapatili nang biglang ngumiti ang boss nila.

Tumayo si Emily upang silipin ang mukha ng kanilang boss. Nagtataka siya kung bakit kinikilig ang lahat. Pati mga kaibigan niya ay abot tainga ang ngiti.

Nanlaki ang mga mata niya nang nakita ang lalaking naka-one-night stand niya kagabi. Kumurap-kurap siya ng ilang beses baka namamalikmata lang siya. Ngunit preskong-presko pa sa isipan niya ang nangyari sa kanila. Nanigas siya sa kinatatayoan niya at pinagmasdan ang binata habang nakikipag-usap ito sa mga empleyado. Napalunok siya nang biglang nagtama ang mga paningin nila. Ang naka-one-night niya kagabi ay walang iba kundi si Marco Montevallo - ang kaniyang boss.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Last Chapter

    Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 110

    Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 109

    Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 108

    Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 107

    Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 106

    Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status