Montevallo Series No. 1: Marco Montevallo Pagkatapos ng isang masakit na pagtataksil, natagpuan ni Emily ang kanyang sarili sa piling ng isang estranghero na nagngangalang Marco. Hindi niya alam na ang estrangherong ito ay ang kanyang makapangyarihang boss. Sa paglipas ng mga araw, mas lalong gumugulo ang kanyang isip sa kung paano siya nito nakikilala nang lubos. At sa gitna ng lahat ng ito, isang panibagong sorpresa ang kanyang matutuklasan: siya ay buntis. Sino ba talaga si Marco Montevallo, at anong lihim ang bumabalot sa kanilang biglaang pagtatagpo?
View More"Mauuna na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ng boyfriend ko," kinikilig na saad ni Emily habang nililigpit ang mga gamit niya para umuwi at ipagdiwang ang ika-pitong taong anibersaryo nila ng boyfriend niyang si Ethan.
"Happy 7th Anniversary sa inyo. Kailan pala kayo magpapakasal? Ang tagal-tagal niyo na hindi pa rin siya nag-po-propose sa 'yo?" Palihim na isinilid ni Tina ang isang box ng condom sa bag ni Emily. "Kaya nga kailangan ko ng umuwi. Baka ngayon niya ako yayayaing magpakasal!" Hindi maitago ni Emily ang excitement habang iniisip si Ethan, nakaluhod ito sa harapan niya at hinihingi ang kamay niya upang isilid ang singsing. "Balitaan mo kami kapag nag-propose na si Ethan. Excited na kaming lahat na makita kayong ikasal!" saad ni Luna at sinundot-sundot ang tagiliran ni Emily. Dumaan muna si Emily sa paborito niyang salon para magpaganda. Gusto niyang surpresahin ang boyfriend niya. Isang linggo na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay nila dahil may seminar sila sa ibang lugar. Isang linggo na rin silang hindi nag-uusap ng boyfriend niya kaya namimiss niya na ito. Hindi niya maalis ang paningin niya sa relong binili niya para kay Ethan habang nilalagyan siya ng nail extensions. Abot langit ang ngiti niya sa kaiisip kung ano ang mangyayari mamaya pag-uwi niya. Pagkatapos niyang ayosan, sinuot niya na agad ang binili niyang pulang dress noong isang araw. Pumara siya ng taxi pauwi sa bahay nila ni Ethan. Halos ayaw niyang bitawan ang paper bag dahil natatakot siyang mahulog ito at masira ang regalo na para sa boyfriend niya. Huminga siya ng malalim nang nasa tapat na siya ng bahay nila. Maingat siyang naglalakad sa pathway dahil natatakot siyang matapilok. Hinawakan niya ang pintuan. Ngumiti siya nang napagtantong bukas ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. "I'm home, Babe. I miss you so -" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bumungad sa kaniya sina Ethan at Eunice na naghahalikan. Nabitawan niya ang paper bag sa sobrang gulat ng nasaksihan niya ang pagtataksil nila. "Babe, let me explain," kinakabahang saad ni Ethan at itinulak papalayo si Eunice. Nanlalambot ang tuhod ni Emily. Napaupo siya sa sahig habang tinititigan ang matalik niyang kaibigan na nag-aayos ng sarili. Niyakap siya ni Ethan at paulit-ulit itong humihingi ng kapatawaran. Itinulak niya papalayo si Ethan at sinugod si Eunice. "Mang-aagaw! Wala kang utang na loob! Pinatira kita rito dahil wala kang matutuloyan! Kaibigan kita pero sinulot mo ang boyfriend ko!" galit na sigaw niya habang pinagsasampal at sinasabunotan ng buhok si Eunice. "Babe, magpapaliwanag kami," sabi ni Ethan at pilit na inilalayo si Emily sa kaibigan nito. Bumagsak ang mga luha ni Emily. Hindi siya makapaniwala na may relasyon ang boyfriend niya at ang kaibigan niya. "Magpapaliwanag kayo? Para saan pa, Ethan? Nahuli ko na kayo! Niloko ninyo ako! Mga hayop kayo!" Pinagpapalo niya si Ethan at pinagsisipa. "Bakit sa kaibigan ko pa? Bakit siya pa ang pinatulan mo, Ethan? Ano ba ang meron sa kaibigan ko na wala sa akin? Ibinibigay ko naman ang lahat ng mga pangangailangan mo. Bakit mo ako nagawang lokohin nang ganoon kadali? Bakit si Eunice pa?" Ngumisi si Eunice nang natapos na siyang mag-ayos sa sarili. Lumapit siya sa kaibigan niya. "Sigurado ka ba, Emily, na naibigay mo na lahat-lahat sa kaniya?" "Eunice," saway ni Ethan pero hindi ito nagpatinag. "Kahit kailan, hindi siya magiging masaya sa feeling mo dahil hindi mo kayang ibigay ang gusto niya, Emily. Pitong taon na kayo pero hindi mo kayang ibigay ang sarili mo sa kaniya?" "Tama na, Eunice. Umalis ka na lang. Mag-uusap kami ni Emily," saad ni Ethan at itinulak ito papalayo. "Hinding-hindi ako aalis dito, Ethan. Total, nalaman niya na ang tungkol sa relasyon natin. Bakit hindi na lang natin ipagpatuloy?" Hinawakan ni Eunice ang batok ni Ethan at siniil ito ng halik. Napasinghap si Emily at napahawak sa dibdib niya. Para siyang aatakihin sa puso sa sobrang sakit ng nasaksihan niya. "W-We're done," saad niya kahit nahihirapan siyang ibuka ang bibig niya. Napapikit siya habang inaalala ang mga pinagdaanan nila. "Emily, let's talk. Patawarin mo ako. Nadala lang ako dahil -" Napahawak si Ethan sa pisngi niya nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Emily. "Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?" namamaos na tanong niya. "Tapos na tayo, Ethan!" galit na singhal niya bago tinalikuran ang boyfriend niya. "Emily!" sambit ni Ethan at sinubokan niya itong habolin, pero mabilis siyang pinigilan ni Eunice. "Leave me alone asshole! Magsama kayo ng babae mo!" Tumakbo si Emily papasok sa kwarto niya upang kunin ang susi ng kaniyang kotse. "Emily, mag-usap tayo, please. Huwag mo naman akong iwan dahil lang sa isang pagkakamaling nagawa ko," pagmamakaawa ni Ethan nang buhayin ng dalaga ang makina ng kotse nito. Pumagitna ito sa daan at lumuhod. "Aalis ka ba riyan o sasagasaan kita?!" pagbabanta ng dalaga. Hinila ni Eunice ang binata at niyakap ito ng mahigpit. "Pabayaan mo siya, Ethan! Nandito naman ako. Ito rin naman ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ng dalaga nang itulak siya papalayo nito. "Leave us alone, Eunice!" galit na singhal ng binata, ngunit parang bingi ang dalaga. Niyakap siya uli nito kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ni Eunice. Padabog na isinara ni Emily ang pinto ng sasakyan pagdating niya sa isa sa pinakapaborito niyang exclusive bar. Tiningnan niya ang sarili sa salamin bago tuloyang pumasok sa loob para magsaya at maghanap ng taong makakaalis ng sakit na nararamdaman niya. Pagpasok niya sa loob ng bar, umorder siya agad ng alak. She's broken. Gusto niyang magpakalasing. Gusto niyang makalimutan ang nangyari sa bahay nila kahit panandalian lang. Napasinghap siya nang nagsimula na namang magsilabasan ang mga luha niya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa nina Ethan at Eunice. Dahil lang sa hindi niya kayang ibigay kay Ethan ang sarili niya, pumatol ito sa best friend niya. Mahigit isang oras na siyang umiinom ng alak, pero pakiramdam niya hindi pa rin siya nalalasing. "You look like a mess," saad ng matipunong lalaki at tumabi kay Emily. Sinalinan niya ng alak ang baso ng dalaga. Kinuha ni Emily ang bote ng alak at inubos ang laman nito. Gulat namang napatitig ang binata sa ginawa ng dalaga. "Are you single? If yes, then take my virginity," she said as she grabbed two glasses of vodka and drank them. "My boyfriend and my best friend have a relationship. They betrayed me -" Emily's words were cut off as she was pulled towards the man, and he kissed her. Napabalikwas ng bangon si Emily kinaumagahan nang nakita niyang nakayakap ang binata sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang kanilang mga sarili. Napahawak siya sa ulo niya nang naalala ang ginawa niya kagabi kasama ang lalaking ngayon niya lang nakita. Ang bilis niyang naisuko ang sarili niya sa estranghero kesa ibigay ito sa long time boyfriend niya. Maingat niyang pinulot ang mga gamit niya sa sahig at mabilis na nagbihis para makaalis na siya. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inilagay ito sa ibabaw ng bedside table. "Thank you for the good sex," bulong niya sa tainga ng lalaki kahit namimilipit pa siya sa sakit ng pagkababae niya. Nagmulat ng mata ang binata nang napansin niyang lumabas na ng kwarto si Emily. Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ng dalaga. Umahon siya sa kama at dinial ang numero ng sekretarya niya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang nakita ang perang iniwan ng dalaga sa ibabaw ng bedside table. "Gather all the employees. I'll be there before ten," utos niya sa kaniyang sekretarya bago ibaba ang tawag. Dumapo ang paningin niya sa blood stained. Napakagat-labi siya nang naalala ang malakas na pag-ungol ng dalaga. Gusto niya itong makita. Hindi siya papayag na iiwan lang siya ng ganoon ng dalaga matapos itong ma-satisfied sa sex performance niya.Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments