"Ayos ka lang ba?" tanong ni Luna kay Emily nang napansing tahimik ito habang kumakain sila ng pananghalian sa pantry.
"Ikwento mo na lang kaya sa amin kung paano mo nalaman na may relasyon silang dalawa," pagpaparinig ni Tina nang nakitang dumaan si Eunice sa harapan nila. "Huwag dito, Luna," saway ni Emily. Kahit ganoon ang ginawa ng matalik niyang kaibigan, ayaw niya pa rin itong ipahiya sa maraming tao. Ilang taon niya rin kasi itong nakasama. At sa mahabang taon ng pinagsamahan nila, hindi niya man lang napansin na may relasyon ang boyfriend at best friend niya. "Emily..." Nabitawan ng dalaga ang hawak niyang kubyertos nang narinig niya ang boses ni Ethan. Tumayo ang dalaga at hinarap ang binata. Ngumisi siya nang nakitang may dala itong bulaklak. "Anong ginagawa mo rito?" kaswal na tanong niya. Napasinghap siya nang napansin ang paglingon ng ilang empleyado sa kanila. "Pakinggan mo naman ako, please..." pagmamakaawa ng binata. Kinrus ni Emily ang mga braso niya. "Para saan pa, Ethan? Umalis ka na rito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya," pagbabanta niya, pero hindi nagpatinag ang binata. "Mag-usap muna tayo. Bigyan mo ako ng kahit sampung minuto lang -" "May trabaho pa ako," sabi ng dalaga. Niligpit niya ang kaniyang mga gamit. Humakbang papalapit si Ethan sa kaniya kaya napahinto ang dalaga sa ginagawa niya. Hindi na rin ipinagpatuloy ng mga kaibigan ni Emily ang pagkain kasi nakuha ni Ethan ang mg atensiyon nila. Galit din sila kasi niloko nito ang kaibigan nila. "Miss Emily Ford, pinapatawag po kayo ni Sir Marco," anunsiyo ng isang empleyado na kapapasok lang sa pantry. Nasapo ni Emily ang noo niya nang naalala ang nangyari kagabi kasama ang boss niya. Napakagat-labi siya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa niya kanina bago ito umalis sa kwarto ng binata. Iniwan niya pa ito ng pera. Wala siyang ibang choice kundi puntahan ang boss niya para na rin maiwasan si Ethan. Mas gugustohin niya pang puntahan ang boss niya kesa harapin ang lalaking nangloko sa kaniya. Huminga muna ng malalim si Emily pagdating niya sa labas ng opisina ng kanilang boss. Pinagpapawisan siya sa sobrang kaba kahit malakas naman ang aircon. "Hindi niya sana ako mamukmahaan," bulong niya sa sarili habang nagpupunas ng pawis. "Pasok po kayo, Ma'am Em," saad ng janitor na si Junjun nang nakita nitong nakatayo ang dalaga sa labas. "Nandiyan ba sa loob ang boss natin?" tanong ng dalaga at sumilip sa loob. "Yes, Ma'am." Bumilang muna siya ng lima bago pumasok sa loob. She's still wondering kung bakit siya pinatawag ng boss nila. Kung tungkol ito sa reports na kinolekta ng manager nila kanina, sigurado naman siya na natapos niya ang trabaho niya bago ang deadline. "Good afternoon, Sir," kinakabahang bati ng dalaga pagkapasok niya sa loob at nanatiling nakayuko. "Good afternoon, Miss Emily," bati naman ng binata na siyang nagpatindig sa balahibo ng dalaga. Tumayo ang binata at umupo sa mesa. Pinagmasdan niya ang kabuohan ng dalaga. Gusto niyang matawa nang naalala ang ginawa nito kanina. "I didn't know that you're one of my top employees." Nanigas ang dalaga sa kinatatayoan niya. Hindi siya makatingin sa binata kasi nahihiya siya. Nanunuyo rin ang lalamunan niya sa sobrang kaba. "Pinatawag kita rito kasi may ibabalik ako sa 'yo," saad ng binata at kinuha ang perang ibinigay ni Emily sa kaniya kanina. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Emily sa binata. Nagtataka ito kung ano ang isasauli ng binata sa kaniya kasi wala siyang maalala na may hiniram ito sa kaniya. Humakbang papalapit ang binata kay Emily, dahilan kaya mas lalong nakaramdam ng kaba ang dalaga. "I'll return this money," ani ng binata at ipinakita ang perang iniwan ni Emily bago ito lumabas ng kwarto kaninang umaga. Kinuha niya ang kamay ng dalaga para ibinalik ang pera. "I'm not a prostitute. I'm your boss, Emily Ford," bulong ng binata na siyang nagpatindig ng balahibo ng dalaga. Nanlalamig ang buong katawan ng dalaga nang lumabas siya sa opisina hawak-hawak ang isinauling pera ng binata. Hiyang-hiya siya sa boss niya kasi naibigay niya ang sarili rito. Pakiramdam niya pinandidirian siya nito kasi nakipag-one-night stand. "Anong nangyari sa mukha mo? Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa," bungad na tanong ni Tina sa dalaga habang sumisimsim ito ng milk tea. "May mali ba sa trabaho mo kaya ka pinatawag? Imposibleng magkakamali ka sa trabaho mo kasi isa ka sa pinakamagaling dito!" dagdag pa ni Tina. Pagod na umupo si Emily sa upoan niya at ipinikit ang mga mata. "Gusto ko ng umuwi. Maghahanap pa ako ng malilipatan mamaya," sabi ni Emily imbes sagotin ang tanong ng kaibigan niya. "'Yan lang ba ang pinoproblema mo? Welcome na welcome ka sa condo ko." Kumunot ang noo ni Tina nang naisip kung bakit ito naghahanap ng malilipatan. "Aalis ka sa bahay mo at hahayaan mong tumira ang mga taksil na 'yon doon? Wow, Emily! Ang bait-bait mo naman. Bahay mo 'yon, 'di ba? Tapos ibang tao ang makikinabang?" "Tina, baka may makarinig sa 'yo," saway ng dalaga. Lumingon siya sa table ni Eunice. Hindi niya ito nakita. "Kumukulo ang dugo ko kanina nang nakita ko ang lalaking 'yon! Sinayang niya ang pitong taon -" "Tina," may pagbabanta na ang boses ni Emily. "Mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol dito." "Anong problema, Em? Bakit ka pinatawag ni Sir Marco?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niyang si Luna pagkabalik nito galing banyo. "Wala naman. Gusto niya lang makilala ang mga top employees ng kompanya," pagsisinungaling ng dalaga. "Bakit hindi niya kami pinatawag?" Curious na tanong ni Tina. Napakagat-labi ang dalaga. "Hindi ko alam..." Nangangapa siya ng isasagot. "Baka bukas ipapatawag niya kayo. May ginagawa kasi siya sa opisina niya." Nagpaalam si Emily sa manager nila na uuwi siya ng maaga ngayong araw kasi may aayosin siya sa bahay nila. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan lalo na't!napaka-personal ng dahilan niya. Dahil isa si Emily sa mga empleyado na nakatapos sa pinapagawang trabaho, pinayagan siya agad. Papasok na siya ng elevator nang nakita niya ang kaniyang boss. Dali-dali niyang isinara ang elevator para hindi siya maabotan. Ngunit hindi niya nagawa kasi may sumakay na empleyado. Napapikit na lang siya nang nakitang pumasok ang boss nila. "Good afternoon, Sir Marco," bati ng mga empleyado sa loob ng elevator. Ngumiti lang ang binatang boss nila at tumabi ito kay Emily. Palihim na tinitingnan ni Marco ang dalaga. Nakayuko lang ito at walang balak na lingonin niya. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado. Tumikhim ang binata nang napansing silang dalawa na lang ang natitira. "Small world," he whispered. Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Ayaw niyang tingnan ang binata kasi nahihiya pa rin siya. Hindi siya makapaniwalang naalala siya nito. Humugot si Emily ng malamim na hinga bago nag-angat ng tingin. "Kung ano man ang nangyari kagabi, kalimutan na lang natin 'yon. Pareho tayong nakainom kagabi," kaswal na saad ng dalaga. "Ano pala ang nangyari kagabi?" Napalunok si Emily at napatitig ng ilang segundo sa binata. "W-Wala naman," nauutal niyang sagot at agad na lumabas ng elevator nang bumukas ito.Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi