Share

CHAPTER 5

“Ayla? May kailangan kaba?” tanong ni Aster pagkapasok ni Ayla sa kaniyang kwarto, habang nakatingin sa kwaderno na sinusulatan niya ng mga schedules niya sa araw-araw.

“About your perfume? Where did you buy it?” tanong ni Ayla agad pagkapasok pa lang niya sa kwarto ni Aster.

“Perfume? What perfume are you talking about?” takang tanong ni Aster.

“Strange, I can`t smell it from you anymore. Can I look at the ones you have here?” Naguguluhang sabi ni Ayla kaya pumunta siya sa vanity table ni Aster at inisa isang tiningnan ang mga pabango pero wala doon ang hinahanap niya.

“I took a very quick shower maybe that`s the reason why you can`t smell it on me anymore. I`ve visited the flower shop this afternoon before I went here, maybe you smelled the flowers on me.”

“Awwww. That`s a little disappointing.” Malungkot na saad ni Ayla.

“Is that all what you came here for?” tanong ni Aster habang nililigpit na ang kwaderno na binabasa niya kanina.

“Say Aster, how did you know that Alpha Aidan is your mate? Do you have some connections like what Mom and Dad has?”

Napatigil bigla si Aster sa kaniyang ginagawa at napatingin kay Ayla. Only a few people know about their secret or is it really a secret? That, she doesn’t know.

“Ayla, Aidan is not my mate. We simply fell in love with each other during our darkest moments in life. In each others arms, we found strength and happiness.”

Ayla was confused. Alpha`s are sure to have their mate. As long as she can remember, there has been no Alpha that is mateless. All werewolves start to feel their mates when they turn 21 years old. Why is an Alpha like Aidan didn’t find his?

How about her sister? What will happen to her mate if she`s going to be marked by another werewolf? This questions are running inside Ayla`s mind. She has to ask her sister.

“Did she die?”

The only possible answer why Aidan still hadn’t found his mate yet is if she died or he rejected her and cut their bond or vice versa.

“No one knows Ayla. Aidan said that after turning 21, he couldn’t feel even the slightest connection to his mate. He`s 25 now and still couldn’t find her, he has given up and choose his responsibility for the time being. You know that no matter how strong the Alpha is, a pack without a Luna is still weak.”

“What about you? Anong nangyari sa mate mo?”

Bigla na lamang tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ni Aster. Akala niya ay kaya na niyang pag usapan ang kaniyang mate na hindi tumutulo ang kaniyang luha. Hindi pa pala.

“I`m sorry. I shouldn’t have asked you that. Wag mo na sagutin, lalabas na ako.” Natatarantang hingi na patawad ni Ayla habang tatalikod na sana para lumabas pero pinigilan siya ni Aster.

“It`s okay Ayla. Come here, sit with me,” aya sa kaniya ni Aster na umupo sa kama. Sinunod naman niya ito.

“When I turned 21, I started to work as Aidan`s secretary. I found my mate when I first joined the meeting together with the division commanders. He was one of them. We were supposed to talk about our bond and connection but we were so dedicated to our work. We decided to talk once he gets back on his mission to rescue some children who were kidnapped by the rogues, but he died while protecting the children and his members, just like what a commander should do. For years, Aidan and I were like empty shells. It was not easy but we managed to help each other. We are each other`s strength. Now, finally, we will become one. He gave me a second chance in life, I will spend it with him until the day I die.”

Tinitingnang mabuti ni Ayla ang kaniyang kapatid habang nag kukwento ito. Halata man sa boses nito na andoon pa rin ang sakit kapag napag uusapan ang namatay na mate nito pero nakikita naman niya ang saya sa mukha nito kapag naiiisip si Aidan. Pero hanggang kailan? Paano pag buhay ang mate ni Aidan? Paano ang ate niya at paano yung babae?

“Ate ayokong ako ang magtanong nito pero mas mabuti nang sa akin galing kesa sa iba. Paano pag dumating bigla ang mate ni Alpha Aidan? Paano ka at anong mangyayari dun sa babae?”

Ayaw man niyang itanong ito sa kaniyang kapatid pero kailangan. Hindi kagaya ni Aster, hindi pa sigurado kung patay na nga ba ang mate ni Alpha Aidan. Hanggat maaga pa, dapat may solusyon na sila. Pero ano nga bang dapat gawin? Kahit siya ay walang maisagot. Wala nga ba? O ayaw lang niyang ilabas ang natatanging paraan na alam niya.

May mga panahon na may mga werewolf na pinuputol ang bond o nire reject ang kanilang mate. Hindi na ito bago. Pero sa kaso ni Aidan, hindi madali iyon. Alphas have a very strong bond with their Luna, hindi bastang reject o pagputol lang ng bond ang mangyayari.

Hindi kagaya ng mga ordinaryong werewolf, hindi maihahalintulad na sakit ang mararamdaman ng Alpha at kaniyang mate kapag naisipan nilang putulin ang kanilang bond at e reject ang isat-isa.

Matagal na panahon na iyon at nabasa lamang niya sa libro. Sabi doon, may isang Alpha na pinutol ang kaniyang bond at ni reject ang kaniyang mate. Dahil sa di makayanan ang sobrang sakit, namatay ang babae. Sabi doon, kung sino ang pinaka mahina ang siyang mamamatay.

Hindi lamang duon nag tatapos ang sakit na naranasan nung Alpha. Dahil ginalaw niya ang tadhana na gawa ng Moon Goddess ay pinarusahan siya nito. Parusang habang buhay niyang dadalhin, pusong kahit kailan ay hindi na maghihilom at utak na hanggang sa kamatayan ay hindi malilimutan ang babaeng minsang nakatadhana sa kaniya.

“As of now wala akong sagot sa tanong na iyan dahil kahit ako Ayla, hindi alam ang gagawin. I guess I`ll just cross the bridge when we get there.” Nakangiting may bahid na lungkot na sagot ng kaniyang Ate.

“Malapit kanang mag 21, nalagay pa sa araw ng kasal namin ni Aidan. Double celebration. Sana lang hindi ka magaya sa akin. Ayokong pag daanan mo ang sakit na napag daanan ko. Tama na muna ang mga sakit na naranasan mo dahil sa mga sakripisyong ginawa mo para sa pamilya natin.”

Pagkatapos magsalita ay niyakap ni Aster ng napaka higpit si Ayla. Pagkatapos noon ay nag paalam na sila sa isat-isa para makapag pahinga na din.

Pagkalabas ni Ayla sa kwarto ni Aster ay didiretso na sana siya agad sa kaniyang kwarto pero napatigil siyang bigla ng maamoy na naman niya yung pabangong hinahanap niya. Tumigil siya bigla sa balkonahe para tingnan ang mga tao sa sala pero napa atras siyang bigla nang makitang naka tingin sa kaniya si Aidan.

Hindi niya alam kung bakit ang bilis na lamang ng tibok ng kaniyang puso.

“Baka sa gulat lang to. Breath In. Breath Out.” Alo niya sa kaniyang sarili habang dahan dahang mina massage ang kaniyang dibdib at naglalakad papunta sa kaniyang kwarto at nahiga sa kama.

Nang maramdaman ni Ayla ang ginhawang dala ng kaniyang higaan ay nilamon na siya ng kaniyang antok.

Kinabukasan, maagang nagising si Ayla para mag libot sa sentro ng Wolvendom na matagal-tagal na din niyang hindi nagagawa. Pag alis niya sa kanilang tahanan ay tulog pa ang lahat ng kaniyang mga kasama maliban na lamang sa kanilang mga katulong na nag sisimula na sa kanilang mga trabaho.

Medyo may kalayuan ang sentro ng Wolvendom sa kanilang tahanan. Alas kwatro ng madaling araw siyang umalis at ayun sa malaking clock tower na nasa gitna ng plaza ay mag aala sais na ng umaga. Halos dalawang oras din pala ang ginugol niya sa paglalakad para lang maka punta sa sentro ng Wolvendom.

Maaga pa lamang pero ang mga tao na nasa Plaza de Ciel, kung tawagin, ay masigla at halatang maganda ang simula ng kanilang araw. Una niyang ginawa ay pumunta siya sa isang malapit na kainan para mag agahan. Pagkapasok pa lamang niya ay nahalina na kaagad siya sa amoy ng kapeng sa Amaruq lamang niya natitikman.

Pumunta siya sa isang bakanteng lamesa na malapit sa bintana kung saan kitang kita niya ang bawat taong dumadaan. Di naman nagtagal ay may lumapit sa kaniya para ibigay sa kaniya ang menu at kunin ang kaniyang order. Pinili niya ang paborito niyang kape at croissant. Masarap ang fried rice nila pero parang ayaw munang tumanggap ng kanin ang tiyan niya ngayong umaga.

Pagka alis nung serbidor para gawin ang kaniyang pagkain ay tumingin siya ulit sa bintana at masayang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Ganito ang gusto niyang makita sa paligid kapag pumupunta siya sa mga mataong lugar. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa niya lahat ng makakaya niya base sa kaniyang trabaho. Gusto niyang panatilihin ang kapayapaan na nag dadala ng ngiti at saya sa kanilang nasasakupan.

“Salamat po sa paghihintay. Ito na po ang pagkain nyo…Head Commander Dierksheide?! Ikaw pala yan. Magandang umaga.”

Napatingin bigla si Ayla sa babaeng nagdala ng kaniyang pagkain at kalaunan ay napangiti dahil sa galak na may halong pag tataka.

“Chelsea?! Anong ginagawa mo dito sa Wolvendom?”

“Lumalago na kasi ang munting kainan ko sa Amaruq kaya ito, nagpatayo ako ng branch dito sa Wolvendom. Kakabukas lang nito noong isang linggo pa lang. Masaya ng ako at nagustuhan nila ang mga pagkain namin.” Mahabang paliwanag ni Chelsea na halatang masaya at proud sa naging resulta ng kaniyang negosyo. “Sige, maiwan muna kita at marami na ang tao. I hope you enjoy your breakfast.” Bago umalis ay binigayan muna siya nito ng matamis na ngiti.

“I will. Thank you Chelsea.”

 Maganda ang naging simula ng umaga ni Ayla. Pagkatapos niyang kumain ng agahan ay nag libot na siya sa Plaza de Ciel. Pumasok sa ibat- ibang shops at tinikman ang mga pag kain na sa Wolvendom lang niya nakikita. Binisita rin niya ang kilalang weapon shop sa Wolvendom kung saan niya nabili ang kaniyang Katana noong huling uwi niya dito. Huling pinuntahan niya ay ang Parke kung saan maraming bata ang masayang nag lalaro.

Iba ang dalang saya sa kanya kapag nakakakita ng mga batang ganito ka saya. Mas ginaganahan siyang galingan ang kaniyang pag ta trabaho mapanatili lang ang saya sa mga mukha nito.

Hindi namalayan ni Ayla ang oras, kung hindi pa tumunog ang Clock Tower ay hindi niya malalaman na alas dose na pala nang tanghali. Kailangan na niyang umuwi. Hindi rin kasi siya nagpaalam na aalis siya at nakalimutan din niyang sabihin sa kanilang mga katulong kung saan siya pupunta.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status